"Sky Locking Bow!"
Ang dark silver bow sa kamay ni Zhao Feng ay naglabas ng misteryosong marka habang kumikislap ang pagka pilak nito. Ang kumikislap na gintong pana ay nagsimulang bumuo para sa bowstring, at ang tulis na mayroon ito ay tila kayang wasakin ang space.
Sa kabilang banda, ang Yin Yan Lord ay naramdaman na tila nanlamig ang kanyang katawan. Tila isang matulis na aura ang kumulong sa kanya. ang kanyang Intent ay natalo na ng Heaven Sealing Palm ng batang Demigod, kaya hindi na niya kayang iwasan ang Sky Locking Bow Attack.
Whoosh!
Lumipad na ang gintong palaso sa hangin.
Bam!
Ang gintong palaso ay tila nakalabas sa portal kasabay nang pagtama nito sa ulo ng Yin Yan Lord. Ang palasong ito ay naglalaman ng kapangyatihan ng Scarlet Destruction Wind Lightning at Intent of God Tribulation ni Zhao Feng. Higit sa lahat, naglalaman ito ng katulisan ng spatial na katangian ng Sky Locking Bow.
Ito ang pinaka malakas na palasong kanyang ginamit sa buong buhay niya; kaya nitong patayin ang mga normal n Hari at galusan ang mga domain-level Kings.
Boom!
Hindi nagawang iwasan ng Yin Yang Lord ang atake., at walang epekto ang kanyang spatial domain. Kahit ginawa niya ang lahat nang kanyang makakaya upang gumilid, tinamaan pa rin siya ng gintong palaso.
Sii!
Hindi niya mapigilang umungol kasabay nang pagpilipit ng kanyang katawan mula sa pagsabog ng gintong palaso. Nabigla ang katawan ng Yin Yang Lord, at ang pagsabog ay nagdulot sa kanya ng mga galos. Dahil ang palaso ay tumama sa kanyang ulo, maging ang kanyang isipan ay nagulat.
"Mental Energy Spike!"
Isang malamig at kulay lilang Mental Energy Spike ang lumabas mula sa kaliwang mata ni Zhao Feng na tumama sa kaluluwa ng Yin Yang Lord.
Hinarap ng Yin Yang Lord ang mga atake, at ang tumamang sakit mula sa kanyang isipan ay nahing dahilan upang pagpawisan ang kanyang noo.
Tungkol sa soul-strength, si Zhao Feng ay nasa lebel ng Yin Yang Lord, ngunit bahagya siyang mas mahina. Sa kabila ng lahat, ang kaluluwa at Intent ng Yin Yang Lord ay malapit nang umabot sa lebel ng Emperor.
Gayunpaman, ang Mental Energy Spike ni Zhao Feng ay ginamit mula sa God's Spiritual Eye, at dahil cinultivate niya ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique at Dark Eye Secret Technique, ang kanyang pang-unawa at husay sa Dao of Soul ay talo ang Yin Yang Lord. Higit sa lahat, ang Mental Energy na ito ay isang lightning-quick sneak attack.
Sakit ang dumaloy sa isipan at ang kanyang kaluluwa ay bahagyang nagalusan. Isa pa, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay nahigop na ang God Tribulation Lightning, kaya ng kanyang Mental Energy ay naglalaman ng God Tribulation Ligthning.
"Yin Yang Lord, ayos ka lang ba!?"
Sigaw ng Dark Soul King.
Ang Dark Soul King ay kasalukuyang pinipigilan ng apat na malaking kamay mula sa Ghost Corpse Cursed Array. Isang daang pares ng pulang mata ang bumuo ng katakot-talot na alon ng mental energy sa Ghost Corpse Cursed Array, at ang usok mula sa array ay umabot sa ilang daang milya.
Ang Death Spirit Lord ay wala ng Death Spirit Hell Array at kasalukuyan silang natatalo.
"Heaven Sealing Eighteen Palms!"
Ang palad ng batang Demigod ay patuloy na umaatake sa Yin Yang Lord. Ginagamit niya rin ang kanyang Sacred Body Fist Techniques.
Sa pinagsamang pwersa ni Zhao Feng at ng batang Demigod, matagumpay nilang natalo ang Yin Yang Lord.
Ang atake ni Zhao Feng ay maaring mula sa malapit o malayo, at mayroon siyang hindi mapigilan na eye-bloodline techniques. Ang kanyang bilis ay mas mabilis pa sa kidlat, at ang kanyang bloodline defense ay tila halimaw; madali lamang sa kanya na harangin ang mga atake mula sa Domain-level Kings.
"Divine Light Destruction!"
Ang isang makaagaw pansin na matulis na liwanag at tinamaan ang Yin Yang screen at ang itim at puting ilaw na nakapaligid sa Yin Yang Lord. Ang Divine Light of Destruction ay kayang pasabugin ng lahat ng bagay, at ang liwanag na pumoprotekta sa Yin Yang Lord ay nagsimulang magdilim at halos tuluyan na itong mawala.
Hindi ito maganda! Ang ganitong uri ng dispersion technique! Sa unang pagkakataon ay nakita ang taranta sa mukha ng Yin Yang Lord. Ang kanyang bloodline ay hindi maituturing na malakas. Hindi pa ito umabot sa lakas ng batang Demigod.
Gayunpaman, maraming eye bloodline techniques si Zhao Feng na maaring tapatan ang kanya, kabilang na rito ang Divine Light Destruction na maaring tumalo sa anumang uri ng technique.
"Hehe, hindi pa natatapos ang lahat," bahagyang ngumiti si Zhao Feng.
"Ice Soul Shooting Line!" Panibagong uri ng malamig na liwanag ang tumama kay Yin Yang Lord.
Whoosh~~~
Isang cold Intent ang nagsimulang sumabog sa kaluluwa ng Yin Yang Lord, at nagyelo ang kanyang katawan. Mula sa atake nina Zhao Feng at batang Demigod, nakita na ang ilan s kanyang mga kahinaan, at ito ng oras na hlata na ang kanyang mga kahinaan.
Una, ang Mental Energy Spike ay nagalusan ang kanyang isipan, kaya wala siya sa kanyang peak state. Pangalawa, ang Divibe Light of Destruction ay pinahina ang kanyang depensa at halos sinira na ito. Ikatlo, ang Ice Soul Shooting Line ay pinabagal siya maging ang kanyang mga naiisip.
Sa sandali ring ito:
Miao miao!
Isang silver-gray na anino ang tumama sa gilid ng Yin Yang Lord, ang ang misteryosong punyal ang lumitaw sa portal.
Shu~~~
Ang Shadow Kill Imperial Dagger ay madaling nawasak ang defensive shield na naging dahilan upang magtalsikan ng dugo, ngunit agad na nagyelo ang mga dugo.
Muling nagyelo ang katawan ng Yin Yang Lord. Ang nakapangyeyelong epekto ng Ice Soul Shooting Line at ang nakamamanhid na epekto ng Shadow Kill Imperial Dagger ay nagsanib.
Sa katotohanan, kung nasa peak ang Yin Yang Lord, ang nakapangyeyelo at nakamamanhid na epekto ay hindi uubra sa kanya. Gayunpaman, ang Yin Yang Lord ay lalong sila kay noong nakita na ang kanyang kahinaan.
Bigla niyang naramdaman sa kanyang puso ng matinding panganib.
Shua!
Ang ilang yarda ng transparent blade na may aura ng Lightning and Destruction ang humiwa sa katawan ng Yin Yang Lord.
Sa sandaling iyon, binalot ng dugo ng hangin. Hi di ito maiwasan.
"Ang atakeng iyon!" Ang Dark Soul King sa kabilang banda ay sumigaw, at takot ang bumalot sa mukha ng Yin Yang Lord.
Ang pagbabawal, pagkakalat at pagpapahina ay preperasyon lamang para sa huling Void Space Eye Slash.
"Void Space Eye Slash!"
Ang soul power sa kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging normal. Malaking enerhiya ang ginamit niya mula sa eye bloodline techniques, ngunit ang transparent blade na may aura ng Destruction ay halos humiwa sa katawan ng Yin Yang Lord.
"Golden Emperor Fist!" Ginamit ng batang Demigod ng pagkakataong ito upang umatake ng gintong kamao na lalong lumalaki habang palapit nang palapit sa katawan ng Yin Yang Lord, na naging dahilan upang tumalsik ang dugo sa buong lugar.
Nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lamang loob at pisikal na katawan ng Yin Yang Lord ay sira na.
"Sky Locking Bow!" Biglang may naalala si Zhao Feng at agad na kinuha ng Sky Locking Bow.
Weng~~
Nagpumiglas ang itim at puting Yuan soul at timalon paalis sa katawan.
Whoosh!
Ang gintong palaso ay agad na tumira sa katawan na naging dahilan sa pagsabog nito, na agad na puminsala sa Yuan Soul. Sa isang 'whoosh!', mabilis itong nakalayo. Ang bilis ng Yuan Spul n ito ay natalo ang mva normal na Emperor.
"Yin Yang Lord, tatakpan kita!"
Titira pa lamang muli si Zhao Feng ngunit ang Dark Soul King ay lumapit nang hi di iniisip kung ano ang kahihinatnan ng kanyang gagawin.
Ang katawang ng Dark Soul King ay agad na lumawak ng ilang daang metro. Mas naging "demonyo" siya, at naglabas siya ng aura of Destruction.
Ang demonyo ay binalot ng itim na apoy, at ng kanyang battle-power ay umabot sa hangganan ng Hari - lubhang malapit na sa kapangyarihan ng Emperor.
Ang Heaven Sealing Palm at Ghost Corpse Curse Array ay halos hindi ito mapigilan.
"Pagpapalakas ng iyong sarili gamit ng secret technique…? Gayunpaman, ang iyong soul-strength ay hindi nabago," bahagyang ngumisi si Zhao Feng.
Sa sitwasyong ito, isang atake lamang ang kanyang ginawa.
Illusion Maze Domain!
Ang atakeng ito ay naglalaman ng malaking Soul-based spatial domain. Ang pakiramdam ng Dark Soul King ay agad na gumulo, at nakita niya na lamang ang kanyang sarili s malaking siyudad.
Bam!
Sinimulang atakihin nila Zhao Feng, batang Demigod at ng Ghost Corpse Array ang mga vital points ng Dark Soul King.
Kahit na malakas ang kanyang devil form, wala itong nagawa kung hindi tanggapin ang mga atake at tumayo.
"Lord Dark Soul King!" Sumigaw sa takot ang sampung natitirang Death Guards.
Ang Dark Soul King ay tinitira na tila sila ay isang punching bag. Nagsimula siyang sumigaw, ngunit ang tangi niya lamang nagawa ay paikot-ikot na maglakad.
"Dark Soul King!" Puno nang pagkadismaya ang Yin Yang Lord.
"Hindi natin dapat hayaang mamatay ang isangLord nang ganito!" Ilang mga matatas na antas na Death Guarda ang nagpulong.
"Ang magagawa na lamang natin ngayon ay humingi ng tulong mula sa Emperor."
"Ngunit ang Emperor ay nagpapahinga pa, at hindi pa bumabalik ang dati niyng soul-power. Isa pa, sobrang layo niya mula rito."
Nag-usap-usap ang mga Death Guards.
"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?"
Siyam na Death Guards ang kumuha ng Token of Death at nagpadala ng espesyal na mensahe.
Matapos ang dalawang hinga:
Weng~
Ang siyam na Token of Death ay umalog at kumonekta sa kung ano.
"Magaling! Umabot na tayo sa Emperor," Lubhang masaya ang namumunong Death Guards, at agad niyang sinabi ang sitwasyon.
Kasunod nito:
Shua! Shua! Shua!
Lumutang ang siyam na Tokens of Death. Bawat token ay kasing itim ng tinta na nagbigay ng ancient aura. Ang salitang 'Kamatayan' ay nakaukit sa bawat isa, at nagbigay ito ng aura of Death.
Sa sumunod na sandali, ang siyam na Token of Death ay nagsimulang magtipon hanggang sa bumuo sila nang Intent of Death.
"Iyan ay…!!!?" Ang puso nina Zhao Feng at ng batang Demigod ay nagulat, at ngbkanilng ekspresyon ay malaki ang pinagbago.
Isang pares ng itim na mata ang lumitaw at nagsimulang umikot sa taas ng siyam na Token of Death. Gila isa itong ipo-ipo na kumonekta sa World of Death.
"Eye of Death!" Sigaw ng mga kalapit na tao.
Mahusay! Naramdaman ito ng mga Death Guards at ni Yin Yang Lord at makikita ang masaya nilang reaksyon, habang si Zhao Feng, ang batang Demigod at ang skeletal Diviaion Leader ay naramdaman na bumalot sa kanila ang Shadow of Death.
"Ito pala ang isa sa Eught Great God Eyes - ang Eye of Death?" Huminga nang malalim ang batang Demigod. Naramdaman niya na tila nagyeyelo siya. Nanginig ang kanyang kaluluwa na tila wala siyang kontrol sa kanyang buhay.
"Gaze… of… Death!"
Isang malamig na boses ang narinig sa soul-dimension, at lahat ng nasa sampung daang milya ang saklaw ay natahimik.
Ang Eye of Death na lumitaw sa kalangitan ay tila isang Heavenly Dao habang tinitignan nito si Zhao Feng.