Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 485 - Earth-Grade Weapon Shadow

Chapter 485 - Earth-Grade Weapon Shadow

Lima o anim na mga araw na nakalipas, sa kailaliman ng Sky Cloud Forest.

Qiu~~~~

Isang guhit ng hangin at kidlat ang kumislap tagos sa gubat, nagdulot upang manginig sa takot ang mga halimaw sa malapit.

Makalipas ang ilang paghinga, ang guhit ng hangin at kidlat ay huminto sa tuktok ng isang malaking puno sa malapit.

Sa puno, isang batang mayroong asul na buhok ang marahang humihinga habang naglalaho ang isang pares ng pakpak na gawa sa hangin at kidlat.

Sinuri ng kaniyang kaliwang mata ang kapaligiran, naghahanap ng kahit anong natitirang aura sa malapit. Kahit ang katiting na mga detalye, gaya ng alikabok na lumulutang sa ere o ang pagbabago ng Heaven Earth Yuan Qi, ay hindi nakatakas sa kaniyang mata.

"Dito?"

Hindi mapigilang masurpresa ni Zhao Feng nang tumingin siya sa unahan.

Sa harap ng gubat ay mayroong isang maliit na ilog, at katapat ng ilog ay mayroong isang maliit na kuweba.

Naalala ni Zhao Feng ang kuwebang ito.

Noon, siya ay napunta sa isang desperadong sitwasyon dito nang si Ran Xiaoyuan at ang iba pang mga disciples ay biglang nagpunta at pinatay ang lobo, dahil dito nakatakas si Zhao Feng.

Hindi niya inakalang makakarating siya dito sa pagtugis niya sa kalaban.

Nitong mga nakaraang araw, tinugis ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader. Ang lakas ng huling nabanggit ay hindi lubos maiisip at, kahit na naintindihan na ni Zhao Feng ang inheritance ng Wind Lightning Emperor na bilis ang forte, nahirapan pa rin si Zhao Feng na makahabol.

Kung hindi para sa katotohanan na nacultivate na ni Zhao Feng nag pangunahing yugto ng Wings of Wind and Lightning, malamang ay nawalan na siya ng bakas ng skeletal Division Leader matagal nang nakalipas.

Suwerte, kahit hindi siya lamang sa bilis, ang God's Spiritual Eye ay nakatulong sa kaniya upang matutukan ang skeletal Division Leader.

Gamit ang kaniyang makapangyarihang kaluluwa at mental energy level, hindi kalaunan ay nakabalik na ang enerhiya ni Zhao Feng.

"Nasa unahan ka lamang. Tingnan natin kung gaano ka kalayo makakatakbo."

Malamig na humagikhik si Zhao Feng nang muli na naman niyang paganahin ang pares ng pakpak at lumipad patungo sa kuweba.

Lumagpas siya sa kuwebat at lalo pang nagpunta sa kailaliman ng gubat.

Biglang mas naging madilim at misteryoso ang gubat.

"Maaari bang ang lugar na iyon…?"

Nanginig ang puso ni Zhao Feng nang tumingin siya patungo sa kailaliman ng gubat.

Sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng God's Spiritual Eye, nalalaman niya kung saang direksyon papunta ang skeletal Division Leader, at ang lugar na iyon ipinag-aalala rin ni Zhao Feng. Kung hindi niya kailangang pumunta, hindi siya papasok dito.

"Ngayon ang magandang pagkakataon upang patayin ang skeletal Division Leader. Siya ay may pinsala at pagod…."

Nagpakawala si Zhao Feng ng paglalayong pumatay habang patuloy siya sa pagpasok.

Kasabay nito, sa loob ng mausok na lugar kung saan nahaharang ang mga pagtingin.

Hu~

Isang gutay-gutay na kalansay na nababalutan ng isang patong ng dark twitching flames ang lumitaw.

"Nakatutok sa akin ang batang iyon na may kulay asul na buhok at talagang hindi siya aalis."

Itiniim ng skeletal Division Leader ang ngipin nito sa gigil.

Nitong mga nakaraang araw, sinubukan niyang takasan si Zhao Feng. Halimbawa, mas kumunsumo siya ng Yuan Qi at pinabilis ang kaniyang speed. Pansamantalang dalawang beses siyang mas mabilis kay Zhao Feng.

Gumagamit din ito ng mga sikretong teknik na magtatago ng mga bakas nito at gumagawa ng mga pekeng auras upang lokohin ang kalaban.

Subalit, kahit ano ang ginawa nito, hindi nito naligaw si Zhao Feng.

Nitong nakaraang dalawang araw, akala niya ay napagtagumpayan niyang mapaalis si Zhao Feng, kaya't huminga ito at nagtago sa isang lihim na lugar upang magpagaling.

Subalit, isang oras matapos nito, ang Eye of Heaven ay lumitaw sa kung saan at nagpadala ng burning flame sa kaluluwa nito, napalalim ang kaniyang mga sugat.

"Malapit na ako sa Hundred Graves Forbidden Ground. Ang bilang nga mga ekspertong pumapasok dito at nabubuhay ay mabibilang gamit lamang ang isang kamay."

Humagikhik ang skeletal Division Leader nang magliyab ang mga nakapalibot na apoy dito at tumagos ito sa usok.

Ilang sandali, ang skeletal Division Leader ay napunta sa isang lugar na maraming buto. Mayroong misteryosong kapangyarihan na pumuno sa himpapawid.

Mayroong isang daang libingang nakapalibot sa sahig sa gitna. Sa pinakasentro ay mayroong isang batong estante na kagaya ng isang altar.

Kahit ang isang taong kasinglakas ng skeletal Division Leader ay nabalisa at nanlamig nang pumasok ito sa lugar. Sunod ay marahan nitong inilabas ang isang basag na piraso ng blood-jade.

"Kahit ang mga Sovereigns ay hindi kayang basta-bastang salagin ang sumpa kapag magpupunta sila rito. Suwerte, nagpunta na ako rito kasama ang Patriarch noon at mayroon akong mga paraan upang labanan ito."

Umupo ang skeletal Division Leader sa gitna ng sahig, subalit hindi naglakas-loob na lumapit sa mga libingan.

Matapos pumasok sa Hundred Graves Forbidden Ground, ang puso ng skeletal Division Leader ay kumalma na rin sa wakas.

Hindi ito takot na dumating si Zhao Feng. Nag-aabang pa nga ito para sa pagpunta niya. Kung pupunta siya, ang sumpa pa lamang ay pahirap na sa kaniya.

Batay sa nalalaman nito, bilang lamang ang mga Sovereigns na nakaatras na walang pinsala mula rito. Ang mga normal na Sovereigns ay kailangang magbayad ng malaking presyo upang pumasok dito.

Sa kalahating oras na kakailanganin upang makagawa ng tsaa.

Qiu!

Ang tunog ng hangin at ng kidlat ay lumitaw mula sa mausok na lugar sa labas.

"Nandito na siya!"

Tumalon sa galak ang skeletal Division Leader. Nanabik ito sa pagdating ni Zhao Feng.

"Hehe, papasok na ako."

Isang mahinang tawa ang maririnig mula sa mausok na lugar nang pumasok siya sa Hundred Graves Forbidden Ground.

Sa oras na mabanggit ang mga salitang ito, isang batang mayroong kulay asul na buhok ang lumutang sa lugar.

Wu~~

Ang kapangyarihan ng sumpa ay sinubukang sakupin si Zhao Feng.

"Hmph!"

Tumibok ang kaliwang mata ni Zhao Feng at nagpakawala ng isang katiting ng nakakasindak na aura na nagmula pa sa mga sinaunang panahon, nagdulot upang manginig ang sumpa.

"Naglakas-loob talagang pumunta rito ang batang ito?...ano!? Aura ng sinaunang panahon…?"

Halos masunog na ang puwetan ng skeletal Division Leader mula sa pag-upo habang pinanood nito ang mayabang na pagsugod ni Zhao Feng.

Kung pagharap sa sumpa ng lugar na ito ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay mas kalmado kaysa sa skeletal Division Leader.

Wala man lamang siyang kailangang gawin, habang ang skeletal Division Leader ay kailangang maging mapagmatyag sa sumpa.

Nangangahulugan ito na ang battle power ni Zhao Feng ay hindi nalilimitahan kung saan ang skeletal Division Leader ay mayroong limitasyon.

Ang mabilis at hindi inaasahang pagbabago ay nagdulot upang halos mapasuka ng dugo ang skeletal Division Leader.

Wind Lightning Crackling Strike!

Nang hindi nagsasalita, biglang umatake si Zhao Feng.

Boom!

Isang malaking blade of wind and lightning ang humiwa patungo sa skeletal Division Leader.

Nang mawala ang ginto-at-pilak na latigo, ang magagamit na lamang ng skeletal Division Leader ay ang natitirang braso nito upang makipagsagupaan sa tira ni Zhao Feng.

Ding!

Napaatras ang skeletal Division Leader, at ilang mga marka ng paso ang naiwan sa katawan nito, subalit hindi siya labis na napinsala.

"Skeleton Division Leader, tingnan natin kung gaano ka makakatagal sa ganiyang gutay-gutay na katawan."

Ngumiti si Zhao Feng at sinambit ito na mayroong matinding lakas ng loob.

Nitong mga nakaraang araw, ang battle power ni Zhao Feng ay halos maikukumpara na sa half-step Origin Core Realm.

Nagsimula nang gumamit si Zhao Feng ng mga teknik mula sa Wind Lightning Stone Tablet sa totoong labanan.

Sa bawat pagkilos, nagdudulot siya ng pag-ungol at pagpito ng Lightning Yuan Qi sa malapit.

Dagdag pa rito, ang kapangyarihan ng bawat galaw ay mas lumalakas pa sa tuwing lumalaban siya.

Kung Soul ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay maikukumpara na sa Origin Core Realm. Ito ay dahil ang epekto ng Wood Spirit Soul Essence at ng "one with nature" intent na natutunan niya mula kay Xin Wuheng.

Kung intent ang pag-uusapan, siya ay malapit na rin sa peak True Lord Rank.

Nagdulot ito upang magkaroon si Zhao Feng ng battle power na malapit na sa limitasyon ng True Lord Rank kahit nasa early-stage True Lord Rank pa lamang siya.

"Junior, huwag kang magyabang. Hindi mo ako kayang talunin."

Madilim ang ekspresyon ng skeletal Division Leader. Ang battle-power nito ay mas mahina kumpara sa lima o anim na mga araw na nakalipas.

Sa kabaligtaran, ang battle-power ni Zhao Feng ay tumaas dahil nagpatuloy siya sa pagsanay nito sa totoong labanan.

Peng Peng Peng!

Umatras ang skeletal Division Leader, hindi na siya makatiis sa sunod-sunod na atake ni Zhao Feng.

Kayang direktang harapin ng skeletal Division Leader ang mga normal na atake ni Zhao Feng, subalit si Zhao Feng ay nagpatuloy sa paggamit ng eye-bloodline techniques sa mga kritikal na pagkakataon, na mas lalo pang ikapipinsala ng kaluluwa ng skeletal Division Leader.

Ang natatagong mga teknik ng skeletal Division Leader ay mga pangunahing "ghost techniques" na labis na nakakairita para sa mga normal na eksperto, subalti sa kasamaang palad, si Zhao Feng ay hindi tinatablan ng mga mental energy attacks.

Dahil ang Soul ni Zhao Feng ay halos nasa Origin Core Realm level, ang ilan sa mga pamatay na galaw ng skeletal Division Leader ay walang kuwenta.

"Kung ganoon ang galaw na lamang na iyon ang magagamit ko…"

Biglang itiniim ng skeletal Division Leader ang mga ngipin nito at naglabas ng isang singsing na gawa sa ginto at pilak.

Sa isang iglap na iyon, ang aura ng skeletal Division Leader ay tumaas ng kalahating level at nagdulot upang manginig ang Heaven Earth Yuan Qi.

Ang makapangyarihang aura na ito ay lagpas pa sa True Lord Rank at maaaring maikumpara na sa peak na kapangyarihan nito.

"Gagamitin nito ang kaniyang life force?"

Bumagsak ang puso ni Zhao Feng at nagbago ang kaniyang ekspresyon.

"Ghost Bone Giant Spirit!"

Ang aura ng skeletal Division Leader ay tuluyan nang maikukumpara sa isang Sovereign at ang mga buto nito ay biglang nagsimulang lumaki.

Sa ilang sandali lamang, ang mga buto ng skeletal Division Leader ay ilang palapag ang taas at nababalutan ng itim na apoy.

Sa harapan nito, nagmistulang bata si Zhao Feng.

Dagdag pa rito, ang gutay-gutay na katawan ng skeletal Division Leader ay parang sumanib sa sahig sa baba nito at humigop ng kapangyarihan na ginamit niya upang magpagaling.

"Mamatay ka na…!"

Napakamaharlika ng aura ng skeletal Division Leader. Ang bawat kilos nito ay parang ang sentro ng mundo.

Sa ilalim ng kalagayan na ito, dumoble ang battle power nito at maaari itong makapatay ng peak True Lord Ranks sa isang tirahan.

Kahit na magpunta si Elder Bai, malamang ay hindi siya makakasalag sa isang suntok mula sa skeletal Division Leader.

"Grabeng nakakasindak na kapangyarihan. Si Lu Tianyi mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay nasa level lamang na ito."

Nanginig ang puso ni Zhao Feng.

Sa kritikal na pagkakataon na ito, hindi siya umatras.

Isang bakas ng kabaliwan ang lumitaw mula sa kaniyang mga mata nang nanginig sa kagalakan ang bloodline na nasa kaniyang buong katawan, naging asul ito na nakapanlalamig ng buto.

"Ice Imperial Spear!"

Pinagsama ni Zhao Feng ang kaniyang mga kamay at isang malinaw na anino ng Ice Imperial Spear ang lumitaw.

Weng~~

Tila ba nanginig ang hangin nang mayroong hindi mailarawang kalamigan na nagpayelo sa lugar.

"Hindi maganda. Paano naging posible ito…? Ang shadow ng isang Earth-Grade weapon?"

Ang nakakatakot na suntok ng skeletal Division Leader ay bumagal at nanigas matapos itong maitira.

Nagsimula itong sumigaw. Pagkataranta at takot ang makikita sa mga mata nito habang pinanonood niya si Zhao Feng na pinapadaloy ang kaniyang bloodline power at nagpapalabas ng isang ice-blue spear shadow.