Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 632 - Top Ten Sacred Land Geniuses

Chapter 632 - Top Ten Sacred Land Geniuses

Sa itaas ng battle stage sa Sacred Land, ang lahat ng mga disciples at mga eksperto ng clan ay nanood nang may gulat na mga ekspresiyon.

"Sampung mga atake? Ang lakas ng loob ni Zhao Feng na magyabang pa?"

"Ang batang ito ay naging Core disciple ng Mystic True Sacred Clan, at ang cultivation ni Zuo Hong ay mas mataas pa sa kaniya."

Kaunti lamang sa mga daan-daang mga spectators ang nag-iisip ng mabuti kay Zhao Feng. Kung tutuusin, si Zuo Hong ay isang matandang Core disciple na tila mas nakakaangat kay Zhao Feng sa lahat ng aspeto.

Samakatuwid, ang batang si Zhao Feng ay mayabang na naghamon ng ten-mive na pustahan.

"Ano, natatakot ka?"

Ngumiti si Zhao Feng.

Ang dahilan kung bakit siya naghamon ng ten-move na pustahan ay dahil gusto niyang patunayan ang kaniyang lakas at potensiyal na palitan ang sinuman.

Kapag nanalo siya sa ganoong klaseng pustahan, walang sinuman ang manliliit o dudumi sa pangalan ng kaniyang master – si Duanmu Qing.

"Bakit ako matatakot? Kung matalo ako, hihingi ako ng kapatawaran sa iyo at aalis ako sa tuwing makikita kita.

Tumawa si Zuo Hong. Tila nakikita na niya ang pagkapanalo niya.

 Ang kaniyang puso ay napupuno ng kasiyahan nang tumingin siya kay Zhao Feng na parang isa itong sagabal.

"Hong'er, huwag mong maliitin si Zhao Feng. Ang mental energy at bloodline aura ng batang iyan ay parehong hindi pangkaraniwan. Paniguradong mayroon siyang itinatago para maging malakas ang loob niya."

Narinig ni Zuo Hong sa kaniyang isipan ang Divine Sense ng isang King. Ang may-ari ng boses na iyon ay pagmamay-ari ng Master ni Zuo Hong.

"Naintindihan ito ng kaniyang disciple."

Tumalon ang puso ni Zuo Hong, at ang kaniyang pangmamaliit ay agad din niyang binawi. Kung tutuusin, ang master niya ay isa pa ring Void God Realm King, kaya siya ay may malaking pang-unawa sa lakas ng kaniyang kalaban.

"Simulan na."

Ang half-step Void God Realm ay umaktong parang hurado.

"Kahit na sino man si Zhao Feng, kailangan ko pa ring magtagal sa loob ng sampung mga atake."

Ang anyo ni Zuo Hong ay kumislap nang gamitin niya ang teknik ng Sacred Land.

_Flying Cloud Albatross Leap!_

Sa sumunod na sandali, isang malaking siksik na anyo ng isang berde-at-pilak na albatross ang nabuo sa himpapawid.

Boom! Boom! Boom!

Ang katawan ni Zuo Hong ay tila humalo isang kulay ng berde-at pilak na albatross, at matatalim na mga balahibo ang tumangay sa direksiyon ni Zhao Feng.

"Napakalakas na skill."

Nagsimulang makaramdam ng nakakakiliting sakit sa kaniyang balat si Zhao Feng. Mahihirapan siyang mahuli si Zuo Hong kung hindi niya gagamitin ang kaniyang eye-bloodline.

"Purple Wind Lightning Ring!"

Bahagyang napasigaw si Zhao Feng nang paikutin niya ang kaniyang Purple Destruction Wind Lightning laban sa matatalim na mga anyo na nagkalat sa himpapawid.

Bam! Bam!

Si Zhao Feng ay napalibutan ng kuryente ng eye-catching na kulay lilang kidlat nang sumiklab ang pagkawasak.

Kumalat ang Rings of purple lightning nang mag tumama ito laban sa anyo ng albatross.

Ang aura of Destruction ay naglabas ng galit ng bumangga ang dalawang kapangyarihan sa isa't isa.

Crack!

Isang wasak ang lumitaw sa anyo ng kulay berde-at-pilak na albatross.

Ang tagumpay ng pagsasalpukan ay mabilis na napagdesisyunan.

"Purple Destruction Wind Lightning? Ito ang inheritance ng Wind Lightning Emperor…."

Ang Void Gos Realm Divine Senses na nasa himpapawid ay bahagyang nasorpresa.

Maraming mga eksperto ang nasa True Martial Sacred Land, at agad nilang nakilala ang nakaraan ng skills ni Zhao Feng.

"Wind Lightning Emperor? Siya ang pinakamataas na namuno dahil sa kaniyang bilis. Siya ang maalamat na tong nabuhay sa lahat ng mga Emperors."

"Ang Ten Thousand Lightning Sect sa Sacred Land ay mayroon din inheritance ng Wind Lightning Emperor, ngunit wala silang katangiang ganito…."

Ang ibang mga Kings ay nagsimulang mag-usap-usap.

"Wind Lightning Emperor?"

Isang buntong hininga ng Divine Sense ng isang Emperor ang kumalat paharap.

Maraming mga ancient Emperors sa Sacred Land ang nakakakilala ng peraonal sa Wind Lightning Emperor.

Noon, ang Wind Lightning Emperor ay nagcultivate ng isang beses sa Ten Thousand Lightning Sect. Sa mga sandaling iyon, ang mga teknik ng Purple Destruction ng Wind Lightning Emperor ay pumipigil sa mga teknik ng ibang puwersa sa Sacred Land.

"Isang bata na nanggaling sa labas ng mundo ay nagkaroon ng inheritance ng isang maalamat na Emperor?"

Tumiin ang mga ngipin ni Zuo Hong na nasa himpapawid.

_Flying Albatross Sweeping Shadow!_

Biglang pinaikot ni Zuo Hong ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline, at ang anyo ng albatross na nasa himpapawid ay nagsimulang maging siksik na kahit ang matitibay na mga hangin at kidlat ay kumislap sa palibot nito.

Shua!

Sa mga sumunod na sandali, isang imahe ng albatross ang kumalat sa himpapawid.

Ang mga spectators ay tila nakakita ng isang dakilang ibon na tumitili habang nagniningning ito ng old intent nang kumislap ito sa mga ulap.

_Hmm?_

Nakaramdam si Zhao Feng ng puwersa na humihila sa kaniya pababa, at ang pagdaloy ng kaniyang mga dugo ay nagsimulang bumagal.

Hindi niya inakala na ang teknik ng bloodline ni Zuo Hong ay kakaiba. Ang kaniyang peak battle-power ay maikukumpara na sa isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord.

"Wind Lightning Hundred Figures!"

Umugong si Zhao Feng nang maglabas siya ng mga alon ng makikintab na kidlat na kulay lila at saka nagliwanag ang hangin sa palibot niya.

Shua! Shua! Shua~~~~~

Sa sandaling iyon, isang bola ng kulay lilang Wind Lightning ang nahati sa dalawa. Ang dalawang bola ay nahati naman sa apat.

Dalawa… apat… walo… labing-anim.

Sa isang saglit, dose-dosenang mga purple lightning doppelgangers ang nabuo at kumalat sa loob ng isang milyang paikot.

Shu~~~~~

Ang flying albatross ay agad na winasak ang ibang mga doppelgangers, ngunit walang sinoman ang nakakaalam kung nasaan ang totoong katawan ni Zhao Feng.

Mahirap malaman kung nasaan ang totoong katawan ni Zhao Feng, at bawat doppelganger ay mayroong abilidad na umatake.

Shua! Shua! Shua!

Ang mga doppelgangers ay isa-isang sumugod patungo sa flying albatross na ai Zuo Hong.

Sumiklab ang galit ni Zuo Hong nang bumagsak sa buong katawan niya ang mga hangin at kidlat.

Karamihan sa mga nanonood na mga henyo ay natulala.

"Blade of Purple Destruction!"

Isang manipis, at maitim na lilang patalim ang nabuo sa isang kamay ng doppelganger, at iton'y nagningning ng aura of Destruction nang ito'y nagliwanag ng kidlat

Crack!

Isang blade of Wind Lightning na sobrang nakakaakit, na biglang kumalat sa loob ng dose-dosenang yardang haba at saka naglabas ng aura of Destruction at hinati ang anyo ng albatross sa dalawa.

Siiii!

Napasigaw si Zuo Hong na nasa porma ng albatross.

Shu~~

Isang napaso, at maitim na pulang marka ang makikita sa kaniyang katawan, at ang power of Destruction ay pumaaok sa kankyang katawan.

Kahit na gamitin niya kapangyarihan ng kaniyang bloodline, ang mga sugat ay hindi niya magagaling ng mabilis. Ang power of Destruction ay kabaliktaran ng kagalingan, kaya ang paggaling mula sa aura of Destuction ay mahirap.

"Hindi ito maganda! Ang mga atake, bilis, at skill ni Zhao Feng ay nakalampas na kay Hong'er…."

Sigaw ng Divine Sense ng isang King.

Ang Blade of Purple Destruction ni Zhao Feng ay nakalampas na sa bloodline skill ni Zuo Hong kaya nakapagdulot ito ng pinsala sa kaniya.

Gayon pa man, ang mga atake ni Zhao Feng ay hindi pa natatapos doon.

"Wings of Wind and Lightning!"

Kumalat sa loob ng dose-dosenang yardang haba sa likod ni Zhao Feng ang Wings of Wind and Lightning, nagmistula siyang ancient demon na napapalibutan ng hangin at kidlat.

Boom!

Isang nakakatakot na bugso ng hangin at kidlat ang lumitaw sa entablado at bumuo ng storm of Destruction.

"Break!"

Ang bilis, atake, at intent ni Zhao Feng ay umabot na sa panibagong yugto.

Sa bawat palad niya, siya ay tila gumawa ng dragons of Destruction na umugong sa bagyo.

"Napakalakas!"

Naramdaman ng mga spectators na nanood sa batang may asul na buhok na tila yumanig ang kanilang mga puso.

"Hindi~~~~~!"

Binigay na ni Zuo Hing ang lahat at saka pinaikot na sa pinakamataas na level ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline, ngunit ang kaniyang anyo ay nagsimulang maglaho sa harap ng walang katulad na dragon of Destruction, at saka lumipad paalis ng entablado.

Plop!

Ang katawan ni Zuo Hong ay naging itim nang lumapag siya sa lupa. Gusto niyang gumalaw, ngunit wala siyang maramdaman, at ang kaniyang lifeforce ay napinsala rin.

"Brother Zuo!"

Ang ilang mga Core disciples ay tumakbo at tinulungan si Zuo Hong.

"Salamat."

Umalis si Zhao Feng sa entablado habang ang karamihan ay napuno ng pag-iingat at takot na mga titig.

"Natapos nga ito sa loob lamang ng sampung mga atake…"

Ang half-step King na hurado ay tumingin ng kakaiba kay Zhao Feng.

Sa mga huling sandali, sa paggamit ng Wings of Wind and Lightning, ang battle power ni Zhao Feng ay sapat na para matakot ang mga nasa middle-stage na Great Origin Core Realm o mas mataas pa.

Ang mga ganitong klaseng battle-power ay sapat na para umangat sa karamihan ng mga henyo sa Sacred Land.

"Ang kaniyang lakas ay puwede na."

Walang emosiyong sabi ni Brother Nan mula sa lupon ng mga tao.

Para sa kagaya niya – na isa sa mga Top Ten Sacred Land Geniuses – ang ganitong level ng battle-power ay hindi na nakakagulat sa kaniya.

Alam ng lahat na karamihan sa mga Top Ten Sacred Land Geniuses ay makakayang maghamon ng isang normal na half-step Kings.

Sa kabilang banda, si Chen Yilin ay napuno ng pagkagulat.

Siya rin ay isa sa mga Top Ten Sacred Land Geniuses, ngunit nakita na niya si Zhao Feng noong nakaraang taon. Noon, si Zhao Feng ay nasa half-step Origin Core Realm pa lamang. Sa mga oras na iyon, paniguradong hindi pa niya magagawang makapalag sa isang atake lamang ni Jiang Fan.

"Sa kabutihang palad, si Jiang Fan ay wala rito. Ang lakas na ipinakita ni Zhao Feng ay kaparehas na ng kay Brother Jiang."

Mahinang sabi ni Chen Yilin.

Matapos ang disciple ceremony, si Jiang Fan ay sumunod sa kaniyang master, si Emperor Gu Luo, sila'y umalis para magcultivate.

Sa oras na ring iyon:

"Zhao Feng, ang iyong ipinakita ay hindi na masama. Sumama ka sa akin."

Narinig niya boses ni Duanmu Qing.

Malinaw na pinanood niya rin ang laban.

Hindi naiwasang bumuntong hininga ng ibang mga Kings. Si Emperor Duanmu ay kakakuha lamang ng disciple, at siya'y napakalakas na.

Matapos ang ilang sandali:

"Master, may kailangan ka bang sabihin sa akin?"

Si Zhao Feng ay nakarating din sa palasiyo ni Duanmu Qing.

"Zhao Feng, ang iyong lakas ay maaaring makabilang sa top five o six Core disciples ng Mystic True Sacred Clan, ngunit mayroon pa ring pagkakaiba sa pagitan ng Top Ten Geniuses ng Sacred Land. Hindi oa rin ito sapat para makakuha ng maraming benepisyo sa Demigod Forgotten Garden…."

Sabi ni Duanmu Qing.

Sumang-ayon si Zhao Feng. Nagamit na niya ngayon ang 60-70% ng intent ng kaniyang Purple Destruction Lightning.

Kung ang mga disciples ng Sacred Land na nasa Small Origin Core Realm ay may ganito ng lakas, ang mga nasa Great Origin Core Realm ay hindi na masusukat ang lakas.

"Mayroon akong tatlong bagay na ibibigay sa iyo bago ako umalis. Maaaring makatulong ito sa iyo."

Isang kahoy na kahon ang lumitaw sa kamay ni Duanmu Qing.

Kinuha ni Zhao Feng ang kahon at binuksan ito. Sa loob nito, ay mayroong dalawang libro at isang maliit na jade bottle.

Ang klase ng kristal na iyon ay kasing sukat ng hinlalaki na nasa loob ng jade bottle. Ito'y bilog at malinaw at kasing perpekto ng diyamante. Ang puwersa na nagniningning mula rito ay nagparamdam ng pagpigil kay Zhao Feng.

"Ang Crystal Core Pill, na nakatulong sa mga nasa peak Small Origin Core Realm na makalampas sa Great Origin Core Realm. Ang iyong cultivation ay hindi pa sapat para gamitin ito, ngunit nalaman ko na ang Core Center sa loob ng iyong katawan ay nagpapakita na ng senyales na nagiging kristal na ito, kaya kung gagamitin mo ito ay maaaring magdulot ito ng maganda epekto sa iyo."

Nakangiting sabi ni Duanmu Qing.

"Crystal Core Pill?"

Hindi naiwasang maging masaya ni Zhao Feng. Narinig niya na ang halaga ng pill na ito; ito'y hindi pangkaraniwan kahit na sa Void Ocean Spiritual Palaces.

Ang kaniyang mga mata ay tumama sa dalawang libro.

Mayroong kaunting mga salita sa unang libro: Dark Eye Secret Manual.

"Hmm?"

Hindi naiwasang magulat ni Zhao Feng. Ano ang koneksiyon niya dito at sa Dark Eye Incomplete Page?

"Hehe, ang Datk Eye Secret Manual ay isang bagay na nakuha ko kapalit ang Emperor of Death matagal na panahon na ang nakalipas, at ito'y naglalaman ng karamihan sa mga teknik niya…."