Ang mga Elders ang nagrerepresentansa mga opisyal sa arena. Ang kaluwalhatian ng isang daang beses ng pagkapanalo ay hindi madaling makuha. Hindi lamang ito malaking gastos sa arena, apektado rin ang kasikatan nga arena at ang kahulugan nang hamon ng isang daang beses na pagkapanalo.
"Ang bloodline ni Ye Moyu ay masyadong misteryoso at makapangyarihan. Hindi mataas ang tsansa ng aking pagwawagi."
Saad ni Li Yunya.
Kung hindi malaki ang kaibahan ng kanilang cultivation, ang bloodline at armas ay malaking salik. Gayunpaman, ang mga armas ay kabilang sa panlabas na tulong, habang ang bloodline ay nagpapalakas sa depensa,bilis at iba pang aspeto ng isang tao.
Ang ibang mga bloodlines ay may mga espesyal na abilidad. Halimbawa na rito si Ye Moyu.
"Ang bloodline ni Ye Moyu ay mas mababa lamang sa Ten Thousand Ancient Races bloodline gaya ng mayroon si Jiang Fan, at ang kanyang cultivation ay sapat na upang lagpasan ang kaibahan ng kanilang cultivation."
Pagsusuri ni Zhao Feng.
Ang pagkakaiba ng cultivation ay kagaya ng pagkakaiba ng Small Origin Core Realm at Great Origin Core Realm.
Halimbawa, si Jiang Fan ay nasa unang yugto pa lamang ng Small Origin Core Realm, ngunit ang kanyang battle power ay maikukumpara na sa unang yugto ng Great Origin Core Realm.
Sa kabilang banda, ang bloodline ni Ye Moyu ay mas mababa lamang sa Ten Thousand Ancient Races at ang kanyang cultivation ay halos nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm. Ang kanyang husay sa bloodline techniquez ay mas maayos din. Kung gayon, ang kanyang kabuuang lakas ay mas mahusay kay Jiang Fen.
"Hehe, hindi ako umaasa na matalo monsi Ye Moyu. Ang kailangan mo lamang gawin ay sayangin ang kanyang True Yuan at bloodline power."
Tumawa ang Elder, at ang invisible aura ay binalot ang tatlo upang hindi marinig nang mga nasa labas ang kanilang pinag-uusapan.
Noong marinig ito, naintindihan na ni Zhao Feng.
"Magkakasunod na labanan?"
Nagpalitan nang tingin sina Zhao Feng at Li Yunya.
Marahil ang tsansa ni Li Yinya na manalo kay Ye Moyu ay hindi mataas, ngunit kung may dalawa o tatlong kagaya ni Li Yinya, at magkakasunod nila itong malabanan, mag-iiba ang resulta
Ang patakaran ay nagsasabi na ang bawat humahamon ay kailangan na manalo ng sampung laban bago ito makapag pahinga, maliban na lamang kung wala nang natirang tao.
"Anong iniisip nito? Kung kaya mong mapalabas ang 30% ng bloodline power o True Yuan ni Ye Moyu, agad kang magiging esteemed guest ng Void Ocean Spiritual Palace."
Maamong ngumiti ang Elder.
Natuwa si Li Yunya at lumingon siya kay Zhao Feng.
Ang mga esteemed guests ng Void Ocean Spiritual Palace ay maraming espesyal na karapatan, kabilang na dito ay mga discounts sa pamilihan na pagmamay-ari ng mga opisyal.
Silang isang esteemed guest ng Void Ocean Spiritual Palace ay hindi lamang titulo - marami itong benepisyo. Maging ang ilang Sovereign ay gagawin ang lahat upang maging isa.
"Subukan mo."
Tumango si Zhao Feng, hinahayaan si Li Yunya na subukan ito.
"Sige."
Bahagyang nagulat ang Elder. Si Li Yunya, na halos nasa peak stage ng Small Origin Core Realm ay nakikinig kay Zhao Feng.
Sa araw ding iyon, tumulong si Li Yunya sa mga opisyales.
Para sa labanan bukas, pinatawag ng mga opisyales ang apat o limang mga eksperto. Ang may pinaka mababang cultivation ay nasa middle-stage Small Origin Core Realm, ngunit ang totoo nilang battle-power ay nasa late-stage Small Origin Core Realm.
Sa ikalawang araw, dumating si Ye Moyu sa arena na puno nang kagustuhang makipaglaban.
Ang mga opisyal ay hinanda ang kanilang mga lakas at handa ring pigilan si Ye Moyu sa pagwawagi.
Marami ring mga pustahan. Ang pera na kabilang dito ay sobrang laki.
Ang Eternally Sealed Palace Lord na nakasuot ng purple-at-golden-dragonna riba ay matagal nang nakarating.
"Palace Lord, ang labanan ngayon ay lubhang kasabik-sabik."
May galang na saad ng Elder.
"En."
Tumango ang Eternally Sealed Palace Lord ay bahagyag tumango. Malinaw sa kanya ang hamon na isang daang panalo.
Ayon sa hamon na ito, matapos manalo ng isang tao ng 50 labanan, ang sumunod na labanan ay sunod-sunod.
"Simula."
Iwinagayway ng hukom ang kanyang kamay.
Nagsalpukan si Ye Muo at kalaban nito.
Ang kanyang unang kalaban ay isang babae na maliksi ay mahusay sa bilis. Ang kanyang cultivation ay malapit na sa huling yugto ng Small Origin Core Realm, kagaya ng kay Ye Moyu.
Shua! Shua!
Isnag maliksing pigura at ghostly figure ang kumislap sa himpapawid at naging mga anino.
Sa labanang ito, hindi ginamit ni Ye Moyu ang kanyang bloodline power; ginamit niya lamang ang kanyang bilis upang lumaban.
"Flower Teleportation Figure Flash!"
Ang pigura ng babae ay nagsimulang mamukadkad gaya ng bulaklak kasabay ng pagdami sa isang dosena ang mga pigura nito. Ang mga pigurang ito ay pumalibot kay Ye Moyu.
Boom! Boom! Boom!
Sa bawat oras na tumatama siya sa isa sa mag pugura ng babae, mawawasak iyo, at kahit na matamaan niya ang totoong pigura, mapapalitan ito ng iba.
"Ang mga bulaklak na doppelgangers na ito ay may koneksyon sa totoong katawan? Hindi ko makita ang totoo o pekeng pigura, at anumang pinsala sa totoong katawan ay maaaring tanggihan.
Hindi mapigilan na mahilo ni Ye Moyu.
Shua! Shua! Boom!
Lumipad ang mga pigura patungo sa kanya, at sa bawat oras na magsasalpukan sila ay may ilaw na lumilitaw.
"Ang skill ng babaeng iyan ay mukhang nagmula sa two-star sect - ang Flower Palace."
"Ito ay technique pala mula sa Flower Teleportation True Bible."
Maraming tao ang nakapansin ng kasaysayang ito.
Bahagyang taimtim ang ekspresyon ni Ye Moyu. Ang unang kalaban pa lamang nito ay nahirapan na siya.
"Hehe, maging ang mga eksperto z Flower Palace ay interesado sa Night Shadow Bloodline Techniques."
Mayabang na ngumiti ang Elder. Kahit na hindi manalo ang babae ngayon, malaki ang enerhiyang mapapalabas niya kay Ye Moyu.
"Dark Night Moon Demon Sky!"
Isang malamig na sinag ng buwan ang biglang lumitaw mula kay Ye Moyu kasabay nang pagbuo ng demonyong may apat na pakpak sa kanyang tabi. Sa taas nito ay isang madilim na buwan.
Boom!
Binuka ni Ye Moyu ang kanyang balikat at ang antigong kapangyarihan ng buwan ay bumuo ng mga liwanag.
Crack!
Ang mga kalapit na pigura ay agad na nawasak.
Bam!
Pinunasan ng babae ang dugo sa gilid ng kanyang labi habang umatras siya ng ilang dosenang yarda at sumuko.
Totoo nga, malakas ang Night Shadow Bloodline; madali lamang sa kanya na labanan ang aling mga techniques. Kung hindi lamang niya gustong itabi ang kanyang True Yuan, marahil ay hindi niya ko katapat sa usaping bilis.
Hindi naramdaman ng babae ang pagkabigo matapos matalo. Matapos ang lahat, ang Night Shadow Bloodline ay mayroong mahabang kasaysayan na mayroon pang bakas sa panahon ng Ten Thousand Ancient Races.
Ilang beses pang nakipaglaban si Ye Moyu bago matalo ang babae.
Ikalawang kalaban… ikatlong kalaban… ang lahat ng kanyang kalaban ay hindi mas malakas sa babae; ang kanilang battle power ay mas lalong lumalakas.
Ang ikalimang kalaban ay nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm.
"Ang isang ito ay tinatawag na Li Yunya at gustong maranasan ang Night Shadow Bloodline."
Isang pantas na kabataan ang lumitaw sa arena. Ang ikaanim na kalaban ay sinLi Yunya.
"Napaka lakas na kalaban. Ang kanyang cultivation ay halos nasa Small Origin Core Realm."
Ang mga tao ay nag-usap-usap, at ang ekspresyon ni Ye Moyu ay taimtim habang ginagamit niya ang kanyang bloodline technique.
"Void Sky Darkness!"
Ang pigura ni Ye Moyu ay sumanib sa kadiliman.
Hmm?
Tumayo si Li Yunya sa kadiliman habang naramdaman niya na napigilana ang kanyang kakayahang makaramdam.
Shua!
Sumanib si Ye Moyu sa kadiliman; maaari na siyang lumitaw ngayon kahit saan.
Sa Void Sky Darkness, ang bilis ni Ye Moyu ay maikukumpara sa Grandmaster Yin Kong.
"Seven Star Heaven Slaughtering Technique!"
Nilabanls ni Li Yunya ang kanyang Earth-Grade sword at ang mga bulalakaw ay tila bumabagsak mula sa himpapawid. Gumamit siya agad ng pang malawakang atake.
"Hmph, sa Void Sky Darkness, ang aking katawan ay katuald ng sinag ng buwan. Ang kahit anong atakeng matatanggap ko ay kalahati ang ibabawas.
Malamig na tumawa si Ye Moyu.
Ang kanyang pigura ay agad na lumipad sa Void Sky Darkness at lumitaw siya kung saan ang sinag ng espada ay mahina at hinarang ito.
"Traceless Dark Night!"
Isang misteryosong aura ang tumama kay Li Yunya.
Gumamit si Li Yunya ng atakeng malaki ang sakop, upang mapahina ang depensa ng kalaban; hindi niya halos kinaya ang atake ni Ye Moyu.
Boom! Boom!
Isang malalim na hiwa ang naiwan sa likod ni Li Yunya.
"Sword Star Beams!"
Sumigaw si Li Yunya noong gawing opensa ng kalaban ang depensa. Isang liwanag ng espada ang lumitaw, at ang sinag na ito ay kayang protektahan ang katawan o lumipad sa himpapawid at umatake.
Ang labanan ay matindi, ngunit mula simula hanggang dulo ay natalo si Li Yunya.
Matapos ang dalawampung atake, isang maliit na marka ang naiwan sa lalamunan ni Li Yunya at sumuko na siya. Kahit na natalo siya, napalabas ni Li Yunya ang ilan sa mga enerhiya ni Ye Moyu.
Ilang mga eksperto ay lumitaw at lahat sila ay may kakaibang techniques na naging dahilan upang mapasabak si Ye Moyu.
Namumutla ang mukha ni Ye Moyu; maraming True Yuan ang nagamit niya matapos ang ikapitong laban. Sa sandaling ito, nagamit niya na ang 60-70% ng kanyang bloodline power at True Yuan.
Ang ikawalo at ika siyam na kalaban ay parehong malakas. Mas malakas pa sila kay Li Yunya.
"Blood Wings Demonic Sovereign."
Ang ikasiyam na kalaban ay isang blood-robed Sovereign na naglalabas ng demonic at malamig na aura of blood.
Noong lumitaw ang taong ito sa entablado, nagkagulo ang lahat.
"Blood Wings Demonic Light!"
Ang blood-robed Sovereign ay mayroong itim na nunal sa noo. Pinag daop niya ang kanyang mga kamay at ang demonic bloody wings at lumabas sa kanyang katawan. Ang lakas nito ay maikukumpara sa Great Origin Core Realm Sovereign Lord.
Boom!
Isang palad lamang ay napatalsik niya na si Ye Moyu.
Wah!
Sumuka ng dugo si Ye Moyu kasabay nang kanyang pagtalsik sa arena
Sa sandaling ito, ang kanyang True Yuan ay ubos na, at wala na siyang kapangyarihan upang lumaban sa Blood Wings Demonic Sovereign na ang battle power ay maikukumpara sa Great Origin Core Realm.
"Haha…. Hindi mo man lamang malabanan ang isang atake. Masyadong mahina."
Ang Blood Wings Demonic Sovereign ay tumawa kasabay nang pag-alis niya sa arena.
Natapos na ang hamon ng isang daang panalo kay Ye Moyu, at bunfong-hininga nang pagsisisi ang nagawa ng mga nanonood.
Kung nasa peak state ai Ye Moyu, maari niyang malabanan ang Blood Wings Demonic Sovereign, ngunit ang kanyang True Yuan at bloodline power ay naubos na.
"Si Ye Moyu ay kakaibang henyo. Gusto ko siyang makita mamaya."
Saad ng Eternally Sealed Palace Lord.
Sa sandaling ito, madilim ang ekspresyon ni Ye Moyu kasabay nang pag-igting niya sa kanyang mga ngipin, "hindi patas ang hamon na isang daang panalo. Gumagamit ka lamang ng low tricks kagaya ng sunod-sunod na labanan."
"Hmph, hindi mo kaya ang sunod-sunod na labanan? Ang hamon ng isang daang panalo ay nagrerepresenta sa kaluwalhatian - ang taong hindi takot sa low tricks at mayroong walang kapantay na battle power.
Pang-aasar ng Elder.
Lalong naramdaman ni Ye Moyu ang galit ay siya ay dinaya.
"Batiin natin ang bagong humahamon sa isang daang panalo… Zhao Feng!"