"Iyan! Iyan ang pusa!"
"Maging alerto kayo!"
Ang Yin Yang Lord at and Dark Soul Lord ay nakakita ng kaunting kislap sa likuran ng Witch King. Gayun pa man, ang bilis ng kanilang pag-atake ay hindi pa rin sapat. Ang Witch King ay sugatan na at ang kaniyang katawan ay nababalutan na nang makapal na yelo na nakakapagpahina dito.
Shua!
Isang kulay abong guhit ang bigla nalamang lumabas.
Shu~~~~
Isang madilim na misteryo ang nagbabadya sa isip ng Witch King.
"Arghh!" ang Katawan ng Witch King ay nanigas at nagpakawala ng nakakatakot na sigaw. Tumagas ang dugo mula sa kaniyang noo, mata, at mukha; ang itsura niya ay maikukumpara na sa isang multo.
Malubha siyang nasugatan ng Shadow Kill Imperial Dagger na ito naming nakasira sa kainyang pwersa. Ngunit bilang Void God Realm King, mayroon siyang malakas na kaluluwa na dahilan kung bakit hindi siya agad mamatay.
"At saan sa tingin mo ka pupunta?" Sa pagbabalik nito mula sa higateng nagliliyab na ghost, isang walang awang ngiti ang ipinakita ng Witch King.
Hu~~~~
Isang nakakatakot na alon ng ghost-flames ang kumalat sa kanyang katawan.
Miao!
Pagkatapos ng pag-atake, ang munting pusang magnanakaw ay nawala. Ito ay napakasensitibo pagdating sa panganib kaya naman ito ay nakatakas bago maka atake ang Witch King.
"Witch King!" Ang Yin Yan Lord at ang Dark Soul King ay nagpakita ng mga emosyon. Ginagamit naman ng Witch King ang kaniyang pwersya upang makapasok sa estado, siya ay sugatan na bago pa man makapasok sa estado Flaming Ghost King. Gusto na niyang mamatay nang siya ay makabalik na sa normal.
"Ni isa sa nasasakupan ng Emperor of Death ay simpleng…" ang mukha ni Zhao Feng ay naging seryoso.
Umabot na sila sa hakbang na ito ngunit hindi pa rin magawang patayin ang Witch King. Lahat ng nasasakupan ng Emperor of Death ay mas malakas kaysa sa iba pang mga tao na pareho ang paglilinang.
Sa ngayon, ang Yin Yang Lord at ang Dark Soul King ay nagpakawala ng mga atake laban kay Zhao Feng.
Hindi natatakot si Zhao Feng sa mga atake ng Dark Soul King. Subalit ang kapangyahrihan ng YinYang Lord sa pakikipaglaban ay halos kasing lakas ng sa Emperor.
Gayun pa man, walang tinamaan sa pag-atake dahil nawala si Zhao Feng.
"Lightning Wings Flying Technique!"
Isang liwanag ang nagpakita mula sa kalawakan. Ang sumunod na nangyari ay may lumitaw na pares ng Scarlet Destruction Wind Lightning Wings sa likuran ng Witch King.
Shu~~~~!
"Wind Lightning Wings Slash!"
Ang pares ng pakpak ay naglabas ng Destructive aura habang sila ay patungo sa direksyon sa ulo ng Witch King. Ang pag-atakeng ito ay naglalayong patamaan ng munting pusang magnanakaw ang Witch King. Higit pa rito, kakapasok lamang ng Witch King sa estado ng Flaming Ghost King at hindi nakakapag pirmi.
"Arghh!" isang sigaw ng kawalan nang pag-asa and narinig.
Lightning Wings Flying Technique!
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nagpalit ng enerhiya sa loob ng katawang ng Watch King. Muli, isang sigaw ang narinig mula rito.
Boom~~~!
"Witch King!" Sigaw ng Yin Yan Lord at ng Dark Soul King habang pinapanood nila itong was akin ang kaniyang sarili.
Ang pag-atake ni Zhoa Feng as kasing bilis ng kidlat. Kapag siya ay umaatake, ang lahat ay natatapos sa bilis lamang ng isang kidlat na maikukumpara sa Wind Lightning Emperor.
Dahil sa angking bilis, walang sinuman ang makayanan ang kaniyang pag-atake. Ito ang Wind Lightning Inheritance, ang pamanang naglalayong maglabas ng pinakamanbilis at mapaminsalang pag-atake.
Miao miao!
Sa puntong ito, lumitaw sa balikat ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw at dumagil sa kaniyang leeg. Ang pusa at tao ay nasal abas na ngayon ng barriers ng Death Spirit Hell Array. Lumusot si Zhao Feng sa isang napakalaking butas at ngayong nabawasan ng main array holders ang Death Spirit Hell Array, nabawasan din ng mahigit sa kalahati ang kapangyarihan nito at malapit na itong mamatay.
"Ngayon na!" Umatake ang batang Demigod sa harapan at pinangunahan ang Ghost Corpse Cursed Array patungo sa hukay.
Ang mga puso ng Yin Yang Lord at Darl Soul King ay gumuho na. Matagumpay na natalo ni Zhao Feng ang Death Spirit Hell Array. Sa kiibalang banda, ang munting mananakaw na pusa ay ginawa ang mapanganib na na atake dahil mas malakas ang mga atake sa labas kaysa sa loob kaya mas nagging mahirap para kay Zhao Feng na patayin ang Witch King.
Lightning Wings Wind Flash!
Bumuka ang mga pakpak ni Zhao Feng ngunit ito ay hindi na nagbalik sa array.
"Arghhh!" Sigaw mula sa Death Guards sa labas ng Death Spirit Hell Array. Sa tuwing gumagalaw ang Wings of Wind at Lightning, isa o dalawang Death Guards ang namatay.
Miao Miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay naglalaro kasama ang Shadow Kill Imperial Dagger, sa pamamagitan lamang nito, maari itong makapatay ng phantom figures.
Weng~~
Ang Death Spirit Hell Array ay nagsimula ng gumalaw at gumuho. Mas marami pang hukay ang nagsilabasan. Matapos ang lahat, sinuportahan na ng mga Death Guards ang iilang parte ng array. Pagkatapos mapatumba ang dalawang taga-hawak ng bandera at pangkat ng Death Guards ay nagsimula na itong unti-unting gumuho.
Umungol ng napakalas ang Yin Yang Lord at Dark Soul King habang pinapanuod na unti-unting namamtay ang mga Death Guards.
"Yin Yang Sky Seal!" Sumuko na ang Yin Yang Lord sa array at kalahati ng kaniyang katawan ang naging kulay puti habang ang kalahati ay naging kulay itim. Itinaas ng Yin Yan Lird ang kaniyang kamay , at ang langit ay nag-ibq ng kulay itim at puting kulay; ang langit ay nagbago.
Ang katawan ni Zhao Feng ay nanigas at bumagsak sa putik, ang kaniyang ekspresyon ay mabagal na nagpalit.
Hindi kinakailangang maglaan ng atensyon sa Death Spirit Hell Array, ang Yin Yang Lord's Yin Yang Sky Seal ay mas malakas dati.
"Mamatay ka~~~~!" Ikinumpas ng Yin Yang Lord ang kaniyang kamay at naglabas ng katakut-takot na itim at puting palad na tila ba'y buburahin nito ang langit. Ang Heaven at Earth ay malapit na niyang makontrol at ang kaniyang atake ay sakto sa direkson ni Zhao Feng.
Ang lakas ng pag-atake ay masyadong mapinsala na kung saan ay hindi nagawang umiwas ni Zhao Feng sa kaniyang Lightning Wings Flying Technique. Ang pagkakaintindi ng Yin Yang Lord sa Heaven at Earth ay maypagkakahawig sa Emperor.
Kaya lamang itong labanan ni Zhao Feng ng harapan. Isang ice-cold armor ang lumitaw sa kaniyang katawan, atbang bloodline ng Mystic Ice Scaled Race ang nanalaytay sa kaniyang kabuuan.
"Lightning Wings Covering the Sky!"
Ang mga pakpak ni Zhao Feng ay bigla nalamang lumaki at humaba ng ilang daang metro. Siya na nasa sentro, ang lahat mula sa milya-milyang layo ay nabalutan ng Scarlet Destruction Wind Lightning storm at kapansin-pansing ang pag-angat ang control ni Zhao Feng sa Wind Lightning.
Ta!
Sumigaw ng bahagya si Zhao Feng upang bumwelo at makontrol ang Ten Thousand Ancient Races bloodline sa kaniyang kamao, kaniyang tinawag ang bagyo at ito ay sumalpok sa atake ng Yin Yan Lord.
Sa atakeng ito, ginamit lahat ni Zhao Feng ang kaniyang true Yuan at bloodline power. Sa Puntong ito, ang aura ng bloodline power ni Zhao Feng at ng True Yuan ay namayagpag. Ang Scarlet Destruction True Yuan ay narrating na ang rurok nito.
Boom!
Nanginig ang buong katawan ni Zhao Feng at mas lalong lumakas ang Scarlet Destruction True Yuan. Ito ay mas malakas ng kaunti sa mga normal Kings. Sa totoo, ang kalidad ng Zhao Feng's True Yuan napakalas at hindi na malayo sa lebel ng isang King na kung saan hindi mangyayari kung wala ang tulong ng Ancient Dream Realm at ng Demigod blood. Sa ngayon, ang dami ng Zhao Feng'S True Yuan ay nakarating na sa rurok ng Great Origin Core Realm. Ito ay kaunting hakbang lamang papunta sa Void God Realm.
Beng~~~~~
Isang malakas na pagsabog sa langit at ang Yin Yang Screen ay dumilim ng apatnapung porsyento.
"Ang batang iyon…!" bahagyang na bigla at di makapaniwala ang Yin Yang Lord.
Shua!
Ang pakpak sa likuran ni Zhao Feng ay nagsimula ng magulo at bumalik sa kanilang orihinal na sukat at lumipad siya patungo sa batang Demigod at Ghost Corpse Cursed Array. Tumutulo ang dugo mula sa bibig ni Zhao Feng habang lumilipad sa hangin.
"Bilang inaasahan, ang Peak-tier King ay walang kapantay laban sa kanino man mababa sa Emperor," bumilis ang paghinga ni Zhao Feng habang pinupunasan niya ang dugo sa kaniyang bibig.
Ang pagkakaiba ng paglilinang ay masyadong malaki. Kahit na kaya niyang sangahin ang atake ngayon, siya ay malubha nang nasugatan, halos ginamit na niya ang lahat ng kaniyang True Yuan. Kung ang aabot sana sa lebel ng hari ang True Yuan ni Zhao Feng, naniniwala siyang mas madali siyang makakalaban sa Peak-tier King kahit na hindi ginagamit ang God's Spiritual Eye.
Kinaya niyang makipaglaban sa lebel ng Peak-tier King at the Giant Shark King's sa loob lamang ng maikling panahon. Ngunit kung nagpatuloy ang labanan, ito ay magiging masama para sa kaniya. Bagama't ang Yin Yang Lord ay mas malakas kaysa sa Giant Shark King: ang kaniyang intent, battle-power, at kaluluwa ay malapit na sa lebel ng Emperor. Maging ang mga eye-bloodline techiniques ni Zhao Feng ay di uubra laban sa kaniya.
"Master!" ang batang Demigod at ang Ghost Corpse Cursed Array kasama si Zhao Feng ay matagumpay nilang nakuha ang mga kayamanan at napalawak pa ang kanilang enerhiya.
Kasama ang batang Demigod, Ghost Corpse Cursed Array, at si Zhao Feng, mas mataas ang tsansa nilang manalo.
Sa Kabilang banda, ang Yin Yang Lord ay mayroon nalamang isang Death Spirit Lord, at humigit kumulang sa isang dosenang Death Guards at punit-punit na array.
"Little Kun Yun, ang kailangan mong gawin ngayon ay tumayo sa tabi ng Yin Yang Lord," utos ni Zhao Feng. Kahit na iba ng paglilining, ito pa rin ay magaling. Ang batang Demigod ay nakayanan niyang sugpuin ang Yin Yang Lord sa hanay ng intent.
"Opo, Master," ang balat ng batang Demigod ay naging kulay ginto, ang kaniyang Demigod bloodline potential ay lumabas. Sa pamamagitan nag duwelong ito, ang lakas ng batang Demigod ay nanunumbalik ng mas mabilis.
Heaven Sealing Eighteen Palms!
Ang batang Demigod ay naglabas ng iilang palms.
Bam! Bam! Bam!
Ang ginintuang palang ay parang napilipit ang Heaven at Earth. Ano mang lugar ang mahulog sa loob ng gintong liwanag ay babagal na para bang ang oras ay pinapabagal ang kaniyangs sarili. Ang palibot ng Yin Yang Lord ay nakakandado at ipinagbabawal pasukin.
"At sino ka?!" kapansing-pansing nagbago ang ekspresyon ng Yin Yang Lord.
Kahit na kaya niyang mgamitin ang kaniyang sikretong teknik, ito ay ipinagbabawal at mahina. Sa hanay naman ng combat, ang batang Demigod ay hindi uubra, ngunit ang batang Demigod ay may kakayahang pigilan ang kaniyang lakas sa pamamagitan ng supreme secret technique, ang Heaven Sealing Palm.
Habang ang Heaven Sealing Palm ay nagpapatuloy, ang kaniyang mga galaw ay mapipigilan.
Maging ang Emperor Mu Yun ay hindi kayang pahintuin ito, ang Yin Yang Lord lamang ang nag-iisang King.
"Mahusay!" Masayang Zhao Feng. Mukhang ang Demigod Revival Plan ay hindi nasayang.
Kasabay nito, isang malakas na eye-bloodline power ang paparating mula sa kaliwang mata nito. Isang dark silver bow ang lumitaw sa kaniyang kamay. Ang pagkapanalo ay dahan-dahang napupunta sa kampo ni Zhao Feng. Ang kailangan nalamang niyang gawin ngayon ang mapalaki ang tsansa nitong manalo.