Bam~~~~!
Isang pagsabog ang maririnig sa soul-dimension, at tila ba niyayanig nito ang pisikal na mundo.
Isang lilang God's Eye ang napuno ng layuning makipaglaban, at napapalibutan ito ng isang iskarlet na Wind Lightning.
Ang kapangyarihan nito ay kayang maapektuhan ang pisikal na mundo.
Sa kabilang panig ay ang itim na Eyes of Death, na nagpakita ng senyas ng pagiging hindi mapakali at gulat sa unang beses.
Ang Eyes of Death ay hindi talaga nagpakita dito, konektado lamang ito sa isang lugar gamit ang mga Tokens of Death. Kahit na nagagamit nila ang Gaze of Death, wala naman silang espesyalisasyon sa "malapitang labanan" sa iba pang mga god eye.
Boom!
Isang lilang God's Eye ang agad na pinangamba ang mga itim na mata matapos itong sumugod rito.
"Sutil… Hahayaan kitang manalo ngayon," ang imahe ng mga mata ay nagsimulang umikot at naging isang maliit na itim na tuldok na lamang.
Ang Gaze of Death ay gumagamit ng napakaraming enerhiya, at ang Emperor of Death ay hindi pa tuluyang gumagaling sa huling pagkakataon na ginamit niya ito. Matapos kaharapin ang atake ni Zhao Feng, alam ng Emperor of Death na hindi niya mapapatay ngayon si Zhao Feng, kung kaya mas mabuting tumakas muna siya at maglaan ng enerhiya.
Shua!
Ang Eyes of Death ay naging isang maliit na itim na tuldok na nilunok lamang ng atake ng lilang God's Eyes.
Boom~~~
Ang orihinal na lokasyon ng Eyes of Death ay napalitan ng isang malaking lilang God's Eye, at napapalibutan ito ng isang umaatungal na iskarlet na Wind Lightning.
Sa pagkakataong iyon, ang Eye Intent ni Zhao Feng ay hindi hihina sa Void God Realm Emperors, at naglalaman ito ng isang napakamakapangyarihang momentum.
Whoosh!
Ang Eyes of Death ay nawala, at nag-iwan ito ng iilang mga itim na usok.
"Mabilis agad siyang nakatakbo," nagpakita ng isang kakaibang ekspresyon ang lilang God's Eye.
Sa huli, nang kaharapin ang atake ni Zhao Feng, ang Emperor of Death ay tumakas na, upang mabawasan ang kanyang pagkabigo. Kahit na agad siyang nakatakas, bahagyang sugatan pa rin ito, at ang kapalit ng kanyang ginawa ay higit na mas malaki kaysa sa noong kinaharap niya si Emperor Mu Yun.
"Ang Emperor, siya…." Ang ekpresyong ng mga natitirang siyam na Death Guards ay namutla, at napadura sila ng dugo bilang epekto sa nangyaring sagupaan ngayon.
Booom!
Ang lilang God's Eye ay nagpadala ng isang nakagugulat na Eye Intent patungo sa siyam na Death Guards na siyang agarang sumira sa kanilang mga kaluluwa.
"Arghhh!" Ang siyam na Death Guards ay namatay sa isang tingin lamang.
Ang kulay lilang God's Eye ay nabuo mula sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at sa kanyang "Yuan Soul". Sa ganitong estado, ang battle-power ni Zhao Feng ay napakalakas, at nagtutugma talaga sila ng kalangitan at kalupaan.
Siiiii!
Ang batang Demigod at ang Skeletal Division Leader ay parehong huminga nang malamig. Ang Yuan Souls ng mga normal na hari ay kaya lamang tumakbo o kaya gumawa ng simpleng gawain. Hindi talaga sila lumalaban, samantalang ang kay Zhao Feng naman ay napakagaling sa labanan.
Shua!
Ang lilang God's Eye ay naglaho sa kalangitan at bumalik na sa katawan ni Zhao Feng.
Hu~~
Nagsimula na namang gumalaw ang katawan ni Zhao Feng, at ang kanyang kaliwang mata at kulay ng kanyang buhok ay unti-unti nang nagiging lila.
Napagtanto ni Zhao Feng na nababalutan siya ng malamig na pawis nang makabalik na siya sa kanyang katawan. Ang laban ngayon ay napakadelikado. Sa kabutihang palad, hindi naman ito dahil sa Emperor of Death, at wala rin naman ito sa kanyang pinakamataas na antas. Ang paggamit ng Gaze of Death ay gumagamit ng napakaraming enerhiya, at marami pa itong paiba-ibang limitasyon.
"Kailangan na naman ng Emperor of Death ng isa pang buwan o dalawa para manumbalik muli ang kanyang lakas," kumislap ang mga mata ni Zhao Feng nang magsimula na siyang mag-isip.
Dahil natalo ang Eyes of Death, ang laban ay natapos na.
Ang Dark Soul King ay natalo hanggang sa mawasak ito, pero nakatakas pa rin siya kasama ang parte ng kanyang kaluluwa nang magpakita ang Gaze of Death.
Ang pisikal na katawan ng Yin Yang Lord ay nagiba, at ang kanyang Yuan Soul ay tumakbo nang makita na ang sitwasyon ay hindi maganda.
Kahit na ang dalawang Death Spirit Lords ay niligtas ang kanilang buhay, kung gusto nilang makabuo muli ng isang pisikal na katawan o kaya magnakaw sa iba para manumbalik ang kanilang lakas, aabot pa ito ng ilang taon, o higit pa sa isang dosena.
Pagkatapos ng labang ito, sina Zhao Feng, ang batang Demigod, at ang Skeletal Division Leader ay pagod na pagod.
"Master. Aalis na ba tayo ngayon? Kung hindi, ang Emperor of Death…" Makikita ang takot sa mga mata ng Skeletal Division Leader.
Ang Emperor of Death ay may kakayahang patayin ang mga Emperors mula sa ilang island zones. Kung narito ang kanyang totoong katawan, maaari siyang makagamit ng mga techniques nang walang pagpipigil, kung kaya ang magiging resulta ay hindi niya maisip.
"Huwag kang mataranta."
Sumasang-ayon naman si Zhao Feng sa lakas ng Emperor of Death. Kung nagpunta siya rito nang personal, agad siguro silang mamamatay. Subalit, kahit ang mga Emperors ay hindi kayang makapaglakbay nang ganoong kalayo sa loob lamang ng maiksing oras, pwera na lamang kung may God Eye of Spacetime sila. Dagdag pa roon, ang Emperor of Death ay maraming naaksayang enerhiya.
"Bumaba muna tayo," pag-uutos ni Zhao Feng sa ghost ship na pumunta sa karagatan.
Sa isang lugar sa karagatan ay may nakahigang anyo ng isang mahinang kabataan. Ang kabataang ito ay si Wen Luoan, na nadildil sa tubig. Walang kahit sino ang nakakaalam kung buhay pa ba siya.
Ang unang tutudlain ni Zhao Feng sa pagsira ng array ay si Wen Luoan, at nahulaan naman niyang hindi ito agad na mamamatay dahil sa Ten Thousand Ancient Races bloodline nito.
Hua!
Ang katawan ni Wen Luoan ay nayanig nang bahagya at nagawa niya pa namang buksan ang kanyang mga mata. Kahit ngayon, ang kaluluwa ni Wen Luoan ay sumasakit, at namamanhid rin ang buong katawan niya.
"Soul Chains!" Nakatuon ngayon ang kaliwang mata ni Zhao Feng kay Wen Luoan at pinigilan nito ang kanyang kaluluwa. May mga kapiranggot na kulay lilang kadena ng kidlat ang bumalot sa kaluluwa ni Wen Luoan, kung kaya hindi niya rin mapapatay ang kanyang sarili.
Miao miao!
Inilatag ng munting pusang magnanakaw ang pangalmot nito at pinatumba si Wen Luoan. Parehong nasaktan nang lubos ang kaluluwa at katawan ni Wen Luoan, at napakahina niya rin.
"Isa itong magandang pagkakataon," pagtango ni Zhao Feng. Hindi na siya nag-alangan pa – ginamit niya ang kanyang Eye Intent para maglagay ng isang Dark Heart Seal sa kalaliman ng kaluluwa ni Wen Luoan.
Ang Dark Heart Seal ay kaiba sa Dark Heart Seed. Kapag nagamit ang Dark Heart Seal, magiging alipin talaga ang ginamitan nito. Ang hindi lamang maganda rito ay nawawalan ng potensyal ang isang tao. Dahil ang kanilang pag-iisip ay naalipin, mawawalan sila ng "indibidwalidad" at aakto na lamang sila na parang mga automatons, kung kaya mahirap para sa kanila na magpataas ng antas.
Dahil dyan, hindi ginamit ni Zhao Feng ang Dark Heart Seal sa batang Demigod dahil mas gusto pa nitong magpakamatay kaysa maging isang masunuring alipin.
Ang Dark Heart Seed naman ang siyang ginamit sa batang Demigod at Skeletal Division Leader. Ang Dark Heart Seed ay pagtatanikala lamang ng isang bomba sa kanilang kaluluwa na maaaring sumabog kahit kailan. Pwede niya silang patayin sa isang isip lamang, pero may kalayaan pa rin silang mamili. Kung kaya, kahit maaaring traydurin siya ng mga aliping ito, ang kanilang potensyal at paglago naman ay hindi limitado.
Dalawang araw ang makalipas, ang ghost ship ay nakapaglayag na ng malayong distansya at nakapasok na sa isang bagong island zone agad.
"Master," ang boses ng isang mahinang kabataan ay maririnig.
Nakaluhod si Wen Luoan sa harap ni Zhao Feng, at napakamagalang niya. Hindi lamang ito isang respeto sa kanyang mga mata – isa itong pagsunod na nagmumula sa kaibuturan ng kanyang puso.
Nanood ang batang Demigod at ang munting pusang magnanakaw nang may interes.
Ano naman ang gagawin ni Zhao Feng sa isang disipulo ng Emperor of Death? Naging taimtim ang puso ng batang Demigod. Pagkatapos magamit ang Dark Heart Seal, kahit ang isang maalamat na Ten Thousand Ancient Races Bloodline ay isang automaton lamang.
Namuhay na sa anino ng Dark Heart Seed ang batang Demigod simula nang muli siyang mabuhay. Ang kanyang buhay at kamatayan ay nasa kamay ni Zhao Feng, at ang Dark Heart Seal ay ang mas malakas na bersyon nito.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan, nagsimula nang tanungin ni Zhao Feng si Wen Luoan, na siya namang tumugon sa lahat.
"Hindi nakapagtataka kung bakit ang Pursuit of Death ay palaging nakasusunod sa akin – mayroon palang isang tagapagmana ng Destiny God Eye ang kasama nila," naunawaan na ni Zhao Feng ang halos lahat.
Dapat lamang malaman na napakalaki ng Cang Ocean. Kahit na maramdaman mo ang isang tao, mahirap pa rin ito mahabol. Tila ba naghahanap ka ng isang karayom sa karagatan. Bukod pa roon, pinahina rin ni Zhao Feng ang Intent of Death sa kanyang kaluluwa sa pinakakaya niya.
Una talagang naisip ni Zhao Feng na tila ba malas yata siya at palagi niyang nakakaharap ang Pursuit of Death.
"Destiny God Eye?" Nagpakita ng kakaibang ekspresyon ang batang Demigod at ang munting pusang magnanakaw.
Ang Destiny God Eye ang pinakakakaibang God Eye. Ang battle-power nito ay hindi malakas; sa kabilang banda, ito pa nga ang pinakamahina. Subalit, ang power of Destiny nito ay nakasisindak at hindi makokontrol.
Ilang mga eksperto ba ang nasa Ancient Era, Immemorial Era, at Atavistic Era? Wala ni kahit isa sa kanila ang nakatakas sa kanilang mga tadhana.
Nagsimula nang suriin ni Zhao Feng ang kaluluwa ni Wen Luoan, inaalam niya ang lahat ng tungkol sa Emperor of Death, kasama na ang kanyang mga kinahihiligang gawain. Tanging sa pagkakakilanlan mo lamang sa iyong kalaban ang siyang ikapapanalo ng isang alitan.
Si Zhao Feng at ang Emperor of Death ay nilabanan ang isa't isa hanggang sa mamatay ang isa sa kanila. Habang nalalaman na ang kalaban nila ay malakas rin.
Apat na oras ang makalipas:
"Wen Luoan, bumalik ka sa Emperor of Death," pag-uutos ni Zhao Feng.
"Nauunawaan ko, Master," agad na umalis si Wen Luoan sa ghost ship ng maraming pinsala sa katawan.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan, umupo si Zhao Feng at nagsimulang magcultivate.
Ang bawat aspeto sa kanya ay kapantay na ng Void God Realm Kings. Ang tanging bagay lamang na wala siya ay ang dami ng kanyang True Yuan. Kalahating yapak na lamang ang layo niya sa pagiging isang hari.
Ang ruta ng ghost ship ay hindi nagbago; nagpatuloy ito sa direksyon ng Sky Sacred Qin Palace matapos manatili sa Pirate Sacred Land sa loob ng isang buwan.
Kalahating buwan ang nakalipas, sa kagubatan ng isang maliit na isla. Mula sa itaas, ang buong isla ay nababalutan ng mga kabundukan at mga puno.
Sa isang tahimik na kanyon:
Ceng!
Ang anyo ni Wen Luoan ay napunta sa isang kweba.
Plop!
Si Wen Luoan ay nahulog sa lapag habang nagngingitngit ang kanyang ngipin nang magsalita: "Master… May importante akong balita."
"Third Highness!" Ang dalawang Death Guards ay agad na binuhat si Wen Luoan.
"An'er, buhay ka pa pala…." Isang boses ang umalingawngaw.
Shua!
Isang matangkad na anyo na mukhang anino ng kamatayan mismo ang nakatayo sa harap ni Wen Luoan. Ang mukha ng Emperor of Death ay bahagyang maputla, pero sinuri siya ang kanyang disipulo nang may saya. Subalit, tila ba may naramdaman siya, at agad na nagbago ang kanyang ekspresyon.
Sa sumunod na pagkakataon, ang ekspresyon ni Wen Luoan ay napuno ng pagkamuhi, at ang kanyang True Yuan ay nagsimulang masunog at sumabog gaya ng isang nagngangalit na araw.
Booom~~~~!
Sa isang tunog ng malakas na pagsabog, ang lahat sa loob ng isang daang milya ay nilamon ng ginintuang apoy. Ang kanyon ay agarang naging abo na lamang.