Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 658 - Beast King

Chapter 658 - Beast King

"Brat, ang iyong kagalingan sa inheritance ng Wind Lightning Emperor ay kikilitiin lang ako."

Kumilos si Lei Zhen na tila ang tagumpay ay nasa kaniya na.

Mayroon siyang ancient Lightning spiitual bloodline na labis na maluwag sa mga lightning attack, at kaya pa miya itong higupin. Ang Five-Elemental Ten Thousang Lightning Technique ay parang pagdaragdag ng pakpak sa isang tigre.

Sa kabilang banda, ang defensibe Water bloodline ni Zhao Feng ay walang gaanong epekto laban sa mga lightning attack.

"Heaven Earth Lightning Quake!"

Ang mga sinaunang bilog ng kidlat ay humaba mula sa paa ni Lei Zhen papunta kay Zhao Feng.

Ang kaniyang lightning attack ay hindi lang nakakadaloy sa tubig, kaya rin itong idirekta sa hangin.

Nakaramdam si Zhao Feng ng nakakamanhid na pakiramdam bago pa dumating atake.

"Purple Wind Lightning Ring!"

Rumagasa ang mga nagniningning na purple Wind Lightning mula kay Zhao Feng at tumama sa atake ni Lei Zhen.

Boom! Boom! Boom!

Ang dalawang puwersa ng kidlat ay nagtama.

Ang Wind Lightning attack ni Zhao Feng ay labis na mabilis, habang ang kidlat ni Lei Zhen ay naglalaman ng limang elemento, na nagpahintulot para umatake at dumepensa ito nang sabay.

Ang Heaven Earth Lightning Quake ay tila Mount Tai; labis itong matatag, at tila naging isa ito sa lupa.

Kahit na hindi pa nakaunawa si Lei Zhen ng King intent, ang intent sa kaniyang mga atake ay nakaabot na sa isang lebel.

Bam!

Ang anyo ni Zhao Feng ay bahagyang napatigil, at kaniyang mga paa ay namanhid nang pigilan ang atake ni Lei Zhen. Si Lei Zhen ay walang pinsala, at madali niyang nahigop ang mga atake ni Zhao Feng nang may natutuwang ekspresyon.

"Pagkakataon ko na."

Ngumisi si Zhao Feng nang isang scarlet aura ang lumtiaw sa kaniyang purple-colored lightning.

Dali!

Kumaway si Zhao Feng, at ang Purple Destruction Wind Lightning na nagtataglay ng scarlet ay itinira.

Boom!

Ang five-colored lightning sa paligid ni Lei Zhen ay hinarap ang atake.

Si Lei Zhen ay hindi na kaswal ngayon. Ang scarlet-colored Wind Lightning ay nagtatagla ng isang nagliliyab na power of Destruction na nagpatuloy sa paglamon sa kaniyang katawan.

"Nagawa mong maunawaan ang isabg bahagi ng Scarlet Destruction Wind Lightning..."

Ang ekspresyon ni Lei Zhen ay bahagyang nagbago.

Hindi lang pinataas ng Scarlet Destruction Wind Lightning ang power of Destruction, at nagtataglay rin ito ng nagliliyab na epekto na nagtagal ng ilang sandali.

Sa madaling salita, matapos tamaan ng Scarlet Destruction Wind Lightning, patuloy na mapipinsala ang natamaan nito.

"Five Elements Water Lightning!"

Ang kidlat sa paligid ni Lei Zhen ay biglang naging matingkad na asul at pinigilan ang nasusunog na pakiramdam.

Sa sandaling ito, ang mga ekspresyon ng parehong henyo ng Lightning Dao ay bahagyang seryoso.

Halatang hindi inasaah ni Lei Zhen na maunawaan ni Zhao Feng ang ilan sa Scarlet Destruction Wind Lightning.

Naunawaan ko ang kaunti lang ng Scarlet Destruction Wind Lightning. Hindi ko pa siya mapabagsak...

Ang mukha ni Zhao Feng ay malamig, ngunit ang kaniyang mga mata ay nagningning.

"Ang battle-power ng ungas na ito ay malakas. Hindi pa rin siya natalo matapos harapin si Lei Zhen."

Ang mga henyo sa paligid ay nagsimulang mag-usap.

Ang ekspresyon ni Lei Zhen ay naging normal ulit nang lumitaw ang panloloko sa kaniyang mukha, "Ungas, hindi ko pa ginagamit ang buong kapangyarihan ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique."

Kahit na kumikilos siyang tila nasa kaniya na ang tagumpay, nag-aalala pa rin si Lei Zhen.

Ang Wings of Wind and Lightning mula sa Wind Lightning inheritance ay labis na mapanaganib.

Ang kaniyang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ay tungkol sa balanse sa pagitan ng atake at depensa, habang ang Wind Lightning Inheritance ni Zhao Feng ay tungkol sa labis na bilis at atake.

"Hehe. Ganoon ba?'

Lihim na ngumisi si Zhao Feng nang magdilim ang kaniyang ekspresyon.

Boom!

Isang makapangyarihang intent ang bumaba sa loob ng soul-dimensyon at nagpakita ng mga bakas ng pagbuo ng Magnificent Power.

"Ano!?"

Ang katawan ni Lei Zhen ay nanigas nang ang kaniyang kamalayan ay napigilan ng intent.

"Hald-step King intent!"

"Magnificent power ng isang King! Paano ito naging posible?"

Kahit si Mo Tianyu ay sumigaw sa gulat.

Bam!

Humangin at kumidlat sa hangin, at ang mga kaluluwa ng mga tao sa paligid ay yumanig.

Ang half-step King intent ay tila naging isa sa langit at lupa, at ang kapangyarihang nanggagaling dito at pinabigat ang katawan ni Lei Zhen. Tila siya ay nasa ilalim ng isang bundok, at hindi makahinga.

"Hindi ito isang normal na half-step King intent..."

Ang mukha ni Lei Zhen ay namula.

Ang mga Wind Lightning attack ni Zhao Feng ay mas lumakas nang gamitin niya ang kaniyang half-step King intent.

Ang mga tao ay tahimik.

Ang ilan pa ay inisip pang bumaba ang isa sa top ten genius.

Nagsimulang pawisan nang malamig si Lei Zhen sa noo nang napigilan ang kaniyang kaluluwa. Kung wala lang siyang kakaibang bloodline at nakakagulat na battle-power na lagpas sa isang normal na half-step King, siguradong hindi siya makakatagal.

"Ang half-step King intent na ito ay may mga bakas na ng pagbuo ng Magnificent Power. Paano niya ito nagawa? Hindi kaya ang Illusion God Wine...?"

Nagsimulang pawisan nang malamig si Mo Tianyu, at hindi maiwasang makaramdam ng swerte dahil hindi niya inatake si Zhao Feng.

Isang hininga... dalawang hininga... tatlong hininga...

Ang half-step King intent ay pinigilan ang katawan at puso ni Lei Zhen.

Shua!

Ang half-step King intent ay nawala matapos ang tatlong hininga.

Hu~

Si Lei Zhen at iba pang mga henyo ay nakahinga nang maluwag nang nakatayo si Zhao Feng na hingi gumagalaw. naramdaman niya ang mga magalang at nag-aalalang tingin sa kaniya.

"Nabalitaan kong ang Zhao Feng na ito ay namuno sa buong Purple Smoke Lake, tinalo si Tu Jiuseng, at nakapasok na sa Mermaid Kingdom."

"Mukhang nakakuha siya ng Illusion God Wine, na nakapagpahintulot sa kaniyang maunawaan ang half-step King intent."

"Illusion God Wine? Ang Mermaid Kingdom ay may isang King na binabantayan ang kuta. Paano niya ito nagawa?"

Nag-usap ang mga henyo roon.

Syempre, walang kaso kung paano niya ninuo ang half-step King intent. Ang mahalaga lang ay mayroon siya nito, at ang kaniyang half-step King intent ay mas malakas pa kaysa sa normal.

"Junior Martial Brother Zhao!"

"Half-step King intent...!"

Ilan pang mga anyo ang pumasok sa Heart Healing Palace.

Mararamdaman ang aura ng half-step King intent at ang Magnificent Power nito mula sa malayo.

Ang mga bagong dating ay mga disipulo ng Mystic True Sacred Clan. Si Brother Nan at Dong Wenjian ay kasama nila, at ang kanilang mga tingin ay napuno ng gulat at kawalan ng paniniwala.

"Brother Dong."

Bahagyang tumanog si Zhao Feng bilang sagot.

Si Dong Wenjian at Brother Nan ay may naiilang na ekspresyon.

Sa umpisa noong nakapasok sila sa Demigod Forgotten Garden, hindi sumama si Zhao Feng sa kanila sa Ten Thousand Treasures Tower, at si Brother Nan ay galit din. Gayunman, nakuha ni Zhao Feng ang Purple Smoke Lake nang mag-isa, at nakuha ang mga luha ng sirena at ang Illusion God Wine. Nakabuo pa siya ng half-step King intent.

Sa tabi ng ilog, ang half-step King intent ni Zhao Feng ay nagulat ang lahat, ngayon ay may bakas na siya ng paglagpas sa dalawa.

Ang dalawa ay nagtinginan at nagpasiyang harapin si Zhao Feng nang sabay.

"Dugo ng Demigod! Ang ulat ay hindi peke!"

Ang anyo ni Brother Nan ay lumitaw nang pasukin niya ang sampung yardang zone.

Isa pang top ten genius!

Ang lakas ni Brother Nan ay kapantay ni Chen Yillin na hindi pa uminom ng Illusion God Wine.

Ang dugo ng Demigod ay labis na kaakit-akit, kaya ang ilang mga disipulo ng Ten Thousand Treasures Palace at iba pa sa paligid ay lumapit para marinig ang tungkol dito.

Ang sitwasyon ay mas naging mahirap.

Si Mo Tianyu, Lei Zhen, Brother Nan, at Zhao Feng ay may battle-power na katumbas ng top ten geniuses.

Ta! Ta!

Ang apat ang bituin ng palabas nang mabagal nilang nilapitan ang dugo ng Demigod.

Gayunman, nang marating na nila ang limang yarda, si Lei Zhen at Brother Nan ay nakaramdam ng labis na puwersa.

Hindi ito naramdaman ni Zhao Feng ngunit nagpanggap siya.

Hindi ko kayang manguna.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay tumuon sa dugo ng Demigod, at ang God's Spiritual Eye ay nagbigay sa kaniya ng babala. Ang kapangyarihang taglay ng dugo ng Demigod ay sigruadong mas nakakasindak kaysa sa kaniyang iniisip.

Dagdag pa rito, kung ligtas niyang mararating ang dugo ng Demigod, ang ibang top ten genius ay siguradong may gagawin.

Sa mismong sandaling ito, ang aura of Death sa kaluluwa ni Zhao Feng ay mas lumakas.

Ceng!

Isang nag-iinit na youth ang dumating sa Heart Healing Palace at bumagsak sa isang gusali.

"Hmm? Dugo ng Demigod...!"

Si Wen Luoan ay nagulat. Isa itong tulo ng dugo ng Demigod, at blood essence.

"Kung ang Master ay nandito, siguradong hindi niya ito matatagalan..."

Ang puso ni Wen Luoan ay mas bumilis. Kung kaya niyang makuha ang dugo ng Demigod, ang kaniyang potensyal at hinaharap ay maaaring makalagpas pa sa Emperor of Death.

Matapos makita ang dugo ng Demigod, ang kahit anong tungkol sa paghabol ay kinalimutan niya.

"Ang dugo ng Demigod ay magigin akin. Ang aking bloodline power at lakas ay tataas nang labis kung nakuha ko itp, at sa oras na iyon, ang lihim na pagpatay kay Zhao Feng ay magiging madali."

Si Wen Luoan ay may plano.

Ang dugo ng Demigod ay binago ang kaniyang unang plano.

Pinlano niya pa ring patayin si Zhao Feng nang palihim at kunin ang kaniyang ulo, ngunit ngayon, naging unang prayoridad na niya ang dugo ng Demigod.

Si Wen Luoan ay nandito rin.

Si Zhao Feng ay alerto. Hindi pa rin niya ginamit ang buo niyang lakas para palitan ang dugo ng Demigod.

Ang sitwayson ay naging mas magulo.

Si Mo Tianyu, Lei Zhen. Brother Nan, at Zhao Feng ay sariling mga plano, at lahat ay alerto. Habang dumadami ang mga henyong nagtitipon sa Heart Healing Palace, ang apat ay pinanatili ang kanilang distansya sa limang yarda. Bawat hakbang sa puntong ito ay labis na mahirap, at sila ay alerto pa sa bawat isa.

Sa isang sandali, nagulat si Zhao Feng nang may naramdaman siya.

"Iyon ay...!!?"

Ang tingin ng nag-iinit na youth ay napunta sa isang direksyon sa langit.

Makalipas ang isa o dalawang hininga:

Whoosh!

Isang halimaw na may isang sungay ang lumipad sa hangin.

Lumilipad! Kaya nitong lumipad!

Bukod pa sa ilang malakas na lumilipad na ibon, ang karamihan sa may buhay sa Demigod Forgotten Garden ay hindi nakakalipad.

Sa sumunod na sandali, ang maharlika at nag-aalab na Magnificent Power ng isang King ay nanggaling sa isang halimaw at kumalay sa kalahati ng Heart Healing Palace.

"Magnificent Power of a King!"

"Isang king-ranked rare ancient beast!"

Ang lahat sa loob ng Heart Healing Palace ay lumabas sa takot, at maraming henyo ang hindi makagalaw.

Kapag tunay na bumaba ang Magnificent Power, ang kalahati ng mga henyo ay susuka ng dugo.

"Lalala, mas mabuting dumating sa tamang oras kaysa maging maaga."

Ang tunog ng isang babae ay lumitaw.

Isang batang babaeng may nagniningning na mata ang nakatayo sa King beast. Ang kaniyang buhok ay labis na mahaba at malinis.

"Meng Xi!"

"Kinokontrol niya talaga ang isang King-rankes beast?"

Ang mga henyo ay walang masabi, at ang ilan sa kanila ay nagsimulang manginig. Mahirap para sa kanilang magsalita sa ilalim ng Magnificent Power ng King.

Sa loob ng sampung yardang zone, si Zhao Feng, Brother Nan, at Lei Zhen ay nakaramdam na tila may isang bundok sa kanilang ibabaw. Si Brother Nan ay Lei Zhen ay hindi maayos sa pagharap sa parehong Magnificent Power ng King at dugo ng Demigod.

Sa sandaling ito, si Meng Xi ay dumating kasama ang kaniyang beast King.

Sou!

Walang magawa ng lahat kung hindi panoorin si Meng Xi na bumagsak sa tunig kasama ang proteksyon ng beast King, sa harapan mismo ng dugo ng Demigod.