Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 672 - Ang Piging ng Hari

Chapter 672 - Ang Piging ng Hari

Sa loob lamang ng maikling paghinga o dalawa, kalahati lamang ng dugo ng Demigod ang nanatili.

"Master, tigil…!"

Labis na kinakabahan ang Kun Yun Partial Thought. Anong klaseng kasaysayan ba ang mayroon ang kaniyang Master? Paano niya nagawang higupin ang dugo ng Demigod sa ganoong puwersa?

Buti na lang, mabilis napigilan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, ang lawa ay lumaki na hanggang siyamnapu't siyam na yarda. Isang matamlay na kulay lila ang paminsan-minsan na kumikinang sa ibabaw ng lawa.

Ang God's Spiritual Eye at ang kaniyang eye-bloodline ay mas lumakas.

Nakatulong ang dugo ng Demigod upang makalapit na sa paggising at paglago ang God's Spiritual Eye.

Nagpakita ng kagalakan si Zhao Feng.

Sa tuwing makakaabot hanggang sa isang daang yarda ang lawa, magkakaroon ng pagbabago, subalit ngayon, ayaw pang mapunta sa malalim na tulog ni Zhao Feng. Bukod dito, kinailangan niyang ipunin ang halos kalahati ng dugo ng Demigod upang buhayin muli si Kun Yun.

"Master, hindi ka na maaaring kumuha pa ng dugo."

Nagmakaawa ang boses ng Kun Yun Partial Thought. Ang dugo ng Demigod ang tanging pagkakataon niya para mabuhay muli. Kung tutuusin, hindi naman ito isang espirito, kaya't hindi ito makakanakaw ng isang katawan.

"Kailangan kong ilagay ang Dark Heart Seed sa loob mo bago kita hayaang mabuhay muli."

Wika ni Zhao Feng.

Sinong nakakaalam kung gaano kalakas ang revived Demigod Kun Yun matapos itong mabuhay muli? Hinigop ni Zhao Feng ang kalahati ng dugo ng Demigod hindi lang upang pataasin ang kaniyang lakas, subalit upang mapahina rin ang Demigod kapag nabuhay itong muli at upang mabawasan ang panganib.

"…Sang-ayon ako."

Sumang-ayon ang Kun Yun Partial Thought matapos ang matagal na pananahimik nito.

Hindi masiyadong pinagbabawal ang Dark Heart Seed katulad ng Dark Heart Seal, kaya't hindi siya tuluyang maisasa-alipin. Ang taong mayroong Dark Heart Seed ay mayroon pa ring sarili nilang kamalayan, at ang kanilang mga talento ay hindi naman nalilimitahan.

Matapos ang muli kong pagkabuhay, labis na tataas ang aking lakas, at madali kong matatanggal ang Dark Heart Seed.

Ang Kun Yun Partial Thought ay may sariling mga plano.

Hindi na inabala ni Zhao Feng ang Kun Yun Partial Thought.

Sinimulan na niyang suriin ang katawan nito. Bukod sa God's Spiritual Eye, ng katawan ni Zhao Feng ay nakahigop o kaya'y nakaipon ng ilan sa mga katawan ng Demigod.

Nasurpresa si Zhao Feng sa kaniyang pagsusuri. Ang kaniyang state of existence ay nakaabot na sa Void God Realm, at ang parte ng dugo ng Demigod ay nailagay na sa kaniyang katawan at naging potensyal ito.

"Kung tuluyang maisasalin bilang state of existence ang potensyal na ito, ang aking cultivation at katawan ay labis na tataas."

Napalagay na si Zhao Feng.

Saglit na lamang bago siya makaabot sa Void God Realm. Sa pinakamatagal, isang taon lamang ang gugugulin.

Ang mga normal na sovereigns ay nangangailangan ng dose-dosenang taon o mas matagal pa upang makapagbreakthrough nang kahit kaunti. Para naman sa pag-abot ng Void God Realm, karamihan sa mga Origin Core Realms ay nangangailangan ng halos ilang daang taon, at kahit ganoon pa, maaaring hindi pa rin nila maabot ang level na iyon sa buong buhay nila. Mula rito, makikita kung gaano kahalaga ang mga oportunidad at ang mga kayamanan.

Ang state of existence ni Zhao Feng ay nakaabot na sa isang kahanga-hangang level sa pamamagitan ng Immortal Springs Wine, dugo ng Demigod, at ang aura ng Ancient Dream Realm. Kasabay nito, ang Illusion God Wine ay nakatulong din upang maintindihan niya ang King intent at buuhin ang sarili niyang half-step King intent.

Mayroon pa siyang natitirang Illusion God Wine, subalit kahit na hindi niya ito gagamitin, magagawa pa rin niyang makabuo ng isang kumpletong King intent hindi kalaunan.

"Hindi ko kailangang madalian ang pagbubuo ng aking King intent. Ang aking King intent ay mas magiging malakas sa oras na makaabot sa mas mataas na level ang aking comprehension sa Wind Lightning Inheritance."

Paikot-ikot ang mga kaisipan ni Zhao Feng.

Sa oras na ito, hindi niya maintindihan ang King intent. Kapag nagawa niya ito, malamang ay magbabago na naman ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Kaya naman, nagsimula nang subukan ni Zhao Feng na i-refine ang Sky Locking Bow.

Ang Sky Locking Bow ay isang inheritance sacred weapon na maaaring nakaabot na sa Heaven-Grade.

Sa tingin ni Zhao Feng nababagay sa kaniya ang mga pangmalayuang sandata gaya ng pana, at ang Sky Locking Bow na ito ay mayroong abilidad na tumagos sa space. Kahit sinong matutukan ng Sky Locking Bow ay halos walang tsansang iwasan ito.

Subalit, hindi madaling i-refine ang pana.

Ang dahilan kung bakit nakasunod ang Sky Locking Bow kay Zhao Feng ay dahil nababagay ang kanilang mga abilidad sa isa't isa.

Subalit, ang cultivation ni Zhao Feng ay hindi pa gaanong mataas. Sinong may-ari ng Sky Locking Bow ang hindi isang Emperor o mas mataas pa? Kahit ang mga nakaraang may-ari ng Ice Imperial Spear ay kung hindi Kings sila ay mga Emperors.

Humarap sa maraming pagpupumiglas si Zhao Feng noong sinubukan niyang i-refine ito.

Una, masiyadong mataas ang rank ng Sky Locking Bow, kaya't hindi nito masiyadong nakilala si Zhao Feng.

Ikalawa, hindi masiyadong mataas ang cultivation ni Zhao Feng, at ang half-step King intent ni Zhao Feng ay hindi rin sapat upang makilala siya ng Sky Locking Bow.

"Subukan natin ito…"

Isinanib ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng kaniyang God's Spiritual Eye sa Sky Locking Bow.

Malinaw na ang dahilan kung bakita mayroong kaunting pabor ang Sky Locking Bow kay Zhao Feng ay dulot ng God's Spiritual Eye.

"En, subukan din natin ito…"

Kumunot ang mga labi ni Zhao Feng nang maglagay siya ng kaunting aura ng Ancient Dream Realm sa Sky Locking Bow.

Weng~~~~~

Humimig ang Sky Locking Bow nang magpakawala ito ng nakakatusok-sa-talim na aura kasabay ng mga kulay ginto at pilak na pagkislap.

Pakiramdam ni Zhao Feng na natuhog ang kaniyang katawan. Kahit ang Kun Yun Partial Thought sa loob ng Green Spiritual Gourd ay nabalisa.

"Napakagaling, ang kapangyarihan ng aking mata at ng Ancient Dream Realm aura ay nakakatulong upang makilala ako nito."

Tumango si Zhao Feng.

Ang proseo ng pagrefine nito ay mas naging madali. Gumamit siya ng kabuuan ng pitong araw upang i-refine ito.

Bilang isang inheritance sacred weapon, ang half-step King intent ni Zhao Feng ay hindi halos magawang magamit ito, subalit ngayon, ayaw pa niyang ihayag ang natatagong alas na ito.

Sa ikatlong araw, matapos mapagtagumpayan ni Zhao Feng ang pagrefine sa Sky Locking Bow, sinalubong ng Mystic True Sacred Clan ang kapanganakan ng isang bagong King. Ang bagong King ay si Nan Gongsheng.

"Tatlumpu't taong gulang pa lamang at naging King na siya. Nasira niya ang talo mula noong dose-dosenang milenyang nakalipas na."

"Gaya ng inaasahan sa isang prodigy na mayroong parehas na Heaven Spiritual Body at Spatial Spiritual Body."

Nagulat ang buong Mystic True Sacred Clan.

Ang kapanganakan ng panibagong King ay isang bagay na dapat ikinabubunyi kahit para sa mga three-star forces. Dagdag pa rito, ito ay isang napakabatang King.

Natulala ang buong True Martial Sacred Land dahil sa balitang ito.

Sa sumunod na araw, ang upper echelon ng Mystic True Sacred Clan ay bumuo ng isang piging para kay Nan Gongsheng, kung saan si Zhao Feng ay imbitado.

Ang sukat ng piging na ito ay mas malaki kaysa sa seremonyang ginanap para sa pagsalubong kay Emperor Duanmu.

Ang bawat King ay mayroong mataas na estado, at labis na makapangyarihan sila. Dagdag pa rito, ang King na ito ay napakabata, at nasira niya ang tala noong nakaraan pang dose-dosenang milenya. Hindi masusukat ang kaniyang kinabukasan.

Maraming Kings at mga Emperors sa clan ang nais bumuo ng magandang relasyon kasama si Nan Gongsheng.

Sa potensyal na mayroon si Nan Gongsheng, ang pagasa niya na maging isang Emperor ay napakataas. May pagkakataon pa nga siyang maging isang Mystic Light Realm Sacred Lord sa paglipas ng libu-libong taon at pamunuan ang Sacred Land.

Naroroon din si Zhao Feng sa piging.

Si Nan Gongsheng ay isang malakas na kakampi sa Demigod Forgotten Garden. Kung wala si Nan Gongsheng, malamang ay hindi matatalo ni Zhao Feng ang nag-iinit na bata, at maaaring makatapat siya sa isang malaking panganib.

Malinaw na si Nan Gongsheng ang bida ng palabas, gaya ng North Star sa gabing alapaap.

Kahit ang mga matatandang Emperors ay magalang sakaniya.

"Junior Martial Brother Zhao, nandirito ka na."

Ngumiti si Nan Gongsheng at nagpunta kay Zhao Feng upang batiin siya.

Ang pagpapakita ng lakas ni Zhao Feng sa Demigod Forgotten Garden ay nagdulot upang mag-iba ang tingin sa kaniya ni Nan Gongsheng. Isang matinding kalaban ang tingin niya kay Zhao Feng bago siya maging isang King, subalit ngayon na naging King na si Nan Gongsheng, ang lakas niya ay labis na tumaas, at mas malakas na siya kaysa sa mga normal na Void God Realm Kings.

"Senior Martial Brother Nan, pagbati sainyo sa pagbe-breakthrough. Nagawa mong pahangain ang ibang mga disciples ng henerasyong ito."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at uminom kasama si Nan Gongsheng.

Ngumiti si Nan Gongsheng at nagsalita, "Junior Martial Brother Zhao, sa potensyal na mayroon ka, ang pagtungtong sa Void God Realm sa loob ng dalawa o tatlong taon ay hindi magiging mahirap para sa'yo."

Sa pagkarinig nito, nagsimulang magusap-usap ang lahat ng mga tao.

"Maging isang King sa loob ng dalawa o tatlong taon?"

Hindi makapaniwala ang ilang miyembro ng clan. Ang mga Kings ang pinakamataas sa lahat; sila ay kabilang sa pinakataas ng two at three-star na mga dibisyon. Ito ay isang napakataas na antas.

Nang sinuri ng Divine Senses ng ilang Kings at Emperors si Zhao Feng, nanginig ang kanilang mga puso.

Hindi na isang lihim na nabuo na ni Zhao Feng ang half-step King intent o kaya'y nakapasok na siya sa Mermaid Kingdom at nakakuha ng mermaid tears, Immortal Springs Wine, Illusion God Wine, at nagaya ang ginawa ng henyo na iyon mula noon.

Sa katotohanan, dinakip ni Zhao Feng ang Mermaid Princess at mas higit ang nakuha niya kaysa sa henyo dati. Mas magaling siya sa estratehiya; kung tutuusin, ang henyo mula noon ay bahagyang nakaasa lamang sa suwerte upang magtagumpay.

"Salamat, Senior Martial Brother Nan Gongsheng."

Hindi tumanggi si Zhao Feng ang sinabi ni Nan Gongsheng.

"Ang isang walang kuwentang Great Origin Core Realm ay magiging isang King sa loob ng dalawa o tatlong taon?"

Hindi makapaniwala ang ilang mga miyembro at disciples ng clan, subalit ang tingin ng ilang mga Kings at Emperors ay taimtim na nakatitig kay Zhao Feng.

Ang totoo, si Zhao Feng ay nagiging labis nang mapagkumbaba sa hindi niya pagsasalita. Ang King intent ay hindi masiyadong mahirap para kay Zhao Feng, at ang kaniyang state of existence ay nakaabot na sa level ng isang King.

Dagdag pa rito, hindi pa nga tuluyang nahihigop ni Zhao Feng ang dugo ng Demigod, at mayroon pa rin siyang mga natitirang mga espesyal na resources na hindi pa niya nagagamit.

"Napakabilis ng pagprogreso ng Zhao Feng na ito…"

Ang puso ng mga taong pamilyar kay Zhao Feng, gaya nila Chen Yilin, Jiang Fan, at ni Dong Wenjian ay nanginig.

Nang pumasok si Zhao Feng sa Demigod Forgotten Garden, siya ay nasa late-stage Small Origin Core Realm lamang, subalit ngayon, matapos mahigop ang dugo ng Demigod, ang kaniyang cultivation ay halos nasa middle-stage Great Origin Core Realm na.

Kung talagang magiging isang King si Zhao Feng sa loob ng dalawa o tatlong taon, masisira niya ang tala ng tatlumpu't taong gulang na batayan na ginawa ni Nan Gongsheng.

Si Zhao Feng ay dalawampu't dalawa o dalawampu't tatlong taong gulang pa lamang ngayon, at nang magsimula siyang magcultivate, siya ay labingtatlo o labingapat na taong gulang pa lamang.

Si Zhao Feng ang naging ikalawang talakayan ng piging. Nakikita siya ni Nan Gongsheng bilang isang matinding katapat sa iisang henerasyon na ito.

Sa pamamagitan ng eye-bloodline ni Zhao Feng, magiging isa siyang malakas na kalaban sa oras na maging King siya.

Makalipas ang kalahating araw, bumalik si Zhao Feng sa palasyo ni Emperor Duanmu.

"Master, kailan ka magbabalik sa True Martial Sacred Land?"

Nakita ni Zhao Feng ang projection ni Emperor Duamu.

Ang Void God Projection ay mayroong iisang anyo ni Duanmu Qing, mas malinaw lamang ito.

"Siguro ay mga kalahating buwan. Tinutulungan ko si Yufei na tuluyang mamana ang Purple Saint Ruins at ire-refine ito bilang ang kaniyang sariling Little Heaven and Earth."

Sumagot ang projection.

Nasurpresa si Zhao Feng. Kadalasan, tanging mga Emperors lamang ang nakakabuo ng sarili nilang Little Heaven and Earth.

Ang Little Heaven and Earth ay tumutukoy sa isang pribadong dimensyon. Halimbawa, ang Demigod Forgotten Garden, ay isang sikretong realm na ginawa ng Demigod.

Sa cultivation na mayroon si Yufei, paano niya makokontrol ang sarili niyang pribadong Little Heaven and Earth?

Kahit na hindi maintindihan ni Zhao Feng, hindi niya ito masiyadong inisip. Bumalik siya sa sikretong bulwagan, huminga nang malalim, at inilabas ang dugo ng Demigod.

"Ang Rebirth from Blood ay nagsisimula na sa wakas…"

Nanginig sa pananabik ang boses ng Kun Yun Partial Thought.