"Isang kasunduan?" Nanliit ang mga mata ni Zhao Feng nang tumingin siya sa batang Demigod na may boses na pambata. Ang kaniyang boses ay parang katulad ng tatling taong gulang na bata, ngunit ang kaniyang ekspresiyon ay seryoso.
Walang sinuman ang nagtangkang maliitin ang isang nabuhay na Demigod.
"Hehe," Hindi naiwasang tumawa ni Zhao Feng, "Tila nakalimutan mo na ang ating relasiyon."
Walang kahit na ano ang nagpapabago sa ideya ng utusan at ng master. Ang isang deal ay kadalasang nasa pagitan ng dalawang partido na nasa parehong level.
Pangungutya at kuryosidad ang lumitaw sa mga mata ng skeletal Division Leader. Walang siyang gaanong alam sa batang ito dahil sa Demigod Intent na pumipigil dito, ay hindi nito magawang makaalis sa pearl.
Siyempre, hindi ibig sabihin nito ay minamaliit ng skeletal Division Leader ang batang ito. Ang batang ito na mukhang dalawa o tatlong taong gulang ay mayroon ng cultivation ng late-stage Great Origin Core Realm at makakayang matalo siya sa mabilis na oras. Kahit na gaano pa katanga ang skeletal Division Leader, hindi niya parin ito ituturing na bata.
"Isa akong Demigod, kaya may karapatan akong gumawa ng kasunduan. Bukod pa dito, ay hindi mo matatanggihan ang aking alok," Mayabang na sabi ng batang Demigod. Kahit na siya ay isang alipin na kontrolado ng isang tao, mayroon pa rin siyang dignidad.
"Demigod!" Nagulat at walang nasabi ang skeletal Division Leader nang tumitig siya sa golden-skinned na batang nasa harap niya.
Binuhay ni Zhao Feng ang isang Demigod? At ginawa niya itong alipin? Ito'y… nakakalokong talaga! Kumpara sa isang Demigod, ang Scarlet Moon Patriarch na nagustuhan niya dati at kahit na ang Emperor of Death ay wala lang para sa kaniya.
"Kung ang kasunduan talaga ay hindi katanggi-tanggi," Hindi tinanggihan ni Zhao Feng ang mungkahi nito. Alam niya, na kapag naibalik na ang lakas ng batang Demigod, ang karamihan ng kaniyang memorya ay magigising.
"Una, mayroon akong paraan para tumaas ang tiyansa ng isang Master upang makuha ang God Tribulation Lightning," Bahagyang sabi ng batang Demigod.
God Tribulation Lightning! Isang ilaw ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng. Ang God Tribulation Lightning ay ang supreme lightning na maaaring makalaban sa lahat ng nasa mundo. Kung mauunawaan o makukuha niya ang kahit na ang kaunting kaalaman tungkol dito, ang kaniyang lakas ay magbabago ng malaki.
Maliban pa dito, ang pag-unawa sa God Tribulation Lightning ay maaaring makapagpataas ng kaniyang tiyansa ng tagumpay kapag nakaharap na niya ang kaniyang God Tribulation.
"Mayroon akong Lightning Absorptio Divine Technique sa kailaliman ng aking mga memorya. Kahit na ito'y hindi pa kumpleto, ang skill nito ay lalampas na sa Five Elemental Ten Thousand Lightning Technique at sa Lightning Summoning Sword Technique. Sa nakaraan kong buhay, nacomprehend ko ang skill na ito upang mapalakas ng aking abilidad laban sa kidlat, paliwanag ng batang Demigod.
Lightning Absorption Divine Technique! Hindi makapaniwala si Zhao Feng. Siya ay nakainherit ng Wind Lightning Inheritance, kaya narinig na niya ang maalamat na Lightning Absorption Divine Technique noon. Sa 'di inaasahan, ang teknik na ito ay nagawa upang labanan ang God Tribulation.
Walang duda na nagkaroon ng kumpletong bangkay ang Demigod at nagawa pa nitong makahigop ng enerhiya ng kidlat.
Naniwala si Zhao Feng sa karamihan ng sinabi ng batang Demigod. Mayroon siyang Wind Lightning Inheritance at ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Techmique. Mahihirapan siyang lokohin ito tungkol sa Lightning Absorption Divine Technique.
"Ang pangalawang punto ay ang God Tribulation Lightning ay napakahirap na isama sa isang True Yuan. Ang pinakamagandang paraan ay hayaan ang katawan, laman, at ang dugo na higupin ito. Iyon ang kasalanang nagawa ko noon," Ngumiti ang batang Demigod.
Nang marinig niya ito, si Zhao Feng ay mabilis na nakaramdam ng kaginhawaan.
Walang duda na humarap siya sa pagpipigil nang subukan niya itong higupin – ang God Tribulation Lightning ay isang kapangyarihan na namumunong supreme sa 'di mabilang na mga kapangyarihan. Paanong ang ganitong klaseng kapangyarihan ay pinagsasama sa ibang lightning o True Yuan?
Pinaliwanagan ng batang Demigod si Zhao Feng.
Ang pinakamagandang paraan para hayaang hihupin ito. Ang aking dantian ay mayroon ng kapangyarihan ng Wing Lightning, na hindi maaaring mabuhay kasama ang God Tribulation Lightning, ang pagkakaintindi ni Zhao Feng.
"Mahirap para sa isang normal na mga katawan na kayanin ang God Tribulation Lightning, na ibig sabihin na kailangan nito ang isang body-strengthening divine technique," Mayabang na sabi ng batang Demigod.
Ang body-strengthening divine technique. Naintindihan na ngayon ni Zhao Feng ang lahat, at saka tumingin ng malalim sa batang Demigod. Ang batang Demigod ay mayroong espesiyalisasyon sa body-strengthening sa kaniyang nakaraang buhay, kaya malinaw na may mayroon siyang makapangyarihang body-strengthening techniques.
"Anong gusto mo?" Napagdesisyunan ni Zhao Feng na makipagkasundo sa batang Demigod. Ang Lightning Absorption Divine Technique at ang body-strengthening divine technique ay parehong nasa kamay ng batang Demigod, kapag wala ito, hindi magagawa ni Zhao Feng na kuhain ang God Tribulation Lightning kahit na nasa kaniya pa ang ulo nito.
"Gusto ko pa ng karneng dinala mo noon, maraming ganoon,"ang batang Demigod ay nagsalita nang tumingin siya patungo sa sinumpang mga ghost-corpses. Ang sinumpang mga ghost-corpses ay malinaw na nakuha ang laman at dugo mula sa Ancient Dream Realm.
"Gaano karami ang iyong kailangan?" Tanong ni Zhao Feng.
"Limang tonelada, wala ng pag-uusap," Sabi ng batang Demigod.
Limang tonelada? Nagdikit ang mga kilay ni Zhao Feng. Para makakuha ng limang tonelada, kailangan niyang pumatay ng mas malalaking mga hayop.
"Ang halaga ng ibibigay ko sa iyo ay paniguradong kasing halaga nang ibibigay mo sa akin," ang batang Demigod ay agresibong tumindig. Alam niyang mayroon ganitong bilang ng karne si Zhao Feng.
Ang sinumpang mga ghost-corpses ang naging batayan niya. Paniguradong binigyan ni Zhao Feng ang sinumpang mga ghost-corpses ng kabuuang liman-daang kilo, kaya ang limang-libong karne ay hindi naman kagoon karami.
"Sige, Tumango si Zhao Feng bilang tanda ng pagsang-ayon, "ngunit kailangan mong patunayan na totoo ang iyong ibibigay."
Kahit na marami ang limang tonelada, patataasin lamang nito ang lakas ng batang Demigod hanggang siya'y maging isnag King. Mas maraming karne ang makain niya, ang epekto nito ay mababawasa. Ito ang panimulang teyorya sa likod ng Ancient Dream Realm aura.
"Ginamit ko ang pangalan ng God Tribulation upang mangako na ako'y hindi mandaraya sa mga item, at para kumpirmahin na sila'y totoo," Seryosong sabi ng batang Demigod.
Tumango si Zhao Feng nang makuntento na siya. Ang batang Demigod ay namatay ng dahil sa God Tribulation sa nakaraan niyang buhay, at ang kapangyarihan ay nag-iwan ng bangungot sa kaniyang puso. Sa parehong oras, ang God Tribulation ay may kaugnayan sa mga batas ng Heaven and Earth. Ang batang Demugod ay hindi dapat magbiro sa bagay na ito.
Mula noon, makikita talaga na seryoso ang batang Demigod tungkol sa pakikipagkasunduan. Tila mayroon pa rin siyang mga bagay na gustong sabihin para manatili siyang hindi natatakot kay Zhao Feng.
"Para patunayan ang aking sinseridad, ibibigay ko sayo ang Lightning Absorption Divine Technique ngayon," Sabi ng batang Demigod.
Sobrang nagulat si Zhao Feng. Ganito ba palaging kaseryoso ang batang Demigod na ito?"
Wala na siyang sinabi at basta-basta na lang niyang tinanggap ang impormasyong ibinigay sa kaniya ng batang Demigod. 'di katagalan, isang incomplete divine technique ang lumitaw sa kaniyang isipan.
Ang Lightning Absorption Technique: ginawa ng isang eksperto mula sa sinaunang panahon upang gamitin sa pagharap sa God Tribulation. Ang teknik na ito ay ginawa para makuha ang power of Lightning.
Ang teknik ay walang gaanong nakasulat na impormasiyon sapagkat ito'y hindi nga kumpleto. Hindi katulad ng Wind Lightning Inheritance o ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning na mayroong malalaking balangkas at direksiyon.
Sa madaling salita, ito'y isang skill na nangangailangan ng mataas na level ng comprehension at soul-strength.
Ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at sinubukang unawain ang nilalaman, at nalaman niya, na kahit na walang masiyadong nakasulay, mahihirapan siyang unawain ito. Sa kabutihang palad, ay mayroon siyang pundasiyon ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique at ng God's Spiritual Eye, na payagan siyang unawain ang kahit na kaunting kaalaman.
"Bigyan mo ako ng ilang araw at ibibigay ko sayo ang kalahating toneladang karne," Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at saka sinabi ito.
Kasiyahan ang kumikislap sa mga mata ng batang Demigod.
Sa sumunod na mga araw, si Zhao Feng ay tila nagcucultivate habang naupo, ngunit ang katotohanan, ang kaniyang kamalayan ay nanatili sa Soul Sea.
Ang Soul Sea ni Zhao Feng ay kasalukuyang ay napipigilan, kaya hindi niya nagagamit ang kapangyarihan ng kaniyang kaluluwa, ngunit hindi nito mapigilan na magcomprehend sa loob nito.
Shua!
Sa isang iglap, si Zhao Feng ay pumasok muli sa Ancient Dream Realm.
Malapit sa batis, si Zhao Feng ay nagsimulang maghanap ng mga hayop na walang kakayahang makalaban sa kaniya, kagaya ng mga baka at mga tupa.
Upang mapataas ang kaniyang kakayahan, kinuha ni Zhao Feng ang Sky Licking Bow.
Ang kapangyarihan ng Sky Locking Bow ay nalilimitahan sa Ancient Dream Realm, ngunit kaya parin nitong nakatira sa loob ng ilang daang metro.
Zhi!
Hinawakan ni Zhao Feng ang ancient dark silver bow at nagsimulang hilahin ng dahan-dahan ang bowstring habang pinagahahalo niya ang kapangyarihan ng wtw-bloodline niya dito.
Weng~~
Isnag pilak na ilaw ang lumitaw sa aligid ng ancient bow at nagsimulang gumalawna parang totoo. Sa parehong oras, isnag malamig, payat na palaso ang gawa sa ilaw na nagsimulang mabuo.
Nang maabot ng sandata ang level ng Sky Locking Bow, ay hindi na niya kakailanganin ang mga palaso. Ang mga palaso ay otomatikong nabubuo. Kapag may sapat na kapangyarihan nag isang tao, ang Sky Locking Bow walang hanggang na magagamit, kagaya ng bar na mayroong walang hanggan na bala.
Whoosh!
Ginto at pilak na ilaw ang pumilipit sa Sky Locking Bow na humati sa himpapawid.
Bam!
Ang gintong palaso ay kumislap at lumitaw sa loob ng dose-dosenang metrong layo patungo sa lalamunan ng usa na nainom ng tubig.
"Napaka-makapangyarihan!" Napanganga si Zhao Feng; siya'y napatigil.
Ito ang unang beses niyang ginamit ang kaniyang alas.
Ang mga katawan ng bawat nilalang sa Ancient Dream Realm ay napakalakas, at kahit si Zhao Feng ay nangangailangan ng maglaan ng oras at pagsisikap uoang makapatay ng isang usa o tuoa, kung saan ang Sky Locking Bow ay nagawa ito sa isang tira lamang.
"Maganda 'yan. Magagawa ko ang lahat ng gusto ko sa Ancient Dream Realm para subukan ang aking archery skills."
Pinigilan ni Zhao Feng ang kasiyahan sa kaniyang puso nang mabilis niyang ilayo ang katawan ng usa at saka tinanggal ang aura nito upang hindi makaagaw ng pansin ng ibang mga hayop.
Sa mga nakalipas na dalawang araw, ginamit ni Zhao Feng ang Sky Locking Bow upang makahuli ng mas malalaking mga hayop, ngunit ang Sky Licking Bow ay nangangailangan ng maraming True Yuan.
Magagamit lamang ito ni Zhao Feng sa loob ng apat o limang beses sa isang araw, ngunit ang pakay nito mapapatay sa isamg tira lamang.
Ang pakay niya ay nahuli niya gamit ang Sky Locking Boa na walang tiyansang makakaiwas dito. Ang panang ito ay mayroong kakaibang abilidad na makakulong ng kaluluwa at hindi makaiwas, na nagpapatunay sa pangalan nito – ang Sky Locking Bow.
Makalipas ang kalahating araw, tinawag ni Zhao Feng ang batang Demigod.
"Ito'y kalahating toneladang karne," Naglabas si Zhao Feng ng isang interspatial bag at ibinigay ito sa batang Demigod.
Nagpakita ng masayang mukha ang batang Demigod ng kuhain niya ito.
"Master, ito ang supreme body-strengthening technique ng aking nakaraang buhay… ang Golden Kun Sacred Body. Ang teknik na ito ay isa sa pinakamagaling na body-strengthening techniques sa lahat ng continent zones," ang batang Demigod ay naglabas ng isang golden-colored blood-pearl at ibinigay ito kay Zhao Feng.
Kinuha ni Zhao Feng ang golden-colored blood pearl ng may pagtataka at panghuhula na ang ganitong klaseng inheritance ay limitado lamang sa mga bloodline.
Gayon pa man, ay ginulat pa rin nito si Zhao Feng na nagawa niyang makuha ang body-strengthening technique ng ganon-ganon nalang.
Pangungutya ang lumabas sa mga mata ng batang Demigod. Ang Golden Kun Sacred Body na ibinigay niya kay Zhao Feng ay totoo nga, ngunit siya'y hindi nababahala na napunta ito kay Zhao Feng.