Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 486 - Soul Slave

Chapter 486 - Soul Slave

Sa sandaling nataranta ang Skeletal Division Leader, napadaloy na ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power at pinaikot ito sa kanyang palad.

Shu~~~~

Ang "anino" ng Ice Imperail Shear ay naglabas ng ancient majestic aura na umabot sa walang hanggang yelo.

Crack!

Ang hindi pa kumpletong Earth-Grade weapon ay sumira sa atake ng Skeletal Division Leader na may kaluwagan at nagpatuloy pa itong panigasin ang katawan nito.

Puno ng takot ang mukha ng Skeletal Division Leader at sinubukan nitong umatras, ngunit ang kilos nito ay sobrang bagal.

"Mamatay ka na!"

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power upang mapanatili ang spear-shadow at muling umatake sa ikalawang pagkakataon.

Ang misteryosong ice-blue na ilaw ay nagliwanag sa lugar.

Crack!

Ang natitirang braso ng Skeletal Division Leader ay nanigas at nagka pira-piraso.

Sa sandaling ito, nawala na ang parwho nitong braso at katawan at hita na lamang nito ang natira.

"Tumigil ka, hindi mo ito maaaring gawin~~!"

Ang Skeletal Division Leader ay nagsimulang manigas, ang eye socket nito ay naglabas ng takot. Gumamit ito nang sikretong teknik upang maubos ang life force nito.

Ginawa ni Zhao Feng ang lahat upang mapanatili ang shadow-spear, ngunit hindi ito matatag.

Ang pakiramdam na nauubos na ang kanyang lakas ay halata.

"Hindi ko na ito kayang tiisin. Habang lumilipas ang ofas, ang aking kontrol ay nababawasan."

Shua!

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at pinigilan ang kanyang bloodline, binabawi ang ice-blue spear-shadow.

"Wind Lightning Destruction!"

Nagpalitaw ng matingkad na ilaw ng hangin at kidlat si Zhao Feng, na bumuo ng isang bola.

Wu~

Ang bola ng hangin at kidlat ay biglang sumabog, na nagpadala ng alin ng hangin at kidlat sa ilang dosenang yarda.

Sa isang "boom," ang nanigs na katwan ng Skeletal Division Leader ay sumabog.

Halos magka pira-piraso ang Skeletal Division Leader sa atakeng ito.

"Ikaw… mayroon ka talagang Earth-Grade weapon…?

Halos mawasak ang mga buto ngb08 at sinubukan nitong mag pumiglas.

Lubha itong nagulat. Kung gagamitin muli ni Zhao Feng ang Earth-Grade weapon-shadow sa ikatlong pagkakataon, sapat na ito upang mapatay siya.

Gayunpaman, hindi ito ginawa ni Zhao Feng, sa halip ay binawi niya ang kanyang bloodline power.

Sa totoo lamang, kaya pang umatake ni Zhao Feng sa ikatlong pagkakataon ngunit mauubos ang kanyang bloodline power kapag ginawa niya ito.

Shua!

Ang pigura ni Zhao Feng ay naglaho at lumitaw sa mga bangkay kung saan inapakan niya ang ulo ng Skeletal Division Leader.

"Bata, gawin mo ang gusto mo… kung gusto mo akong patayin, gawin mo na."

Kahit na lubos na napahiya at galit ang Skeletal Division Leader, hindi siya masyadong nagpumiglas.

Lubos siyang natalo kay Zhao Feng. Noong lumitaw ang ani o ng Earth-Grade weapon, alam na agad kung sino ang panalo. Maliban na lamang kung ang Sovereign ay nasa peak state, walang makakaharap sa ganoong klaseng lakas.

"Hindi ko pwedeng basta gawin iyon…"

Alam ni Zhao Feng kung gaano katibay at lakas ang mga butong ito. Katawan ito ng Sovereign, ang taong tumanggap ng atake mula kina Elder Bai at Cang Yuyue.

Iniisip ni Zhao Feng kung gagawin niya bang ghost-corpse ang Skeletal Division Leader.

Kahit na hindi niya ito gawin, ang mga buto nito ay magandang materyal para sa pagbuo ng ghost-corpses.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na umatake si Zhao Feng sa ikatlong pagkakataon.

"Skeletal Division Leader, mayroon kang dalawang pagpipilian. Ang una ay mamatay at maging gamit ko para sa ghost-corpses, ang ikalawa ay maging alipin ko."

Diretsong saad ni Zhao Feng.

"Ikaw… walang-hiya ka…!"

Nagpumiglas at umungol ang Skeletal Division Leader, ngunit ang paa ni Zhao Feng ay nakatapak sa kanyang ulo.

Sa isang iglap lamang ay maaari nang patayin ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader.

Wala man lamang sa sampung porsyento sa rurok ang battle-power ng Skeletal Division Leader kaya hindi ito makapalag.

Hindi naman sa ayaw ng Skeletal Division Leader na gamitin ang kanyang sikretong teknik upang tumakbo, ngunit sa tuwing naiisip nito ang katakot-takot na eyebloodline ng kalaban at ang kabanatan nito sa mental energy, nawawalan na nang pag-asa ang Skeletal Division Leader.

Ang God's Spiritual Eyes ni Zhao Feng ay nakatuon lamang sa Skeletal Division Leader. Kapag kumilos ito nang kahina-hinala, gagamitan niya ito ng Eye Fire at agad na tatapusin.

Alam din ito ng Skeletal Division Leader.

"Bata, hindi ako naniniwala na gagamitin mo ang aking katawan para sa paggawa ng mga bangkay. May alam ka ba tungkol sa ghost-corpses?

Sumuko na sa pagpupumiglas ang Skeletal Division Leader at ang pagiging tuso ay nakita sa kanyang eye sockets.

Nakikipag kasundo ito kay Zhao Feng.

Sinabi ni Zhao Feng na gagamitin niya ang katawan ng Skeletal Division Leader kapag namatay ito ngunit kwinestyon ito ng Skeletal Division Leader. Kung mali ito, hindi agad siya papatayin ni Zhao Feng.

Walang gustong pumatay sa Sovereign ng ganoon na lamang.

Shua! Shua!

Dalwang dark-silver ghost-corpses ang lumitaw sa kaliwa't kanan ni Zhao Feng. Ang mga aura nito ay umabot na sa early-stage True Lord Rank.

Kumislap ang eye sockets ng Skeletal Division Leader. Masasabi niya agad ang lakas ng dalawang ito.

Isa pa, isang maliit na black pearl sa kamay ni Zhao Feng ang umagaw sa atensyon ng Skeletal Division Leader.

Ang dalawang dark-silver ghost-corpses ay mula sa black pearl na ito.

"Ang black pearl na iyan…"

Kumalampag ang puso ng Skeletal Division Leader.

Mahusay ito sa ghost-corpses kung hindi ay hindi ito magiging kalansay upang makatakas sa atake ng Ten Great Forces.

Isa siya sa pinakamahusay sa ganitong larangan sa buong Azure Flower Continent.

Ang Ten Thousand Ghost Pearl ay isang sagradong bagay mula sa Ten Thousand Ghost Emperor, at ang aura pa lamang ng pearl ay nagpatalon na sa puso ng Skeletal Division Leader. Habang tinitignan niya maigi ang pearl, tila gusto niyang yumuko dito.

"Maiksi lamang ang pasensya ko. Mamamatay ka o magiging alipin kita."

Walang pasensyang saad ni Zhao Feng. Ang kanyang ekspresyon ay hindi lamang pag-arte. Gusto niya na talaga itong matapos at bumalik sa Canopy Great Country.

Tumingin ang Skeletal Division Leader sa kaliwang mata ni Zhao Fengat sa Ten Thousand Great Pearl.

Ang God's Spiritual Eye ay naging dahilan upang mawalan ng pag-asa ang Skeletal Division Leader, habang ang Ten Thousand Ghost Pearl naman ay naging dahilan upang maging sakim sila.

"Kung hindi ako magiging alipin, siguradong mamamatay ako. Kapag pumayag ako, may maliit na tsansa akong baliktarin ang sitwasyon sa hinaharap at ang pearl na iyan ay mapapa sa akin…"

Nakapag desisyon na ang Skeletal Division Leader.

Nakuha ng Ten Thousand Great Pearl ang atensyon ng Skeletal Division Leader.

Sa kanyang ilang daang karanasan, hindi p siya nakakakita ng Ghost Dao sa ganitong lebel. Marahil ay walang katulad ang bagay na ito sa buong kontinente.

Kung makakabawi siya sa hinaharap at magtagumpay, hindi masusukat ang kanyang gantimpala.

"Pumapayag akong maging alipin mo, ngunit dapat kang pumayag na magkaroon ako ng sariling pag-iisip."

Pumayag ang Skeletal Division Leader.

"Sige."

Pinag-isipan muna ito ni Zhao Feng bago pumayag.

May dalawang paraan upang maging alipin ang Skeletal Division Leader.

Ang una ay gawin itong ghost-corpse at sirain ang isipan nito. Mawawalan ito ng kontrol sa kanyang katawan.

Ang ikalawa ay kontrolin ang Skeletal Division Leader at kahit may sarili itong pag-iisip, susundin niya pa rin si Zhao Feng dahil sa panganib nito sa kanyang buhay.

Ang Skeletal Division Leader ay hindi papayag sa unang paraan at mas pipiliin na lamang na mamatay.

Kung magiging ghost-corpse ako ni Zhao Feng at walang sariling isipan, mas malala pa iyon sa kamatayan.

May kaunting pag-asa pa rin sa ikalawang paraan.

Halimbawa, kapag namatay si Zhao Feng, magiging malaya ang Skeletal Division Leader.

Kung gayon, ang ikalawang paraan ay mapanganib at nangangailangan na maging malakas siya.

Matapos ang lahat, ang Skeletal Division Leader ay peak Sovereign at kilala sa pagiging tuso.

Kung ang normal na eksperto ang mang-aalipin sa akin, mamatay sila sa ilang minuto lamang.

"Kahit na mas mapanganib ang ikalawa, ang alipin na matalino ay mas kapaki-pakinabang sa wala."

Alam ni Zhao Feng ang maganda at pangit na dulot kaya't walang pag-aalinlangan na sumang-ayon.

Kumpyansa siya sa kanyang lakas at naniniwala siya na makokontrol niya ang Skeletal Division Leader.

Matapos magpahinga, naupo si Zhao Feng sa tapat ng Skeletal Division Leader at nilipon ang kanyang eye power. Ang munting magnanakaw na kuting ay binantayan ang Skeletal Division Leader, habang ang dalawang dark-silver ghost corpses ay nakatayo sa magkabilang gilid nito.

Ang pulang apoy mula sa eye sockets ng Skeletal Division Leader ay nagdilim kasabay ng kanyang pagbuntong-hininga. Mapanganib ang batang ito.

Matapos ang kalahating oras, matagumpay na napagsama ni Zhao Feng ang Dark Heart Seed sa kailaliman ng kaluluwa ng Skeletal Division Leader.

Ang Dark Heart Seed na ito ay ib sa mayroon si Lin Tong.

Noong nakaraan, pwersahang nilagay ni Zhao Feng kay Lin Tong ang Dark Heart Seed at kung pipigilan niya ito masyado, maaari siyang mamatay.

Sa ngayon, tumulong ang Skeletal Division Leader na ilagay ang Dark Heart Seed sa kanyang kaluluwa.

Isa pa, perpekto ang Dark Heart Seed ngayon at ginamitan ni Zhao Feng ng ilang dosenang enerhiya kumpara noon. Nangangahulugan na mas malakas ang kapangyarihan nito.

"Ang ganitong paraan ng kontrol ay nangangailangan ng Dao of the Soul at ginagamit kasama ang eye bloodline. Ito ba ang Dark Eye Forbidden Page…?"

Takot ang Skeletal Division Leader ngunit hindi niya ito mapigilan. Salungat nito ay natulungan niya pa si Zhao Feng.

Malinaw kay Skeletal Division Leader ang kalakasan ng Dark Heart Seed. Tila isang bomba ito na maaaring sumabog anumang oras.

"Hindi na masama."

Tumango si Zhao Feng.

Ang Dark Heart Seed ngayon ay lubhang makapangyarihan at maaaring kuhanin ang buhay ng Skeletal Division Leader anumang oras niyang gustuhin.

"Kahit na bumalik ako sa aking peak state, ang tsansa na tahimik kong masira ang teknik na ito ay mas mababa pa sa sampung porsyento."

Lubhang masama ang ekspresyon ng Skeletal Division Leader habang nakahiga ito sa sahig.