Sa loob ng protective array ng martial arts field, ang mananalo sa tatlong Sovereigns ay agad nang napagdesisyunan.
Pinigil ni Li Yunya ang gulat sa kanyang puso nang ngumiti siya nang mapakla.
Bago ito, nababahala lamang siya kay Zhao Feng dahil sa eye-bloodline nito, pero napatunayang, kahit wala ang eye-bloodline nito, si Zhao Feng ay isang taong hindi dapat kalabanin ng isang nasa Small Origin Core Realm.
Ang kombinasyon ng dalawang nasa huling yugtong Origin Core Realms ay wala lang sa harap ni Zhao Feng, at pati nga ang Skeletal Division Leader ay nawala pa ng braso kahit nasa flaming bone giant state ito.
"Talagang mas malakas na talaga si Zhao Feng kaysa sa akin. Kahit wala ang Dark Heart Seed, wala na talaga akong tsansa laban sa kanya."
Ang mga mata ng Skeletal Division Leader ay puno ng takot. Habang lumalaki ang agwat nilang dalawa, natatakot siyang lalong lumiit ang halaga niya kay Zhao Feng at baka bigla na lamang siyang itapon nito.
Bumalik na rin ang pangkat mamaya-maya sa kanilang mga silid. Ganoon rin ang Skeletal Division Leader na bumalik muli sa Ten Thousand Ghost Pearl para magpagaling.
"Li Yunya, paano namang may kinalaman ang paglalaban nating ito sa Eternally Sealed Palace Lord?"
Pagtatanong ni Zhao Feng.
"Kapitan, ganito iyon: ayon sa aking nalalaman, may kinahihiligan ang Eternally Sealed Palace Lord, at iyon ay ang panoorin mga naglalabang tao. Nananatili siya doon nang matagal at sumusugal."
Pagpapaliwanag ni Li Yunya.
Nang marinig ito, nagulat si Zhao Feng. Ang isang Void Ocean Spiritual Palace Lord ay may ganoong klase ng kinahihiligan?
"Kapitan, baka hindi mo alam," ngumiti si Li Yunya at umiling, "pero ang Eternally Sealed Palace Lord ay may mga napakatalas na mata, at agad niyang nakikita ang mga henyo. Marami siyang nahanap na magagaling na tao na sa ngayon ay naging kaliwa at kanang mga kamay na niya. Dati, nakahanap pa nga siya ng isang ekspertong Void God Realm King na ngayon. Iilan sa kanyang mga istorya ay alamat na ngayon."
"Kaya gusto mo akong pumasok sa arena at kunin ko ang atensyon ng Eternally Sealed Palace Lord para mapalapit sa kanya."
Naunawaan na ni Zhao Feng, at itinango ni Li Yunya ang kanyang ulo, "Tama iyon."
Kampante naman siya kay Zhao Feng nang labanan niya ito.
Naniniwala si Li Yunya na ang isang matingkad na henyo gaya ni Zhao Feng ay agad na makukuha ang atensyon ng Eternally Sealed Palace Lord.
Kung magiging malapit siya sa Eternally Sealed Palace Lord, maaaring may pag-asa silang magamit ang Spiritual Zone Teleportation Array.
"Tara."
Nang walang pag-aalinlangan, nagtungo na sila Li Yunya sa arena.
Kalat-kalat ang mga Void Ocean Spiritual Palace sa walang hanggang karagatan, at ang bawat isa sa kanila ay may sari-sariling arena.
Nang pumaso si Zhao Feng, maraming mga sigaw at hiyaw ang maririnig mula sa mga manonood at maraming mga eksperto ang naglalaban-laban sa arena.
Ang pinakamahihinang mga kalahok ay nasa Peak True Lord Rank at Half-Step Origin Core Realm.
Ang mga pangunahing laban at nassa Small Origin Core Realm. Pagkatapos ng lahat, ang Great Origin Core Realm Sovereign Lord ay bibihira lamang sa mga two-star sects at kadalasang bahagi sila ng mga nakatataas.
"Ye Moyu! Ye Moyu! Ye Moyu…!"
Mga maliligalig na sigaw ang maririnig mula sa mga stands.
Sa pinakagitnang parte ng arena ay may nakatayong lalaki na ansa likod ang kanyang mga kamay.
Ang eleganteng lalaki na ito ay nababalutan ng isang maitim at misteryosong liwanag na tila hinihigop ang ilaw at hindi matukoy.
"Napakabaliw naman nito! Nanalo na nang 56 na laban si Ye Moyu sa Eternally Sealed Arena."
"Sa nakaraang isang daang taon, bibihira lamang ang Small Origin Core Realms na nanalo ng 50 na beses."
"Ano ba ang kasaysayan ng Ye Moyu na ito? Natalo niya na ang tala sa nakaraang sampung taon."
Nagkaroon ng diskusyon sa buong arena.
"Ye Moyu, sigurado ka bang gusto mong magpatuloy? Bawat kalaban ay mas malakas pa kaysa sa nakaraan."
Isang hurado sa Great Origin Core Realm ang nagsabi.
"Magpatuloy lang."
Ngumisi si Ye Moyu at bumulong sa isang mababang tono, "Ang layunin ko ay makumplrto ang isang daang panalo sa Small Origin Core Realm."
"Ako ang kalaban mo."
Isang dominante at masiyahing boses ang maririnig mula sa isang maskuladong lalaki sa arena.
Hua!
Nagkagulo ang karamihan at napabulalas, "Fire Gold Power King!"
"Napatigil na ng Fire Gold Power King ang mga yapak ng ilang mga henyo dito dati."
"Sa kasalukuyan, ang Fire Gold Power King na ito ay sinusuportahan ng Eternally Sealed Palace Lord at sinanay na magtrabaho sa mga arena."
Maraming mga tao ang nakakakilala sa kanya. Halata namang sikat talaga ang Fire Power King na ito.
"Huling yugto na Small Origin Cor Realm? Ganyan na agad kalakas pagkatapos ng 56 na panalo."
Napabulong si Li Yunya at napabuntong-hininga.
"Isang daang panalo?"
Nagpakita si Zhao Feng ng isang nagtatanong na mukha.
"Kapitan, ang arena na ito ay binuo ng Void Ocean Spiritual Palace Officials, at nagbibigay sila ng mga espesyal na pabuya depende sa naabot ng isang tao. Halimbawa, kapag nanalo ka ng 25 na laban o kaya 50, may mga pabuya ito. Kung kaya ng isang tao na manalo ng 100 na beses, makakatanggap sila ng isang malaking premyo at napakataas na karangalan..."
Napabulalas si Li Yunya.
Naunawaan na rin ni Zhao Feng ang "isang daang panalo" na sinasabi ni Ye Moyu. Dahil pa ito sa malaking papremyo, kung kaya sinusubukan rin siyang pigilan ng mga opisyales.
"Walang kahit sino sa Eternally Sealed Islands Zone ang nakakumpleto ng isang daang panalo sa nakaraang isang daang taon."
Dagdag ni Li Yunya.
Isang daang taon?
Lumiit ang mga mata ni Zhao Feng.
Ilang mga elites ang nasa buong island zone sa loob ng isang daang taon? Mula rito, mukhang makikira talaga kung gaano kahirap ang manalo ng isang daang beses nang sunod-sunod.
Habang nag-uusap ang dalawa, ang laban sa arena ay nagsimula na. Ang Fire Gold Power King ay isang Sovereign na nagcucultivate ng bode-strengthening techniques. Ang kanyang pisikal na kapangyarihan at depensa ay bahagyang mas malakas kaysa sa Skeletal Division Leader.
"Blazing Gold Scorching Sky!"
Humiyaw ang Fire Gold Power King, at mukhang naging isa siyang ginintuang estatwa habang ang kanyang mga kamao ay pinayanig ang arena.
Boom!
Mga nakakatkot na ginintuang suntok ang siyang tumira sa ere at nagbuga ng mga apoy na tila sumasabog na bulkan.
"Mga munting pakulo."
Naging madilim ang kapaligiran ni Ye Moyu, at ang kadilimang ito ay hindi lamang nililimitahan ang paningin ng kalaban, kundi pti ang kanilang kamalayan.
Shua!
Isang malamultong anyo ang dumaan sa kadiliman at agad na naiwasan ang mga atake.
"Napakalalim na movement skill. Ang anyo ni Ye Moyu ay kayang umanib sa kadiliman at magpakita sa kung saan na para bang isang anyo ng teleportasyon."
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.
Tanging si Zhao Feng lamang at ang mga nasa Great Origin Core Realm ang nakakakita kung paano gumalaw si Ye Moyu.
"T*** i**!"
Nagbuga ng isang gintong liwanag ang Fire Gold Power King at winalis ang lahat ng nasa loob ng 20 na yarda. Ang atakeng ito ay agad na pinaglaho ang lahat ng malapit roon.
Boom!
Nawala ang malamultong anyo. Isang labing-imahe lang pala ito.
"Traceless Dark Night!"
Isang misteryosong aura ang dumaan kung saan nakatayo ang Fire Gold Power King.
Ding!
May mga kislap na lumabas mula sa katawan ng Fire Gold Power King, at napasigaw siya.
"Arghhh!"
Walang mga senyales ng pag-atake, pero may isang madugong marka na naiwan sa katawan ng Fire Gold Power King.
Mula sa mga esteemed spectating stands:
"En, ang Ye Moyu na ito ay may matandang bloodline - ang Night Shadow Bloodline - na mababalikan nating bilang kabila sa panahon ng Ten Thousand Ancient Races."
Isang katanghaliang tanda na lalaking nakasuot ng lila at ginto ang nagpakita sa arena. Halos walang kahit sino ang nakakita sa kanya.
Hmm?
May napansin si Zhao Feng at hindi niya mapigilang mapatingin sa lalaking ito.
"Eternally Sealed Palace Lord."
"Palace Lord.""
Nagkaroon ng magagalang na pagbati mula sa esteemed guest stands.
Kahit ang mga Great Origin Core Realm Sovereign Lords ay binati ang Eternally Sealed Palace Lord nang may paggalang.
"Siya ang Eternally Sealed Palace Lord?"
Muling binawi ni Zhao Feng ang kanyang tingin. Hindi niya talaga sinuri ang Eternally Sealed Palace Lord para hindi nito siya mapansin. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang cultivation ay nasa Half-Step Void God Realm na.
"Traceless Dark Night!"
May mga palihim at hindi naririnig na atake ang siyang dumaraan sa katawan ng Fire Gold Power King.
Boom!
Kahit na ang depensa ng Fire Gold Power King ay napakalakas, ang mga sugat sa kanyang katawan ay dumadami lamang.
"Nagpakita ang Palace Lord?"
Umanib ang anyo ni Ye Moyu sa kadiliman, pero nakita niya pa rin sa sulok ng kanyang mata ang Eternally Sealed Palace Lord at bahagyang naligalig.
"Dark Night Unparalleled!"
May mga matatalas na sinag ng liwanag ang tumawid sa kadiliman at nagbuga ng isang nakapanlululang kapangyarihan.
Bam!
Isang krus ang naiwan sa puso ng Fire Gold Power King.
"Argh!"
Napasigaw ang Fire Gold Power King at nanginig bago matumba sa kanyang sariling lusak ng dugo.
Si!
May mga malalamig na hininga ang nanggaling sa mga manonood.
"Isang napakakakaibang sikretong bloodline technique iyon na kayang doblehin o triplehin pa ang lakas ng atake nito."
Napatalon ang puso ni Zhao Feng. Ang cultivation ng Ye Moyu na ito ay hindi pa nga nakakaabot sa huling yugto ng Small Origin Core Realm, pero ang lalim ng kanyang techniques ang siyang ikinatatakot ng iba sa kanya.
"Ang tagumpay ay kay Ye Moyu. 57 na panalo."
Pag-anunsyo ng hurado.
Iilan sa mga tao ay masaya sa resulta samantalang ang iba naman ay hindi. Syemrpe, may sugalang nangyari sa bawat laban.
"Tinataya ko na makalalagpas si Ye Moyu ng 60 na laban."
"Hmph, 70 sa akin."
Inilagay na ng mga manonood ang kanilang mga taya.
Ang mga kalaban ay lalong lumalakas, at habang dumadami ang panalo ng isang tao, lalong tumataas ang perang nakukuha nila.
Syempre, walang nangahas na sumugal na mananalo siya ng 100 na beses. Ang kasalukuyang balik ng pera ay nasa pagitan ng isa hanggang isang libo.
Pagkatapos ng isang oras na matalo ang Fire Gold Power King, hinamon naman ni Ye Moyu ang tatlo o apat na eksperto.
"Ipagpapatuloy ko ang mga hamon bukas."
Bahagyang napagod si Ye Moyu at huminto nang makipaglaban.
Lumaban na siya ng sampung beses ngayong araw, at lahat ng kanyang mga kalaban ay may lakas na nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm.
"Ayon sa mga patakaran ng isang daang panalo, ang challenger ay dapat na manalo ng sampung laban bawat araw, pwera na lamang kung hindi na sapat ang tao."
Pagpapaliwang ni Li Yunya.
Shua!
Sa pagkakataong iyon, ang isang miyembro ng mga arena officials ay nagpakita sa harap ni Li Yunya at Zhao Feng.
Ang kararating lamanga ay isang elder na nakapulang roba at isang Sovereign Lord.
"Aking kaibigan, kung gusto mo, sumali ka sa pagpigil kay Ye Moyu bukas."
Ngumiti ang matandang nakapulang roba nang tignan nito si Li Yunya.
"Pwede itong mangyari?"
Nagpakita si Zhao Feng ng isang kakaibang ekspresyon.
Walang emosyon na sabi ng elder, "Bakit naman hindi? Ang isang daang panalo ay kumakatawan sa pinakamataas na karangalan at pabuya. Paano naman ito magiging madali? Normal lang naman na humingi ng tulong sa labas."
Pagkatapos sabihin iyon, tinignan niya si Li Yunya nang may interes.
Ang cultivation ni Li Yunya ay malapit na sa Peak Small Origin Core Realm, at halatang nakita ng taong ito cultivation nito at gusto nitong pigilan niya si Ye Moyu.