Sa Void Ocean Spiritual Palace ng Sky Flower Island Zone, ang malaking bulwagan ay naging tahimik, at ang katawan ng 'di mabilang na mga eksperto ay nanigas.
Nabalutan ng shadow of Death ang lahat ng nilalang na naririto.
Ang Palace Lord of the Sky Flower Void Ocean Spiritual Palace ay ang Void God Realm King, kaya ang kaluluwa niya ay bahagyang nabalisa.
"Emperor of Death!" pinigilan ng Sky Flower Palace Lord ang kaniyang paghinga at mabilis na inutusan ang mga Regulator na huwag gumawa ng kahit na ano. Tila ang Emperor of Death ay may hinahanap na tao.
Sa sandaling iyon, ang Divine Senses ng tatlong Death Spirit Lords ay nagmasid din sa paligid. Ang iba ay ginamit ang kanilang Soul-Searching Technique upang hanapin ang mga Regulators na malapit sa Teleportation Array.
"Napakabilis niya," mahinang sabi ng Emperor of Death. Ang kaniyang intent of Death ay pinuno ang buong Void Ocean Spiritual Palace, ngunit wala siyang nakitang anumang bakas ni Zhao Feng.
"Mag-ulat ka sa Emperor, tila mabilis na ginamit ni Zhao Feng ang Wings of Wind at Lightning matapos kong makarating dito, at ngayon siya ay nasa limitless ocean na," magalang na sabi ng Death Spirit Lord. Nahanap niya ang bakas ni Zhao Feng gamit ang kaniyang Soul-Searching Technique.
Ipinikit ng Emperor of Death ang kamiyang mga mata, at ang kaniyang Divine Sense ay nagsimula ng kumalot.
Isang-libong milya… dalawang-libong milya… tatling libong milya….
Ang senses ng Emperor of Death ay walang hangganan at maaaring maglakbay ng napakalayo. Matapos ang ilang saglit, ang Divine Sense ng Emperor of Death ay nakaabot na sa loob ng sampung libong milya, at sa wakas ay may nakuha na siyang mga senyales ng maputlang aura ng Wind Lightning na unti-unting naglalaho sa himpapawid.
"Hindi nga natin maramdaman si Zhao Feng," Mahigpit na hinwakan ni Wen Luoan at ng mga Death Gurads ang kanilang mga Tokens of Death, ngunit hindi pa rin nila ito maramdaman. Tila ang kanilang pakay ay naglaho na lamang ng parang bula.
Walang kibong tumayo ang Emperor of Death, at tila aiya ay nagmistulang anino ng God of Death.
Ang kaniyang Divine Sense ay nakalampas na sa sampung -libong milya habang hinahabol ang direksiyon ng Wind Lightning aura.
Kumunot ang kaniyang mga kilay. Ang kaunting aura ng Wind Lightning aura ay biglang nahati sa dose-dosenang mga sources na nagtungo sa iba't ibang mga direksiyon.
Ang distansiya sa pagitan ng dalawa ay palayo nang palayo. Kahit na kayang maabot ng Divine Sense ng Emperor of Death ang ganoong layo, ito'y hindi pa rin sigurado, at ang limitless ocean ay pinagsasama-sama ang lahat ng mga aura.
"Matalinong bata," Ang itim na mga mata ng Emperor of Death ay naging kasing lamig ng yelo.
"Master, anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Wen Luoan.
Ang reaksiyon ni Zhao Feng ay naging mabilis, at ang kaniyang Wings of Wind at Lightning ay nakalampas na sa bilis ng normal na mga King.
"Pumunta ka sa mga direksiyonh iyon," Naglabas at gumawa ang Emperor of Death ng mapang gawa sa ilaw mula sa kaniyang kamay. Ang mapa ay naglalaman ng imahe ng Floating Dream Sacred Land, at maaari nitong mahanap ang lahat ng lokasiyon ng mga lugar sa malapit.
Ayon sa direksiyon ng tinahak ng aura ng Wind Lightning, ang Empeeor of Death ay nagawang hanapin ang mga posibleng destinasiyon na pupuntahan ni Zhao Feng.
Ang mga puwersa ng Emperor of Death ay nahati sa lima. Ang isang grupo ay ang Emperor of Death at ang munting babaeng may puting mata. Ang apat pang mga grupo ay kinabibilangan ng ibang mga Death Guard na pinumunuan ni Wen Luoan at ng tatlong Death Spirit Lords.
Ang limang grupo ay nagtungo na sa iba't ibang direksiyon ni Zhao Feng.
Shua! Shua!
Sa 'di katagalan ay naglaho na ang Emperor of Death at ang mga tauhan nito mula sa Void Ocean Spiritual Palace.
Hu~~
Ang Sky Flower Palace Lord at ang lahat ay huminga ng malalim.
Sa isang parte ng ng Sky Flower Islands Zone:
"Lightning Wings Wind Flash!"
Isang maliit na pulang anyo na nababalutan ng kidlat ang kumislap sa limitless ocean. Walang sinumang nasa ibaba ng half-step Void God Realm ang makakita ng balangkas ng anyo.
"Napakabilis!" ang mga eksperto na paminsan-minsang naglalakbay na nasa bangka ay napatigil. Ang anyo ay naglabas ng bilis na mas mabilis pa sa normal na mga Kings.
Ang Lightning Wings Wind Flash ay isang secret technique ng Wings of Wind at Lightning, at ito'y ginagamitan ng pinakamataas na Intent of Wind Lightning.
Pa!
Ang mga pakpak ni Zhao Feng ay mabilis na pumagaspas nang maging arko ng kidlat ang kaniyang katawam, na lumalampas sa bilis ng mga nornal na Void God Realm.
Gayon pa man, ang paggamit ng Lightning Wings Flash ay kinakailangan din ng maraming enerhiya.
Sa isang tiyak ma sandali, ang katawan ni Zhao Feng ay bahagyang nagulat at naging sampung anyo ng kidlat. Ang bawat isa ay may kaunting King Intent, at ang kanilang mga aura ay eksaktong replika ni Zhao Feng.
Shua! Shua! Shua!
Ang mga anyong ito ay lumipad sa iba't ibang direksiyon, kahit na sila'y bahagyang mabagal, mahihirapan pa rin silang makikilala ang tunay na Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay naglalabas ng maraming Wind Lightning Figures sa bawat sampung-libong milya o higit pa. Ang bawar isa ay nagtatagal ng isang oras o higit pa dahil sila'y mayroong kaunting King Intent ni Zhao Feng.
Sa oras na iyon, ang Soul Sea ni Zhao Feng ay pinigilan niya sa isang tiyak na saklaw.
Ang intent ng Eye of Death ay pinatigas ng kapangyarihan ng Ice Soul at ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique. At ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi nila mahuli ng Emperor of Death at ng kaniyang mga tauhan si Zhao Feng.
Hangga't hindi ako gumagamit ng kahit na anong mga Soul-typre Technique o ng aking bloodline, ang Emoeror of Death at ang kaniyang mga tuhan ay hindi siya magagawang mahuli ng ganoon kadali, inisip-isip ni Zhao Feng.
Sa 'di katagalan, ay itinigil din niya ang paggamit ng kaniyang King Intent at Divine Sense.
Miao miao!
Ang munting magnanakaw na pusa ay humawak sa kamiyang balikat at paminsan-minsang itinuturo ang eksaktong direksiyon kusaan umikot ang kaniyang mga mata.
Ito'y dahil sa mga divination skill ng munting magnanakaw na pusa, kaya nagawang makagalaw ng mabilis si Zhao Feng at makatakas sa pagtugis sa kaniya ng Emperor of Death.
Lightning Wings Wind Falsh!
Ang Wings of Wind at Lightning ni Zhao Feng ay pumagaspas, at saka lumipad sa mahabang oras hanggang ang karamihan ng kaniyang True Yuan ay maubis. Walang bakas ng pagod ang makikita sa kaniyang mukha.
Nagsimula siyang magpanggap na isang Lightning Wind Figure habang dahan-dahan niyang inilabas ang kaniyang aura at saka niya tinggal ang Wings of Wind at Lightning.
Plop!
Ang anyo ni Zhao Feng ay sumisid sa kailaliman ng limitless ocean.
Pagkatapos na pagkatapos non:
Gulu~~~
Isang maitim na pilak na barko sa isang ghostly air ang lumitaw sa loob ng limitless ocean.
"Skeletal Division Leader, kinokontrol mo ang barkong ito. Hayaan mo ang munting magnanakaw na pusang magdesisyon ng ruta," Sabi ni Zhao Feng at saka pumunta sa captain's cabin at umupo.
Ang skeletal Division Leader ay ang kumukontrol na ngayon sa barko, at ang mga mandaragat ay ang mga ghost-corpses na mayroong eksaktong halaga ng kaalaman.
"Oo, Master," Sagot ng skeletal Division Leader.
Sa captain's cabin si Zhao Feng ay kumain ng kaunting Spiritual Pills at iba pang mga kayamanan upang maibalik niya ng mas mabilis ang kaniyanh True Yuan. Habang ginagawa niya ito, siya ay nagsimula na ring tumingin sa mapa ng Floating Dream Sacred Land at ang mga teritoryo nito.
Si Zhao Feng ay may dose-dosenang islang layo mula sa lokasiyon ng Sky Sacred Qin's Palace.
"Hindi alam ng Emperor of Death ay aking destinasiyon," Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.
Upang pigilang ipakita ang kaniyang sarili, napagdesisyunan niyang huwag ng pumunta sa Void Ocean Spiritual Palace dahil wala naman siyang kailangan dito.
Sa mga paggaling na naganap sa Sacred Land, ang pinakamabilis na takbo Sea Sky Ship's ay maikukumpara na sa half-step Void God Realm. Ang barko ni Zhao Feng ay makakayang mapuntahan ang Sky Sacred Qin Palace sa loob ng taon.
"Kung pipigilan ko ang aking Soul Sea, paano ako mararamdaman ng Emperor of Death, hayaan siyang habulin niya ako?" Tumawa ng malamig si Zhao Feng sa kaniyang puso, ang kaniyang mata at buhok ay parehong bumalik sa pagiging itim.
"Master, kapag sumanib ako sa Demigod's Intent, ang buong lakas ko ay aangat sa panibagong level. Maaari na kitang matulungan," inalis ng batang Demigog ang kaniyang singsing na may seryosong ekspresiyon, ngunit ang kaniyang boses ay tunog bata pa rin.
"Hindi muna ngayon," Umiling si Zhao Feng bilang pagtanggi.
Sa ngayon, ang lakas ng batang Demigod ay maikukumpara na sa half-step King. Kung siya sumanib sa isang Demigod Intent, ang kaniyang lakas ay magbabago ng malaki.
Hindi manhid si Zhao Feng. Sinasadya niyang pigilan ang paglaki ng batang Demigod.
Mayroon siyang nararamdaman na, kapag hinayaan niyang lumaki ang batang Demigod, maaari siyang mas maging delikado kaysa sa Emperor of Death. Kung tutuusin, ang batang Demigod ay isang Demigod na nasa proseso ng pagkabuhay – ang kaniyang paglaki ay hindi matatawag na "cultivation", ngunit pagpapagaling. Sa oras na mapunta sa kaniya ang Demigod's Intent at ang walang hanggang bilang ng mga resiurces, ang batang Demigod ay maaaring maging kaparehas ng rank ng Emperor sa loob lamang ng ilang taon.
Sa sampung-libong layo, sa isang malabong limitless ocean:
"Ito'y nawalang muli," kumunot ang noo ng Emperor of Death nang tumingin siya patungo sa aura ng Wind Lightning na biglang nawala.
Hindi lamang dahil sa mabilis si Zhao Feng, siya rin ay patuloy na nagpapadala ng mga doppelgangers sa iba't ibang direksiyon na mayroong aurang katulad sa totoo niyang katawan. Napahirap talagang siyang habulin gamit ang aura niya lamang.
"Bai Lin," Tumalikod patungo sa munting babaeng may puting mata ang Emperor of Death na katabi niya.
Ang munting babaeng may puting mata ay mayroong Eye of Destiny, kahit ito'y hindi pa tuluyang nagigising, ito'y nagpapakita pa rin ng bakas ng tadhana. Siya'y mas magaling sa karamihan sa mga ekspertong nagcuvultivate ng Dao of Life. Ito ang dajilan kung siya piniling kunin ng Emperor of Life.
Kinagat ng munting babaeng may puting mga mata ang kaniyang mga daliri, at saka kumuha ng panulat ng may kunot na mga kilay. Matapos ang mahabang sandali, ang munting babaeng may puting mga mata ay nagawang maguhit ang isang malabong instrumento ng may maputlang mukha.
"Qin? Nakilala ng Emperor of Death ang ancient qinmula sa guhit, at ang munting babaeng may puting mga mata ay mabilis na nakatulog matapos iguhit ang litrato.
Ang kahirapanan sa oras na ito ay nakalampas na sa nakaraan. Kapag mas malakas ang taong sumusubok na hulaan ang tadhana, mas magiging mahirao ito.
"Qin…" Ang Emperor of Death ay mahinang nagsalita bago ito nagsimulang mag-isip.
Ang instrumentong ito ay ang tanging palatandaan, ngunit ito'y hindi sapat. Ano ang nirerepresenta ng Qin na ito? Isang tao? Ang mismong instrumento? O iba pa?
Gamit ang daan na ito, ang Emperor of Death ay patuloy na naghahanap, at nag-utos rin siya upang makahanap ng impormasiyon tungkol sa mga Qin.
Sa maitim at malabong karagatan, isang maliit na barko ang nagliliwanag ng air of Death at Yin na mabilis na naglakbay sa tubig. Ang air of Death at Yin ay nagliliwanag upang maiwasan ang senses ng bawat isa na nasa half-step Void God Realm habang tumitingin dito.
"Pirate ship? Isang pirate ship ng Wicked Path?" Kahit na ang mga barko ng ibang makapangyarihang puwersa ay hindi nagtangkang bastusin ang pirate shio na ito.
Makalioas ang ilang mga araw, ang ghost ship ay ligtas pa rin.
Ang enerhiya ni Zhao Feng ay bumalik na sa dati, at siya paminsan-minsang pumupunta sa Ancient Dream Realm upang kumuha ng mga resources para sa mga ghost-corpses. Ang mga laman at dugo ng mga halimaw sa Ancient Dream Realm ay malaki ang pakinabang para sa mga sinumpang mga ghost-corpses.
Isang araw, ang boses ng skeletal Division Leader ay napuno ng kasiyahan, "Master, ang lahat ng sinumpang mga ghost-corpses ay naging mga Sovereign na."
Nang marinig niya ito, si Zhao Feng ay nagpakita ng masayang ekspresiyon.
Ang bawat sinumpang mga ghost-corpses ay nasa ilang metrong laki at saka nagbigay ng isang ancient aura of a decaying corpse, ang kapangyarihan ng sumpa ay sampung beses na mas malakas kaysa noon.
"Sila'y kasalukuyang mas malakas sa inaasahan ko," Si Zhao Feng ay napatigil. Kahit na ang sinumpang mga Sovereign ghost-corpses ay kakalampas pa lamang, sila ay halos kaparehas na ng sinong nasa ibaba ng Sovereign Lord Rank. Kahit na ang mga Sovereign Lords mahihirapan kapag sila'y nalapitan ng sumpa.
Maliban dito, sila ay daan-daan, at ang array na nabuo nila ay napaka-makapangyarihan. Hindi ganoon kadaling magdagdag ng paisa-isa.
Ang katawan ng mga ghost-corpses ay napakalakas, at sila'y nagalalaman ng aura ng karneng nakuha niya noon….isang ilaw ang kumislap sa mga mata ng batang Demigod habang nakatingin ito sa mga ghost-corpses.
Nagsususpetya na siya kung si Zhao Feng ay mayroon pang karne bago pa dito o wala na. Ang bilang ng laman at karne ng mga ghost-corpses na nakuha nila na nakaabot na sa level na ito ay nakakamangha. Ang batang Demigod ay kailangan talaga ang karneng iyon upang mabawi na niya ang kaniyang lakas at makumpleto ang kaniyang bloodline.
"Gumawa tayo ng kasunduan," Seryosong nagliwanag ang mga mata ng batang Demigod nang magsalita ito kay Zhao Feng ng mgay tunog bata.