Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 631 - Ang Pagpapalit

Chapter 631 - Ang Pagpapalit

Sa disciple ceremony, binawi ni Duanmu Qing ang kaniyang mga titig at nagsimulang makipag-usap sa iba pang mga Emperors na dumalo.

"Elders, mayroon akong sasabihin sa inyong lahat."

Agad na sabi ni Duanmu Qing. Nagpalitan ng mga tingin ang mga Enperors, at ang iba ay nagpakita ng nag-aalalang mga ekspresiyon.

"Emperor Duanmu, may kaugnayan ba ito sa Demigod Forgotten Garden?"

Ngumiti si Emperor Gu Luo.

"Tama ka."

Tumango si Duanmu Qing, "Ang listahan ng mga taong pupunta sa Demigod Forgotten Garden ay napagdesisyonan na at, madalas, ang mga puwesto ay hindi nagbabago."

Nang marinig nila ito, ang ibang mga Emperors ay naintindihan agad ang nais na sabihin ni Duanmu Qing.

Nais niyang makakuha ng puwesto ang kaniyang disciple para makapasok sa Demigod Forgotten Garden.

Kung tulad pa rin ito noon, kapag ang listahan ay hindi pa napagdedesisyonan, hindi mahihirapan si Duanmu Qing na makakuha ng puwesto dahil sa kaniyang estado at lakas. Ang problema ngayon ay napagdesisyonan na ang listahan.

"Ang Demigod Forgotten Garden ay nahahati sa pangkat ng mga nominado at ang open-competition. Mahirap ng palitan ang listahan ng mga tao mula sa open-competition, kaya ang maaari nating palitan ay ang pangkat ng mga nominado."

Taimtim na sabi ni Emperor Gu Luo.

Ang True Martial Sacred Clan ay mayroong kabuuang limampung puwesto para sa Demigod Forgotten Garden. Ito 'y sampung beses na mas marami kaysa sa Golden Mountain Sect, isang peak two-star force.

Gayon pa man, bilang isang three-star superpower, ang mga henyo ng Mystic True Sacred Clan ay kasing kinang ng mga bituin, at mayroon ding mga prodigies na may bloodline ng Ten Thousand Ancient Races.

Mayroong dose-dosenang mga Emperors at Kings ang dumalo, at bawat King at Emperor ay mayroong couple disciples. Sakatuwid, ang kompetisiyon para sa limampung puwesto ay napakatindi.

"Mayroong sampung nominadong puwesto. Paano kaya kung ganito…"

Nagkaroon ng ideya si Emperor Gu Luo, at ang mga Emperors ay nag-usap-usap gamit ang kanilang Divine Senses bago sila humantong sa isang desisyon.

"Mukhang iyan lamang ang tanging paraan."

Bumuntong hininga si Emperor Duanmu.

Ang mga nominadong mga henyo ay mayroong malakas na pinagmulan, kaya ang pagpapalit ng iba ay makakapagpasama ng loob ng iba.

Gayon pa man, ang Demigod Forgotten Garden ay tanging lumilitaw lamang sa loob ng limandaang taon, at ngayong nakakuha na si Emperor Duanmu Qing ng kaniyang disciple, na may kaugnayan din sa kaniyang Aunt. Paniguradong gagawin niya ang lahat para matulungan ang kaniyang bagong disciple.

Nang lumipas ang mga oras, ang disciple ceremony ay natapos din.

Nakakilala si Zhao Feng ng maraming mga Core disciples mula sa Mustic True Sacred Clan.

"Si Head disciple Nan Gongsheng ay hindi pumunta."

"Si Nan Gongsheng ay matagal ng nagcucultivate ng secret technique sa Sacred Land nakaraang kalahating taon na ang nakakalipas, at matagal na rin niyang naabot ang half-step Void Realm."

Ang iba sa mga Core disciples ay nag-usap-usap.

Si Nan Gongsheng ang nangungunang henyo mula sa Mystic True Sacred Clan. Siya rin ang isa sa mga top geniuses sa buong Sacred Land.

Nang pag-usapan nila si Nan Gongsheng, kahit si Jiang Fan, na may bloodline ng Ten Thousand Ancients Races, ay nagpakita pa rin sila ng respeto.

"Kung ang cultivation ko ay umabot na sa Great Origin Core Realm, makakaya ko ng makipaglaban sa isang half-step Void God Realm."

Tumikom ang mga kamao ni Jiang Fan.

Ang kaniyang talento at ang potensiyal ng bloodline niya ay ang pinakamahusay sa loob ng Mystic True Sacred Clan, ngunit siya ay nasa kaniyang thirties pa lamang sa mga sandaling iyan; hindi siya nakaabot sa iba pang mga henyo na kasing edad niya lamang.

"Brother Jiang, huwag kang magalit. Mayroon lamang dalawang henyo sa buong Sacred Land na mayroong bloodline ng Ten Thousand Ancient Races. Sa hinaharap, ang tunay mong makakalaban ay si Meng Xi mula sa Thousand Darkness Sacred Clan."

Tinapik ni Chen Yilin ang kaniyang balikat.

Sa katotohanan, sa kaniyang Ten Thousand Ancient Races Bloodline, ang lakas ni Jiang Fan ay nakalampas na sa ibang Great Origin Core Realm Sovereign Lords.

"Mayroon pang tatlong buwan na natitira bago ang Demigod Forgotten Garden. Makakasali ako sa Top Ten Sacred Land Geniuses kagaya ni Brother Chen."

Nagliwanag ang battle-intent sa mga mata ni Jiang Fan, at ang kaniyang bloodline ay tila nasusunog. Ang kagustuhan niyang makioaglaban ay sumiklab, ang lahat ay dahil sa natanggap niyang problema mula kay Zhao Feng.

Ang pagbabago kay Jiang Fan ay hindi nakaligtas sa paningin ni Emperor Gu Luo, pasikreto siyang tumango, si Jiang Fan ay sadyang mayabang dahil sa kaniyang Ten Thousand Ancient Races Bloodline, kaya hindi siya nahirapan sa kaniyang cultivation.

"Fan'er, tuturuan kita sa susunod na tatlong buwan."

Tumunog sa kaniyang isipan ang Divine Senses ni Emperor Gu Luo.

"Salamat, Master."

Itinago ni Jiang Fan ang kaniyang kasiyahan sa kaniyang puso. Ang kaniyang layunin ay maging isa sa Top Ten Sacred Land Geniuses. Kaunting lakas na lamang at maaari na siyang maging top genius sa Demigod Forgotten Garden.

Sinuri ni Emperor Gu Luo si Emperor Duanmu, at akala niya na ang disciple na ito ay mayroon ding bloodline ng Ten Thousand Ancient Races. Sigurado siyang hindi matatalo kina Emperor Duanmu at sa disciple nito.

Matapos ang kalahating araw, ang disciple ceremony ay natapos na. Simula ngayon, si Zhao Feng ay opisyal ng disciple at miyembro na ng three-star superpower.

Naintindihan ni Zhao Feng mga intensiyon ni Duanmu Qing.

"Zhao Feng, kung ang lahat ay umayon sa plano, makakatanggap ka ng puwesto para makapasok sa Demigod Forgotten Garden, ngunit sa parehong oras, kailangan mong maghanda sa mga hahamon."

Sabi ni Duanmu Qing bago siya umalis.

__

_Demigod Forgotten Garden?_

Nagulat si Zhao Feng. Siya ay napuno ng sorpresa at kasiyahan.

Nakipag-usap siya sa ibang Core disciples habang ginaganap ang disciple ceremony at nalaman niya na ang lahat ng papasok sa Demigod Forgotten Garden ay nakumpirma na. Hindi niya inakala na tutulungan siyang makakuha ng nominadong puwesto ni Duanmu Qing.

"Salamat, Master."

Ang puso ni Zhao Feng ay napuno ng pasasalamat. Paniguradong nagbayad ng malaking presyo si Duanmu Qing para lamang makuha ang puwesto dahil hindi lamang isa o dalawa ang mga Emperors na mayroong three-star superpower. Ang bilang pa lamang ng mga Kings ay umaabot na sa dose-dosena.

Samakatuwid, sa taas ng mga Emperors ay mga Mystic Light Realm Sacred Lords.

Matapos niyang bumalik kung saan siya tumutuloy, si Zhao Feng ay umupo at sinubukang kalmahin ang kaniyang sarili.

Matapos niyang makilala si Duanmu Qing, ang kaniyang estado, pagkakakilanlan, at ang kaniyang buong buhay ay nagbago.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay tumingin patungo sa hardin sa labas, at ang ilaw ng buwan ay napuno ang hardin ng kulay pilak na liwanag.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit ang kaniyang pag-iisip ay biglang napunta sa Azure Flower Continent.

Sa kaniyang isip, ang imahe ng tahimik, at eleganteng goddess ay lumitaw.

"True Martial Sacred Land… Demigod Forgotten Garden… kailangan kong panghawakan ang tiyansang ito."

Huminga ng malalim si Zhao Feng at nagsimulang magcultivate.

Ngayon ngang nakapunta na siya True Martial Sacred Land, nakumpleto na niya ang kalahati ng kaniyang paglalakbay.

Kinaumagahan ng ikalawang araw:

"Zhao Feng, lumabas ka rito! Tignan natin kung sino ang kumuha ng aking puwesto matapos pasukin ang Sacred Clan."

Isang buong boses ang narinig mula sa labas.

Karamihan sa mga eksperto at mga henyo mula sa Mystic True Sacres Land ay nakatayo sa labas.

Ang may-ari ng boses na ito ay galing sa bata na may galit na mga mata, at ngunit ang kaniyang ekspresiyon ay baliktad.

LBrother Zuo Hong, ang nominado mong puwesto ay kinuha ni Zhao Feng?"

Ang mga disciples na nasa labas ay masiyadong nag-aalala.

Pagdating sa pinagmulan, ang master ni Zuo Hong ay isang matandang Void God Realm King na may totoong kapangyarihan. Pagdating naman sa cultivation, siya ay nakaabot na sa huling yugto ng Small Origin Core Realm, at hindi pa siya umaabot sa tatlumpung taong gulang.

Nang marinig ang usapan sa labas, isang batang may asul na buhok ang lumabas.

"Zhao Feng, sa wakas ay lumabas ka rin."

Karamihan sa mga disciples ay mga galit.

"Lubos namang napakawalang-hiya para gamitin ang pagkakakilanlan mo bilang disciple ng Emperor para mang-agaw ng puwesto."

Maraming tao ang naawa sa biktima. Kung tutuusin, ang puwesto ay pagmamay-ari na ni Zuo Hong.

"Wala akong balak na suwayin ang mga inuutos ng upper echelon, ngunit gusto kong makita kung mayroong abilidad at kuwalipikasiyon si Brother Zhao para palitan ako."

Ngumisi ng malamig si Zuo Hong.

Sinabi ng master niya na gawin niya ito.

Kaunti lamang ang nasa parehong level ni Emperor Duanmu sa buong Clan, at ang kasikatan ni Duanmu Qing ay mas lalong pinataas lamang ng Emperor Projection sa araw na iyon.

Gayon pa man, kahit na hindi nila kayang sumuway sa labas, maaari pa rin silang gumamit ng ibang paraan.

Kung matalo ni Zuo Hong si Zhao Feng, mahihirapan ang disciple ni Emperor Duanmu Qing na kuhanin ang puwesto nito. Kung tutuusin, kahit na ang mga three-star superpowers, ang lakas ang kanilang puhunan: hindi magsasayang ng oras ang mga three-star superpowers sa mga taong walang kuwenta.

Ang kailangan niya lamang ay ang matalo si Zhao Feng.

Sa parehong oras na iyon, ang master ni Zuo Hong ay humingi rin ng tulong sa iba pang mga Emperors. Kapag ito'y mas lumala, ang mga ito ay makakarating sa Grand Elder.

Ang plano ay kumpleto. Isa lamang ang kailangan niyang gawin; ang hamunin si Zhao Feng. Ito ang unang hakbang.

"Sige, tinatanggap ko ang iyong hamon."

Hindi na nagdalawang-isip pa ai Zhao Feng.

Kahapon, siya ay binalaan na ni Duanmu Qing. Ang lahat ng mga naging Emperors ay napakawais.

Matapos ang ilang sandali, daan-daang tao ay nagsama-sama sa labas ng entablado ng ancient arena sa loob ng Mystic True Sacred Clan.

Maraming ring mga Core disciples ang dumalo.

"Sina Brother Chen at Brother Nan ay parehas na nandito…."

Karamihan sa mga Core disciples ay tumigin sa dalawang anyo.

Walang mababakas na ekspresiyon sa mga mukha nina Chen Yilin at Brother Nan nang tumingin sila sa dalawang anyo na nasa entablado. Ang kanilang mga cultivations ay nakaabot na sa late-stage ng Great Origin Core Realm.

"Sina Brother Chen at Brother Nan ay parehas na kabilang sa Top Ten Sacred Land Geniuses."

"Kung tutuusin, ang dalawang ito ay hinamon na dati ang hal-step Void Gid Realm."

Ang mga mata ng mga tao ay naouno ng respeto.

Sa puntong iyon, mula sa entablado, sina Zhao Feng at Zuo Hong ay parehas na nakalutang sa itaas ng bundok.

Ang entablado ng Mystic True Sacred Clan ay napakalaki; ito'y mayroong maliliit na mga dimensiyon sa loob na maaaring makagaya ng mga iba't ibang senaryo, kagaya ng mga bundok, mga usok, at mga ilog.

Ang mga tao ay nag-aabang sa laban na ito.

Mayroong dose-dosenang mga Void God Realm Divine Senses ang nasa himpapawid. At mayroon pa ngang Emperor Divine Senses.

"Hmph, ang lahat ay handa na. Hangga't si Zuo Hong ay manalo, kakausapin ko ang Grand Elder na ilagay ito sa tama."

Malamig na tumingin sa ibaba ang Void God Realm King Divine Sense.

"Brother Zuo Hong, ang pakikipag-laban lamang ay hindi naman nakakainyeresado."

Sabi ni Zhao Feng.

"Aning ibig mong sabihin?"

Bahagyang napatigil si Zuo Hong.

"Magkaroon tayo ng pustahan. Kapag nanalo ka, ibibigay ko sa iyo ng direkta ang puwesto."

Sabi ni Zhao Feng.

"Iyan ba talaga ang nais mo? Ibibigay mo ang puwesto sa akin?"

Natuwa si Zuo Hong. Hindi niya akalaing magiging madali lamang ito.

"Hangga't sa magtagal ka ng lampas sa sampung mga atake, ang panalo ay sa iyo na. Ngunit… anong gagawin mo kapag natalo ka?"

Mabagal na sabi ni Zhao Feng.

_Sampung mga atake?_

Napatigil si Zuo Hong, at ang buong lupon ng mga tao ay biglang nag-usap-usap.

"Hahaha, sampung mga atake? Bata, masiyado kang bastos. Tila hindi mo aalam ang lakas ng isang Core disciple na kabilang sa three-star superpower. Mayroon kaming lakas na humamon ng mga taong mayroong mas mataas na cultivation."

Nanga marinig ito, ang puso ni Zuo Hong ay napuno ng kasiyahan.

Kahit na siya ay nasa huling mga yugto pa lamang ng Small Origin Core Realm, siya ay nakatalo na ng mga Great Origin Core Realm Sovereign Lords sa labas ng mundo.