Sa sandaling ito, ang lakas at paraan ni Zhao Feng ay nakuha ang paggalang at pasasalamat ng lahat. Kung walang si Zhao Feng, hindi nila mapapasok ang Mermaid Kingdom at hindi sila makakakuha ng maraming pabuya.
"Halika na."
Pinauna ni Zhao Feng ang Mermaid Princes sa harapan.
Matapos na makabalik sa unang palapag ng Mermaid Divine Palace, sinuri ni Zhao Feng ang kaniyang sarili, at nakita ang kaniyang cultivation na nakaabot na sa peak Small Origin Core Realm. Halos nasa Sovereign Lord rank na siya, na dahil sa Immortal Springs Wine at epekto ng King intent.
Ang cultivation ni Jiang Fan ay tumaas din, at halos nasa peak Small Origin Core Realm na siya.
"Tao!"
Isang Magnificent Power ang naipon sa pasukan ng Mermaid Divine Palace.
Ang lahat maliban kay Zhao Feng, Chen Yilin, at Jiang Fan ang nakaramdam na tila pinipigilan sila at hindi makagalaw.
"Mermaid King, hindi ko kukunin ang iyong anak, ngunit kailangan mong siguraduhin ang aming kaligtasan bago kami makalabas sa teritoryo ng Mermaid Kingdom."
Sinabi ni Zhao Feng nang utusan ang Mermaid Princess na manatili sa Mermaid Divine Palace.
"Master..."
Ang mga mata ng Mermaid Princess ay napuno ng pagmamahal ay hindi pagpayag. Ito ay hindi na epekto ng Dark Heart Seal, ngunit isang uri ng pagmamahal. Ang mga babae ay humahanga sa mga eksperto, at ito ay lalo na para sa Mermaid Princess.
"Lord Father, pakiusap ay hayaan mo na akong umalis kasama si Master."
Ang Mermaid Princess ay nagmakaawa. Walang lalaki sa Mermaid Kingdom na nakakuha ng kaniyang atensyon.
"Ikaw...!"
Ang Mermaid King ay nakalutang sa ibabaw ng Divine Palave, at labis itong nagalit.
Umangil siya kay Zhao Feng nang may magulo at walang magawang ekspresyon.
Ang taong ito ay inalipin na ang Mermaid Princess parehong sa katawan at sa puso.
Sa sandaling ito, kahit na tinunaw na ni Zhao Feng ang Dark Heart Seal, maaaring hindi nito matanggal ang pagmamahal ng Mermaid Princess.
Sa kasamaang palad, siya ay isang tao.
Ang Mermaid King ay labis na humanga sa talento, lakas, at kakayahan ni Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay tumingin Mermaid Princess ay umiling, "Hindi kita maaaring isama. Tutunawin ko na ang Dark Heart Seal pagkaalis ko sa Purple Smoke Lake."
"Bakit!!?" Ang Mermaid Princess ay labis na malungkot, "Sa itsura, hindi ako nalamangan ng mga walang katulad na magaganda sa mga tao. Ang aking Soul talent ay tumutumbas sa iyo, at kapag naging isang King ang isang sirena, maaari silang makagawa ng katawan ng isang tao."
"Mayroon na akong asawa."
Sinabi ni Zhao Feng bago umalis kasama sila Chen Yilin.
Nang marinig ito, ang puso ng Mermaid Princess ay nayanig. Wala siyang magawa sa pagkakaroon ng asawa ni Zhao Feng.
"Fei'er."
Ang Mermaid King ay nagbuntong hininga nang inilagay ang isang kamay sa balikat ng kaniyang anak.
"Hmph, kapag nakalagpas ka na sa soul-restricting technique, huhulihin ko ang ungas na iyon at gagawin siyang laruan mo."
Malamig na ngumisi ang Mermaid King.
Ang mga sirena ay mahusay sa kaluluwa, lalo na ang mga imperial Mermaid. Dagdag pa rito, ang Mermaid King ay ang Void God Realm King.
Gayunman, nang pumasok ang kaniyang Divine Sense sa puso ng kaniyang anak, ang kaniyang ekspersyon ay kapansin-pansing nagbago. Kahit siya, na isang Void God Realm, ay walang magawa sa Dark Heart Seal na inilagay ni Zhao Feng nang walang kahirap-hirap.
Ang Dark Heart Seal ay nanggaling sa Dark Eye Secret Manual ng Emperor of Death. Ang mga normal na King ay walang magawa kung hindi tignan ito.
Sa ibabaw ng lawa:
Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang hukbo ni Zhao Feng sa paligid ng sulok ng Mermaid Kingdom ay nag-umpisang magtipon.
Mga halimaw sa tubig na may galamay, sinaunang mga buwaya... mga makapangyarihang halimaw ang sunod-sunod na lumapit.
Sila Chen Yilin ay tumayo sa likod ng mga halimaw na ito, at bawat halimaw na nakakita sa kanila ay tumabi.
Si Zhao Feng ay Chen Yilin ay parehong nakabuo ng half-step King intent, na sapat na para takutin ang mga halimaw.
Si Zhao Feng ay nakatayo na nasa likuran ang kaniyang mga kamay habang nakatingin sa distansya.
Higit sa isang dosenang milya ang layo, ang ekspresyon ng nag-iinit na youth na nakatayo sa ibabaw ay bahagyang nagbago.
Habang papalapit ang hukbo ni Zhao Feng:
"Ang lakas ni Zhao Feng at ang grupog mula sa Mystic Ture Sacred Clan ay malaki ang itinaas, at isa sa kanila ay isang taong may bloodline ng Ten Thousand Ancient Races."
Ang ekspreyson ni Wen Louan ay nagsimulang maging bahagyang seryoso.
Una niya itong inisip, kahit na umalis sila Zhao Feng ay umalis sa Mermaid Kingdom, magkakaroon sila ng malaking pinsala at magiging mas mahina. Gayunman, sa kabilang banda, ang kailang lakas ay higit pa sa dati.
Bukod pa rito, ang Divine Sense ng Mermaid King ay simusuri rin sa hangin.
"Kung gusto ko ng patayin si Zhao Feng, kailangan kong harapin ang buong hukbo, at may isa pang King na nagtatago sa likuran."
Ang mga mata ni Wen Luoan ay nagningning.
Kahit na ang Mermaid King ay walang ginawa, hindi siya ganap na malakas ang loob.
"Mayroon lang 70% na pagkakataon... ngayon ay hindi ang mainam na oras para patayin siya. Kung isa o dalawang tao ang nakatakas, ang buong upper echelon ng Mystic True Sacred Clan ay hahabulin ako pagkasara ng Demigod Forgotten Garden.
Ang nag-iinit na youth ay nagbuntong hininga matapos ang malalim na pag-aanalisa.
Whoosh!
Sa isang iglap, lumipad siya sa hangin. Dahil sa maraming dahilan, nagpasya siyang sumuko muna ngayon.
"Napakabilis! Ang Wen Luoan ay kayang makalipad dito!?"
Si Zhao Feng ay nagulat.
Ang bilid na ipinakita ni Wen Luoan ay madaling nalagpasan ang basikong bilis ni Zhao Feng.
Kahit na si Chen Yilin ay hindi kayang tunay namakalipad sa Demigod Forgotten Garden.
"Si Wen Luoan ay hindi aatake. Halatang nag-aalala siya sa Mermaid King, kay Chen Yilin, Jiang Fan, at sa hukbo."
Nakahinga nang maluwag si Zhao Feng. Sinabi sa kaniya ng kaniyang pakiramdam na si Wen Luoan ay isang makapangyarihang kalaban na magbibigay ng malaking panganib sa kaniya.
Makalipas ang isang oras, sila Zhao Feng ay umalis na sa Purple Smoke Lake.
"Matunaw ito."
Sa isang pag-isip, ginamit ni Zhao Feng ang God's Spiritual Eye at tinunaw ang Dark Heart Seal sa Mermaid Princess.
Kasabay nito, ang Mermaid Pricess sa harapan ng Mermaid Divine Palace ay nagkareaksyon at tumingin sa isang direksyon nang may pagtataka at hindi pagpayag.
"Pinapanindigan ng taong iyon ang kaniyang mga pangako."
Ang Mermaid King ay nakahinga na nang maluwag.
Hindi siya umalis at hinabol si Zhao Feng. Sa halip, nanatili siya para makita ang kaniyang anak.
Dagdag pa rito, ang mga sirena ay sanay lang sa tubig ng Purple Smoke Lake, at hindi sila maaaring pumasok sa ibang lugar ng Demigod Forgotten Garden at kung hindi ay kakaharap sila ng pagpigil ng Demigod intent.
Sa mga pampang ng Purple Smoke Lake:
"Brother Zhao, saan tayo susunod na pupunta?"
Isang Core disciple ang nagsabi na tila masigla.
Ang lakas mga paraan ni Zhao Feng ay nagpapayag sa kanilang sumunod. Pinaniwalaan nilang kapag sumunod sila kay Zhao Feng, magkakaroon sila ng mga magandang pabuya.
"Heart Healing Palace."
Sabi ni Zhao Feng.
Heart Healing Palace?
Sila Chen Yilin ay bahagyang nagulat. Noong una ay inisip nilang pupunta si Zhao Feng sa Hundred Flower Garden o sa Ten Thousand Treasures Palace. Ang lakas na ipinakita ni Zhao Feng ay sapat na, higit pa rito ay kaya niyang kumontrol ng mga makapangyarihang halimaw.
Wala siyang gaanong kalamangan sa Heart Healing Palace.
"Maaari kayong pumili kung susundan niyo ako o hindi. Ang makukuha ninyo ay depende sa inyong mga kakayahan."
Tumingin si Zhao Feng sa grupo.
Nakakhua na siya ng sapat na pabuya sa Demigod Forgotten Garden. Ang nakaakit sa kaniya ngayon ay ang dugo ng Demigod.
Inisip nila Chen Yilin sa ilang sandali.
Kung susundan nila si Zhao Feng, ang kanilang makukuha ay depensa sa kanilang kakayaha, at labis itong mahirap para makakuha ng kahit ano mula sa Heart Healing Palace.
Sa huli, nagpasya silang pumunta sa Ten Thousand Treasures Palace at lumaban para sa ilang mga kayamanan.
May ilang mga mahalaga at kakaibang kayamanan sa Ten Thousand Treasures Palace na kayang makapagbago ng kapalaran ng isang tao, na maaaring mas sulit pa kaysa sa Illusion God Wine.
"Nais ko ang mabuti para sa inyo."
Si Zhao Feng ay hindi nagulat. Nagpaalam na siya kay Chen Yilin at mga kasama nito.
Simula noong makapasok siya sa Demigod Forgotten Garden, may intensyon na siyang maging mag-isa.
Whoosh!
Ang anyo ni Zhao Feng ay nagsimulang mabilis na pumunta sa Heart Healing Palace.
Ang puwersa mula sa Demigod Forgotten Garden ay labis na malakas, kaya ang kaniyang bilis ay nabawasan nang malaki.
Makalipas ang kalahating araw, nagsimula si Zhao Feng na makalapit sa Heart Healing Palace.
Sa daan, nakakita siya ng ilang magulong anyo.
Si Zhao Feng ay umupo sa isang nagliliyab na kabayong may dalawang ulo, at sa kaniyang likuran at dalawang mapayat at maliksing "taong tutubi" na lumulutang sa hangin.
Ang nagliliyab na kabayong may dalawang ulo at ang dalawang taong tutubi ay bagong alipin ni Zhao Feng.
Ang lakas ng tatlong may buhay ay malapit sa half-step King level, at hindi sila malaki. Labis din silang maliksi at mabilis.
Nang makita ng ibang mga henyo ang kabayo ni Zhao Feng at dalawang taong tutubing alipin, lahat sila ay lumayo dahil sa takot.
"Heart Healing Palace."
Nang dumating si Zhao Feng, napagtanto niyang ilang mga tao ang nagtipon dito.
Plop!
Isang magulong henyong may maputlang mukha ang umikot palabas ng Heart Healing Palace.
"Ang kapangyarihan ng dugo ng Demigod ay labis na nakakasindak."
"Wala pang nakakapasok sa sampung yardang paligid ng dugo."
Ang mga grupo ng mga henyo sa labas ng Heart Healing Palace ay nag-usap.
Ilang mga makapangyarihang aura ang biglang lumitaw at nagpatahimik sa kanila.
"Sino ang taong iyan? Nagawa niyang mga alipin ang kakaibang taong tutubi."
"Ang mga taong tutubi ay labis na maliksi at mabilis. Mayroon sila ng mga elemento ng Wind at Poison."
Maraming mga henyo ang nag-alala.
"Siya pala iyon."
May ilang nakakilala kay Zhao Feng dahil may mga disipulo rito mula sa True Sacred Clan.
Ang lahat ay gumawa ng daan, at si Zhao Feng ay dumiretso sa Heart Healing Palace papunta sa ilog na tila alam na niya ang daan.
Hindi nagtagal ay narating na ni Zhao Feng ang kinaroroonan ng dugo ng Demigod.
Ilang mga makapangyarihang henyo ang nakatayo sa paligid ng ilog.
Ang mga henyong ito ng Sacred Land ay nakatagal sa puwersa ng dugo ng Demigod at mabagal na nakakalapit.
Dugo ng Demigod.
Ang tingin ni Zhao Feng ay nanatili sa tulo ng malinaw na gintong dugo na kasinglaki ng hinliliit.
Tulad ng inaasahan, nang makalapit si Zhao Feng, ang kaniyang katawan ay nagsimulang makadama ng hindi masukat na puwersa.
Ang puwersang ito ay nakalagpas sa Void God Realm. Ang kapangyarihang nanggagaling sa tulo ng dugo ay kayang madurog ang mga may buhay.
Isang tulo lang ng dugo ay napakalakas na? Kung kaya kong padalisayin ito, malaking tulong ito para sa aking bloodline, katawan, at cultivation.
Si Zhao Feng ay lihim na nagulat. Kahit ang mga King at Emperor ay hindi makatagal sa dugp ng Demigod.
Paano ko ito makukuha?
Nag-umpisang mag-isip si Zhao Feng.
Ang paggamit ng Spatial Movement ay imposible.
Hindi lang nagtataglay ng malakas na puwersa ang tulo ng dugo ng Demigod, mayroon din itong isang misteryosong kaugnayan sa Demigod intent.
Ang dugo ng Demigod ay nagtataglay ng kapangyarihan ng isang Demigod, na pinipigilan ang ibang mga puwersa tulad ng laws of Space.
Sigurado si Zhao Feng na ang pagkuha sa tulo ng dugong ito ay sampung beses o isang daan pang mas mahirap kaysa sa pagkuha ng Illusion God Wine.
Nang halos nasa marka ng sampung yarda na si Zhao Feng, ang kaniyang bawat hakbang ay labis na mabagal dahil kailangan niyang harapin ang puwersa ng dugo ng Demigod.
Habang mas lumalapit siya, mas maraming divine power ang nararamdaman niya mula sa dugo ng Demigod.
Biglang isang sigaw ang nanggaling sa hindi kalayuan.
"Argh!"
Ang katawan ng isang peak Small Origin Core Realm na lalaki na may hindi karaniwang bloodline ay sumabog mula sa dugo ng Demigod nang humakbang sa loob ng sampung yarda.
Boom!
Ang malaking shockwave ay nagkalat ng dugo at lamang lumipad sa paligid. Ang puso ng mga henyo sa paligid ay nanlamig at namutla.