Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 673 - Rebirth from Blood

Chapter 673 - Rebirth from Blood

Sa wakas ay napagdesisyunan na ni Zhao Feng na simulan ang plano ng Demigod revival.

Ang dugo ng Demigod ay kasalukuyang naseselyuhan ng yelo at kalahati na lamang ng enerhiya nito ang natitira.

Shua!

Hindi na makapagpigil ang Kun Yun Partial Thought at tumalon.

From Ice to Water!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power at nagsimulang matunaw ang yelo. Ang kapangyarihan ng dugo ng Demigod ay kumawala na rin.

Buti na lamang, si Zhao Feng nasa lihim na bulwagan, na mayroong matatag na sealing effect, dahil ito ang lugar kung saan nagcucultivate si Emperor Duanmu.

"Magsimula na tayo."

Tumango si Zhao Feng sa Kun Yun Partial Thought.

Weng~~

Ang Kun Yun Partial Thought ay isa paring matamlay na bola ng liwanag, subalit ang mental energy aura nito ay bahagyang mas malaks kumpara noong nasa Demigod Forgotten Garden pa ito. Kahit na isa lamang itong Partial Thought, ang mental energy power na nilalaman nito ay mas malakas kaysa sa mga normal na eskperto. Kung tutuusin, ito ay Partial Thought ng isang Demigod.

"Rebirth from Blood!"

Kumislap ang Kun Yun Partial Thought sa dugo ng Demigod. Ang isang normal na mental energy intent ay tiyak na lalabanan ng dugo ng Demigod, subalit ang Kun Yun Partial Thought ay isang parte ng kaluluwa ng Demigod, kaya't napakalapit at pamilyar nito.

"Tingnan nga natin ang maalamat na paraang ito."

Mariing nanood si Zhao Feng.

Sa katotohanan, wala rin masiyadong alam ang Kun Yun Partial Thought tungkol sa Rebirth from Blood, subalit hindi na nito kailangang pag-aralan ang bagay na ito. Ang Rebirth from Blood ay isang secret technique na natutunan ng Demigod at nacultivate na niya ito noong siya ay nabubuhay pa, at ang abilidad ay sumanib na sa kaniyang laman at dugo. Noong mamatay ang kaniyang katawan, hangga't nabubuhay pa ang kaniyang mental energy, ang kahit anong patak ng dugo ay kusang magkakaroon ng posibilidad na mabuhay muli.

Ang 95% ng plano ay halos makumpleto na ng Demigod noong siya ay buhay pa. Ang tanging kailangan na lamang gawin ng Partial Thought ay sundan ang gabay at muling mabuhay.

Siyempre, maraming kakailanganin.

Kung buhay pa ang Demigod, malamang hindi magagawang mabuhay muli ng Kun Yun Partial Thought kahit mayroon itong isang patak ng dugo.

Ang isa pang halimbawa ay kung mayroon pang isang Partial Thought o isa pang Partial Spirit. Hindi ito magagawang taasan ng Kun Yun Partial Thought.

Ang lahat ng bagay ay naisaayos na ng Demigod noong buhay pa siya.

Weng~~

Sumanib ang Kun Yun Partial Thought sa blood essence ng Demigod, at ang ikalawang nabanggit ay nagsimulang magkaroon ng kulay gintong kinang.

Sa umpisa, naramdaman ni Zhao Feng na ang mental energy mula sa Kun Yun Partial Thought ay maayos na sumanib sa blood essence ng Demigod.

Ang blood essence ay sunod na nagsimulang magpakita ng senyales ng buhay. Alam ni Zhao Feng na pinagagaling ng dugo ng Demigod ang Kun Yun Partial Thought.

Makalipas ang isang oras, ang kumukulong gintong dugo ay nagsimulang maging solido at maging isang gintong perlas.

Shua!

Lumipad ang gintong perlas sa ere at lumapag sa kamay ni Zhao Feng.

"Kahanga-hanga."

Naramdaman ni Zhao Feng ang mental energy information ng Kun Yun Partial Thought mula sa loob ng gintong perlas.

Sige.

Iwinagayway niya ang kaniyang kamay at naglabas ng ilang patak ng Immortal Springs Wine, na sunod na inilagay niya sa gintong perlas.

Weng~

Nagsimulang lumaki ang gintong perlas sa nakakagulat na bilis matapos nitong mahigop ang Immortal Springs Wine.

Sa katotohanan, ang tanging ginawa lamang ng Immortal Springs Wine ay pataasin ang bilis kung saan nagaganap ang muling pagkabuhay.

Hindi kalaunan naging kasinglaki na ng mansanas ang gintong perlas. Mas nababagay itong tawagin na gintong itlog.

Miao miao!

Tumalon ang munting pusang magnanakaw at tiningnan ang proseso na mayroong kumikinang na mga mata.

Isang kakaibang liwanag ang kumislap sa mga itim na mata nito.

"Subukan natin ito."

Naglabas si Zhao Feng ng isang patak ng Origin Lifeforce at ipinatak ito sa gintong itlog.

Ang patak ng Origin Lifeforce ay naglalaman ng matinding lifeforce. Noon sa Purple Saint Ruins, ginamit ito ng two-star sects upang pabilisin ang paglaki ng Demonic Hell Vine.

Malinaw na, ang isang patak ng Origin Lifeforce ay maaaring gamitin upang ang isang lugar ng kamatayan ay maging isang daang milyang kapaligiran na puno ng buhay at kayang sumuporta sa mga spiritual plants sa loob ng isang libong taon. Mula rito, makikita kung gaano kasindak-sindak ang bilang ng lifefoce na nasa Origin Lifeforce, at sa mga oras na ito, ang patak ng Origin Lifeforce ang pinakamagandang catalyst.

Weng~

Ang laki ng gintong mansanas ay nagsimulang lumaki, at nagpakawala ito ng aura ng Life.

Ang mga ukit sa balat ng gintong itlog ay luma na at misteryoso. Ang eksenang ito ay biglang nagpaalala kay Zhao Feng kung paano niya nakuha ang munting pusang magnanakaw.

Ang munting pusang magnanakaw ay nagmula rin sa isang espesyal na itlog, subalit ang mga pusa ay mammals at malinaw na hindi sila nagmumula sa mga itlog.

"Ang Rebirth from Blood ay mayroon ding mga tiyak na kinakailangan. Kung hindi maisasakatuparan ang mga ito, maaaring matigil ang proseso sa bandang gitna."

Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng nang mapunta ito sa munting pusang magnanakaw, subalit naghalukipkip lamang ito at nanatili.

Makalipas ang kalahating araw, ang gintong itlog ay naging kasinglaki na ng timba bago tuluyang huminto.

Ang panlabas ng gintong itlog ay mas nagiging matatag at matigas.

Tila ba nakakaramdam na si Zhao Feng ng kaunting mental energy intent, at ang isang bola ng Purple Destruction Lightning and Fire ang nagsimulang magtusta sa balat ng itlog upang mas patigasin ito.

Makalipas ang ilang oras, isang nababasag na tunog ang nagmula sa gintong itlog na kasinglaki ng timba.

Crack!

Isang maliit na sanggol na ang edad ay isa o dalawa na mayroong gintong balat ang lumitaw. Ang mga mata nito ay kumikinang at puno ng enerhiya.

"Master."

Ang golden-skinned na bata ay hindi pa halos makapagsalita dahil ang boses nito ay parang pambata talaga.

Bahagyang nanatili si Zhao Feng, at ang munting pusang magnanakaw ay tumalon sa tabi ng golden-skinned na bata at nagsimulang laruin ito.

"Umalis ka diyan, pusa!"

Galit ang lumitaw sa mga mata ng golden-skinned na bata. Ang isang maharlikang Demigod ay pinaglalaruan lamang ng isang pusa? Kalokohan!

"Gaya ng inaasahan sa dugo ng Demigod; ang kaniyang lifeforce ay maaari na agad na maikumpara sa isang peak Sovereign Lord matapos siyang mabuhay muli."

Inilagay ni Zhao Feng ang kaniyang kamay sa kaniyang baba at nagsimulang mag-isip. Nang maisip niya ang tungkol sa enerhiyang nasa loob ng Demigod, ito ay bahagyang inaasahan na. Dagdag pa rito, ang dugo ng Demigod ay maaaring mailagay bilang isang potensyal sa katawan ng isang sanggol.

Miao!

Nakipaglaro ang munting pusang magnanakaw sa sanggol, iniinis niya ito. "Munting pusang magnanakaw, hayaan mo muna siyang manahimik."

Iwinagayway ni Zhao Feng ang kaniyang kamay. Ang golden-skinned na bata ay nagsimulang subukang lumakad sa ilalim ng pagmamatyag ng munting pusang magnanakaw at ni Zhao Feng.

Nasanay na ang golden-skinned baby sa bago nitong katawan at ngayon madali na lamang siyang nakakalakad. Ang kaniyang kapangyarihan, bilis at katalinuhan ay mas mataas kaysa sa mga ibang sanggol na mayroong parehas na edad.

"Haha. Kun Yun Partial Thought… ano ang itatawag ko sa iyo?"

Nagtatakang pinisil ni Zhao Feng ang balat ng golden-skinned na bata. Ito ay napakakinis at lambot, subalit naglalaman ito ng matinding kapangyarihan. Kahit na walang kahit anong cultivation, madali lamang matatalo ng batang ito ang kahit sinong nasa ibaba ng True Spirit Realm.

"Ako si Demigod Kun Yun."

Umupo ang golden-skinned na bata na mayroong isang dominantent aura. Ang kaniyang mga mata ay parang napakasinaunan, tila ba nakita na niya ang lahat ng oras.

Bahagyang nakakaramdan si Zhao Feng ng malaking karangalan mula sa kaniya.

"Eh? Mukhang mayroon siyang mga naibalik na ilang alaala nang mabuhay siyang muli."

Mariing sinuri ni Zhao Feng ang bata gamit ang Dark Heart Seed kahit na pumalag ang bata. Kung tutuusin, kakabuhay pa lamang muli ng Demigod Kun Yun at napakahina nito. Wala siyang magagawa laban kay Zhao Feng.

"Demigod Kun Yun, ito ay mula sa ating usapan nakaraan."

Walang emosyong sinabi ni Zhao Feng.

Ang ekspresyon ng golden-skinned na bata ay tuloy-tuloy sa pagbabago, subalit sa huli, wala siyang sinabi. Kahit na kakarevive pa lamang niya, mas matalino siya kaysa sa karamihan ng mga tao.

Para sa sumunod na araw o dalawa, ang golden-skinned na bata ay umupo at nagsimulang magcultivate. Humiling siya para sa ilang Primal Crystal Stones at iba pang resources mula kay Zhao Feng.

Sa loob lamang ng isang araw, mayroong mga kaunting Qi ng True Spirit na natipon sa dantian ng Demigod Kun Yun.

"Qi ng True Spirit? Ang taong ito ay nakaabot na sa True Spirit Realm sa loob lamang ng isang araw? At gumagamit siya ng isang napakaprofound na technique."

Napanganga si Zhao Feng.

Sa oras na maging isa kang True Spirit, hindi ka na kailanman magiging mortal. Sa ilang normal na isla, ang True Spirit Realm ang pinaka layunin ng karamihan sa mga tao. Subalit, wala itong problema para kay Demigod Kun Yun. Kung tutuusin, gumamit siya ng isang patak ng Demigod's blood essence upang muling mabuhay.

Nagsimulang magpalabas ng golden-skinned na bata ng Heaven Earth Yuan Qi, at ang Qi ng True Spirit sa loob ng kaniyang katawan ay mas kumapal. Kasabay nito, hinigop niya ang Yuan Qi mula sa high-grade Primal Crystal Stones.

"Mukhang hindi mahihirapan ang munting bata na ito bago makarating sa peak Great Origin Core Realm."

Bulong ni Zhao Feng.

Matapos ang dugo ng Demigod, ang Immortal Springs Wine, ang Origin Lifeforce, at ang iba pang energy sources na magamit, ang katawan ng bata ay makakaabot na sa hangganan nito. Kailangan niya pa ring harapin ang problema ng kaniyang katawan, subalit mayroon na siyang karanasan mula sa nakaraan niyang pamumuhay.

"Munting pusang magnanakaw, bantayan mo siya."

Utos ni Zhao Feng.

Miao miao!

Inabot ng munting pusang magnanakaw ang golden-skinned na bata, at dinala siya papasok sa ancient metal ring.

Kadalasan, hindi nabubuhay ang mga spiritual pets sa interspatial rings, subalit ang munting pusang magnanakaw at si Demigod Kun Yun ay mga nilalang na hindi maituturing na normal.

Makalipas ang apat o limang mga araw, ang Demigod Kun Yun ay nakaabot na sa True Lord Rank sa tulong ng malaking bilang ng resources. Ang kaniyang katawan ay lumaki na rin kagaya ng isang tatlo o apat na taong gulang na bata.

Sa pag-abot lamang ng True Lord Rank nagsimulang bumagal ang kaniyang cultivation. Kung tutuusin, ang Origin Core Realm ay isang proseso na nangangailangan ng pagbabago sa kalidad.

Hu~

Atsaka lamang nakahinga si Zhao Feng. Ang bilis ng pagcultivate ng Demigod Kun Yun ay nakakatakot.

Buti na lamang, ang kapangyarihan mula sa Demigod's blood essence ay mauubos din, at ang bilis ng cultivation ni Demigod Kun Yun ay babalik na sa normal.

Sa isang tagong silid sa Thousand Darkness Sacred Clan, isang nag-iinit na bata ang nakaupo habang nagsisimula nang rumagasa ang True Yuan sa loob ng kaniyang katawan. Sa likuran niya ay mayroong tatlong Void God Realm Kings na nagbuhos ng kanilang True Yuan essence patungo sa kaniyang katawan.

"Hindi ko pa halos nababawi ang pagiging middle-stage Great Origin Core Realm."

Binuksan ni Wen Luoan ang kaniyang mga mata nang mayroong isang pulang liwanag na lumitaw sa kaniyang mukha.

Ang kaniyang cultivation ay muntikan nang bumagsak hanggang sa Small Origin Core Realm matapos niyang sumugod kay Zhao Feng at sumabog sa Demigod Forgotten Garden.

Nitong mga nakaraang araw, ang tatlong Death Spirit Lords ay tumulong kay Wen Luoan upang makabawi.

"Third Prince, sa pundasyon na mayroon ka at sa tulong namin, magagawa mong makaabot sa iyong peak state sa loob lamang ng ilang buwan."

Sambit ng isa sa mga Death Spirit Lords.

Sa mismong oras na ito.

"Hmm?"

Biglang inilabas ni Wen Luoan ang kaniyang Token of Death.

"May balita mula kay Master."

Isang bihirang kaligayahan ang lumitaw sa mukha ng nag-iinit na bata.

"Nakalabas na ba ang Emperor mula sa seklusyon? Nakaraang taon pa nagising ang Emperor, subalti siya ay nasa seklusyon noong huling taon."

Wika ng isa sa mga Death Spirit Lords.

Kasabay nito, sa kabilang banda ng limitless ocea, sa isang madilim, at sinaunang palasyo, isang matandang Emperor na mayroong malabo at madilim na balangkas ang marahang tumayo.

Isang aura of Death ang kumalat hanggang sa dose-dosenang libong milya, nagdulot upang manginig sa takot ang hindi mabilang-bilang na mga nilalang.

"Oras na. Ang pagkakataon upang magtagumpay ang Eye Stealing Forbidden Technique ay tumaas na ng sampung beses. Mayroon pa itong 30-40% na success rate laban sa bagong God's Eye na iyon."

Bulong ng Emperor of Death.