Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 620 - Ibang Talon

Chapter 620 - Ibang Talon

"Isang daang hinga!"

Tila bumaon ang paa ni Zhao Feng sa sahig, at naramdaman niya na tila bumaba ang presyur sa kanyang kaluluwa.

Hmm?

Naramdaman ni Zhao Feng na gumaan ang kanyang katawan, na tila mas naging tugma siya sa Ancient Dream Realm.

Tila hayop na nag-eebolusyon. Ang mga halimaw sa karagatan ay minsang kinakaya ang mabuhay sa lupain o ibang mga kapaligiran. Pareho lamang ito; ang katawan ni Zhao Feng ay nagtataglay ng mas maraming Ancient Dream Realm aura, ang kanyang katawan at kaluluwa ay mas naging malakas at nagsimulang kayanin ang bagong dimensyon na ito.

Tila ang desolate land na ito ay tinanggap ang kanyang katawan.

Bilang isang "taga labas," dumanas si Zhao Feng nang malaking pagpigil na presyur mula sa langit at mundo, ngunit malaki na ang binawas nito ngayon.

"Kaya ko nang tumayo sa lupaing ito."

Puno nang kasiyahan ang puso ni Zhao Feng. Ibig-sabihin nito ay maaari siyang magtagal sa Ancient Dream Realm at humigop ng aura nito sa higit na sampung beses.

Ang isang dang hinga ay malaking bagay.

Sinuri ni Zhao Feng ang Ancient Dream Realm at sinubukang maglakad.

Nasa desolate area siya ngayon, ngunit nakikita niya ang mga kalapit na puno at naririnig ang mga huni ng ibon.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakakita ng sapa sa malayo.

Ang mundong ito ay hawig sa pinagmulan ng mga bagay, at nagbigay ito ng luma at antigong pakiramdam.

Ta! Ta!

Huminga si Zhao Feng sa mga aura habang sinusubukan niyang humakbang. Noong naka hakbang siya, naramdaman ni Zhao Feng na tila tumaas ang presyur mula sa langit at mundo.

Isang hakbang… dalawang hakbang… tatlong hakbang...

Naramdaman ni Zhao Feng na mahirap humakbang.

Matapos ang ilang sandali:

Shua!

Umatras si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm at ang kanyang likod ay pinagpawisan.

"Kung hindi ako gagalaw, kaya kong manatili sa Ancient Dream Realm nang matagal, ngunit kung gagalaw ako, dodoble nang sampung beses ang presyur at hindi ako tatagal ng sampung hinga dito."

Huminga si Zhao Feng. Kahit ano pa ang mangyari, umabot siya nang isang daang hinga.

Mula ngayon, mas maraming Ancient Dream Realm aura na ang kanyang mahihigop at nagsimula siyang tignan ang wirdong dimensyon na ito.

Gaano kalaki ang Ancient Dream Realm? May mga nakatira ba dito?

Siyempre, ang mas iniisip talaga ni Zhao Feng ay kung may mga mahahalagang resources ba dito.

Ang aura pa lamang dito ay malaki na ang benepisyo. Mahirap isipin kung gaano kalaki ng halagangreaourcesmula dito.

Sa loob ng silid, tahimik na nag cultivate si Zhao Feng, at ang Core Center sa kanyang katawan ay mas lumaki.

Ang bilang at kalidad ng Wind and Lightning elemental resources na mabibili ni Zhao Feng sa Void Ocean Spiritual Palace ay nalagpasan ang ibang Void Ocean Spiritual Palace.

Gamit ang mga bagay na ito, walang bottleneck si Zhao Feng, at ang kanyang cultivation ay sobrang bilis.

Ang Core Center ni Zhao Feng ay umabot sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm.

Gumamit siya nang malaking bilang ng Ancient Dream Realm aura upang mapalapot niya ang Core Center sa kanyang katawan, na ngayon ay kumikislap na gaya ng kristal.

Ang Core Center na nagiging kristal ay hudyat na malapit na itong umabot sa Great Origin Core Realm.

Sampu hanggang dalawampung araw ang nakalipas sa isang kisapmata.

Ang sukat ng ng Core Center ni Zhao Feng ay maikukumpara na sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm.

Higit sa lahat, ang CoreCentwr ay naka higop ng maraming Ancient Dream Realm aura, na nagpadalisay sa Wind Lightning.

Kahit na ang sukat ng kanyang Core Center ay maikukumpara sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm,ang kalidad at intent nito ay kayang talunin ang lahat ng nasa Small Origin Core Realm ay maikukumaparaito sa Great Origin Core Realm Sovereigns Lord.

"Gitnang yugto ng Small Origin Core Realm at haloa puno na ang kaalaman sa Purple Destruction Wind Lightning."

Kasiyahan ng lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

Ang makaabot sa hundred breaths barrier ay malaki ang naitulong s pagpapabilis ng kanyang cultivation dahil kaya niya na ngayon na manatili sa dimensyon nang mas matagal at kumuha ng maraming aura.

Ngayon, ang kanyang stateof existence at katawan ay umabot na sa limitasyon ng Origin Core Realm, at ang kanyang kaluluwa ay mas malakas na Great Origin Core Realm.

Masasabi na sa sampu hanggang dalawampung araw, malaki ang nilakas ni Zhao Feng.

Hu~

Humingasi Zhao Feng bgo niya tinagong kanyang aura at naglakad palabas sa silid

"Captain."

Binati nila Li Yunya, Loulan Zhishui at mga mandagaragat si Zhao Feng. Habang tinitignan nila ito, ang bawat kilos at galaw ni Zhao Feng ay malaking presyur sa kanila. Yila kaharap nila ang ancient desolate beast. Ang kanilang katawan at state of existence ay mas magkaibang lebel.

"Ang aura ni Captain ay kapareho sa aura ni Jiang Fan mula sa Sacred Lands."

Nagsimulang manginig ang bloodline ni Loulan Zhishui. Naramdaman niya lamang ito noong kaharap niya si Jiang Fan, na mayroong bloodline mula sa Ten Thousand Ancient Races.

Sa katotohanan, maging si Zhao Feng ay hindi alam kung gaano na kalakas ang kanyang bloodline.

"Binabati lita Captain sa pag-abot sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm."

Ang bawat paghinga at pagsulyap ni Zhao Feng ay naglalaman ng presyur na nalagpasan ang Small Origin Core Realm.

Sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, gamit ang koneksyon sa Dark Heart Seed, ramdam ng Skeletal Division Leader na mas lumakas si Zhao Feng.

May kaunting kaalaman din ang Skeletal Division Leader sa kaluluwa, ngunit ang aura mula sa kaluluwa ni Zhao Feng ay tila isang bundok na maaari lamang tingalain.

"Master, sa nakaraang mga araw, kalahati sa isang daang cursed ghost corpses ang umabot sa half-step Origin Core Realm."

Saad ng Skeletal Division Leader.

Matapos tumaas ang potensyal ng mga cursed ghost corpses, tumaas din ang husay sa pagpapalakas sa kanila. Ang bagay na ginagawa sa kalahating taon ay natapos lamang nang dalawang buwan.

"Mabuti, lahat ay maayos na nangyayari."

Tumango si Zhao Feng at tinignan sila Li Yunya, Loulan Zhishui at iba pang mga mandaragat.

Nagdesisyon si Zhao Feng n ibigay ang Blue Lightning Skyship sa mga mandaragat upang makapanatli sila sa Void Ocean Spiritual Palace. Ang Void Ocean Spiritual Palace ay payapa at may walang hanggang karagatan ito. Maging ang mga Void God Realm ay Hindi naglakas loob na umatake rito.

Sa ikalawang araw, pinagtipon ang mga tila Golden Mountain Sect kasama si Zhao Feng.

"Sa ngayon, magpapadala kami ng tatlong daang tao sa True Martial Sacred Land."

Saad ni Old Li.

Ilang daang tao ang nagtipon sa bakanteng lugar sa Golden Mountain Sect, kabilang sila Old Li at dalawang half-step Void God Realms.

Bilang isang estranghero, nakakuha nang atensyon si Zhao Feng, ang kanyang cultivation na gitnang yugto ng Small Origin Core Realm ay nangangahulugan din na natalo niya ang mga henyo sa Sacred Lands.

"Tara na."

Sinabi muna ni Old Li ang mga detalye bago pangunahan ang grupo sa Void Ocean Spiritual Palace.

Hu~

Isang malaking hugis dragon na barko ang naghihintay sa labas. Ang barkong ito ay apat hanggang limang beses na mas malaki sa Blue Lightning Sea Sky Ship ni Zhao Feng.

"Ito ang Golden Mountain Sect's Golden Dragon Sacled Ship, kaya nitong patayin ang mga Great Origin Core Realm Sovereigns Lord sa isang atake."

Ang payat na lalaki at magandang babae ay tumayo kasama ni Zhao Feng. Malaki ang respeto nila kay Zhao Feng matapos nila itong makalaban.

Ngayon na umabot na si Zhao Feng sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm, napabuntong-hininga na lamang sila sa inggit.

Whoosh!

Ang Golden Dragon Scaled Ship ay lumipad sa walang hanggang karagatan, at ang aura na nananalaytay dito ay nakuha ang atensyon ng maraming eksperto at mandaragat.

"Mukhang kailangan nating maglayag ng dalawang araw bago makarating sa pasukan ng True Martial Sacred Land."

Ang mga henyo mula sa Golden Mountain Sect ay sabik ag umaasa.

Malapit na rin silang makarating sa Spiritual Sacred Land na kanilang pangarap.

Tanging si Old Li lamng ang napa buntong-hininga nang tignan ang mga disipulo. Mukhang hindi nila alam kung gaano kalupit ang Sacred Lands.

Kung makakagawa nang kamalian ang Golden Mountain Sect, mapapalitan agad sil ng ibang peak two-star sect.

Sa Golden Dragon Scaled Ship, bilang isang bisita, nanatili si Zhao Feng sa elwganteng silid. Naupo siya ngunit hindi na siya nagpatuloy sa pag cultivate. Sa halip, pinamilyar niya ang kanyang sarili sa bagong kalakasan.

Matapos ang kalahating araw, angGolden Dragon Scaled Ship ay dumaan sa dalawang island zones, at mas umiitim ang kulay ng karagatan. May paminsan-minsan ding bagyo.

Isang ipo-ipo ang nabuo sa dagat, at magulo ang Heaven Earth Yuan Qi.

"Papasok na tayo sa Spiritual Sea."

Ang boses ng half-step Void God Realm mula sa Golden Mountain Sect ay narinig.

Spiritual Sea?

Isang mapa ang lumitaw sa isipan ni Zhao Feng, na magturo sa lokasyon ng Spiritual Sea.

Ang True Martial Sacred Land ay nasa gitna ng Spiritual Sea, at ang Spirigual Sea ay nasa gitna ng True Martial Island Zone.

Ang Heaven Earth Yuan Qi sa palibot ng Spirigual Sea ay sobrang gulo at paminsan-minsan ay gumagawa pa ito nang katakot-takot na bagyo.

"Walang aalis sa Golden Dragon Scaled Ship. Maging ng mga normal Sovereigns ay hindi mabubuhay sa Spiritual Sea."

Banta ni Old Li.

Pinakiramdaman ni Zhao Feng ang paligid, ngunit wala siyang naramdaman na aura sa paligid ng Spiritual Sea.

Kung hindi lamang malakas ang barko, maging ang mga Sovereigns ay mamamatay dito.

Mabagal na lumipas ang oras.

Mas lumalalim ang kanilang pinupuntahan, mas malakas ang pagdaloy ng Heaven Earth Yuan Qi.

Sa huli, maging ng Great Origin Core Realm Sovereigns Lord ay hindi kayang makaligtas ng ilang oras dito.

Ang kalidad ng Golden Dragon Scaled Ship ay natalo ang Blue Light ing Sea Sky Ship s kalayuan, ang lakas ng array sa sahig ay nauubos na.

Ang Golden Dragon Scaled Ship ay gumagastos ng malaking halaga ng Primal Crystal Stone kada segundo, lahat ng ito ay lagpas sa middle grade.

"Ang True Martial Sacred Land ay may tatlumpu't anim na pasukan. papasok tayo sa ika tatlumpu't isa, at makakarating tayo sa ating destinasyon matapos ang ilang oras."

Ngumiti si Old Li at sinabi ito.

Makalipas ang ilang oras.

Karamihan sa mga eksperto at mga henyo na nasa Golden Dragon Scaled Ship ay hindi pa nakaka punta sa Sacred Land kaya sabik na sabik sila.

"True Martial Sacred Land."

Huminga nang malalim si Zhao Feng, ang Purple Saint Token ay lumitaw sa kanyang kamay.

Sa sandaling ito, sa kaluluwa ni Zhao Feng, ang aura ng Eye of Death ay tila may naramdaman, at isang pamilyar na mapanganib na pakiramdam ang kumalat sa kanyang kaluluwa.