Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 612 - Mabilis na Tatlumpung Panalo

Chapter 612 - Mabilis na Tatlumpung Panalo

"Batiin natin ang bagong humahamon sa isang daang panalo...Zhao Feng!"

Isang masayang boses ang narinig sa arena.

Dahil sa pagkatalo ni Ye Moyu, medyo nagdilim ang atmospera, ngunit ang lahat ay nabigla dahil sa boses na ito.

"Mayroon agad na gustong humamon?"

Maraming mga eksperto ang magulat. Ang hindi patas na pagkatalo ni Ye Moyu ay hindi pa rin sapat upang mapatigil ang taong ito?

Isa pa, ang bagong humahamon ay nagsimula agad matapos matalo si Ye Moyu. Ibig sabihin ay ang lakas nito ay maaaring kapantay ni Ye Moyu.

"Zhao Feng? Hindi ko pa siya naririnig.

"Anong klaseng tao kaya ito?"

Muling nabuhay ang atmospera sa arena at kita na umaasa ang mga nanonood.

Isang pigura mula sa Small Origin Core Realm ang dahan-dahang naglakad sa entablado.

Ang taong ito ay kalmadong kabataan na halos nasa dalawampung taon. Mula sa Zhao Family hanggang sa ngayon, lumaki siya bilang makapangyarihang kabataan.

"Siya si Zhao Feng?"

Maraming to ang nadismaya matapos nila makita ang kabataan.

Mukhang hindi espeayal ang taong ito. Ang cultivation nito ay hindi umabot kay Ye Moyu.

"Iyang batang 'yan?"

Nabuhayan ang mata ng Elder noong tinignan niya si Li Yunya. Kung tama ang pagkaka-alala niya ay magkasama sina Zhao Feng at Li Yunya.

"Hmph, mas mahinapa siya sa akin ngunit naglakas loob siya sa isang daang panalo?"

Nagkuyom ang kamao ni Ye Moyu. Pakiramdam niya ay napahiya siya.

"Ang unang laban sa isang daang panalo."

Saad ng Great Origin Core Realm judge.

Sa isang gilid, malamig na nanood si Ye Moyu. Gusto niyang makita ang pagkatalo nito bago umalis.

"Zhe zhe, ang batang ito ay nasa unnagvyugto lamang ng Small Origin Core Realm. Isang himala na kapag lumagpas siya ng apat o limang laban.

Ang diskusyon sa 'di kalayuan ay kaparehas nang iniisip ni Ye Moyu.

Sa entablado, ngumiti si Zhao Feng, "Ang karangalan mga isang daang panalo ay makukuha ko."

__

Katawa-tawa!

Maraming nanonood ang napairap, kumislot ang mukha ni Ye Motu. Saan nakuha ng batang ito ang kanyang lakas ng loob? Isa itong pangmamaliit para sa kanyang natalo na.

"Hehe, bata, kung hindi ka mananalo nang sampung laban, hindi mo mababawi ang iyong binayad sa pagsali rito."

Tumawa ang Elder.

Sa sandaling ito, hinarap ni Zhao Feng ang kanyang unang kalaban.

"Bata, hayaan mo akong makipag laro sayo."

Ang isang Small Origin Core Realm na hindi katandaan ay pinag kiskis ang kanyang mga palad bago lumitaw sa entablado na mayroong mapaglarong ekspresyon.

Ang hindi katandaang Small Origin Core Realm ay manonood na umabot sa unang yugto ng Small Origin Core Realm, kagaya ni Zhao Feng.

Ang mga nasa unang yugto ay kadalasang manonood, at ang mga opisyales ay hindi naman istrikto sa ganitong bagay. Hanggang hindi umaabot sa limampu ang panalo, hindi nila ito papansinin.

"Simulan na."

Kinaway ng taga paghusga ang kanyang kamay.

Ang hindi katandaang Aovwreign ay tumawa at sinuntok si Zhao Feng na naging dahilan upang tumunog ang Heaven Earth Yuan Qi.

Kung ang suntok na ito ay tumama sa kontinente, maaari nitong masira ang bundok, ngunit ito ang Void Ocean Arena; ang mga atake ay hindi nakakalabas.

Bam!

Ang atake ng Sovereign ay hindi tumama, at ang kanyang katawan ay nanigas kasabay ng kanyang pagtalsik.

"Anong nangyayari?"

Walang nakita ang hindi katandaang Sovereign bago ito tumalsik.

Plop!

Ang Sovereign ay sumuka ng dugo bago ito bumagsak sa lupa.

Biglang natahimik ang arena, at ang nang-aasar na mukha ng mga nanonood ay nanigas.

Hu~~

Bahagyang sumuntok si Zhao Feng sa hangin bago ito bumagsak sa lupa.

"Natapos ito nang ganoon na lamang? Ang bilis!"

Bumalik na sa katotohanan ang mga nanonood. Karamihan sa kanila ay hindi nakita ang paggalaw ni Zhao Feng, at tumalon ang puso ng Elder na nakapulang roba. Mukhang ang bagong humamon ay mabangis.

Noong maalala niya kung paano sumunod si Li Yunya sa mga utos niya, bahagyang naging balisa ang Elder na nakapulang roba.

Sa gitna ng esteemed guest na nanood:

"Ang suntok na iyon ay pisikal na lakas. Ang kanyang katawan ay tila isang halimaw."

Ang Eternally Sealed Palace Lord ay bumulong sa sarili. Dahil ito ay isang daang panalong hamon, nakuha ni Zhao Feng ang atensyon ng Lord, at ginulat niya ang maraming tao.

"Ikalawang laban."

Kinaway ng judge ang kanyang kamay.

Whoosh!

Panibagong tao mula sa manonood ang lumitaw.

Ang bagong dating na naghahamon ay isang payat na lalaki na matalim ang aura, tila ilang labanan na ang pinagdaanan. Kahit na siya ay nasa unang yugto ng Small Origin Core Realm, ang kanyang lakas ay higit na mas mataas sa hindi katandaang Sovereign.

"Dominating Tiger Flying Sky!"

Kumislap ang pigura ng payat na lalaki kasabay nang pagiging maliksi niya gaya ng leopard at kasing bilis ng kidlat na tumungo kay Zhao Feng.

Halata na ang payat na lalaki ay mahusay sa bilis.

Boom!

Isang malakas na pagsabog ang narinig nina Zhao Feng at ng payat na lalaki.

Walang senyales nang pag-iwas si Zhao Feng kasabay nang una niyang suntok.

Sa sandaling sumuntok siya, isang katakot-takot na aura ng ancient desolate beast ang tila lumitaw sa katawan ni Zhao Feng.

Hindi makahinga ang payat na lalaki.

Biom!

Nasira ang braso ng payat na lalaki, at tumalsik siya kasabay nang pagauka niya ng dugo.

Tagumpay sa isang atake.

Ang arena ay puno ng diskusyon.

Kahit na hindi nagpakita si Zhao Feng nang napakahusya nanlakas, nakakabigla pa rin na matalo ang katulad mo ng cultivation sa isang atake lamang.

"Ang katawan ng batangvuti ay nagtataglay nang antigong bloodline power na marahil ay malapit na sa Ten Thousand Ancient Races."

Pagkagulat ang lumitaw sa mata ng Eternally Sealed Palace Lord. Naramdaman niya na mas puro ang bloodline aura ni Zhao Feng kaysa kay Ye Moyu.

"Ikatlong laban."

Sunod-sunod ang laban ni Zhao Feng.

Bam!

Isang simpleng suntok nanaman ang nagpatalsik sa kalaban.

Sa simula, ang mga kalahok ay mga nasa unang yugto lamang ng Small Origin Core Realm at gitnang yugto ng Small Origin Core Realm.

Tatlong panalo… apat na panalo… limang panalo…

Mas mabilis na nanalo si Zhao Feng kay Ye Moyu.

"Napakabilis at katakot-takot na lakas. Madali lamang nuyang tinatalo ang mga katulad niya ng cultivation."

Bahagyang nahilo si Ye Moyu.

Ang bilis ni Zhao Feng ay nagpakita na mas mabilis pa ito sa kanya noong hindi niya ginagamit ang kanyang bloodline power. Isa pa, hindi lamang mabilis si Zhao Feng. Katakot-takot rin ang kanyang katawan at pisikal na katawan.

Pitong sunod-sunod na panalo... Walong panalo... Siyam na panali…

Hinarap na ni Zhao Feng ang kanyang ikasampung laban.

"Ako ang lalaban."

Isang malalim na boses ang nangibabaw, at ang taong ito ay naglakad mula sa mga opisyales.

Ang bagong dating ay isang maitim at malaking kabataan na ang mga muscles ay nagbigay nang malamig na aura.

Bam!

Ang maitim at malaking lalaki ay naging dahilan upang manginig ang arena noong umapak ito. Ang lakas na kanyang pinapakita ay maikukumpara sa malaking halimaw.

"Siya nga… Ang Iron Back Black King!"

Maraming mga nanonood ang napasigaw noong makilala siya. Ang cultivation Iron Back Black King ay umabot na sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm, at malapit na ito sa huling yugto.

Isa pa, siya ay body cultivator.

"Powering the World!"

Ang Iron Back Black King ay tila isang higanteng halimaw na kasabay ng kanyang pagsuntok.

"Bloodline techniques at turning body-strength sa phantom images."

Napakita nang kakaibang ekspresyon si Zhao Feng. Nakakita na rin siya nang bahagyang kawili-wili sa kanyang ikasampung laban dahil ang ikasampung laban ay kritikal na punto.

Kung ang isang tao ay hindi mananalo ikasampung laban, hindi nila mababawi ang kanilang binayad upang makasali.

"Wasakin!"

Sumigaw si Zhao Feng kasabay nang paglabas ng kapangyatihan ng kanyang buto at dugo na kabilang sa ancient source.

Wu~

Sa sandaling ang kanyang kamao ay sumuntok, ang mga ungol ng mga antigong halimaw ay tila pumalibot kay Zhao Feng at ang mabagsik na aura ay naging dahilan upang maging ang Iron Back Black King ay mahirapang huminga.

"Ang aking bloodline power at iyon ay aura ng batang iyan…"

Nanginig ang puso ng Iron Back Black King.

Crack!

Ang phantom images na nabuo sa kanyang bloodline techniques ay nawasak ng kamao ni Zhao Feng.

Wah!

Ang Iron Back Black King ay agad na umubo ng dugo at tumalsik.

Sampung sunod-sunod na panalo. Hindi siya gumamit ng kahit anong True Yuan o kahit kaunti sa kanyang bloodline power.

Gamit ang Ancient Dream Realm aura at heart blood essence, ang kanyang katawan at state of existence ay nagbago. Sa kasalukuyan, ang kanyang state of existence ay umabot sa hangganan ng Great Origin Core Realm, habang ang kanyang body-strength ay maikukumpara sa halimaw na kaparehas niya ng cultivation.

Higit pa roon, ang katawan ni Zhao Feng ay naglalaman ng antigong aura na lumagpas sa bloodline power.

"Maliban sa bloodlines ng Ten Thousand Ancient Race, mahirap nang makakita ng bloodline auras na kayang talunin ang maraming bloodlines."

Kumislap ang mata ng Eternally Sealed Palace Lord kasabay nang kanyang pagsasalita.

Matapos manalo nang ikasampung laban, nagpatuloy sa pakikipaglaban si Zhao Feng. Matapos ang lahat, hindi pa siya gumagamit ng True Yuan.

Labing-isang panalo… labing dalawang panalo… labing tatlong panalo..

Ang rekord ng pagkapanalo ni Zhao Feng ay lalong tumataas at lahat ng kanyang kalaban ay napapatalsik niya sa isang kamao.

"Dalawampung panalo."

Ang mga tao sa arena ay nagdiskusyon. Ayon sa patarakaran ng isang daang panalo, ang naghahamon ay may karapatang magpahinga matapos manalo sa sampung labanan sa isang araw, si Zhao Fengvay dalawampu na ang panalo.

Ang mas nakakatakot pa ay ang mukha nito ay hindi namumula o kung ano. Hindi niya pa ginagamit ang kanyang True Yuan o bloodline power.

"Halatang hindi siya body cultivayor, at siya ay nasa unang yugto lamang ng Small Origin Core Realm, pero siya ay…"

Gulat ang lumitaw sa mata ni Ye Moyu. Dalawampung panalo sa isang araw ang nagawa niya. Gayunpaman, si Ye Yanyu ay napagod na matapos mapanood ang dalawampung laban, kaya hindi na siya naglakas loob na humamon.

Sa kasalukuyan, hindi pa pinapakita ni Zhao Feng ang kanyang lakas na makakatalo kay Ye Moyu, ngunit hindi niya pa kasi ginagamit ang kanyang True Yuan o bloodline power.

"Walang kapantay" lamang ang salitang makakapag larawan sa kanya.

Matapos ang isang oras:

Bam!

Naglabas si Zhao Feng ng purple fist si Zhao Feng na nagpatalsik sa expert mula sa huling yugto ng Small Origin Core Realm.

Hua!

Ang arena ay nagkagulo.

"Tatlumpung sunod-sunod na panalo."

Bahagyang nagulat ang tagapaghusga sa kanyang inanunsyo.

Ang kabataan ay gumamit lamang ng kaunting True Yuan sa tatlumpung laban. Kung magpapatuloy ito, kakayanin niya talaga ang manalo ng isang daang beses.

"Dahil wala nang gustong lumaban, titigil na ang hamon sa isang daang panalo ngayong araw."

Ang Elder na nakapulang roba ay kinaway ang kanyang kamay at pinahinto ang hamon. Madilim ang kanyang ekspresyon. Ang lakas ng kabataang ito ay napaka husay, kaya kailangan niyang mag-isip ng plano bukas.