Ang sobrang mental energy aura mula sa loob ng Green Spiritual Gourd ang naging dahilan para maging malamig ang hininga ni Zhao Feng.
Ang dugo ng Demigod at ang Kun Yun Partial Thought ay parehas na nanginginig - ang ikalawang nabanggit ay dulot sa kaniyang kagalakan.
"Paano nakalabas ang Demigod intent?"
Nanginig ang puso ni Zhao Feng.
Ang Demigod Intent ay ang pinagkukuhanan ng mental energy, at ito ay ang pang-unawa ng Demigod. Sa kabutihang-palad, ito lamang ang purong pinagkukuhanan ng mental energy, kaya wala itong sariling kamalayan.
Nagsimulang magusap si Zhao Feng at ang Kun Yun Partial Thought at hinulaan ang naging rason.
Ang Magnificent Power ng Demigod intent ay bumaba matapos umalis si Zhao Feng, at sa mga sandaling iyon nahati ang Demigod intent at lumipad patungo sa Green Spiritual Gourd.
Ngunit bakit susundan ng Demigod intent si Zhao Feng? Hinulaan lamang iyon ni Zhao Feng dahil na sa kaniya ang dugo ng Demigod at ang Kun Yun Partial Thought.
Ang dugo ng Demigod ay ang Demigod essence habang ang Kun Yun Partial Thought ay ang kamalayan ng Demigod. Kapag pinagsama ang dalawa, maglalabas ito ng aura ng Demigod's body at mental energy.
Nagkataon, ang Demigod intent ay pagmamay-ari din ng Demigod, at matapos maramdaman ang aura ng "may-ari", sinundan nito si Zhao Feng. Ito ay sa kadahilanang ang parte ng Demigod intent ay umalis sa Demigod Forgotten Garden at pumasok sa Green Spiritual Gourd.
"Master, sa tulong ng Demigod intent, may tiyansang mabubuhay akong muli."
Masigasig na sinabi ng Kun Yun Partial Thought.
Ito ay dahil ang Demigod intent ay naglalaman ng comprehension ng Demigod sa Heaven and Earth, ito ay malaking pinagkukunan ng mental energy.
Ayon sa mga hula ni Zhao Feng, ang parte ng Demigod intent ay maikukumpara sa kumpletong King intent, at dahil galing ito sa Demigod, ito ay katangi-tangi. na nangangahulugang ang pinagmulan ng Demigod intent ay maaaring sugpuin ang King intent.
Ngunit pagkatapos mabuhay ng Demigod, haharapin ko ang isang pagsubok at panganib, lalo na sa Demigod intent na ito.
Ang mga mata ni Zhao Feng ay kumikislap habang sinimulan niyang isipin kung paano niya sisimulan ang Demigod revival plan at bawasan ang panganib. Pano pumayag ang isang Demigod para maging tagasunod ni Zhao Feng?
"Master, kapag ako ay nabuhay muli sa Demigod intent, Maaring makapasok ako sa Demigod Forgotten Garden at kahit kontrolin ito."
Ang Kun Yun Partial Thought ay sinubukang hikayatin si Zhao Feng.
Kontrolin ang Demigod Forgotten Garden?
Lumukso ang puso ni Zhao Feng, nang marinig niya iyon.
Ang Demigod Forgotten Garden ay mas mabuti kaysa sa Purple Saint Ruins, at kahit na ang Void God Realm Emperors at Mystic Light Realm Sacred Lords ay interesado.
Kung makokontrol ang Demigod Forgotten Garden, magkakaroon siya ng tone-toneladang mapagkukunan para makatulong sa kaniyang cultivation.
"Sisimulan ko ang Demigod revival plan, ngunit hindi sa ngayon."
Yumuko si Zhao Feng.
Hindi nawala ang pagiging kalmado niya.
Sa lakas niya ngayon, ang pagbuhay sa Demigod at ang pagkontrol sa Demigod Forgotten Garden ay nakakasama lamang sa kaniya.
Paano ang isang three-star super-clans at thirty-three two-star sets ay hinayaan ang isang junior na hindi naman isang King na kontrolin ang lahat sa Demigod Forgotten Garden?
Sa mga sumunod na araw, nagsimulang gumaling ang mga pinsala kay Zhao Feng at inayos ang spoils of war na nakuha niya sa Demigod Forgotten Garden.
Sa ganitong kahabang oras, si Zhao Feng ay araw-araw na naiinis.
Mula nang matapos ang Demigod Forgotten Garden, madalas na siyang binibisita ng mga tao.
Sa simula ay si Dong Wenjian.
Kasunod niya ay ibang Core disciples, at meron ding Kings at Emperors.
Karamihan sa kanila ay interesado sa natanggap ni Zhao Feng sa Demigod Forgotten Garden.
Ang ibang mga Kings at Emperors ay gustong makipagpalitan ng gamit para sa Sky Locking Bow o di kaya sa ulo ng bangkay ng Demigod.
Maraming henyo ang nangailangan ng Immortal Springs Wine, ang mermaid tears, at ang Purple Scaled Grass.
Ang ibang mga Kings at Emperors ay pumunta ng personal para makuha ang mga gamit para sa kanilang disciples.
Ang ibang mga middle-echelon half-step Kings ay lubos na interesado rin sa kaniyang mga gamit.
Kayang magbigay ng Purple Scaled Grass ng ibang bloodline.
Ito'y lubos na kaakit-akit kahit sa mga Kings.
Ang bilang ng kayamanang nakuha ni Zhao Feng sa Purple Smoke Lake ay hindi mabilang.
Kahit na ang iba ay hindi kasing bihira ng Illusion God Wine, kahit ano dito ay kayang gawing pula ang mata ng normal Sovereigns.
Sa huling ilang araw, ang pasukan ni Zhao Feng ay halos sira na dahil sa sobrang pag-apak. sumang-ayon si Zhao Feng sa iilan ngunit tinanggihan ang iba.
Hindi niya gustong masaktan ang Kings at Emperors.
Gayunpaman, hindi ipagpapalit ni Zhao Feng ang Sky Locking Bow o ang bangkay ng Demigod.
Kinailangan niya ring magtira ng Illusion God Wine at mermaid tears dahil nais niyang bigyan si Zhao Yufei. Ang kaniyang katawan ay tugma sa Heaven Earth Yuan Qi, kulang lamang siya sa comprehension at soul-strength.
Upang mawala ang problema, kinailangang umalis ni Zhao Feng sakanila at pumunta sa palasyo ni Emperor Duanmu.
Kahit na hindi pa bumabalik si Emperor Duanmu, lugar niya parin ito, at meron siyang Void God Projection dito.
Naging mabuti ang mga araw ni Zhao Feng.
Ang mga katulong sa palasyo ng Emperor ay tinulungan si Zhao Feng para harangin ang mga bisita. Kahit ang mga King at Emperor ay hindi sinubukang guluhin si Zhao Feng nang makita nila ang Void God Projection.
Sa tahimik na lugar sa palasyo, habang nakaupo si Zhao Feng na may tatlong basong nakalutang sa kaniyang kamay. Ang isa ay kulay lilang baso, sumunod ay gawa sa pulang kahoy, at ang huli ay praskong kulay berdeng tanso.
Ang tatlong gamit ay: ang Illusion God Wine, ang Dragon Flame Wine, at ang Lightning Cloud Wine.
Lahat silang tatlo ay nasa parehong hanay, at sila'y galing sa ilalim ng bodega ng alak ng Demigod.
"Ang Dragon Flame Wine at Lightning Cloud Wine ay kayang pataasin ang aking comprehension ng Scarlet Destruction Wind Lightning."
Nagkaroon ng plano si Zhao Feng.
Bukod sa dalawang uri ng alak, mayroon din siyang ulo ng Demigod, na naglalaman ng aura at kapangyarihan ng God Tribulation ligtning. Ang ganon kalakas na kidlat ay maaring gawing perpekto ang kapangyarihan ng kaniyang Wind Lightning Inheritance.
Ang kidlat mula sa God Tribulation ay masasabing pinaka-nakakatakot na kapangyarihan ng kidlat sa buong mundo.
"Hmph, Lei Zhen mula sa Ten Thousand Lightning Clan? Baka bigyan kita ng surpresa mamaya."
Pasimpleng ngumiti si Zhao Feng.
Shua!
Si Zhao Feng ay kumaway at inalis ang tatlong alak. Maraming aspeto ang maaaring palakasin.
Makalipas ang tatlong araw, gumaling ang pinsala ni Zhao Feng.
"Master, kailan magsisimula ang pagbuhay sa Demigod."
Hindi makapaghintay ang Kun Yun Partial Thought. Sa ngayon, ito ay Partial Thought lamang; hindi pa ito isang Partial Spirit. Ito'y lubos na hindi nasisiyahan.
"Maghintay ka ng ilang araw."
Naglabas si Zhao Feng ng mermaid teardrop at piraso ng Purple Scaled Grass at ibinigay sa Kun Yun Partial Thought.
Itinuon niya ang kaniyang tingin sa dugo ng Demigod.
Malaki ang parte ng dugo ng Demigod sa pagbuhay. Ang Purple Night Sacred Lord ay hindi nagkaron ng isang patak ng dugo na natitira, hindi siya mabubuhay.
"Lumitaw ka."
Inabot at kinuha ni Zhao Feng ang malabong gintong dugo.
Hindi siya nagalala na kumalat ang aura ng dugo ng Demigod dahil ang lugar kung san siya naroroon ay silyado.
Gayunpaman, ang dugo ng Demigod ay lubos na nanghina pagkatapos ng laban sa Demigod Forgotten Garden, kaya hindi ito makakatakas.
Ang kailangan niya lamang gawin ay sipsipin ang parte ng enerhiya ng dugo ng Demigod. Ang Demigod's blood essence ay naglalaman ng essence ng katawan ng Demigod, kaya ito ay nakakabuti sinuman ang nasa baba ng Sacred Lord rank.
"Ice Imperial Seal!"
Isang mala-kristal na blue seal ang lumitaw sa isang kamay ni Zhao Feng at nagparamdam ng malamig.
Kinailangan niyang patigasin ang Demigod blood essence para mapadali ang pagkuha ng enerhiya; samakatuwid, pinaikot ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power sa pinakamalakas at ginamit ang kapangyarihan ng Ice Imperial Spear.
Isang buong oras at karamihan ng kaniyang bloodline power ang ginamit para patigasin ang Demigod's blood essence.
Pagkatapos ay nagsimula siyang higupin ang enerhiya ng dugo ng Demigod kasama ng kaniyang bloodline power.
"Master, hindi mo ito pwedeng gawin!"
Umalulong ang Kun Yun Partial Thought sa Green Spiritual Gourd, ngunit nanatiling walang emosyon si Zhao Feng habang dahan-dahang hinihigop ang enerhiya.
Weng~~
Isang manipis, na gintong hibla ng dugo ang dahan-dahang pumunta sa katawan ni Zhao Feng.
Ang kaniyang state of existence ay kapareho na ng sa King, at ang kaniyang Crystal Core ay umabot na sa early-stage ng Great Origin Core Realm, kung paguusapan ang depensa, mayroon siyang dagdag na bloodline mula sa Purple Scaled Grass, na pinakamahusay sinuman ang nasa ibaba ng Void God Realm.
Sa kabila ng lahat, ang kaniyang katawan at buto ay nasaktan matapos higupin ang maliit na hibla ng gintong dugo.
Ang kaniyang True Yuan at bloodline ay nagsimulang manginig, ngunit kahanga-hanga ang epekto. ito ay higit pa sa isang daang beses na mas malakas kumpara sa heart blood essence ng limitless ocean whale.
Kakaunting gintong dugo lamang ang gumawa sa bloodine ni Zhao Feng at mabilis na tumaas ang kaniyang katawan. Kahit ang kalidad ng kaniyang True Yuan at soul-strength ay tumaas.
Naglalaman ang blood essence ng core ng eksperto, at ang kaniyang blood essence ay mula sa isang Demigod. Makalipas ang tatlong araw, ang bloodline at ang katawan ni Zhao Feng ay lumakas.
"Ang aking state of existence ay kumpleto na sa King level."