Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 689 - Paglalayag (2)

Chapter 689 - Paglalayag (2)

Ang Lightning Wings Spatial Flash ay nagsimulang mabuo sa isipan ni Zhao Feng.

Syempre, sa ngayon, siya lamang ay nag cu-cultivate ng pinaka pangunahing pundasiyon - ang Lightning Wings Wind Flash.

Nabuo ng Lightning Wings Wind Flash ang essence ng Wind Lightning Inheritance sa anyo ng Wings of Wind at Lightning.

Gamit ang Lightning Wings Wind Flash, nakatitiyak si Zhao Feng na ang kanyang bilis ay kayang lampasan ang maraming Void God Realm Kings.

Lumipas ang mga oras nang napakabilis, at ginugol ni Zhao Feng ang huling dalawang araw sa pag-intindi ng Wings of Wind at Lightning pati narin ang grinding down sa Intent ng Eye of Death.

Matapos ang dalawang araw, bumuntong hininga si Zhao Feng. Inilagay niya ang munting magnanakaw na pusa at ang batang Demi God sa malayo, pagkatapos ay pumunta sa lugar ng Emperor Duanmu.

Ang progreso ng batang Demigod ay nakagugulat; naabot na nito ang late-stage Great Origin Core Realm sa kabila nang paglilimita ni Zhao Feng sa kanyang mga resources.

Sa harap ng palasiyo:

"Mabuti , ang lahat ay narito," marahang tumango si Duanmu Qing. Katabi niya sina Zhao Feng at Zhao Yufei.

Ang tatlo ay natapos na ang lahat nang kailangan nilang gawin at ngayon ay hinihintay na lamang ang pagbukas ng Spiritual Zone Teleportation Array.

"Tara na," na may isang pag-iisip, prinotektahan ng kapangyarihan ni Emperor Duanmu si Zhao Feng at Zhao Yufei.

Shua!

Sa susunod na sandali, ang tatlo ay agad na nawala mula sa main Spiritual Peak.

"Ibang klaseng bilis!" Napahinto si Zhao Feng. Sa isang hakbang lamang, nakuha na ni Duanmu Qing ang dalawa sa kanila at nawala mula sa teritoryo ng Mystic True Sacred Clan.

Nakaramdam si Zhao Feng na ang space ay parang nagbago. Ang mga Emperors ay malayong nalampasan na ang normal Kings kung ang pag-uusapan ang kanilang pag-intindi sa Space, at ang kanilang mga kaluluwa ay nasa tugatog na.

Pagkatapos ng isa o dalawang paghinga, si Duanmu Qing at ang iba pa ay lumapag sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak. Ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak ay isang lugar na walang pinapanigan, at maraming mga inheritances dito.

"Bakit ang mga inheritances…?" Si Zhao Feng ay bahagyang nagulat.

Sinuri ng mga mata ni Duanmu Qing ang paligid ng palasyo at nagpaliwanag, "Ang ilang mga ekspertong ninuno ng ilan sa mga two-star sect ay nagtutungo dito sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak upang iwanan ang kanilang mga inheritances para sa kanilang juniors bago sila mamatay."

Naintindihan ni Zhao Feng. Bahagya niyang narinig ang tungkol dito nang pumasok siya sa Sacred Land.

"Syempre, ang mga inheritances dito ay mas delikado kaysa sa Demigod Forgotten Garden," sabi ni Duanmu Qing.

Sa kabuuan ng Sacred Land, wala sa higit tatlong inheritances na kapareho ng rank na tulad sa Demigod Forgotten Garden. Hindi sila nag-abala pa sa mga two-star sect inheritances. Pinamunuan ni Emperador Duanmu ang daan at lumakad sa isang array stand na may walong old green stone poles.

Ang bawat isa sa walong old green stone poles ay may ilang daang metro ang taas at nababalutan ng ancient array carvings. Tila ba ang space mismo ay tumataas at bumababa., at ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nawala ng suriin niya ito. Malinaw na ang mga stone poles na ito ay may kinalaman sa batas ng Space.

"Emperor Duanmu," isang boses ang bumanda mula sa array.

Tumingala si Zhao Feng at siya ay nagulat; mayroong isang Void God Realm King ang nasa tuktok ng bawat mga poste.

Bukod pa dito, mayroon ring isang elder sa pinaka sentro ng array - isang Void God Realm Emperor.

Sa kabuuan may isang Emperador at walong Kings ang nagbabantay sa Spiritual Zone Teleportation Array.

"Salamat sa inyong lahat," Ngumiti si Duanmu Qing. Ang kanyang tinig ay kasing banayad ng hangin.

Ang elder Emperor ay tumango, at si Duanmu Qing naman ay inilabas ang kanyang tatlumpu't dalawang peak-grade Primal Crystal Stones, na inilagay niya sa loob ng eight stone poles.

"Ang Spiritual Zone Teleportation Array ay upang maiwasan ang pagsobra ng iba pang mga pwersa. Mayroon ding isang God Primal Crystal Stone sa gitna ng Spiritual Zone Teleportation Array," sinabi ni Duanmu Qing kay Zhao Feng at kay Zhao Yufei naman ay ilang mga sikreto.

Mayroong tatlong Spiritual Zone Sacred Lands sa Cang Ocean: ang True Martial Sacred Land, Floating Dream Sacred Land, at ang Ten Thousand Woods Sacred Land. Ang tatlong Sacred Lands na ito ay konektado sa Spiritual Zone Teleportation Arrays.

Ang patutunguhan ni Zhao Feng ay halos nasa parehong direksyon ng kay Duanmu Qing at Zhao Yufei.

"Tayo ay maghihiwalay pagtapos nating marating ang Floating Dream Spiritual Zone."

Si Duanmu Qing at ang iba pa ay nakatayo sa sentro ng array.

Weng~~

Ang walong ancient green stone poles ay naglabas ng matingkad na liwanag ng silver-white na ilaw, na kung saan natatakpan ang array stand. Ang katawan nina Duanmu Qing, Zhao Feng, at Zhao Yufei ay nagsimulang mawala ng unti-unti at naglaho.

"Umalis na sila," ang King na nasa ibabaw ng isang stone pole ay biglang naglabas ng token at nagpadala ng isang mensahe.

Sa susunod na mga sandali, dumaluyong ang Death Intent sa kabuuan ng True Martial Sacred Land at madaling nakapanginig sa ilang mga Kings at Emperors.

"Ibang klaseng lakas ng aura of Death!" naramdaman ng ilang Void God Realm Kings ang paglaming ng kanilang mga puso.

Makalipas ang ilang hininga, isang matangkad na anyo na nakasuot ng madilim na gintong korona ang lumitaw sa hangin sa ibabaw ng Ten Thousand Ancient Sacred Peak.

Ang korona ay naglalabas ng isang ancient na madilim na aura. Ang kanyang mga mata ay parehong itim na parang isang kalaliman.

"Emperor of Death!" sigaw ng ilang mga matatandang emperors sa loob ng Sacred Land.

"Kailan pa dumating ang Emperor of Death sa True Martial Sacred Land?" "Labis niyang itinago ang kanyang sarili."

Ang mga kaguluhan ay sumiklab sa gitna ng Sacred Land. Ang Emperor of Death ay ang bangungot ng marami sa Cang Ocean.

"Master," ang magiliw nasi Wen Luoan ay yumuko at tumayo sa tabi ng Emperor of Death. Ang babaeng may puting mata, tatlong Death Spirit Lords, at dalawampu o tatlumpung Death Guards ay naroon din. Ang pwersang ito ay sapat na upang maubos ang ilang mga two-star sect sa panlabas na mundo.

"Nagtago ako sa Thousand Darkness Sacred Clan ng higit sa isang buwan. Ang Emperor Duanmu ay tunay ngang nawala sa Floating Dream Spiritual Zone," bulong ng Emperor of Death.

Ang kanyang tinig ay tila may kakayahang marinig sa loob ng kaluluwa, at ang mga Divine Senses na sumusuri ay nakaramdam ng lamig at ang kanilang mga kaluluwa ay nagsimulang makaramdam ng pagkabalisa. Ang Emperor of Death ay dalubhasa sa Dao of Soul Death, at kahit na ang Divine Sense ay maaaring masaktan sa pamamagitan lamang ng pakikipag-ugnay sa kanya.

Ilang sandali ang nakalipas, ang Emperor of Death ay nakarating na sa

Spiritual Zone Teleportation Array.

"Emperor of Death…." ang matandang Emperor at ang walong Kings ay nakaramdam ng parang hindi nila makontrol ang kanilang buhay. Ang bawat isa sa walong Kings ay nakaramdam ng isang crushing aura, at hindi sila naglakas-loob na tumingin nang direkta sa Emperor of Death.

Tanging ang matandang Emperador lamang ang nagsiwalat ng isang maingat na hitsura habang nakatingin nang malalim sa Emperor of Death, ngunit walang sinabing kahit ano.

"Senior Martial Brother, saan tayo pupunta sa mga oras na ito? " tanong ng tangang munting bababe na may puting mga mata habang tumatawa.

"Malalaman mo rin sa lalong madaling panahon," inilabas ni Wen Luoan ang tatlumpu't dalawang peak-grade Primal Crystal Stones mula sa Emperor of Death, na kung saan inilagay niya sa eight stone poles.

Ang aura of Death at ang Emperor of Death ay naglaho ng magsimula ang array.

Sa ibang lugar na walang hanggang karagatan, sa isang lugar na maihahambing sa True Martial Sacred Land ngunit napakalayo mula dito. Sa Floating Dream Sacred Land, si Zhao Feng ay tumayo katulad ng sa array stand at tumingin sa paligid.

Ang Sacred Land na ito ay punong-puno ng iba't ibang kulay ng mga ulap na naka lutang sa paligid, at hindi bababa sa isang daang milya ang lapad. Walo sa mga kulay ng mga ulap ay tila isang panlupa, at mayroon silang two-star sects.

"Ang Floating Dream Sacred Land ay mayroon lamang isang three-star superpower at dose-dosenang two-star sects, ngunit ang lakas ng Heaven Dream Sacred Clan ay tunay ngang mas malaki kaysa sa pinagsamang Mystic True Sacred Clan at Thousand Darkness Sacred Clan," bumuntong hininga si Duanmu Qing ng inilabas niya ang token pagkatapos niyang makarating.

Siya ay isang pandangal na Elder ng two-star sect sa Floating Dream Sacred Land.

Kailangan paring gamitin muli ni Duanmu Qing at Zhao Yufei ang Spiritual Zone Teleportation Array pagkatapos makarating sa Floating Dream Sacred Land upang pumunta sa malapit na continent zone. Ang ibig-sabihin lamang nito na si Duanmu Qing at Zhao Yufei ay aalis sa Cang Ocean at dadating Southern Ocean.

"Brother Zhao Feng, dito na tayo maghihiwalay. Siguro sa susunod na magkita tayo, mayroon na tayong magkakaibang mga pagkakakilanlan, iba't ibang mga katayuan, at marahil magkaiba na rin ang ating mga landas, " Kinagat ni Zhao Yufei ang kanyang labi at pilit na ngumiti.

Sa mga sandali at oras na ito, si Zhao Feng at Zhao Yufei ay nakatayo sa dalawang magkaibang Spiritual Zone Teleportation Arrays. Noon masasabi ni Zhao Feng ang lahat, si Zhao Feng ay tumalikod na, at isang luha ang makikita sa mala-pula niyang mga mata.

"Magkaibang landas? Yufei…" Bulong ni Zhao Feng, at ang kanyang kalmadong puso ay bigla nalang nakaramdam ng isang masakit na butas na hindi niya pa nararamdaman noon. Ito ay katulad ng karanasan na nadama niya mula sa mga luha ng sirena. Tila nahulog din siya sa maganda at malungkot na damdamin ng mga sirena. Tila ang mga mata ni Zhao Yufei ay mahina at malungkot. Nadama ni Zhao Feng ang tugon nang tumingin siya sa pamilyar na anyo upang sumugod at kunin siya nang mahigpit.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na pusa ay tumalon patungo sa balikat ni Zhao Feng at biglang naghagis ng mga tansong barya.

"Hmm?" kapansin-pansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Zhao Feng, at mabilis niyang inilabas ang ilang mga Primal Crystal Stones.

Bago siya umalis, nakipagpalit si Zhao Feng ng malaking bilang ng resources para sa ilang mga peak-grade Primal Crystal Stones.

Miao!

Mabilis na iniligay ng munting magnanakaw na pusa ang walong peak-grade Primal Crystal Stones sa array.

Weng~~

Ang array stand kung saan nakatayo si Zhao Feng ay nagsimula nang lumiwanag.

"Yufei, tayo ay magkikitang muli, " disididong boses ni Zhao Feng na bumanda sa soul-dimension. Ang anyo ni Yufei ay nanginig, ngunit hindi na siya lumingon pa.

"Yufei, ang paghihiwalay ngayon ay nangangahulugang magtatagpo rin sa hinaharap. Ang Lord Dynasty ang iyong tunay na yugto. Sa potensiyal na mayroon si Zhao Feng, siya ay makakarating ng continent zone sa malao't madali," Bumandang boses ng Purple Saint Partial Spirit, at si Duanmu Qing at Zhao Yufei ay naglaho na rin.

Ilang paghinga ang nakalipas, isang matingkad na liwanag ang lumitaw sa Spiritual Zone Teleportation Array stand. Madaling kasunod nito, ang daluyong ng aura of Death patungo sa lugar.

Ang ekspresyon ng mga guwardiya ng Spiritual Zone Teleportation Array ay kapansin-pansing nagbago nang lumitaw ang Emperor of Death at ang mga iba pa. Ang lugar na ito ay natahimik.

"Wala na sila?" bulong ng Emperor of Death habang ang kanyang Eyes of Death ay nakahinto sa King na kaharap niya.

"Arghh!" nadama ng Void God Realm King na tila ang kanyang kaluluwa ay pinagbabawalang makawala at hindi niya ito malabanan.

"Saan nagtungo ang lalaking may lilang buhok?" tanong ni Wen Luoan.

"Siya… siya ay nagtungo sa Sky Flower Zone," takot na pagkabigkas ng Void God Realm habang hindi magawang makatingin ng maayos sa Emperor of Death.

Kilala ng lahat ang Emperor of Death.

"Sundan siya," agad na ginamit ng Emperor of Death at ng iba pa ang Spiritual Zone Teleportation Array at naglaho sa isang kislap lang ng 

"Ang Emperor of Death!"

"Ang nakakatakot na lalaking iyon ay galing sa Floating Dream Sacred Land? Walang nakakaalam kung anong uri ng madugong bagyo ang dadalhin niya. "

Nakadama ng kapanatagan ang King.

Ang Emperor of Death at ang mga iba pa ay agad na lumitaw sa Sky Heaven Void Ocean Palace.

Shua!

Ang Void Ocean Spiritual Palace ay agad na napalibutan ng aura of Death. At sa sandaling iyon, ang lahat ng nasa Void Ocean Spiritual Palace ay nakaramdam ng paninigas sa kanilang katawan na parang isang bato.

"Ibang klaseng kapangyarihan! Ginamit ni Master ang kanyang power of Death upang patigasin ang lahat ng nasa Void Ocean Spiritual Palace."