Sa kalaliman ng gubat, si Zhao Feng ay direktang tumingin kay Elder Assassination nang ngumiti siya.
Si Elder Assassination ay nababalot ng kadiliman at mukhang isang anino.
"Ikaw talaga si Division Leader Yougu? Noon, hindi ba...?"
Mababakas ang galak sa mukha ni Elder Assassination.
Si Zhao Feng ay tumawa, "Kahit na nabubuhay ka hanggang ngayon, paano ako namatay?"
Nang marinig ito, ang anyong nakaitim ay binihag si Zhao Feng ay nagsimula nang manginig.
Hindi niya inakalang ang youth a ito ay hindi pa dalawang taong gulang at kasama na sa Twelve Division Leaders.
Sa Scarlet Moon Demonic Religion, bawat Division Leader ay labis na makapangyarihan. Sa kanilang sukdulan, isang dibisyon ang sapat na para makalaban ang Ten Great Forces.
Ang kalagayan ng Division Leader ay kasing edad ng isang Elder.
"Division Leader, paano ka naging ganito?"
Mababakas ang pagtataka sa mga mata ni Elder Assassination. Naghihinala pa rin siya.
Shua!
Iginalaw ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at isang malamig na kalansay na may pulang apoy sa mata ang lumitaw.
"Ang aking mga buto ay hindi na ito kaya. Hindi na masamang desisyon ang pagkontrol ng isang napakahusay na prodigy."
Sabi ni Zhao Feng.
Ang skeletal Division Leader sa kankiyang likuran ay mukhang nagulat at hindi nagsalita.
Mayroong ugnayan sa pagitan niya at ng skeletal Division Leader sa pamamagitan ng Dark Heart Seed, at mukhang kinokontrol ng skeletal Division Leader ang napakahusay na prodigy na ito.
"Ganoon pala iyon."
Nawala na ang paghihinala ni Elder Assassination.
Hindi mahirap para kay Elder Assassination na makita ang ugnayan sa pagitan ni Zhao Feng ay ng skeletal Division Leader.
Gayunman, hindi inakala ni Elder Assassination na si Zhao Feng ang kumokontrol sa Division Leader.
"Division Leader Yougu, ang iyong husay sa mental energy ay sinasabing isa sa mga pinakamagaling sa kontinente. Paano mo nagawang ganap na makontrol ang katawan ng ungas na ito?"
Pagbibiro ni Elder Assassination.
Mula sa kaniyang pagtingin, ang kahusayan ng skeletal Division Leader sa Dao of the Soul ay nakaabot sa mataas na lebel, kaya hindi ito gaanong mahirap para ganap na makontrol.
"Hmph, mas madaling sabihin kaysa gawin. Ang napakahusay na prodigy ng ungas na ito ay nakalagpas na sa maraming henerasyon at natalo ang tagapagmana ng pamilyang Golden Sun nito lang nakaraan."
Umangal si Zhao Feng at sinabi sa tono ng skeletal Division Leader.
Pagkatapos nito, nagsimula nang magsalita si Zhao Feng mula sa pagtingin ng skeletal Division Leader habang sinasabi ang ipinamalas ng "ungas na ito."
Si Elder Assassination at ang babaeng nakaitim na damit ay tumingin kay Zhao Feng sa gulat. Sa wakas ay napagtanto na nilang hindi simple ang karanasan ng youth na may asul na buhok.
Ang kaniyang eye bloodline ang nakatalo sa tagapagmana ng pamilyang Golden Sun at kinuha ang titulo ng pinakamalakas na eye bloodline.
"Ang talento ng youth na ito ay kahanga-hanga. Kahit ang tagapagmana ng pamilyang Golden Sun ay natalo niya."
Si Elder Assassination ay bahagyang nainggit sa skeletal Division Leader dahil nakakuha ito ng perpektong katawan.
Si Zhao Feng ay may bloodline at talentong nasa top tier, at nalagpasan na niya ang Scarlet Moon Patriarch at Sword Saint Ye Wuxie noon.
"Siguradong mararamdaman mo kung gaano kalakas ang mental energy ng ungas na ito. Nagising lang ako nang isa o dalawang taon at napakahina ko. Swerte na nga kong nagawa ko siyang alipin."
Si Zhao Feng ay nagbuntong hininga.
Tumango si Elder Assassination nang marinig ito at wala nang katanungan.
Kahit na ang pinanggagalingan ng mental energy ni Zhao Feng ay natatago, bahagya pa rin itong nararamdaman ni Elder Assassination.
Shua!
Nang kumaway siya, pinaalis na ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader, "Ang katawang una kong nakuha ay napakahina at gusto kong kunin ang katawan ng ungas na ito para manumbalik ang aking lakas."
Si Elder Assassination at babae ay hindi na naghihinala. Naisip na nila si Zhao Feng bilang ang skeletal Division Leader.
"Division Leader, ano ang ugnayan sa pagitan mo at ng dalawang palapit na mga tao?"
Tanong ng babaeng nakaitim.
Kasabay nito, tumingin siya nang hindi mapakali sa dalawang anyong lumilipad.
"Ang ungas na ito ang nakatalo sa pinakamalakas na tagapagmana ng pamilyang Golden Sun at kinuha ang titulo ng pinakamalakas na aye bloodline sa kontinente, na nagbigay ng kamalasan sa kaniyang sarili…"
Sinabi ni Zhao Feng.
"Hpmh, ilagn daang taon na ang nakalipas at ang pamilyang Golden Sun ay wala pa ring hiya at nakakadiri pa rin."
Walang ekspresyong pagrelamo ni Elder Assassination.
Sa sandaling ito.
Sou! Sou!
Ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay dumating na sa gubat at tumingin mula sa itaas.
"Mag-ingat kayo sa pagtambang. Ang ungas na ito ay mga mga secret technique ng tatlong pangunahing eye bloodline…"
Babala ng grass-hat elder.
Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay hindi nangahas na maliitin siya nang maingat na sinuri ng ikatlo niyang mata ang paligid.
Hindi nagtagal, ang Head ng pamilyang Golden Sun ay nakita si Zhao Feng at ang babaeng nakaitim.
Ang cultivation ng babae ay nakaabot na sa peak True Lord Rank, na nakagulat sa kaniya.
"En, ang mababang peak True Lord Rank ay wala lang. Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, kaya ko siyang patayin kaagad gamit ang aking eye bloodline."
Ang Sacred Eye bloodline ng pamilyang Golden Sun family Head ay sinuri ang gubat, ngunit hindi ito nakakita ng kahit anong bakas.
Ang grass-hat elder ay ipinalaganap din ang kaniyang spiritual senses at tumango.
"Patayin!"
Ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay humarap sa dalawang linya ng liwanag nang sumugod sila kay Zhao Feng at ang babaeng nakaitim.
"Anong karapatan mong bastusin ang Division Leader?"
Sabi ng babaeng nakaitim. Tumining siya sa ilang after-images nang nagmadali siya patungo sa dalawang kakarating lang.
Isang kakaibang skill!
Ang puso ni Zhao Feng ay nayanig. Ang bilis ng babaeng nakaitim ay halos kasinggaling ng kaniyang Wings of Wind and Lightning.
Ang kaniyang anyo ay tila sumama sa mundo ng kadiliman.
"Misty Shadow Kill!"
Ilang mga ragasa ng mga patalim ang nagsiliparan sa hangin, na nakatuon sa Head ng pamilyang Golden Sun
"Mag-ingat ka, mahusay siya sa Dao of Assassination."
Babala ng grass-hat elder. Kahit siya ay hindi mapakali. Kahit na siya ay nasa half-step Origin Core Realm ang cultivation ay hindi pa rin siya mapakali.
Shuu!
Ang Golden Sun family Head ay natamaan sa binti. Kung mas mabagal ang kaniyang reaksyon, hindi lang ito maliit na pinsala.
Sa maiksing sandaling ito, parehong ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay hindi handa.
Hindi naman sa nakalimutan na siya ng dalawa, nakatuon lang sila kay Zhao Feng, na pinapanood ang babaeng nakaitim na damit.
"Three Eyed Divine Light – Forbidden Spatial Illusion!"
Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay sumigaw nang nagpadala ng sumisinag na liwanag.
Shu Shu Shu!
Ang lahat ng mapuntahan ng liwanag ay nagiging alikabok.
Bo~~
Ang babaeng nakaitim ay naipakita at ang kaniyang bilis ay kapansin-pansing bumaba, na tila dumaan siya sa putik.
"Hindi ito maganda, ang Three Eyed Divine Light ng pamilyang Golden Sun!"
Ang ekspresyon ng babae ay kapansin-pansing nagbago. Isang ulap ang nanggaling sa kaniyang anyo na tumama sa Forbidden Spatial Illusion.
Gayunman, bilang dating pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente, paano ito nasira nang ganoon kadali?
Bam!
Ang katawan ng babae ay tila nagyelo at ang ulap sa palibot ng kaniyang baywang ay nagsimula nang mawala.
"Isang malalim ng eye bloodline. Ito ang Head ng pamilyang Golden Sun? Ang kaniyang paggamit sa Three Eyed Divine Light ay nakaabot na sa hindi maabot na lebel. Kung nakalaban ko siya dati, ang resulta ay hindi ko maisip…."
Si Zhao Feng ay nagulat.
Pagdating sa kadalisayan, ang Head ng pamilyang Golden Sun ay hindi kasinghusay ng Three Eyed Saint.
Gayunman, pagdating sa paggamit nila sa kanilang bloodline, ang Head ng pamilyang Golden Sun ay nakalagpas na sa kaniyang anak.
Kahit ang normal na ekspertong nasa half-step Origin Core Realm ay maaaring hindi niya katumbas.
Kahit na ang nakaitim na babae ay mas malakas pa kay Tiemo, siya ay ganap na napigilan.
"Dao of Assassination. Kamalasan mong makaharap ang Sacred Eye ng pamilyang Golden Sun."
Ang ikatlong mata ay nagbigay ng liwanag na nakasira sa kaniyang depensa, at nagngalit ang kaniyang ngipin sa inis.
Kahit na malakas siya, natalo siya ng eye bloodline ng kalaban.
"Hmph!"
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay namulat, at ang kaniyang katawan ay napalibutan ng bilog ng kidlat habang naghahanda siyang iligtas ang babaeng nakaitim.
"Zhao Feng, ang kalaban mo ay ako."
Isang matandang boses ang umalingawngaw sa hangin.
Biglang nakaramdam si Zhao Feng ng napakalakas na puwersa mula sa hangin.
Silver Saint Demon Suppressing Technique!
Isang pares ng pilak na palad ang bumaba mula sa langit, na nagdahilan para maipaloob ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng ilang daang milya ang layo.
"Half-step Origin Core Realm? O isa itong Sovereign?"
Tila tumalon ang puso ni Zhao Feng. Siya ay napalibutan ng isang napakalakas na puwersa na pipigil sa mga normal na True Lord Rank na makagalaw.
Dagdag pa rito, dalawang pilak na buwan ang lumitaw sa mga mata ng grass-hat elder, at tumama ito sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
Siya ay mayroon ring eye bloodline.
"Kahit si Lu Tianyi sa Purple Saint Ruins ay hindi ganito kalakas."
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging seryoso.
Sa sandaling ito, ang kaniyang Source of True Spirit, kaniyang bloodline, at ang God's Spiritual Eye ay lumaganap sa sukdulan.
Kung hindi niya ibinigay ang lahat ng kaniyang atensyon at hindi ginakti ang Imperial Spear, maaaring hindi siya katumbas ng grass-hat elder.
Kasabay nito.
"Iligtas niyo ako!"
Ang depensa ng babaeng nakaitim ay malapit nang masira.
"Huwag kang mataranta. Dalawang maliit na insekto ang ito…"
Isang misteryoso at sinaunang boses ang tila lumapit mula sa kadiliman.
Shua!
Isang anyo ang mukhang pababa mula sa langit, at napuno ng kadiliman ang gubat.
"That's…!!!"
Ang mga katawan ng parehong grass-hat elder at ang Golden Sun family Head ay nanigas.
Sa isang kisapmata, naging napakadilim, at isang malaking anyong nakakorona ang lumitaw sa ibabaw nila.
Ang pag-iral nito ay tila ang diyos na kadiliman.
"Sov-… Sovereign!!"
Naramdaman ng grass-hat elder ang nakakasindak na aura mula sa anyong nakakorona at nataranta.
Shu! Shu!
Sa loob ng mundo ng kadiliman, ang dalawang patalim ang biglang dumaan sa mga katawan ng dalawang taong mula sa pamilyang Golden Sun at kumalat sa paligid.