Sa isang Palasyo ng Emperor sa True Sacred Clan, umupo si Zhao Feng na nakakrus ang mga paa at pinapanood na lumaki ang Kun Yun.
Nanlamig ang kaniyang puso nang maramdaman niya ang aura of Death patungo sa kailaliman ng kaniyang kaluluwa.
"Ang Pursuit of Death!"
Suminok si Zhao Feng.
Itong nararamdamang panganib ay hindi dadalhin ng normal Death Guard o Death Spirit Lord.
Sa kailaliman ng kaniyang kaluluwa, ang aura of Death na konektado sa isang bagay na lubhang malayo.
Kapansin-pansing nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Kaya niyang hulaan kung ano ang nangyari.
Ang apat na Death Spirit Lords at ang tatlumput anim na Death Guards ay hindi parin natatapos ang kanilang misyon, at ang sariling disciple ng Emperor of Death ay muntik ng mamatay sa Demigod Forgotten Garden.
Sa ilalim ng sitwasyong iyon. Ang Emperor of Death ay maaring dumating.
"Hindi ko man matalo ang disciple ng Emperor of Death; paano ko matatalo ang Emperor of Death na nakatayo sa kaniyang peak?"
Humingang malalim si Zhao Feng.
Sa Demigod Forgotten Garden, kumampi siya kay Nan Gongsheng at ginamit ang kaniyang Eye of Heaven. Kahit na natapos, hindi parin nila nagawang patayin si Wen Luoan.
Ang lakas ni Wen Luoan ay pinigilan rin sa Demigod Forgotten Garden.
Kung magkakaron lamang ng one-on-one fight laban kay Zhao Feng, malamang natalo siya.
Ang top hundred ng Ten Thousand Races ay lubos na malakas. Nalagpasan nila ang lohika.
"Ang importanteng gawain ngayon ay dadagan ang aking lakas at durigin ang intent of Death sa aking kaluluwa."
Nagkaroon si Zhao Feng ng kaniyang chain of thoughts.
Hangga't nasa Mystic True Sacred Clan si Emperor Duanmu, hindi mapagbabantaan ng Emperor of Death si Zhao Feng.
Sa kabila ng lahat, teritoryo ito ng True Martial Sacred Land, at hindi parte nito ang Emperor of Death.
Gayunpaman , hindi ang Emperors ang pinakamalakas rito.
Hu~
Pinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mata at nagsimulang padaluyin ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, at ang nilalaman ng Dark Eye Secret Manuel ay lumitaw sa kaniyang isip.
Lubhang nasiyahan si Zhao Feng sa Ten Thousand Divine Thoughts Technique, na sumubok sa kaniyang galing sa Dao of the Soul bilang hakbang patungo sa bagong antas.
Ang divine technique ay hindi lamang para palakasin ang pundasyon sa pagsira sa Void God Realms, nakakatulong din ito para pahinain ang aura of Death sa kaniyang kaluluwa.
Sa soul-dimension, ang kaisipan ni Zhao Feng ay nahati sa isang daan. At dahan-dahang pumunta sa kailaliman ng kaniyang kaluluwa, at dinurog ang intent ng Eye of Death.
Ang Emperor of Death na bihasa sa Dao of the Soul at sa Dao of Death.
Kahit na si Emperor Duanmu ay hindi sinubukang tulungan si Zhao Feng kung sakaling siya ay nagdulot ng pinsala. Kinailangang umasa ni Zhao Feng sa kaniyang sarili at pahinain ang intent of Death.
Sa kailaliman ng kaniyang kaluluwa, ang intent na naiwan ng Emperor of Death ay nagiwan ng marka na umiiral sa special state, kagaya ng Eye of Heaven ni Zhao Feng.
Kahit na anong mental enery ang humawak dito ay masisira.
"Tulad ng inaasahan nagiwan ng marka ang Eye of Death."
Lubhang nabagabag si Zhao Feng.
Kung hindi niya macucultivate ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, mahirap ito para pagbantaan ang intent maliban nalang kung siya ay maging Emperor.
Pinayagan ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique ang kahusayan ni Zhao Feng sa Dao of the Soul para makatungo sa bagong antas.
Nagsimula siyang paikliin ang enerhiya sa isang patalim, at ginamit ang Eye Flame at dahan-dahang dinuro pababa ang intent.
Mabilis na naubos ang lakas ni Zhao Feng sa prosesong ito. Matapos maubos ang kaniyang lakas, umupo siya at nagpahinga. Nagpatuloy ito, at ang galing sa Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay tumataas.
Makaraan ang ilang araw:
"Sa kasamaang palad, ang intent of Death ay napakalakas, kaya matagal bago ito pahinain. Marahil pag nag evolve ang aking God Spiritual Ete at ang aking kaluluwa ay umabot sa antas ng King, ang bilis ay tataas."
Napa-buntong hininga si Zhao Feng.
Sa mga sandaling ito, ang lawa ng dimensyon ng kaliwang mata ni Zhao Feng ay umabot sa daang yarda.
Pakiramdam ng pagkapagod ang kumalat sa kaniyang God Spiritual Eye at patungo sa kaniyang katawan.
Ginawa ni Zhao Feng ang kaniyang makakaya para malabanan ang kaniyang antok. Alam niya, pag hindi niya ito napigilan, makakatulog siya ng mahimbing habang nag-eevolve ang God Spiritual Eye. Kailangan niyang hintayin si Zhao Yufei at ang kaniyang master para siya'y makatulog.
Hindi na muling ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique.
Napagtanto niyang ang pag cultivate ng kaniyang technique ay magpapabilis sa proseso ng pagevolve ng kaniyang God's Spiritual Eye.
Lumipas ang oras, ang cultivation ng batang Kun Yun ay mabilis na tumaas matapos maabot ang True Lord Rank.
Bawat araw at higit pa, ang batang golden-skinned ay nagtatanong kay Zhao Feng tnungkol sa kagamitan at kayamanan, ngunit sa kabutihang- palad, marami non si Zhao Feng.
Ito ay malaking presyon para tiisin ang tatlong taong nagcucultivate.
Sa kaniyang sarili, ang munting pusang magnanakaw. at ang batang Kun Yun ay nangangailan ng malaking halaga ng pagkukunan.
Sa kanilang lahat, ang munting pusang magnanakaw ang may pinakamaraming nakuha. Kinain niya lahat ng uri ng kayamanan.
Sa kabutihang-palad, ang munting pusang magnanakaw ay kasama ni Zhao Feng sa hirap at ginhawa, at hindi niya pa dinidismaya si Zhao Feng.
At sa araw na iyon, ang cultivation ng batang Kun Yun sa Origin Core Realm, at tinanong niya si Zhao Feng para sa iba pang kagamitan.
Hmmm?
May kakaibang naramdaman si Zhao Feng, at isang Magnificent Power ang bumaba sa Palasyo ni Emperor Duanmu.
Shua!
Iwinagayway ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at ginawang mapapasok ang batang Kun Yun sa ring.
"Ang aura ng Emperor na lubos na malapit sa Mystic Light Realm…"
Ang batang Kun Yun ay
Sa ngayon, si Zhao Feng lamang at ang munting pusang magnanakaw ang nakakaalam na ang Demigod Kun Yun ay nabuhay.
Sinong nakakaalam kung anong uri ng shockwaves ang maranasan ng mundo kung alam na ng lahat na buhay na ang Demigod?
Kasabay nito, ang batang Kun Yun ay kakaharapin ang panganib na patayin.
"Master."
Lumabas si Zhao Feng sa silid sa looban ng Palasyo.
Sa oras na iyon, isang anyo ng lalaking may puting buhok ang lumitaw.
Nang lumitaw ang Emperor na iyon, ang kaluluwa ng eksperto sa clan ay nagulat
"Brother Zhao Feng!"
Kasunod ng Duanmu Qing, nababalutan ng ilaw, batang babae na kulay lila ang suot.
Ang batang babae na kulay lila ang suot ay napakaganda at ang kaniyang kutis ay kasing puti ng niyebe. Parang ang kaniyang katawan ay hindi gawa sa laman at buto, ito'y parang magandang estatwa.
"Yufei!"
Nagpakita ng kagalakan si Zhao Feng, at ang pagod sa kaniyang puso ay nawala ng kaunti.
Naalala niya ang mga nangyari sa Mermaid Kingdom nang gamitin niya ang mermaid tears. Noong bata pa siya, isang magandang babae na malapit sa kaniyang kapwa ang lumitaw habang kumikinang ang mga mata nito. Ito'y tahimik na nanonood at hinahabol siya.
Pagkatapos ng pagtitipon, lahat ay naging pamilyar at malinaw – ang amoy, ang mga yakap, at init.
Ang agaw-atensyong babae na kulay lila ang suot ay lumabas sa kaniyang memorya at inabot siya.
Tumingin ang dalawa sa isa't isa.
Nagsimulang mamugto ang mga mata ni Zhao Yufei. Hindi niya maitago ang kaniyang kasiyahan at kahiyaan, lalo na sa lalaking pinapangarap niya ay nakatingin sa kaniya nang kakaiba ibang iba noon. Pagmamahal ang kaniyang naramdaman na walang bahid ng dumi.
Nang magtinginan ang dalawa, sila'y nagkaintindihan.
Agad -gad, ang kahulugan ng simpleng tingin ay humigit sa libo-libong salita.
Walang karanasan si Zhao Feng sa pag-ibig, at namula ang mata ni Zhao Yufei. Kahit na siya ay masaya, gusto niyang umiyak.
Kuminang ang mata ni Zhao Feng isang malambot na katawan ang pumunta sa kaniya, at ang mga namumugtong mga mata ay hinawakan ang kaniyang mukha.
Isang pamilyar na pakiramdam, ang pagiging malapit sa kapwa sa kabilang pinto… ito'y magandang pakiramdam, mapait at matamis na pakiramdam habang ginagamit ang mermaid tears.
Nalinis ang kaluluwa ni Zhao Feng, at ang epekto ng mermaid tears ay sumama sa kaniyang karanasan.
"Yufei."
Inabot ni Zhao Feng at niyakap si Zhao Yufei.
Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin at kung pano ito ipapaliwanag, sinundan niya lamang ang kaniyang kutob habang kayakap ang babae sa kaniyang harap.
Sa pagkakaintindi ng mermaid tears sa ngayon, nakita rin ni Zhao Feng sa pakiramdam niya noong kabataan.
Kung hindi pa napaubo si Emperor Duanmu hindi pa magigising ang dalawa sa kanilang panaginip at namula.
Pumasok ang tatlo sa bulwagan at umupo, nang tignan ni Zhao Feng si Zhao Yufei, nagulat siya sa kaniyang nakita.
Mayroong aura si Zhao Yufei kagaya kina Meng Xi, Wen Luoan, o Jiang Fan. Ito ang aura ng Ten Thousand Ancient Races bloodline. Sa taas nito, ang aura ni Zhao Yufei ay mas malakas kaysa kay Wen Luoan.
Kung ano pa ang nakamamangha ay, kahit na ang cultivation ni Zhao Yufei ay nasa Great Origin Core Realm, ang kalinisan ng True Yuan na nagmumula sa kaniya ay hindi kasing hina ng King.
"Kapatid kong Zhao Feng, ang aking bloodline ay gising na. Sa tulong ng Senior Martial Brother Duanmu, napagtagumpayan kong makuha ang Purple Saint Ruins at ginawa ito bilang aking Little Heaven and Earth."
Puno ng kasiyahan si Zhao Yufei, at lubos na kuntento,
Little Heaven and Earth?
Nasurpresa si Zhao Feng. Hindi pa King si Zhao Yufei; paano niya magkakaroon ng sarili niyang Little Heaven and Earth.
"Zhao Feng, nagkita tayong muli."
Pamilyar na boses sa paligid ni Zhao Yufei.
Weng~~
Isang pinapangarap na kulay lilang ilaw ang bumalot sa silid, at ang tatlo ay pumasok sa pamilyar na dimensyon sa mga sumunod na sandali.
"Ang aura ng Purple Saint Ruins ay dosenang mas malakas sa dati."
Tumayo si Zhao Feng sa misteryosong bangin kasunod ng Towering Tree Yao.
Ang dimensyon sa kaniyang harap ay ang Purple Saint Ruins. Ang tanging kaibahan ay ang Little Heaven and Earth ay may lawak lamang ng sampung milya. Lahat ay lumiit ng daang beses.
Naintindihan ni Zhao Feng kung bakit natagalan bumalik ang Duanmu Qing.
Bilang Emperor ng Sacred Land, pwedeng gamit ni Duanmu Qing ang Spiritual Zone Teleportation Arrays at mabilis na pumunta sa Tianlu Islands Zone.
Pinarusahan ni Duanmu Qing ang tatlong sects nang siya ay dumating, at ang Kings ng tatlong sects ay umamin sa kanilang kasalanan.
Matapos iyon, tinulungan ni Duanmu Qing baguhin ang Purple Saint Ruins at isama ang Purple Saint Partial Spirit sa Little Heaven and Earth.
Ang Purple Saint Partial Spirit ay naging parte ng Little Heaven and Earth ni Zhao Yufei, kung ganon hindi ito makukuha ni Zhao Yufei.
Ang ibig sabihin non hindi lamang kinuha ni Zhao Yufei ang Purple Saint Ruins, nagawa niya rin iligtas ang Purple Saint Partial Spirit.
Gumamit ng ilang buwan at malaking halaga si Emperor Duanmu para magawa ito.
Shua!
Ang Duanmu Qing at ang kaniyang mga kasama ay bumalik sa palasyo.
"Yufei, narito ang ilan sa mermaid tears at Illusion God Wine."
Mukhang pagod si Zhao Feng, ngunit inilabas niya ang dalawang kayamanan at ibinigay kay Zhao Yufei.
Illusion God Wine?
Hindi pa alam ni Zhao Yufei ang halaga nito, ngunit nagulat ang Emperor Duanmu, "Nakuha mo ang Illusion God Wine? Itong dalawa ay perpekto para kay Yufei.
"Sa kabila ng lahat, mayroon siyang bloodline ng Spiritual Race, ibig sabihin ang kaniyang cultivation ay laging mataas kaysa sa kaniyang mental energy."