Ang nakkarimarim na pagkamatay ng henyong iyon ay nakapanlamig sa mga tao sa paligid.
"Sa loob ng sampung yarda ay ang forbidden zone. Kapag nakalapit ang isang tao rito, ang puwersa mula sa dugo ng Demigod ay tataas ng ilang beses."
Bulong ni Zhao Feng.
Ang ibang mga henyo ay napagtanto rin ito.
Ang mga normal na henyo ay nakatagal sa puwersa sa labas ng sampung yarda. Ang lahat ng namatay ay dahil pinasok nila ang sampung yardang ito.
"Kung ang puwersa sa loob ng sampung yarda ay napakalakas na, ang puwersa sa limang yarda, tatlong yarda, isang yarda, at sa mismong tabi ng dugo ng Demigod ay magiging..."
Hindi maisip ni Zhao Feng kung gaano kalakas ang magiging puwersa nito.
Nagsimula siyang mag-isip nang makipag-ugnayan sa munting pusang magnanakaw sa kaniyang balikat.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay kumaway, na sumenyas na wala itong magagawa, at tumalon sa ancient metal ring.
Si Zhao Feng ay hindi nagulat. Kahit ang mga King ay siguradong hindi makakatagal sa napakalakas na puwersa mula sa dugo ng Demigod.
"Dugo ng Demigod, papunta na ako."
Isang malamig na boses ang umalingawngaw mula sa malayo.
Shua!
Isang lalaking maitim ang balat na may isang pares ng itim na pakpak sa kaniyang likuran ang lumitaw sa hangin.
"Mo Tianyu!"
Ang mga tao sa paligid ng Heart Healing Palace ay nagbigay-daan.
Ang cultivation ng lalaking may itim na balat ay nakaabot na sa late-stage Great Origin Core Realm, at may isa siyang pares ng labis na kakaibang demonic bloodline na nagbigay sa kaniya ng pakpak. Habang papalapit siya, may isang demonyong nagdahilan para hindi makahinga ang mga tao sa paligid.
__
Si Mo Tianyu, isa sa top ten geniuses ng Sacred Land. Nagmula siya sa Thousand Darkness Sacred Land.
Ang impormasyon tungkol sa bagong dating ay lumitaw sa isip ni Zhao Feng.
Mayroong halos tatlong daang henyong nakapasok sa Demigod Forgotten Garden, ngunit alam ng lahat ang tungkol sa sampung pinakamagaling na henyo.
"Hindi ba nasa middle-stage Great Origin Core Realm si Mo Tianyu? Ilang araw pa lang ang nakalipas ngunit ang kaniyang bloodline ay malaki na ang itinaas."
Ang mga henyo sa paligid ay nagpakita ng magalang na ekspresyon, habang ang mga galing sa Thousand Darkness Sacred Clan ay nagpakita ng galak.
Ang Demigod Forgotten Garden ay puno ng kayamanan, at ang kakaibang demonic wing bloodline ni Mo Tianyu ang nagbigay sa kaniya ng kakayahang makalipad, kaya nakakakuha pa siya ng karagdagan.
Shua!
Ang mga itim na pakpak ay dahan-dahang gumalaw sa ibabaw ng ulo ni Zhao Feng at ng iba pang henyo nang bumagsak si Mo Tianyu malapit sa ilog.
"Ang forbidden zone na may sampung yarda!"
Maraming mga henyo ang pinigilan ang kanilang hininga, at ang kanilang mga puso ay tila tumigil ang pagtibok.
Si Mo Tianyu ay direktang tumalon sa paligid ng sampung yarda at hindi pa napinsala.
Tulad ng inaasahan sa isa sa sampung pinakamagaling na henyo; bawat isa sa kanila ay may hindi karaniwang bloodline, at labis silang malakas.
Si Zhao Feng ay lihim na nagbuntong hininga.
Ang lakas ni Mo Tianyu ay tumaas nang malaki matapos pasukin ang Demigod Forgotten Garden. Isa o dalawang half-step King ang hindi makatalo sa kaniya.
"Hahaha... dugo ng Demigod! Sa kabutihang palad, mabilis akong pumunta!"
Ang ekspresyon ni Mo Tianyu ay mayabang.
Wala sa ibang henyong kasama sa sampung pinakamagalin ang naroon, at mayroon siyang bakas ng pagpigil sa lahat dito.
Sa sandaling ito, ang ulat ng dugo ng Demigod ay kumakalat pa rin sa buong Demigod Forgotten Garden ngunit marami pa rin ang papunta.
Ang kakaibang bloodline power ni Mo Tianyu ay nagbigay sa kaniya ng labis mataas na mabilis kahit sa mga sampung pinakamagaling na henyo.
Sa kasalukuyan, ang nag-iisang nakapasok sa hangganang sampung yarda ay siya.
Ang kaniyang tingin ay kumalat sa lugar, at hindi siya nakakita ng malakas na tao.
"Hmm?"
Bahagyang napatigil si Mo Tianyu nang mapunta ang kaniyang mata sa dalawang taong tutubi sa likuran ni Zhao Feng.
Ang mga taong tutubi ay mabilis. Alam ni Mo Tianyu kung gaano kapanganib ang mga ito. Hindi siya umasang magagawang alipin ng isang tao ang mga ito.
"Hmph, ang kaniyang cultivation ay hindi pa nga Great Origin Core Realm. Kailangan ng isang taong umasa sa kanilang bloodline at cultivation para mapigilan ang puwersa mula sa dugo ng Demigod, ang mental energy ay hindi mainam dito.
Binawi ni Mo Tianyu ang kaniyang tingin. Hindi niya pinansin si Zhao Feng. Wala pang karapat-dapat na maging kalaban niya sa Heart Healing Palace.
"Kukunin ko ang dugo ng Demigod bago pa mauna si Nan Gongdan, Meng Xi, at ng iba pang mapanganib na taong wala pa rito.
Ang mga mata ni Mo Tianyu ay nagningning.
Huminga siya nang malalim at nagsimulang palaganapin ang kaniyang kapangyarihan para mapalakas ang kaniyang katawan at depensa.
Grrrrr!
Si Mo Tianyu at nagsimulang mabagal na humakbang palapit sa ilog.
Ang puwersang kanyang hinarap ay tumataas sa bawat hakbang, at kahit siya ay naramdamang mapanganib ito.
"Si Mo Tianyu ang unang taong nakapasok nang ligtas sa sampung yardang hangganan."
Ang mga henyong nakapaligid sa ilog ay nainggit at hindi tumigil. Kapag mas malapit sila sa dugo ng Demigod, mas mataas ang pagkakataong makuha ito.
"Kailangan kong pataasin ang aking bilis. Ang dugo ng Demigod ay magiging sa akin!"
Si Mo Tianyu ay labis na natuwa.
Ang dugo ng isang Demigod ay dugong halos banal. Mababago nito ang buhay kahit ng mga eksperto. Kahit mga King at Emperor ay nababaliw dito.
"Sampung yarda!"
Sa sandalig ito, isang youth na may asul na buhok ang nakapasok sa sampung yardang hangganan.
"Siya iyon..!"
Nang makita ng mga tao kung sino ito, labis silang nagulat.
Ang ikalawang taong nakapasok sa sampung yarda ay si Zhao Feng.
Kapag mas malapit sa dugo ng Demigod, mas malakas ang puwersa. Dagdag pa rito, sinong nakakaalam kung anong uri ng pang-atake ang mayroon ito.
Hindi nangahas si Zhao Feng na labis na lumayo nang walang pag-iingat. Ang totoo, ang kapangyarihan ng sampung yardang zone ay hindi gaanong malakas. Ang puwersa ng Ancient Dream Realm ay mas makapangyarihan.
"Ang ungas na ito..."
Ang ekspresyon ni Mo Tianyu ay nagbago nang mapansin niya si Zhao Feng.
Hindi niya inasahang ang isang ungas na nasa Small Origin Core Realm ay makakapasok sa sampung yardang hangganan, at tila hindi pa gaanong nalalakasan si Zhao Feng sa puwersa.
Ang bloodline, katawan, at cultivation ay tatlong salik sa pagsabi kung gaano kalayo ang mararating dito.
Kung may superior bloodline ang isang tao, may kalamangan ito, at kapag sapat ang lakas nito, makakatagal sila rito. Sa kabilang banda, ang mga may mas mataas na cultivation ay simpleng makakapigil ng mas maraming puwersa. Halimbawa, kung si Emperor Duanmu ay nandito, makukuha niya ang duso ng Demigod nang madali.
"Lumayas ka, ungas!"
Dinilaan ni Mo Tianyu ang kaniyang labi at umangil kay Zhao Feng. Sinubukan niyang gamitin ang kaniyang lakas at kasikatan para mapigilan si Zhao Feng, ngunit paano maloloko Zhao Feng nito?
Kumilos siyang tila walang nakitang kahit ano habang pinanatili ang partikular na distansya kay Mo Tianyu.
Si Mo Tianyu ay nasa kabilang bahagi. Ang isang atake ay magkakaroon ng malaking balakid dahil sa puwersa mula sa dugo ng Demigod, at sinong nakakaalam kung anong klaseng reaksyon ang mayroon ang dugo ng Demigog?
"Brother Mo, ang ungas na may pangalang Zhao ay kumontrol ng hukbo sa Purple Smoke Lake at tinalo si Brother Tu…"
Babala ng isang disipulo mula sa Thousand Darkness Sacred Clan.
ANg Demigod Forgotten Garden ay isang malaking lugar, ngunit ang balita ay nagsimulang kumalat.
"Ano? Tinalo niya si Brother Tu?"
Nang marinig ito, hindi makapaniwala si Mo Tianyu. Bago siya pumaosk sa Demigod Forgotten Garden, ang kaniyang sariling lakas ay bahagyang mas mahina kay Tu Jiuseng, kahit na maaaring mas malakas na siya ngayong nakakuha na siya ng ilang kayamanan.
Whoosh!
Isang anyong may limang kulay ang lumipad sa hangin.
"Isang kakaibang kapangyarihan ng Kidlat."
Naramdaman ni Zhao Feng ang kaniyang Wind Lightning True Tuan na humahalo. Nang hindi tumitingin, alam na niya ang pagkakakilanlan ng taong parating.
"SI Lei Zhen, isa sa top ten geniuses ng Sacred Land.
"Magiging magulo na ito ngayon. Isa pang eksperto ng top ten geniuses ay lumitaw."
"Si Lei Zhen ay nagmula sa Ten Thousand Lightning Clan. Siya ang nangungnang henyo ng Lightning Dao."
Ang mga henyo ay tumingin.
Maraming mga tao sa Heart Healing Palace ang nanonood at umaasang makuha ang dugo ng Demigod sa swerte. Isang maliit na bilang ng mga henyo noon ang nakakuha ng napakalakas na kayamanan na kung hindi sila malakas, ang swerte ay isang salik.
Shua!
Si Lei Zhen ay bumagsak malapit sa ilog sa pagitan ng walo at siyam na yarda, mas malapit pa kaysa kay Mo Tianyu.
"Ang dugo ng Demigod! SIguradong ito ang blood essence ng Demigod at kung hinid ay hindi ako tatagal nang gamito at magkakaroon ng marami pang puwersa."
Ang mukha ni Lei Zhen ay bahagyang namula pagkabagsak. Kaagad niyang pinalaganap ang kidlat na may limant kulay at mukha itong isang God of Lightning.
"Blood essence ng Demigod?"
Ang mga mata ng mga henyo sa paligid ay mas nagliyab.
Ang isang tulo ng blood essence ay nagtataglay ng life essence ng Demigod, at higit ito sa isang daang beses na mas mabuti sa isang normal na tulo ng dugo.
"Kung mahihigop ko nag blood essence ng Demigod na ito, ang kalagayan ng aking pag-iral ay lalago at makakakuha ng potensyal na makaabot sa lebel ng isang King o Emperor."
Ang puso ng lahat ay bumilis ang tibok.
Ang blood essence ng isang Demigod ay sigruadong isang malaking bagay para sa mga King. Siguradong maalking pakinabang din ito sa isang normal na Mystic Light Realm Sacred Lord.
Sa loob ng sampung yardang forbidden zone:
Ta! Ta! Ta!
Si Mo Tianyun, LeiZhen, at Zhao Feng ay mabagal na naglakad palapit. Si Zhao Feng ay bahagyang nahuhuli sa dalawa.
Walang nakakaalam kung anong mangyayari kapag tunay na nakalapit ang isang tao sa blood essence.
Si Zhao Feng ay labis na nag-iingat.
Kung ang blood essence ng Demigod ay umatrake, kahit ang mga tunay na King ay hindi makakaalis nang walang pinsala,
"Ang ungas na iyon."
Nakita ni Lei Zhen si Zhao Feng sa gilid ng kaniyang mata.
Si Zhao Feng ay malayo kay Mo Tianyu, ngunit mas malapit kay Lei Zhen.
"Lumayas ka!"
Si Lei Zhen ay malamig na ngumisi. Anong mararamdaman niyang may kalaban sa kaniyang likuran?
Pa!
Si Lei Zhen ay nagpadala ng five-colored claw of lightning papunta kay Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay halatang walang ginawa. Nagpadala siya ng ancient purple lightning claw papunta sa five-colored lightning claw.
__
Purple Destruction Wind Lightning Claw!
Boom!
Isang malakas na pagsabog ng umalingawngaw, at kumalat ang mga shockwaves sa loob ng higit sa isang dosenang yarda. Kahit ang demonic black wings sa paligid ni Mo Tianyu ay humina.
Bam!
Ang anyo ni Zhao Feng ay bahagyang nayanig nang isang five-colored lightning ang humaba sa kaniyang katawan.
Shu!
Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang defensive bloodline, at may mga matingkad na lilang kaliskis ang lumitaw sa kaniyang katawan hanggang nawala ang five-colored lightning.
Gayunman, namanhid pa rin siya. Ang kaniyang defensive Water bloodline ay halatang may kaugnayan sa elemento ng tubig, na dinadaluyan ng kidlat.
Sa kabilang banda, nang ang mga bilog ng Purple Destruction Wind Lightning ay bumagsak kay Lei Zhen, hindi man lang siya umiwas.
"Hahaha, ang iyong lakas ay hindi na masama…"
Tinanggap ni Lei Zhen ang kidlat nang harapan at madali itong hinigop.
"Hinigop niya ang kidlat!"
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago. Napagtanto niyang ang kaniyang Wind Lightning inherirance ay nakita na ang kahinaan nito.
Si Lei Zhen ay may ancient Lightning spiritual bloodline, at isang pinakanangungunang henyo ng Lightning Dao. Ang kaniyang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ay ang pinakamatandang lightning technique ng
Cang Ocean.
Kahit ang talento ng Wind Lightning Emperor sa kidlat ay hindi kasingtaas ng kay Lei Zhen, at hindi siya nakapagcultivate ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique, na nagpuwersa sa kaniyang gumawa ng kaniyang sariling Dao at unawain ang Wind Lightning Dao.