Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 521 - Kasingnipis ng Yelo

Chapter 521 - Kasingnipis ng Yelo

Ang gubat ay tila nabaliktad ng kapangyarihan at naging gabi ang umaga.

Sa hangin, ang mga katawan ng Golden Sun family Head at grass-hat elder ay nahirapan.

Shu! Shu!

Ang dalawang patalim ay tahimik na sumaksak sa kanilang mga katawan. Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay walang oras para umiwas. Ang kaniyang life force ay nawasak.

"Ikaw...."

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay tumingin sa itaas at nakita ang anyo ng Elder Assassination.

Plop!

Nahulog siya at lumubog sa dugo, ang kaniyang mga mata ay puno ng takot at hindi pagsang-ayon.

Paano magugustuhan ng kahit sino ang ganitong pagkamatay?

Sa kabilang banda, ang grass-hat elder ay nakagalaw sa gilid nang kalahating pulagada, ngunit nasugat pa rin ng patalim ang kaniyang puso.

"Ang Sovereign sa Dao of the Assassination.... Ikaw ang Sovereign Assassination?"

Umubo ng dugo ang grass-hat elder.

Ang tanging bagay na kaya niyang gawin ay ang tumingala at tumingin sa nakakoronang anyo.

Sa kabilang banda, si Zhao Feng ay nakatayo pa rin at hindi gumagalaw habang pinipigilan ang pagkagulat, "Ito ba ang lakas ng isang Sovereign?"

Hindi naman ito ang unang beses na nakakita si Zhao Feng ng isang Sovereign.

Nakakakita na siya ng isang Sovereign sa Rising Dragon Auction, at ang Iron Blood Religion Patriarch ay isa rin.

Gayunman, ito ang unang beses na masaksihan niya ang tunay na lakas ng isang Sovereign.

"Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay siguradong maikukumpara sa isang half-step Origin Core Realm at ang grass-hat elder ay mas malakas pa. Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, kahit ako ay mahihirapan na makatakas sa dalawang ito."

Ang puso ni Zhao Feng ay hindi kumalma sa loob ng mahabang panahon.

Noong una ay inisip niyang walang tatapat sa kaniya sa ilalim ng Origin Core Realm at makakalaban ng ilang atake sa isang ekspertong nasa Origin Core Realm.

Ngayon, mukhang ang kaniyang pagtantya ay hindi akma.

"Si Elder Assassination ay hindi isang normal na Sovereign. Mahusay siya sa Dao of Assassination at nakapatay na ng maraming mga Sovereign. Ang kaniyang pinakamarangal na tagumpay ay ang halos pagtatagumpay na sa lihim na pagpatay kay Sword Saint Ye Wuxie."

Ang tunog ng skeletal Division Leader ay lumitaw sa kaniyang isip.

__

Dao of Assassination.

Ang puso ni Zhao Feng ay tila tumalon.

Walang dudang ang Head ng pamilyang Golden Sun ay hindi naramdaman si Elder Assassination kahit na gamit ang kaniyang eye bloodline. Ang dalawang galing sa pamilyang Golden Sun ay hindi nakaiwas nang hiwain sila ng Sovereign na parang mga labanos.

"Elder Assassination, hindi ko inakalang nanumbalik na ang iyong lakas. Ikaw ay magaling sa pagtapos ng dalawang hipong ito."

Sabi ni Zhao Feng nang kaswal at mukhang hindi nagulat.

Dalawang hipon?

Ang mukha ng babaeng nakaitim ay gumalaw nang narinig ito.

Ang isa sa mga inatake ay ang Head ng pamilyang may pinakamalakas na bloodline at ang isa ay isang Elder na may lakas na lagpas na sa isang normal na half-step Origin Core Realm.

Gayunman, sinabi ito ni Zhao Feng nang kaswal. Kung siya ang nakaharap sa dalawang ito, siguradong mas mabilis siyang tatakas kaysa sa isang kuneho.

"Division Leader Yougu, kung nanumbalik na ang lahat ng iyong lakas at ginamit mo ang iyong mental energy technique para kumontrol ng mga tao, ang lakas natin ay magkapantay."

Hindi naramdaman ng Elder Assassination na ang mga salita ni Zhao Feng ay kakaiba.

"Division Leader Yougu, ikaw ay...!"

Nayanig ang puso ng grass-hat elder at ang kaniyang mukha ay napuno ng kawalang pag-asa, pagkainis, at pagsisisi. Kung nalaman nila noong una na ang kanilang pakay ay ang Division Leader, hindi nila siya susubukang atakihin kahit na gustuhin pa nila.

Plop!

Hindi na nagtagal ang grass-hat elder at namatay na.

Kahit na ang atake ng Elder Assassination ay hindi direktang tumama sa puso ng grass-hat elder, naging madali pa rin sa kaniyang mapatay ang half-step Origin Core Realm sa isang atake lang.

Sa loob lang ng ilang hininga, ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay bumagsak at naligo sa sarili nilang dugo.

Hindi nakita ng babaeng nakaitim na damit at ni Zhao Feng kung paano sila pinatay ng Elder Assassination.

Shua!

Ang madilim na gabi ay nawala na, na naiwan lang si Elder Assassination.

"Division Leader Yougu, paano mo napahiya ang pamilyang Golden Sun? Nalaman kong ikaw ang responsable sa parte ng Northern Continent?"

Napunta si Elder Assassination sa tabi ni Zhao Feng, at sa ganito kalapit na distansya ay nanlamig ang puso ni Zhao Feng.

Ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon ay parang paglalakad sa isang lubid. Kahit na nahulaan na ni Zhao Fene na ang taong sumusunod sa kaniya ay isang Sovereign, hindi niya inasahang ang Elder Assassination ito, isang taong mahusay sa Dao of Assassination at isang taong walang pag-asa si Zhao Feng kapag hinarap.

Sa ilalim ng sitwasyong ito, kailangang maging kalmado si Zhao Feng at kung hindi ay maiisiwalat niya ang kaniyang sarili.

Kasabay nito, sinabihan niya ang skeletal Division Leader na huwag kumilos nang hindi nag-iisip at papatayin niya ito kaagad.

Ang skeletal Division Leader ay masunurin. Alam nitong kaya siyang patayin ni Zhao Feng nang mas mabilis kaysa sa oras na maaaring gugulin ng pagpatay ni Elder Assassination si Zhao Feng.

"Ang sitwasyon sa Northern Continent ay hindi ganoon kabuti..."

Nainis na nagbuntong hininga si Zhao Feng at nagsabi ng ilang impormasyon na sinabi ng skeletal Division Leader.

"Ang puwersa na kinakaharap ng Middle Continent ay mas malaki pa...."

Umiling ang Elder Assassination.

Nalaman din ni Zhao Feng ang ilang impormasyon mula kay Elder Assassination.

Ang Middle Continent ay isang labis na mahalagang lugar sa plano ng Scarlet Moon Demonic Religion, karamihan ng mga eksperto nito ay nandito.

Ang lahat ay nagawa nang may kaayusan para harapin ang napakalaking puwersa – ang Sacred Alliance.

"Oo nga, may isa pang Division Leader sa malapit. Nais mo ba siyang makita? Dagdag pa rito, ang Patriarch ay nasa Middle Continent din at hindi magtatagal ay lalabas na sa seklusyon."

Ang sinabi ni Elder Assassination ay gumulat kay Zhao Feng.

Aksidente siyang napunta sa gitnang himpilan ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Bilang alam na ang Patriarch ng Scarlet Moon Demonic Religion ay nasa Middle Comtinent din, gusto nang tumakbo agad ni Zhao Feng palayo, ngunit alam niyang hindi siya dapat mataranta.

"Buntong hininga. Gusto ko talagang makita ang Patriarch, ngunit kung hindi ko uunahing asikasuhin ang Northern Continent, hindi ko maisip ang magiging resulta nito. Dagdag pa rito, kailangan kong maibalik ang aking lakas nang mabilis."

Walang pag-asang sinabi ni Zhao Feng nang tanggihan ang lahat ng mungkahi ng Elder Assassination.

"Oh, hindi naman maling unahin mo ang pangkalahatang sitwasyon."

Hindi pinilit ni Elder Assassination si Zhao Feng.

Pagkatapos nito, ang dalawang anyo ay nagpalitan ng mga lihim sa gubat.

Sa prosesong ito, si Zhao Feng ay nakatuntong sa manipis na yelo. Kung wala ang Jade Dragon Protection, hindi niya magagawa ang kaniyang plano nang ganoon kadali.

Makalipas ang kalahating buwan sa Golden Sun Sacred City.

Sou!

May isang hindi maipaliwanag na makapangyarihang aura ang lumipad sa Golden Sun Sacred City.

Sinong nariyan?

Ang mga guwardiya ay nakakita ng isang liwanang na pababa mula sa langit.

Tila ang liwanag lang na ito ang bagay sa mundo.

"Nasaan si Zhao Feng?"

Ang bagong dating ay isang youth na may itim na buhok na tila mga bituin ang mga mata.

Bawat kilos at galaw mula sa youth ay kasamang makapangyarihang intent na nagpahirap sa mga taong tumingin sa kaniya.

Zhao Feng?

Maraming mga ekspertong nasa Golden Sun Sacred City ang nagulat.

Ang aura ng bagong dating ay labis na makapangyarihan at may lakas ng loob na tila sumisira ng lahat ng bagay.

"Siya nga... Yu Tianhao!"

May isang taong sumigaw nang makilala ang youth, at nagkagulo ang Golden Sun Sacred City.

"Siya nga ! Ang isa pang Lord Prodigy ng kontinente!"

"Kakapalayas lang namin sa isang bangungot kalahating buwan ang nakalipas at isa na naman ang lumitaw."

Ang mga miyembro ng pamilyang Golden Sun ay nawalan ng pag-asa.

Kalahating buwan na ang nakalipas, kinuha ni Zhao Feng ang titulo nilang pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente. Ito ay isa nang kritikal na pinsala sa pamilyang Golden Sun, at ngayon ay isang kasinglakas ni Zhao Feng ang dumating.

Sa kasikatan, si Yu Tianhao ay lagpas kay Zhao Feng.

"Yu Tianhao, ang Tea Party ay tapos na."

Isang bahagyang galit na boses ang umalingawngaw sa Golden Sun Sacred City.

Shua!

Isang youth na may gintong buhok at ikatlong mata sa kaniyang noo ang lumitaw sa hangin. Ito ang Three Eyed Saint.

Pagkatapos matalo, ang kaniyang ugali at pumangit at walang nangahas na galitin siya.

Higit sa isang dosenang tao ang napatay na niya.

Samakatuwid, sa sandaling lumitaw ang Three Eyed Saint, ang lahat ay tumahimik.

Ang Three Eyed Saint ay hindi hinayaan si Yu Tianhao. Ang tanging kalaban ng Three Eyed Saint sa Tea Party ay si Yu Tianhao dapat, ngunit hindi ito sumipot.

Pagkatalo ng Three Eyed Saint kasama ng hindi malamang lokasyon ng kaniyang ama ay naipon ang kaniyang galit.

"Ikaw ang Three Eyed Saint?"

Ang mga mata ni Yu Tianhao ay nagliwanag at tila alam ang pangalan ng youth.

Ang Three Eyed Saint ay umangal, 'Yu Tianhao, ang tsaa mula sa Tea Party ay malamig na. Sa tingin mo ba ay madali akong apihin? Pumunta ka para kalabanin ako pagkatapos ni Zhao Feng?

"Hindi."

Umiling si Yu Tianhao at mahinang sinabi, "True Dragon Tea Party? Hindi ako interesado dito. Nandito ako para kay Zhao Feng.... Siya lang ang aking kalaban."

Nang marinig ito, ang Three Eyed Saint, na kakatapos lang maging kalmado, ay halos sumabog sa galit.

Patawa! Mayabang!

Si Zhao Feng ay pumunta nang may "mapagkumbabang" ugali para "matuto," habang si Yu Tianhao ay mayabang.

"May nakakaalam ba kung saan pumunta si Zhao Feng?"

Tumingin si Yu Tianhao sa mga tao, ngunit walang nangahas na sumagot sa kaniya sa takot na parusahan ng Three Eyed Saint.

Hindi na nagtagal si Yu Tianhao. Tumalikod siya at bumulong sa sarili, "Pupunta na lang ako sa Canopy Great Country."