Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 688 - Paglayag (1)

Chapter 688 - Paglayag (1)

Matapos mahubog ang intent ng King, naabot na ni Zhao Feng ang bawat limitasyon ng kanyang aspesto. Mahihirapan siya na magkaroon ng kahit anong malalaking breakthrough sa loob ng maikling panahon.

Ang cultivation sa late-stage Great Origin Core Realm ay isa ring kamangha-mangha. Bukod sa kanyang cultivation, ang state of existence, katawan at kaluluwa ni Zhao Feng ay naabot na ang level ng isang King.

At sa mga sandaling ito, na sa mga sampung Divine Senses ang nagsuri sa lugar kung saan nakatira si Zhao Feng.

Kahit anong gawing pagpapakumbaba ni Zhao Feng, ang pagsilang ng isang panibagong hari ay hindi parin maitatago.

Ang lahat ng nagmamay-ari ng mga Divine Senses ay napabuntong hininga.

Ang isang batang dalawampu't taong gulang pa lamang ay mayroon ng cultivation ng Great Origin Core Realm at kaya ng maintindihan ang intent ng isang King.

Anong klaseng himala iyon?

Nalagpasan na ni Zhao Feng si Nan Gongshengs dahil sa ipinakita niyang potensyal. Tanging si Zhao Yufei lamang ang mayroong bloodline ng Spritual Race ang maaring makalampas kay Zhao Feng pagdating sa bilis ng cultivation.

"Zhao Feng, napakabilis mong lumago, ngunit mawawala kami ng halos sampung araw…" bumandang boses ni Duanmu Qing.

Ang lakas ni Zhao Feng ay sapat na para hamunin ang mga King, ngunit sa harap ng Pursuit of Death, kahit na ang mga Emperors ay hindi magawang makaligtas.

"Sampu pang mga araw," magalang na tumango si Zhao Feng. Sampung araw na lamang ang natitira para protektahan ang mga nabubuhay sa True Martial Arts Land, ngunit hindi ito ang kanyang huling destinasyon.

Floating Dream Spiritual Zone… Sky Saint Qin Palace….bulong ni Zhao Feng sa kanyang puso.

Ang landas ng kanyang cultivation ay magiging maliwanag at walang sagabal pagkatapos makumpirma kung buhay o patay si Liu Qinxin.

Opisyal na tumigil si Zhao Feng sa pag cultivate sa huling sampung araw.

Patuloy parin siya pag paghina sa intent na mula sa Eye of Death.

Ang paglabas ng kanyang seclusion ay umagaw nang pansin sa maraming miyembro ng clan. Sumikat si Zhao Feng dahil sa pakikipaglaban kay Lei Zhen at binansagan siya bilang isang henyo ng Lightning Dao.

Umalis si Zhao Feng sa pinaka Spiritual Peak. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na iniwan niya ang teritoryo ng angkan pagkatapos na lumabas sa Demigod Forgotten Garden. Lumipad si Zhao Feng patungo sa Golden Mountain Sect at sinuri ang kanyang Devine Sense sa buong lugar. Makalipas ang ilang sandali, nakita niya ang Old Li, ang King na naka kapang asul, Li Yunya, Loulan Zhishui, at ang iba pang mga mandaragat.

"Zhao Feng!" sigaw ng King na naka asul na kapa nang nadama niya ang King-level Divine Sense ni Zhao Feng.

Siya ay nagulat; gaano na katagal ito? Wala pang taon ang nakakalipas!

Ang langgam sa kanyang mga mata ay nakabuo ng kompletong King Intent.

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Void God Realm at ang mababang realm ay ang kaluluwa at intent, at ang parehong kaluluwa at intent ni Zhao Feng ay ganap nang nagbago. Ang pintuan sa pagiging isang King ay malawak na bukas para sa kanya. Kinakailangan na lamang ni Zhao Feng ng isa o dalawa pang taon upang maging isang King.

Pagkaraan ng ilang sandali, sa gilid ng bulwagan ng Golden Mountain Sect, si Zhao Feng, ang King na naka asul na kapa, at Old Li ay magkasamang umupo at nag-usap. Ngayon, si Zhao Feng ay isa ng ganap na maalamat na henyo at may rising starsa loob ng True Martial Sacred Land.

Inihayag niya ang kanyang tagumpay sa seremonya ng mga disciple, at nagawa niyang kopyahin ang plano mula sa ilang libong taon na ang nakalipas upang salakayin ang Mermaid Kingdom, sa pagkuha ng mga luha ng sirena at ang Illusion God Wine.

Pagkatapos nito, mas lalong naging sikat si Zhao Feng. Ang paglaban kay Lei Zhen, at ang kanyang potensyal na malampasan ang Wind Lightning Emperor, ay ikinagulat ng buong Sacred Land.

Ang King na naka kapa na asul at ang Old Li ay sabay na bumuntong hininga nang magkita muli sila ni Zhao Feng. Si Zhao Feng ay mas nakakatakot pa kaysa sa mga usap-usapan - ng mabuo niya ang King Intent.

Kinuha ni Old Li si Zhao Feng upaang kitain si Loulan Zhishui, Li Yunya, at ang iba pa.

"Zhao Feng, kami ay humiling sa ilang array masters upang palakasin pa lalo ang iyong Blue Lightning Sea Sky Ship," sabi ni Old Li habang naka ngiti. Kahit na nanatili si Zhao Feng sa Spiritual Peak ng True Mystic Sacred Clan, nanatili paring may kontak si Zhao Feng kay Old Li.

"Kapitan…" Gustong magsalita ni Li Yunya at Loulan Zhishui, ngunit sila ay huminto.

Sila ay sinuri ni Zhao Feng at agad na nalaman at nakita ng malinaw kung ano ang nangyayari. Matapos makapasok sa Sacred Land, si Loulan Zhishui at Li Yunya ay madaling tinanggap sa Golden Mountain Sect, si Loulan Zhishui ay naging isang rising star ng Golden Mountain Sect habang si Li Yunya ay naging Deacon. Ang dalawa ay matagumpay na isinama sa Golden Mountain Sect.

Ang tatlumpu't tatlong two-star sects sa loob ng True Martial Sacred Land ay lahat ay na sa rurok na ng two-stars na malayong malampasan ang two-star na mga puwersa sa panlabas na mundo.

Gaano kasiya-siya ang maging isang miyembro ng Sacred Land?

"Maaari kang magpasiya kung manatili ka o aalis. Hindi ko kayo pinipilit," makalmang pagkasabi ni Zhao Feng.

Nang walang pag-aalinlangan, nagpasya si Li Yunya na manatili. Dahil para sa kanya ang pananatili sa Sacred Land ay isang katuparan ng kanyang pangarap, at hindi siya maaaring bumalik sa kanyang orihinal na sect kahit na gusto niya.

Tumingin si Loulan Zhishui kay Zhao Feng nang kumplikado at may pagka-konsensya.

Ang batang may lilang buhok sa kanyang paningin ay naging malayo. Nasaksihan niya ang milagrong kanyang pagsikat. Sa unang pagkakataon noong sila ay nagkita, siya ay isang batang may asul na buhok lamang.

"Sige, naiintindihan ko," si Zhao Feng ay hindi na nagulat, at hindi rin nagalit. Yumuko nang may pagka-konsensya si Loulan Zhishui. Noon sa Eight Desolate Mountain, sumang-ayon siya na maging isang mandaragat sa barko ni Zhao Feng, ngunit ang pangako ay darating na rin sa wakas.

"Skeletal Division Leader, mula ngayon, ikaw na ang magiging vice-captain ng barko," dahan-dahang kinaway ni Zhao Feng ang kanyang kamay.

Shua!

Lumitaw ang skeletal Division Leader. Ang mga buto nito ay napapalibutan ng madilim na ginintuang linya, at ang aura nito ay mas malakas pa kaysa noon, na higit pa kay Li Yunya

"Ano…!" Nagulat si Li Yunya na hindi makapaniwala.

Hindi lamang ang cultivation ng Sovereign Lord rank ang naabot ng skeletal Division Leader, ang lakas ng mga buto nito ay naabot na ang tugatog ng Sovereign Lord level. Malamang marami sa mga tao na mas mababa pa sa half-step Void God Realm ang hindi makikipaglaban sa skeletal Division leader.

"Naiintindihan ko Master," ang skeletal Division Leader at ang iba pang mga mandaragat ay tumawa ng masama nang kinuha nito ang Blue Lightning Sea Sky Ship. Ang sukat ng barko ay hindi naging mas malaki, ngunit ang lahat ng mga aspeto nito ay malalakas. Si Zhao Feng ay nagbayad ng napakalaking halaga at nasaktan ang Old Li sa pamamagitan lamang ng pagtingin rito.

"Tayo na," kinuha ni Zhao Feng ang Blue Lightning Sea Sky Ship at bumalik sa Mystic True Sacred Clan.

Bago siya umalis, binigyan ni Zhao Feng si Old Li ng dalawang interspatial rings.

"Pakiusap, ibagay mo ang isa sa mga ito sa Eternally Sealed Palace Lord. At ang isa naman ay para sa Golden Mountain Sect, na kung saan maaaring ipamahagi ni Old Li dahil ito ang kanyang kahilingan."

Hinawakan ni Old Li ang dalawang interspatial rings at huminga ng malamig nang pumasok ang kanyang Divine Sense sa kanila. Ang halaga ng kayamanan na nakapaloob sa loob ng Eternally Sealed Palace Lord ay sapat na upang gawing pula ang mga mata ng isang King.

Ang isa na para sa the Golden Mountain Sect, ang bilang ng kayamanan ay higit pa sa bilang ng kayaman ni Old Li na kanyang natipon sa buong buhay niya.

Bukod pa dito, batay sa sinabi ni Zhao Feng, ito ay ilan lamang kabayaran; isa rin itong tulong dahil siya ay may utang na loob sa Eternally Sealed Palace Lord.

"Dapat kong aminin na kayong dalawa ay gumawa ng maling desisyon," malumanay na sinabi ni Old Li habang sinusuri ng kanyang mga mata si Li Yunya at Loulan Zhishui. Malinaw na nakita nina Li Yunya at Loulan Zhishui ang nakamamanghang bilang ng mga kayamanan na nasa interspatial rings.

Dapat malaman ng isa na si Old Li ay isang half-step King. Si Li Yunya at Loulan Zhishui ay hindi makakatanggap ng kahit ano. Dahil sa tulong ni Zhao Feng, nagawa nilang makapasok sa True Martial Sacred Land, na kung saan ito na ang kanilang pinakamalaking gantimpala.

Matapos makabalik sa pinaka Spiritual Peak, Kinuha ni Zhao Feng ang kanyang mga gamit, habang ang skeletal Division Leader naman ay ganap ng kinuha ang Blue Lightning Sea Sky Ship.

Pinaalis na ni Zhao Feng ang mgamandaragat at ibinigay sa kanila ang kanilang mga gantimpala.

"Master, bigyan mo ako ng ilang panahon at magagawa kong ibalik ang barkong ito na isa ng ghost ship," tumawa ang skeletal Division Leader. Matapos maging vice-captain, ang ilang mga matatalinong multo at kalansay ay naging mga mandaragat.

Matapos manatili sa Ten Thousand Ghost Peal nang napakatagal, ibat-ibang klaseng mga zombies, spirits of hatred, at iba pang mga bangkay ang nabuo. Kung siya ay handa, kaya ni Zhao Feng na bumaba pa sa landas ng Ten Thousand Ghost Emperor at bumuo ng kanyang sariling hukbo. Hindi lamang ito isang hangarin na maubos ang puwersa ng two-star sa isang pagkakataon

Gayon pa man, hindi gaanong interesado si Zhao Feng sa Dao of Ghost-Corpses. Ang kanyang pangunahing nais ay ang Wind Lightning Inheritance at ang kanyang Soul eye-bloodline techniques.

Ang pag-iisip na iyon ay magiging mas mabuti kung ito ay ibibigay sa skeletal Division Leader.

Bilang ang pang sampung huling araw ay magsasarado na, tinapos na ni Zhao Feng ang lahat ng problema at walang anumang gagawin sa huling limang araw. Hinanap niya si Nan Gongsheng para makipag-usap.

Syempre, hindi niya ito hinanap upang makipag-away, sa halip, nais niyang pag-usapan ang mga teorya sa likod ng Dao of Space.

Naunawaan na ni Zhao Feng ang Lightning Wings Flying Technique matapos suriin at ilakip ang bahagi ng laws of Space ni Nan Gongsheng.

Kinailangan pa ring perpektohin ito ni Zhao Feng, kaya nais niyang matuto mula mismo kay Nan Gongsheng.

Hindi ito tinanggihan ni Nan Gongsheng; siya rin ay interesado sa pag-intindi ni Zhao Feng sa laws of Wind at laws of Lightning. Kung ang pag-uusapan ay ang bilis, kahit na si Nan Gongsheng ay hindi kasing bilis ni Zhao Feng.

Ang dalawa ay nag-ensayo at nag-usap ng dalawa o tatlong araw, at kapwa silang nagkamit ng kaunawaan. Maraming natutunan si Zhao Feng nang siyasatin niya ang spatial techniques ni Nan Gongsheng.

Ang Wings of Wind at Lightning technique ay naglalaman ng mas makapangyarihang Lightning Wings Spatial techniques, at kaya nilang maglakbay ng libu-libong milya sa isang paghinga lamang.... Naisip ni Zhao Feng.

Ang Lightning Wings Flying Technique ay mas angkop para sa pagtakbo o paghabol sa iba. Noon, ginamit ng Wind Lightning Emperor ang kakayahan na ito upang makatakas pati narin sa Sacred Lords.

Pagkatapos bumalik sa kanyang lugar, inilabas ni Zhao Feng ang kanyang munting magnanakaw na pusa. Ang munting magnanakaw na pusa na ito ay dalubhasa rin sa Space, kaya'y nais rin ni Zhao Feng na matuto mula rito. 

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na pusa ay agad na nawala at biglang lumitaw sa tuktok na kasunod na kwarto.

Ang spatial techniques nito ay may kaugnay sa Dao of Assassination, kaya sila ay karaniwang tahimik.

Napagtanto ni Zhao Feng na ang munting magnanakaw na pusa ay umasa nang higit sa bloodline nito, at lumampas na ito sa mga parametro ng normal spatial techniques.

Gayon pa man, noon pa lamang, nagawa na ni Zhao Feng na matuto mula sa munting magnanakaw na pusa.

Matapos pagsamahin ang teknik ni Nan Gongsheng, ng munting magnanakaw na pusa, at ng Wind Lightning Inheritance, nagawa ni Zhao Feng na mas ma-perpekto ang kanyang teknik.

"Kung magtatagumpay ito, ang aking bilis ay makakaabot ng panibagong level." Dahan-dahang isinara ni Zhao Feng ang kanyang mga mata. Para sa huling dalawang araw, nanatiling nakasara ang kanyang mga mata at pinagsama-sama ang magkakaibang kakayahan.

Nagsimulang mabuo ang plano sa kanyang isipan - ang pinagsamang spatial techniques at Wings of Wind and Lightning. Dahil dito, kaya niya nang makalampas sa space habang lumilipad.

Ang Wings of Wind at Lightning ay parang isang ibon na narating na ang pinaka mabilis; wala talagang isang paraan upang itulak ang mga pakpak sa kanilang sarili nang mas mabilis, ngunit kapag ginamit ang spatial techniques at mapaikli ang pag-lalakbay ng sampu o isang daan sa aktwal na distansya, kung gayon ang pangkalahatang bilis ay sampung beses o isang daang beses na mas mabilis.

Ito ang ultimate theoretical na level ng Wings of Wind at Lightning – Ang Lightning Wings Spatial Flash.