Sa madilim na mundo ng Spiritual Sea, kung saan magulong dumadaloy ang Heaven Earth Yuan Qi:
"Muling lumitaw ang target ng Pursuit of Death."
Isang tao na may itim na balabal na may hawak na Token of Death ang tumingin sa isang direksyon sa Spiritual Sea.
Ang kanyang katawan ay tila isang ilaw habang hindi siya napipinsala sa kanyang paglakbay sa mapanganib na bagyo.
Weng~~
Ang Toke of Death sa kamay ng Death Guard ay gumalaw kasabay nang pagtanggap nito ng impormasyon.
"Sa kasamaang-palad, masyadong magulo ang Yuan Qi rito, kaya hindi makakaalis masyado ang balita."
Saad ng Death Guard.
Matapos ang ilang sandali, ang Token of Death ay nakatanggap ng impormasyon.
"Mahusay."
Isang malamig na ngiti ang lumitaw sa mukha ng Death Guard.
Whoosh!
Isang sinag ng itim na ilaw ang sumanib sa magulong Spiritual Sea.
Kasabay nito, ang Golden Dragon Scaled Ship ay patungo sa Spiritual Sea.
"Narito muli?"
Bumukas ang mata ni Zhao Feng, ay ang arko ng Destructive Purple Lightning ang lumitaw sa kanyang katawan.
Bumango siya at lumabas sa silid.
Mayroon pang ilang oras bago sila tuluyang makarating sa True Martial Sacred Land. Hindi niya inasahan na mararamdaman niya bigla rito ang aura mula sa Pursuit of Death.
Nagsalubong ang kilay ni Zhao Feng, naging taimtim ang kanyang ekspresyon.
Ang pananatili rito ay magdudulot sa kanya ng kamatayan, ngunit kahit na umalis siya sa Golden Dragon Scaled Ship, hindi pa rin siya makakatakas sa Pursuit of Death.
"Hindi ko maaaring palagpasin ang pagkakataon na makapasok sa True Martial Sacred Land."
Nagulo ang isipan ni Zhao Feng ngunit agad din siyang nakapag desisyon.
Maliban sa ayaw niyang mawala ang pagkakataon na ito, naniniwala siya na bilang ito ay isang peak two-star sect, hindi mahina ang Golden Mountain Sect.
Habang lumilipas ang oras, palapit nang palapig ang sensasyon ng panaganib. Matapos ang isang oras:
Whoosh!
Dalawa o tatlong tao ang lumipad sa hangin, at ang kanilang aura of Death ay naramdaman ng mga eksperto mula sa Golden Dragon Scaled Ship.
"Sino 'yan!?"
Sumigaw sila Old Li at ang ilang half-step Void God Realms.
Tumayo sa labas si Zhao Feng at malamig na tinignan ang mga pigura ng kamatayan.
"Tatlong Death Guards ang pumunta ngayon."
Matalim ang mata ni Zhao Feng. Ang tatlong auras ay halatang mas malakas sa natalo niya noon.
"Guard Twenty-Five at Guard Nineteen, ang targeg ay nasa two-star-sect ship."
Tumigil ang tatlong Death Guards noong makarating sila sa Golden Dragon Scaled Ship.
Ang nagsasalita ay ang Guard Twenty-Eight.
Kumpara sa Guard Thirty-Three, ang tatlong Death Guards na ito ay walang dudang mas malakas. Ang aura ng Guard Nineteen ay sapat na upang maging balisa ang mga half-step Void God Realm.
Gayunpaman, ang pagharap sa dalawa o tatlong daang mga eksperto sa Golden Dragon Scaled Ship, ang tatlong Death Guards ay nag-iingat at hindi agad na umatake.
"Hmph, ang tatlong Death Guards ay hindi sapat upang labanan ang Golden Dragon Scaled Ship."
Bumuntong-hininga si Zhao Feng.
Hindi na siya nag-aalala ngayon dahil sa proteksyon ng Golden Dragon Scaled Ship.
"Problema nga ito, ngunit walang makakapigil sa will of Death."
Saad ng Guard Nineteen.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang tatlong Death Guards ay nag-usap bago atakihin ang Golden Dragon Scaled Ship.
"Sino kayo!?"
Mayroong tatlong half-step Void God Realms sa Golden Dragon Scaled Ship at si Old Li ang pinuno.
Isang malakas na pagsabog ang lumitaw sa soul dimension kasabay ng tatlong half-step Void God Realm intents na dumaloy sa karagatan, na naging dahilan upang manigas maging ang Heaven Earth Yuan Qi.
Sa pagharap sa makapanginig kaluluwang auras, hindi makagalaw ang mga kaluluwa ng mga Sovereigns, ngunit hindi takot ang mga Death Guards.
"Walang kwenta."
Ngumisi ang Guard Nineteen kasabay nang pagtulak ng intent of Death palayo sa half-step Void God Realm intents.
Boom~~~~
Ang kanilang kaluluwa ay tila naalog, at ang ilang mga elites sa Golden Dragon Scaled Ship na mas mababa sa Origin Core Realm ay agad sumuka ng dugo at nahimatay.
"Death intent… maaari kayang ito ang maalamat na Death Guards?"
Ang mga puso ng tatlong half-step Void God Realms mula sa Golden Dragon Scaled Ship ay nagulat.
Sa sandaling ito, lahat ng nasa Golden Dragon Scaled Ship ay umakto na tila may kaharap silang malaking kalaban at binuksan nila ang defensive array.
Ang tatlong half-step Void God Realms, at halos sampung peak stage Sovereign Lords ay lumutang sa taas ng Golden Dragon Scaled Ship.
"Guard Twenty-Eight, ako at si Guard Twenty-Five ay antalahin ang matatandang ito. Mag cuptivate ka sa Ten Thousand Chaos Technique, na mas nababagay sa magugulong sitwasyon, upang mahuli mo ang batang 'yon. Kung pahirapan ka ng batang iyon, gawin mo na lamang ang huling bagay at pugutan siya ng ulo. Matatapos pa rin natin ang misyon."
Saad ng Guard Nineteen gamit ang Spiritual Sense.
"Sige."
Sa sandaling sumagot ang Guard Twenty-Eight, ang kanyang katawan ay nahati sa sampu, na naging isang daan.
Shua! Shua! Shua!
Daan-daan na naging libo-libo ang naging pigura ng Kamatayan na lumitaw. Mahirap alamin kung alin ang totoo sa hindi, at ng bawat aura nila ay pumalibot sa Golden Dragon Scaled Ship.
"Huwag ka nang mag tangka."
Ang tatlong half-step Void God Realm mula sa Golden Mountain Sect ay sinubukan silang pigilan, ngunit mahirap para sa kanila ang tukuyin kung ano at sino ang totoo sa hindi. Kasabay nito, ang tatlong half-step Void God Realm ay kaharap din ang atake ng Guard Nineteen.
"Death Soul Hand!"
Isang air of Death ang dumaloy mula sa Guard Nineteen, at ng kanyang katawan ay tila binabalot ng misteryosong aura kaya walang makakakita sa kanya.
Boom! Boom! Boom!
Tatlong maitim na kamay ang lumabas mula sa kadiliman at sa sandaling lumitaw ang Death Soul Hand, nagyanig ng kaluluwa ng tatlong half-step Void God Realm.
"Hindi ito maganda, mag-ingat kayo~~~!"
Umungol si Old Li, ngunit ang Death Soul Hand ay kakaiba, soul restricting skill na agad na nagsara sa mga kaluluwa ng tatlong half-step Void God Realm.
Wu~~
Ang kaluluwa ng tatlong half-step Void God Realm ay nanigas, at hindi sila makahinga.
Sa sumunod na sandali, nahawakan ng tatlong Death Soul Hand ang katawan ng half-step Void God Realm. Nagsimula silang magpumiglas.
"Elder Li!"
Sumigaw ang iba sa Golden Dragon Scaled Ship.
Ang pinakamalakas sa tatlo - ang Guard Nineteen - gumamit lamang ng isngvatake upang mapigilan ang tatlong half-step Void God Realm.
"Death Soul Hand? Mayroong skill na kayang kuhanin agad ang kaluluwa ng kalaban?"
Huminga nang malamig si Zhao Feng.
Ang kanyang God's Spiritual Eye ay mas nakikita nang malinaw ang mga bagay na hindi nakikita ng iba, kaya nakita niya na hawak ng Death Soul Hand ang kaluluwa ng tatlong half-step Void God Realm.
Kung isang half-step Void God Realm lamang, agad na makukuha ng Gaurd Nineteen ang kaluluwa nito. Gayunpaman, tatlo ang kaharap ng Guard Nineteen.
Gayunpaman, ang kanyang lakas ay heaven-defying.
Siyempre, bilang half-step Void God Realm, ang kanilang kaluluwa ay dumaan sa pagbabago ang kanilang half-step Void God Realm intents ay patuloy na nagpupumiglas.
"Arghh!"
Inatake at pinapatay ng Guard Twenty-Five ang Great Origin Core Realm Sovereign Lord.
"Pigilan niyo siya!"
Halos sampung peak stage Great Origin Core Realm Sovereign Lords ang kumalaban sa Guard Twenty-Five.
Bam! Bam! Bam!
Nakakagulat ang batlle power ng Guard Twenty-Five habang nilalabanan niya ang mga Sovereign Lords.
"Paano ito nangyari?"
Nanlamig ang mga buto ng mga eksperto sa Golden Mountain Sect.
Ang lakas ng tatlong Death Guards ay heaven-defying.
Ang Guard Nineteen ay natalo mag-isa ang tatlong half-step Void God Realm.
Ang Guard Twenty-Five naman ay kalaban ang maraming Sovereigns Lords.
At ang Guard Twenty-Eight?
"Arghh! Arghh!"
Libo-libong pigura ng Kamatayan ang tumalon sa Golden Dragon Scaled Ship at ang sigawan ay maririnig kahit saan.
Ang defensive array ng Golden Dragon Scaled Ship ay tila walang epekto sa Guard Twenty-Eight.
"Ta*g in*!"
Bumagsak ang puso ng tatlong half-step Void God Realm noing maramdaman nila ang nagyayari.
Ang pagharap sa Guard Twenty-Eight ng mga natitirang eksperto sa Golden Dragon Scaled Ship ay patayan.
Ang tatalong Spiritual Sacred Land at sampung peak stage Great Origin Core Realm - ay napigilan ng Guard Nineteen at Twenty-Five.
Sa sandaling ang Guard Twenty-Five ay pinatay ang lahat at sumali sa labanan, sapat na ito upang baliktarin ang sitwasyon.
Madali lamang sa Guard Twenty-Eight na patayin ang pumipigil ngunit sa hindi inaasahan, may isa lamang itong target.
"Bata, kapag hindi ka nagpahuli sa akin, puputulin ko ang ulo mo."
Tinignan ng Guard Twenty-Five si Zhao Feng at ngumisi. Hindi siya kasing tanga ng Guard Thirty-Tree na huhuliin si Zhao Feng nang buhay kaya napatay tuloy ni Zhao Feng.
Kapag lumaban si Zhao Feng, papatayin na lamang siya ng Guard Twenty-Eight at dadalhin ang ulo kaysa hulihin siya nang buhay. Matapos ang lahat, ang Guard Nineteen at Guard Twenty-Five ay humaharap sa matinding presyur.
"Bilis! Wala na tayong oras."
Saad ng Guard Nineteen.
"Ang two-star sects na papunta sa Sacred Land ay lubhang malakas, kaya mahihirapan tayo sa sandaling dumating ang Void God Realm King…"
Saad ng Guard Twenty-Five.
Maraming mga tao sa Golden Dragon Scaled Ship ang nagpadala na ng distress signal na himpilan ng Golden Mountain Sect sa True Martial Sacred Land.
Ang tatlong Death Guards ay hindi gustong patayin ang lahat at wala silang pakialam kung sino ang manalo o matalo. Isa lamang ang mithiin nila, iyo ay mapatay o mahuli si Zhao Feng.
"Mamatay ka na!"
Dose-dosenang pigura na magkakatulad ang aura ang tumungo kay Zhao Feng.
"Ang bawat pigura ay may iba'ibang klase ng atake at aksyon."
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay dumaloy s pi aka hangganan nito.
Ngayon lamang siya nakakita nang ganito kalakas na doppleganger technique.
Ang mga pigura ng Guard Twenty-Five ay hawig sa Yin Shadow Dopplegangers mula sa Yin Shadow Cloak, ngunit matapos pumasok sa karagatan, masyadong bumaba ang lakas at epekto ng Yin Shadow Cloak.
Tumalon s takot si Zhao Feng matapos itong titigan. Ang Yin Shadow Cloak ay hawig sa mga cloaks ng Death Guards. Tila ang ginamit niya noon ay replica lamang sa suot ng mga Death Guards.
Bam!
Sa sandaling babalutin na sana ng doppelgangers ang katawan ni Zhao Feng:
"Purple Lightning Wind Ring!"
Ang Purple Destruction Wind Lightning ay nagpadaloy ng katakot-takot na aura ng Destruction na sumira sa lahat nang madadaanan nito.
Bam! Bam! Bam!
Ang mga pigura ay agad na nasira ng Purple Destruction Wind Lightning.
"Ang power of Destruction… ang lakas na kaparehas ng lebel ng power of Death."
Bahagyang nahilo ang Guard Twenty-Five, kasabay ng kanyang katawan na nagsimulang umusok matapos tamaan ng Purple Lightning Wind Ring.