Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 478 - Ang Pagtatagumpay ng Mata (1)

Chapter 478 - Ang Pagtatagumpay ng Mata (1)

Dapithapon na, ang liwanag ng palubog na araw ay masisilayan mula sa nakakatulalang kulay asul na kristal ng yelo.

Mayroong apat na anyo na nakakulong sa yelo. Pero wala kahit alin sa isa ang gumagalaw.

Ang sitwasyong ito ay nagtagal sa loob ng isang oras.

Sou Sou Sou~~~~

Higit pa sa ilang dosenang anyo ang lumipad patungo roon.

"Tandang Su, tignan mo~~~!"

Isang kabataan ang tumuro sa isang yelo at bumulalas.

Katabi ng kabataang nasa yelo ay isang magandang binibini nan aka-asul. Mayroon itong elegante at kalmadong aura.

"Ang Kapatid na Zhao ay nasa loob ng yelo!"

Talagang nagbago ang ekspreyon ng magandang binibini.

"Jin'ere, huwag kang masyadong lumapit!"

Pinigilan ni Tandang Su ang pangkat na ito.

Isang nakapangatog na lamig ang ibinibuga ng maliit na bundok ng yelo na ito, at may mga malalamig na bayo ng hangin na siyang umiihip sa loob ng isang milyang paikot na tila matatalim na kutsilyo.

Ang mga nasa ilalim ng Truen Spirit Realm ay hindi kayang makalapit sa yelo. Ang lamig pa lamang nito ay sapat na para mamatay sila.

"Master, bakit ang Kapatid na Zhao ay nakakulong sa yelo kasama ang mga taong ito? At sino sila?"

Kumalma na rin si Prinsesa Jin habang nakatitig siya sa kabataang may kulay asul na buhok.

Sinuri ni Tandang Su ang lugar nang sandali at naging taimtim ang kanyang ekspresyon. Gulat ang siyang pumuno sa kanyang mga mata.

Lahat ng mga miyembro ng Dragon Killing Alliance ay pinigil ang kanilang mga hininga. Alam nilang may nalalaman si Tandang Su.

Nang tumagalm huminga nang malaim si Tandang Su at napuno ang mukha niya ng paggalang at paghanga. Nagsalita siya, "Zhao Feng, hindi ko akalain na umabot ka na antas na kaya mong patigasin sa yelo ang tatlong eksperto ng Scarlet Moon Demonic Religion, kasama na ang isang Sub-Division Leader."

Scarlet Moon Sub-Division leader? Scarlet Moon Demonic Religion!?

Nagpakita ang lahat ng mukha ng takot. Hindi nila akalain na ang tatlong kasama ni Zhao Feng ay may ganoong pamumuhay.

"Nilabanan ni Zhao Feng ang tatlong ito at naikulong sila nang matagumpay, pero naikulong niya rin ang kanyang sarili…."

Ang mukha ni Prinsesa Jin ay puno ng saya at pag-aalala habang nakatitig siya sa kabataang asul ang buhok.

Scarlet Moon Sub-Division Leader. Ang ganitong antas ng tao ay sa mga mito lamang makikilala.

Ilang daang taon ang nakalilipas, ang 12 Divisions at ang 108 Sub-Divisions ng Scarlet Moon Demonic Religion ay winalis ang buong kontinente at inihayag ang kanilang kadakilaan.

Sa kanilang sukdulan, ang isang Sub-Division ay kayang sumira ng napakaraming strong countries nang walang kahirap-hirap.

Ang eksenang nasa hara[ nila ay isang laban sa pagitan ng isang napakahusay na prodig at isang Scarlet Moon Sub-Division Leader.

Ang lahat ng ito ay kamangha-mangha. At hindi nila mapigilang maging maligalig.

"Umatras kayong lahat. Huwag kayong lalapit sa loob ng sampung milyang paikot."

Pag-uutos ni Tandang Su. Mahirap para sa kanya na maramdam ang aura of life sa loob ng yelo, lalo na kay Zhao Feng na nasa gitna.

Walang pag-aalangan na umatras sina Prinsesa Jin at ang mga kasama nito. Alam nila na ang labanan sa ganyang antas ng Scarlet Moon Demonic Religion Sub-Division Leader ay isang bagay kung saan wala silang pakinabang.

Ang tanging tao na may kakayahan sa kasalukuyan ay si Tandang Su.

Subalit, taimtim lamang na nakatingin si Tandang Su sa kanilang apat hindi gumawa ng kahit anong padalos-dalos na galaw.

"Malaki siguro ang naging kapalit kay Zhao Feng para maikulong ang tatlong ito at mukhang nagtagumpay naman siya. Kung gumawa ako ng isang padalos-dalos na bagay…."

Taimtim ang mukha ni Tandang Su.

Ang iba pang tatlo ay lumalaban. Kahit nasa loob ng yelo ang Scarlet Moon Sub-Division Leader, mayroon pa ring malalakas na daloy ng True Force sa kanyang katawan.

Sa kabilang banda, sina Protector Blood Corpse ay tila nahimatay, samantalang ang bloodline ni Palace Lord You Long ay lumalaban pa rin.

"Nagtagumpay n asana agad ako kung si Sub-Division Leader lamang ang kalaban ko, pero ang hirap ay dumoble dahiil nariyan si Palace Lord You Long at Protector Blood Corpse. Lalo na itong si You Long…."

Pagbulong ni Zhao Feng sa kanyang puso habang nasa gitna na siya ng lahat ng ito.

Napakalakas ng bloodline ni Palace Lord You Long at nalalabanan nito ang malamig na bloodline ni Zhao Feng.

"Zhao Feng, kailangan mo ba ng tulong?"

Nagtanong si Tandang Su gamit ang True Force.

Hmm?

Tsaka lamang napansin ni Zhao Feng na sina Tandang Su at ang mga kasama nito ay dumating. Nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa tatlo at hindi niya pinapansin ang panlabas na mundo.

"Kung iyan ang kaso…."

Ang pagdating ni Tandang Su ang siyang bumago ng plano ni Zhao Feng.

Kailangan niya pa rin ng ilang mga mahika sa ilalim ng kanyang manggas kung sakali. Hindi niya pwedeng hayaan na maubos nang tuluyan ang kanyang eye bloodline o Yuan Qi.

Subalit, sa tulong ng isa pang True Lord Rank, mas makakakilos siya nang malaya.

"Tandang Su, manatili ka dito at sabihan ang iba na tumakas sa loob ng isang daang milya."

Ang boses ni Zhao Feng ay umalingawngaw sa isip ni Tandang Su.

"Sige."

Agad na ipinag-utos ni Tandang Su sa mga Dragon Killing Alliance na umalis.

Umatras rin siya sa loob ng sampung milya at pinatay ang ibang tumatakas na miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion sa daan.

"Zhe zhe, Zhao Feng, tignan natin kung gaano katagal ang kakayanin ng bloodline power mo. Nasa True Spirit Realm na ako sa loob ng ilang daang taon at ang Source ng True Spirit ko ay doble ng iyon. Paniguradong matatalo ka sa labang ito kapag nagtagal pa ito."

Kahit hindi makapagsalita ang Sub-Division Leader, kaya niya namang makihalubilo gamit ang kanyang spiritual sense.

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay hindi nagbago. Ang pagkakaiba ng dalawa sa aspeto ng Source ng True Spirit at napakalaki talaga.

"From Ice to Water!"

Biglang nagbago ang bloodline aura at ang kaliwang mata ni Zhao Feng.

Ang nakapanlalamig na aura ay biglang natunaw at naging isang kalmadong tubig. Ang mga nakapalibot na yelo ay nagsisimula nang matunaw.

"Natutunaw na ang yelo?"

Ang mga mukha nila Sub-Division Leader Batie at Palace Lord You Long ay naguhitan ng saya.

Ano pa ang ikinagulat ng dalawang ito ay sapagkat ginawa ito mismo ni Zhao Feng.

Sword of Water Moon!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang natitira niyang bloodline power at bumuo ng isang ispada mula sa tubig.

"Sige lang!"

Tumalim ang mga mata ni Zhao Feng habang tumungo siya para sumaksak paharap.

Ang ispada ng tubig ay tumagos nang walang mintis sa natutunaw na yelo.

Shu~~~

Tumama ang ispada sa Sub-Division Leader.

"Wu…"

Nanigas na ang katawan ni Sub-Division Leader. Isang segundo na lamang ang layo niya mula sa tuluyang pagkakatakas sa yelo nang tusukin siya ng ispadang ito.

"Bloodthirsty Demonic Body!"

Naging mapula ang mga mata ng Scarlet Moon Sub-Division Leader habang kumukulo ang kanyang Qi ng True Spirit. Isnag maitim na kulay dugong apoy ang sumabog sa kanya.

Bukod pa roon, isang malademonyong tattoo ang nabuo sa kanyang balat na siyang nagpakalakas ng kanyang katawan at aura.

Crack!

Sa loob ng napakalakas na pagsabog, ang tubig at yelong nakapalibot kay Scarlet Moon Sub-Division Leader ay nasira.

"From Water to Ice!"

Pinadaloy ni Zhao Feng ang huling piraso ng kanyang bloodline power para maging ispad ng tubig na siyang tutusok sa katawan ng Sub-Division Leader hanggang sa maging yelo ito.

Shuu~~

Ang ispada ay naging yelo at siyang sumaksak sa dibdib ng Sub-Division Leader.

"Arghhhh~~~~~!"

Umungol ang Sub-Division Leader at gumamit ito ng isang sikretong technique na siyang sumira at tumunaw sa ispada ng yelo sa kanyang katawan.

Subalit, lubhang siyang nasaktan, at malapit na siyang bisitahin ng kamatayan.

Kung wala siyang Life Returning Grass o kaya Elixir of Life o kahit ano pang katulad nito, mamatay siya kahit na tulungan pa siya ng isang Sovereign sa Origin Core Realm.

Qiu~~~ Sou!

Ang Sub-Division Leader ay naging isang guhit ng liwanag na matuling tumakbo sa kalangitan.

Takbo!

Ang ikalawang gumamit ng sikretong technique ay si Palace Lord You Long at saka lumipad patungo sa Sky Cloud Forest.

"Iligtas niyo ako!"

Kagigising lamang ni Protector Blood Corpse at ang kanyang katawan ay malamig pa rin. Hindi siya makagalaw sa kasalukuyan at sinusubukan ang kanyang lahat para padaluyin ang kanyang Qi ng True Spirit.

Blade of Wind and Lightning!

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at nahati ang Protector Blood Corpse sa dalawa.

Pagkatapos noon, itinuon ng kanyang mga mata ang atensyon nito sa mga tumatakas.

"Malubha ang sugat ng Sub-Division Leader at mukhang mamamatay na siya. Si Palace Lord You Long naman ay may 70% pa ng kanyang lakas."

Ang pagnanasang makapatay ay sumibol sa mga mata ni Zhao Feng.

Sa pagkakataong iyon, ang Sub-Division Leader at si Palace Lord You Long ay tumatakbo sa iba't ibang direksyon.

"Hindi ko pwedeng hayaan na tumakbo ang kahit sino sa kanila."

Desidiso na si Zhao Feng. Kahit na ang Scarlet Moon Demonic Religion Sub-Division Leader ang may mas mababang tsansa na mabuhay, napagpasyahan ni Zhao Feng na unahin siya dahil may God's Eye Mark naman siya kay Palace Lord You Long.

"Wings of Wind and Lightning!"

Huminga nang malalim si Zhao Feng habang pinapadaloy niya ang kanyang Qi ng True Spirit sa kakaibang paraan.s

Weng~

Ang kalangitan at kalupaan ay tila umuungol habang humihimig naman ang hangin at kidlat.

Isang liwanag ang namumuo sa likod ni Zhao Feng, na siyang bumuo ng kanyang isang pares ng pakpak.

"Ang Wings of Wind and Lightning ay ang pinakasikat na sikretong technique ng Wind Lightning Emperor. Nauunawaan ko pa lamang ito nang kaunti, pero sapat na ito para pataasin ang bilis ko ng halos kalahati."

Tila ba nabibiyak ang hangin at kidlat sa likod ni Zhao Feng at mukhang pinapaikot nito ang Wind and Lightning Yuan Qi sa ere.

"Anong uri ng sikretong technique iyan? Gumagamit ng kapangyarihan ng hangin at kidlat para makabuo ng isang pares ng pakpak?"

Talagang nagbago na ang ekspresyon ni Tandang Su.

Mula sa isang distansya, sina Prinsesa Jin at ang iba pang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance ay nararamdaman ang nakasisinak na aura mula sa pares ng pakpak na ito.

Walang nagduda na lalong tutulin ang bilis at liksi ni Zhao Feng. Isa nga talaga itong bangungot para sa Scarlet Moon Demonic Religion.

Subalit, pagkatapos ng ilang hininga, hindi gumalaw sa ere ang kabataang may asul na buhok.

Weng~~

Ang pares ng pakpak na gawa sa hangin at kidlat ay nagsimulang maglaho.

Ano ang nangyayari?

Sina Tandang Su, Prinsesa Jin at ang mga kasama nito ay nagugulumihanan.

"Napakaswerte niyo talaga."

Nawala na ang kapangyarihan ni Zhao Feng ng hangin at kidlat habang pagod ang nakapinta sa kanyang mukha.

Ang dahilan kung bakit tumigil ang Wings of Wind and Lightning ay hindi dahil sa hindi sapat ang kanyang naunawaan ditto, ito ay dahil sa kanyang kaliwang mata.

Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang 10 yarda na danaw ay nagsimulang umalon nang todo-todo.

Weng~~

Ang tubig sa dana ay nagsimulang dumaloy pataas nang pataas, at nagsimula na rin itong umapaw.

Whoosh!

Ang tubig ay patuloy lamang na lumalawak.

"Lumagpasa na sa 10 yarda na limitasyon at pagpasok sa isang bagong lebel…."

Bumulong si Zhao Feng at saka lumapag sa lupa, pagod na pagod.

Agad na sinenyasan ni Zhao Feng sina Tandang Su at ang mga kasama nito pagkadating nila.

"Naintindihan ko."

Itinango ni Tandang Su ang kanyang ulo at agad na lumapit si Prinsesa Jin para tulungan si Zhao Feng. Sanay na sanay na ang lahat sa ganitong eksena.

Ngumiti si Zhao Feng at nakatulog na siya sa malambing na yakap ni Prinsesa Jin.

"Nawala na ang pundasyon at kontrol ng Iron Dragon Alliance. Ito na ang oras para bumalik sa Broken Moon Clan."

Ipinukol ni Tandang Su ang kanyang tingin sa mag direksyon na pinagtakbuhan nila Sub-Division Leader at Palace Lord You Long.

Sa parehong pagkakataon, sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata.

Di Da!

Ang tubig sa danaw ay patuloy lamang na umaapaw at nagsimula nang lumaki hanggang sa maging lawa ito.

Related Books

Popular novel hashtag