Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 692 - Nahihibang na Pag-iisip

Chapter 692 - Nahihibang na Pag-iisip

Tulad nito, ang unang kasunduan sa pagitan ni Zhao Feng at ng batang Demigod ay kumpleto na.

Napaka simple lamang nito para kay Zhao Feng. Hindi nga siya gaano nagbigay ng pansin sa halaga at agad na nagtamo ng Lightning Absorption Divine Technique at ng Golden Kun Sacred Body.

Ang Golden Kun Sacred Body ay ang strongest body-strengthening technique ng Demigod.

"Master , kailangan kong ipaalala sa iyo na ang God Tribulation ay ang pinaka kinakatakutang mundo na pinagmumulan ng mga kapangyarihan, at ito ay napakahirap makuha. Kailangan mong i-cultivate ang iyong Golden Kun Sacred Body ng hindi bababa sa sixth level upang magamit ang Lightning Absorption Divine Technique at masipsip ang God Tribulation Lightning," sabi ng batang Demigod.

sixth level ? Bago pa man sumagot si Zhao Feng, ang batang Demigod ay pumasok sa loob ng ancient metal ring at hindi lumabas.

Sa isang sulok ng ancient metal ring:

Zhe zhe, kung ang isa ay mag cu-cultivate ng Golden Kun Sacred Body ng sixth level , sila ay maihahalintulad sa Sacred Lord, ang batang Demigod ay mayabang.

Ang kahit ano mang teknik at inheritance na naabot na ang level ng Emperor at Sacred Lord ay kinakailangang gumugol ng hindi kapani-paniwalang pagsisikap at oras para mag cultivate, at ang body-strengthening techniques ay sampung beses na mas mahirap na sanayin kaysa sa normal na mga teknik lamang. Bukod pa dito, ang mga ordinaryong tao ay hindi kayang mag cultivate ng Golden Kun Sacred Body.

Sa loob ng kompartimento ng kapitan, si Zhao Feng ay umupo, at ang source ng True Yuan ay pinalilibutan ng mala gintong pulang perlas, na kung saan agad na sumanib sa katawan ni Zhao Feng.

Ang Golden Kun Sacred Body ay isang teknik na naipapasa sa pamamagitan ng bloodline, at ang impormasyon ay naka kintal na sa dugo at buto ng isang tao.

Isang malaking halaga ng impormasyon ng sandaling nagsanib ang laman at dugo ni Zhao Feng. Ang mas kakaiba sa teknik na ito ay kinakailangan pa ang pag-intindi ng katawan, ibig sabihin lamang na ang isang may talento sa kaluluwa ay hindi nakatutulong.

"Golden Kun Sacred Body: may kabuuan na pitong mga level, at ang isa ay kayang maabot ang level ng katawan ng isang Demigod at walang kapantay na kahit sino man na hindi Diyos. Para ma-cultivate ito, ang isa ay nangangailangan ng peak body-strengthening bloodline at talento..." Si Zhao Feng ay nakatanggap na ng ilang mga impormasyon, at ang kanyang mukha ay nagsimulang maging mabangis pagkatapos niya itong mabasa.

"Nilinlang ako," nagngangalit ang mga ngipin ni Zhao Feng na may madilim na ekspresyon. Ang Golden Kun Sacred Body ay tunay ngang body-strengthening divine technique at sulit ang halaga, ngunit ang mga kinakailangan ay masyadong mahigpit, at ang pag-unlad ay masyadong mabagal kahit na kompleto ka ng mga kinakailangan.

Nangangailangan ito ng peak body-strengthening bloodline upang maging "maayos" ang pag cultivate nito. Kung saan hindi ito ang talento ni Zhao Feng. Ang kanyang talento at bloodline ay naka base lamang sa Soul.

"Kalokohan!"

Ang unang naiisip ni Zhao Feng ay hugutin palabas ang Demigod Kun Yun at bigyan siya ng mahusay na hagupit, ngunit sa pag-iisip tungkol dito, ito ay magiging laban lamang sa kanyang salita. Pagkatapos ng lahat, tunay na binigyan siya ng batang Demigod ng Golden Kun Sacred Body, at eksakto sa kung ano ang sinabi niya.

Bukod pa rito, hindi eksaktong sinabi na ang mga ordinaryong mga tao ay hindi maaaring mag cultivate, mas mahirap lamang sila.

Kung ang pag-uusapan ay ang kasunduan na kanilang ginawa, hindi siya niloko ng batang Demigod.

Sa talento ko, hindi ko maaabot ang sixth level ng Golden Kun Sacred Body kahit na mayroon akong isang libong taon, sandaling naisip ni Zhao Feng at umiling.

Sa pagsasaisang-tabi ng Golden Kun Sacred Body, kahit na ang mas simpleng body-strengthening technique ay aabutin pa siya ng mahabang panahon para makapag cultivate. Samakatuwid, si Zhao Feng ay maaaring pansamantalang sumuko sa Golden Kun Sacred Body.

Sinimulan niyang suriin ang Lightning Absorption Divine Technique. At tunay na kayang i-cultivate ni Zhao Feng ang Lightning Absorption Divine Technique.

Dahil dito mas naging magaan ang pakiramdam niya. Malinaw na ang batang Demigod ay may mahusay na kamalayan; kung ang parehong teknik ay hindi matututunan, Si Zhao Feng ay tiyak na maaaring mag sanhi ng problema.

Ang batang Demigod ay napaka talino; ang isa sa mga teknik ay kayang ma-cultivate ng madali, at habang ang iba naman ay umaabot nang magpakailanman, maaari rin itong ma-cultivate.

Hindi nawala ang pagiging kalmado ni Zhao Feng. Kung agad siyang magagalit, pagtatawanan lamang siya ng batang Demigod

"Kung ang body-strengthening ay hindi gagana, titingnan ko kung mababago ko ang proseso nang pag-iisip sa likod nito…" Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.

Siya ay nag cultivate ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique at kayang paghiwalayin nang ilang daan, na nagbibigay sa kanya ng sobrang lakas na kapangyarihan sa pagkalkula ng mga kakayahan.

Una, hindi pinansin ni Zhao Feng ang ideyang umasa sa sixth level ng Golden Kun Sacred Body. Alam niyang may tiyak na paraan para makuha ang God Tribulation Lightning kahit na hindi maabot ang sixth level, tulad nang paggamit ng Ancient Dream Realm aura.

Ayon sa pagsusuri ni Zhao Feng, maaaring makayanan niyang makuha ang God Tribulation Lightning ng fourth o fifth level lamang ng Golden Kun Sacred Body.

"Napakamalas. Kung sisimulan ko ang aking cultivation at gagamitin ang Ancient Dream Realm aura kasabay ang Golden Kun Sacred Body, madali ko na lamang matatanggap ang God Tribulation Lightning at gamitin ito upang mapahusay ang isang sagradong katawan…" Si Zhao Feng ay bahagyang nagsisisi.

Kung gagamitin niya ang pamamaraan na ito at magtagumpay, makakayanan niyang makuha ang Lightning Tribulation Sacred Body. Gayon pa man, walang oras si Zhao Feng para muling simulan ang kanyang cultivation. Ang Emperor of Death ay hinahabol siya, at kailangan niyang maging mas malakas nang mabilis.

Pagkaraan ng ilang sandali:

"Hmm? Iyon na nga!" Si Zhao Feng ay nakahanap ng kislap ng pag-asa sa loob ng Absorption Divine Technique, na naglalaman ng impormasyon tungkol sa God Tribulation Lightning.

Ang God Tribulation Lightning ay hindi lamang isang kapangyarihan na kumikilos laban sa pisikal na dimensyon, maaari rin nitong sirain ang kaluluwa ng isang cultivator. Kung ang kaluluwa ng isa ay hindi sapat na malakas, sila ay mabibigo lamang kahit na ang kanilang mga katawan ay perpekto.

Ang Demigod Kun Yun ay malamang na mabibigo dahil dito. Gayon pa man, kung ang pag-uusapan ay ang lakas ng katawan, ang Demigod Kun Yun ay halos walang kapantay. "Soul… hindi ba't dito nakaasa ang iyong talento?" ang proseso nang pag-iisip ni Zhao Feng ay nagbukas.

Tama. Maaaring wala man siyang body-strengthening bloodline, ngunit ang kanyang soul-talent naman ay maalamat. Sa mga araw na ito, si Zhao Feng ay hindi kailanman nakakita ng sinuman na ang soul-talent ay mas mahusay pa kaysa sa kanya.

Kung ang aking pisikal na katawan ay hindi maaaring magtaglay ng God Tribulation Lightning, kung gayon...sa aking kaluluwa na lamang? Isang kakaibang ideya ang lumitaw sa isip ni Zhao Feng.

Kahit na ang Demigod Kun Yun ay hindi maglalakas-loob na mag-isip ng ganoong mga bagay. Ang paggulo sa kaluluwa ay lubhang napaka delikado.

"Ang God Tribulation Lightning ay hindi lamang pino sa pisikal na atake. Kung ang katawan ay hindi kaya magtaglay nito, bakit hindi nalang ang kaluluwa?" sa patuloy na pag-iisip niya tungkol dito, naramdaman ni Zhao Feng na mas maaaring totoo ito.

Gayon pa man, kahit na ang Lightning Absorption Divine Technique ay walang kahit anong binanggit tungkol sa pag higop ng God Tribulation Lightning kasama ng kaluluwa. Nangangahulugan lamang na kailangan makopya ni Zhao Feng ang teorya ng pag-iimbak sa katawan at ibahin ito upang mas maging angkop para sa kaluluwa.

Ang God Spiritual Eye ay dalubahasa sa pagkopya. Sa Soul Sea, hinati ni Zhao Feng ang kanynag pag-iisip at inintindi ang Lightning Absorption Divine Technique.

Ilang araw ang mga lumipas:

"Ang aking ideya ... ay maaaring gawin. "

Labis na nasisiyahan si Zhao Feng. Kung ang isa ay kayang mag-imbak ng God Tribulation Lightning sa kanilang kaluluwa at gagamitin ito sa kanilang eye-bloodline, kaya nilang saktan ang kaluluwa ng kanilang kalaban na may kasamang God Tribulation Lightning.

"Hahaha… Kahit na ang kaluluwa ng Emperor ay maaaring hindi makayanang magtagal sa aking mga atake kung sila ay puno ng God Tribulation Lightning," Si Zhao Feng ay halos umalulong sa pagtawa nang maisip niya ito.

Ang kanyang ideya ay nakahihibang, ngunit kung ito ay matagumpay, babaliktad ng pataas at pababa ang buhay ng iba. Dagdag pa dito, kung ang Soul Sea ni Zhao Feng ay kayang mag-imbak ng God Tribulation Lightning, maaari niyang magamit ito para mabago ang transisyon ng paghusay ng kanyang katawan.

Sa mga oras na ito, si Zhao Feng ay mag pag-asa pang ma-cultivate ang Golden Kun Sacred Body at bumuo ng Lightning Tribulation Sacred Body.

"Perpekto! Ito ay perpekto!"

Nais ni Zhao Feng sumigaw. Syempre, tiyak na hindi niya ipapaalam sa batang Demigod ang tungkol dito. Kailangan paring magkunwari ni Zhao Feng na siya ay lubos na nagagalit.

Sa isang sulok ng ancient metal ring:

"Hehe, ang Zhao Feng na ito ay may halos gabundok na kayamanan ngunit hindi man lang niya ito magamit. Ang kaya niya lang gawin ay tingnan ito."

Hindi lamang ang karne ang maaaring makapagpataas ng paggaling ng kanyang bloodline, maaari rin nitong mapalakas ang kanyang state of existence, potensiyal, at Golden Kun Sacred Body.

Dahil siya ay muling nabuhay ng isang patak ng dugo, kinakailangan niya lamang ng tone-toneladang resources para "makabawi." Hindi naman talaga nag "cultivating." Kaya naman ito ang dahilan kung bakit lubhang gusto ng batang Demigod ang karne na mula sa Ancient Dream Realm.

"Hmph! Sandali lang hanggang matunaw ang karne. Sa mga oras na ito, ang aking pisikal na katawan ng battle-power ay maaaring maihambing sa King, at ako ay magiging walang kapantay pagkatapos kong pagsamahin ang Demigod Intent.

Sa isang iglap lamang lumipas ang kalahating buwan. Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique at nakatuong mabuti sa Lightning Absorption Divine Technique, upang subukang malaman kung paano mag-imbak sa kaluluwa ng lightning.

Isang araw, binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at isang pagod na ngiti ang makikita sa kanyang mukha.

"Skeletal Division Leader, ilubog ang barkao at ihanda ang Ghost Corpse Cursed Array," utos ni Zhao Feng.

"Naunawaan ko," inutusan ng skeletal Division Leader ang ghost ship na lumubog sa ilalim ng karagatan.

Ang walang katapusan na karagatan ay isang natural na sensory-blocker.

Nabaling ng kaniyang mga pagkilos ang atensyon ng batang Demigod.

Ano kaya ang iniisip ng Zhao Feng na ito? Pasikretong nagbigay ng atensyon ang batang Demigod. Sa kanyang palagay ginawa ito ni Zhao Feng upang pahinain ang pandama sa pagitan ng Intent of Death para magamit niya ang kanyang Soul technique.

Agad na lumubog sa pinaka ilalim ng karagatan ang ghost ship.

Hu~~

Isang makapal na patong ng maitim na abong usok ang tila tumatakip sa "kalangitan" sa halos sampung milya, at patuloy ito sa pagbuo. Ang kapangyarihan ng sumpa na ito ay nagdulot ng pagkagulat ng bawat mga halimaw sa loob ng ilang libong milya.

"Ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array ay kaya na ngyong manindak ng mga Kings. Walang kahit sinong mababa pa sa Void God Realm ang makakaligtas," mataas na kumpiyansa ng skeletal Division Leader.

Ang kanyang lilang buhok ay nagsimulang lumutang sa ibabaw ng tubig, at isang mala-panaginip, at mabanaag na mundo ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng. Pagkatapos nito, kinaway ni Zhao ang kanyang kamay, at isang sunog na pinuno sa kanyang harapan ang lumutang sa tubig.

Ang forbidden aura ay agad na pinakawalan, na kung saan nagdulot ng pagkabalisa at panginginig sa mga daan-daang kalapit na ghost-corpses. Ang kapangyarihan ng sumpa ay halos kumalat.

"Lumapit ka!" ang titig ng kaliwang mata ni Zhao Feng ay lumapag patungo sa ulo.

Shua!

Ang pinuno ng God Tribulation ay naglaho, at isang pinuno ang lumitaw sa black dimension ng kanyang kaliwang mata. Ang pinaka sentro ng dark dimension na ito ay ang Soul Sea ni Zhao Feng.

Ano ang kakaibang iyon, ng pumasok ang pinuno sa lugar na ito, ang nakakatakot na aura nito ay kompresado at hindi kayang madama, na tila ba ito ay nawala na.