Ilang araw ang makalipas, sa pamumuni ni Tandang Su sa Dragon Killing Alliance, nakabalik na ang grupo sa Cloud Country at sa Broken Moon Clan.
Sa Cloud Area, ang Broken Moon Clan na ang siyang naging duyan ng pakikipaglaban sa mga Iron Dragon Alliance.
Sa loob lamang ng iilang mga buwan, ang Broken Moon Clan ay lumaki nang dalawang beses at isa na sa mga nangunguna sa Thirteen Clans.
Kahit sa pagbalik sa Clan, si Zhao Feng ay nasa mahimbing na pagtulog pa rin. Inaalagaan naman siya nina Prinsesa Jin at ng mga kasama nito.
Sa kabilang banda, inayos ni Tandang Su ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance at nagsimulang linisin ang Thirteen Countries.
Ang lahat ay umaayon sa plano. Habang nawawalan ng liderato ang Iron Dragon Alliance, ang lahat ay tila isang maluwag na buhagin sa harap ng mga hukbo ng Dragon Killing Alliance.
Mula sa kanila, si Cang Yuyue ang diretsong sumugod sa Iron Dragon Country. Simula noong laban nila Zhao Feng, ang kanyang cultivation at skill sa ispada ay lalong tumaas, at walang kahit sino ang makapapantay sa kanya.
Syempre, dahil rin ito sa patay na ang mga pinakamalalakas na eksperto ng Iron Dragon Alliance dahil kay Zhao Feng.
Masasabing ang Cloud Area ay maisasailalim sa mga pangunahing pagbabago sa hinaharap.
Isang buwan ang makalipas habang tulog si Zhao Feng, ang mga pwersa ng Dragon Killing Alliance ay inatake na ang dalawang strong countries.
Ang Sky Rich Strong Country muna ang unang "binawi" ng Dragon Killing Alliance. Pagkatapos ng lahat, ang Dragon Killing Alliance ay binubuo halos ng mga galing sa Sky Rich Seven Clans at si Tandang Su ay isa sa mga nangungunang personalidad.
Kung kaya, ang pag-atake sa Sky Rich Strong Country ay nakumpleto nang madali.
Pagkatapos makuha ang Sky Rich Strong Country, ang kasikatan ng Dragon Killing Alliance ay nilagpasan na ang Iron Dragon Alliance.
Nagpatuloy lamang ito hanggang sa isang araw tumigil na ang mga "yapak" ng Dragon Killing Alliance.
Sa isang liblib na lugar sa Iron Dragon Strong Country, isang malaking madilim na kastilyo ang siyang umiiral sa pagitan ng malalakas na bayo ng hangin. May mga butong nakalatag sa kalupaan nito.
"Tandang Su, ang kastilyonh ito ay kuta ng Iron Dragon Alliance at maraming mga tao galing sa Scarlet Moon Demonic Religion ang nasa loob."
"Ilang beses na tayon umatake at maraming beses na nawalan, pero hindi na tayo pwedeng umabante pa,"
Maraming mga anyo ng True Mystic Rank ang nakatayo sa buhangin nang may dismaya sa kanilang mukha.
Tumayo si Tandang Su habang nasa likod ang kanyang mga kamay at sinusuri ang kastilyo. Ang kabuuan nito ay napapaligiran ng sandstorm at isang kakaibang itim na usok na siyang pumipigil sa mga tagalabas na makita ang nasa loob.
Ang kahit sinong mas mababa ang cultivation sa True Spirit Realm ay mahahanap na lamang ang kanilang mga katawan na nagiging isang patong ng mga putting buto kapag sinubukan nilang hawakan ang itim na usok na ito.
Masasabi agad kung gaano nakasisindak ang usok na ito sa dami pa lang ng nakakalat na buto sa paligid ng kastilyo.
Kalahating araw ang lumipas.
Hu~
Ang mga hangin ay umungol sa harap ng kastilyo. Ang isa o dalawang libong eksperto ay hindi na pwede pang umabante.
"Pag-uulat kay Tandang Su, 50-60 katao na ang namatay sa itim na usok."
"Isang True Mystic Rank at apat na True Human Ranks ang pumasok para magmanman sa kastilyo isang oras na ang nakalilipas, pero hindi na natin sila maabot."
Balita sa balita ang sumasalubong sa Dragon Killing Alliance.
Tahimik lamang si Tandang Su habang sinusuri ang kastilyo. Sa tuwing ginagamit niya ang kanyang spiritual sense, nakakaramdam siya ng isang panlalamig at pangamba.
Sa isang pagkakataon.
Sou~~~
Isang lalaking may malamig na ekspresyon at nakasuot ng itim ang lumipad sa langit.
"Lin Tong, dumating ka sa tamang oras. Alam mo ba ang kakaibang kastilyo na ito?"
Lumingon sina Tandang Su sa kabataang nakaitim.
Si Lin Tong ang tagapagsilbi ni Lin Tong at hindi siya kumukuha ng mga utos sa Dragon Killing Alliance, pero pwede namang humingi sa kanya ng tulong si Tandang Su.
"Ang kastilyong ito ay matagal nang iniwanan ng Scarlet Moon Demonic Religion at napakamisteryoso nito. Ang array na sumasakop sa kastilyo ay tinatawag na Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array."
Pagpapaliwanag ni Lin Tong.
Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array.
Ang puso ng mga nakatataas ay agad na nanlamig nang marinig ang pangalan nito.
Ang patong-patong na mga buto ang siyang nagpapatunay sa pangalan nitong Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array.
"Ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array ay talagang mahirap lagpasan. Narinig ko na ito dati. Mula ito sa Scarlet Moon Demonic Religion at kaya nitong balewalain ang mga taktika ng 'minamanmanan' sila."
Isang True Mystic Rank na elder ang napabuntong hininga.
"Hehe, ang array na ito ay hindi lamang hindi natatakot sa mga taong umaatake sa kanya, kundi kaya rin nitong palakasin ang sarili sa pamamagitan ng paglamon ng laman at dugo. Habang marami ang pinapadalang tao rito, lalo lang itong natutulungan."
Walang simpatya si Lin Tong at umakto lamang na tila wala siyang pakialam.
Karamihan sa mga miyembro ng nakatataas ay agad na nalungkot at naging madilim ang mukha.
Bago pa naging tagasunod ni Zhao Feng si Lin Tong, isa muna siyang henyo ng Scarlet Moon Demonic Religion.
Ang kanyang mapangutyang ekspresyon ay ikinagalit ng iba.
Kung hindi lamang siya isang tagapagsilbi ni Zhao Feng, matagal na nila itong pinatay o kaya inatake nang magkakasama.
Tumahimik muna nang sandali si Tandang Su bago magsalita, "Gising na ba si Zhao Feng?"
"Nagisig si Master sampung araw na ang nakakaraan o kung hindi, wala ako rito sa harap niyo."
Napailing si Lin Tong.
Sinusunod niya si Zhao Feng sapagkat hawak nito ang kanyang buhay. Hindi siya pwedeng utusan ng iba pa.
Hindi nakapagtataka.
Naunawaan naman ito ng lahat. Hindi naman si Lin Tong ang tipo ng tao na gusting tumulong ng iba.
"Ah, gising na pala si Zhao Feng. Kailan siya darating?"
Nagpakawala ng hininga si Tandang Su.
Hindi pwedeng walang pakialam si Zhao Feng sa sitwasyon ng Cloud Area.
"Nagcucultivate si Master at darating siya sa loob ng kalahating buwan o dalawa."
Walang emosyon na sabi ni Lin Tong.
"May sinabi pa bang iba si Zhao Feng?"
Pagtatanong ni Tandang Su.
"Ito ang sinabi ni Master: 'Aalis agad ako ng Cloud Area pagkatapos ng seklusyon'."
Pagsagot ni Lin Tong.
"Umalis sa Cloud Area?"
Ang lahat ay napatulala.
Ano ang nangyayari?
Dapat lamang malaman na ang Dragon Killing Alliance ay kumakaharap ng napakaraming problema.
Hanggat hindi nasisira ang kuta ng Scarlet Moon Demonic Religion, patuloy nitong pagbabantaan ang Cloud Area.
"May kumpiyansa si Zhao Feng na kaya niyang sirain ang kuta kapag dumating siya?"
Ilan sa mga nakatataas ay hindi mapakali.
Tumayo lamang si Lin Tong at walang sinabi, pero ikainis niya ang kanilang pagtatanong at suspetsa.
Pumasok ang isang alaala sa kanyang isip; ang paggising ni Zhao Feng, at ang aura na nagmumula sa kanyang kaliwang mata… Kahit ngayon ay nagpapawis si Lin Tong kapag naaalala niya ito.
"Sabihan ang lahat na huwag umatake."
Pag-uutos ni Tandang Su. Napagdesisyunan niyang pag-isipan muna ito at maghintay ng ilang sandali.
Nahuli agad ni Tandang Su ang pagbabago sa ekspresyon ni Lin Tong.
"Ang lakas siguro ni Zhao Feng ay higit na namang tumaas ngayon. Pero bakit naman siya aalis ng Cloud Area agad-agad?"
Nagugulumihanan si Tandang Su.
Ipinikit na ni Lin Tong ang kanyang mga mata at nanatiling tahimik.
Sa isang kisapmata, ilang araw na ang nagdaan.
Sou! Sou!
Dalawang matatalim na aura ang nagmula sa kabilang panig ng disyerto.
Isang nakasisindak na sword intent ang nagpakita sa tabi ng may-ari nito.
"Cang Yuyue!"
"Ang numero unong Sword Cultivator ng Cloud Area!"
Hindi mapigilan ng mga eksperto sa Cloud Area na mapabulalas.
Isa sa dalawang bagong dating ay isang binibini na payak ang pananamit. Ito si Cang Yuyue.
Kasama niya ang isang babaeng nakaputi.
"T*** i**, heto na naman ang babaeng iyan…!"
Napasinok si Lin Tong.
Noong nakaraan, sa Broken Moon Clan, may pagnanasa si Elder Bai na patayin siya. Kung hindi dahil kay Zhao Feng, sino ang nakakaalam kung ano ang pwedeng mangyari?
"Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array."Agad na nagbago ang mukha ni Elder Bai nang makita ang patong-patong na mga putting buto at saka bumulalas. Karapat-dapat nga talaga siya bilang Elder ng Ten Thousand Sword Clan dahil nakilala niya agad ang array.
"Elder Bai, ang array na ito ay napakamakapangyarihan?"
Ang boses ni Cang Yuyue ay punong-puno ng kumpiyansa.
"Ang bilang ng mga tao ay hindi alintana sa array at mapapataas pa nga nito ang kanyang lakas. Ang tanging paraan lamang para masira ang array na ito ay dapat pumasok ang isang eksperto para sirain ang 'Eye of the Array'. Subalit, kung may ekspertong nagbabantay nito sa loob, aba ay mahihirapan tayo…."
Taimtim ang ekspresyon ni Elder Bai. Mayroong kapiranggot na aura sa loob ng kastilyo na siyang nagpapangamba sa kanya at bahagyang ginigipit siya.
Habang lumilipas ang oras, parami nang parami ang mga elites sa harap ng kastilyo.
Sa oras na iyon, mayroong mga eksperto na halatang nagmanman sa kastilyo, pero mukhang wala kahit isa ang nakabalik.
Nanahimik lamang si Tandang Su at hindi umatake.
Sa parehong pagkakataon, sa loob ng sikretong silid sa Broken Moon Clan.
Weng~~
Isang kabatang may asul na buhok ang nakapikit ang mga mata habang nagbubuga ito ng malalamig na singsing ng hangin.
Ang mga singsing na ito ay may nakakapangatog-ng-kaluluwa na klase ng kapangyarihan.
_Appear!_
Sa isang "weng", isang kalahating transparent na anino ng sibat ang lumutang sa kanyang palad.
Tila nanginginig ang ere sa pagpapakita nito at isang hindi mapaliwang na lamig ang nagpatigas sa buong lugar.
Ang nakasisindak na aura na ito ay sapat na para pigilin ang hininga ng mga nasa True Lord Rank.
"Nakakagamit na rin ako ng kapiranggot na kapangyarihan ng Ice Imperial Spear. Bago pa umangat ang lebel ng God's Spiritual Eye ko, hindi ito kayang gawin ng bloodline ko."
Huminga nang malalim si Zhao Feng.
Sa pagkakataong iyon, isang anino ng kulay asul na yelong sibat ang nasa kanyang palad. Ito ang kaparehong imahe ng Ice Imperial Spear.
Ang saya na kanyang naramdaman nang makita ito ay higit pa noong umangat ang antas ng kanyang God's Spiritual Eye.
Kalahating hininga ang lumipas.
Shua!
Ang anino ng Earth-Grade Weapon sa kamay ni Zhao Feng ay naglaho.
Ang kanyang mukha ay parang pagod at ipinikit na niya ang kanyang mga mata.
Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.
Drip!
Isang asul na lawa, na may laking ilang dosena, ang kasinghinahaon ng isang salamin.
Gumalaw na ang isip ni Zhao Feng at isang misteryosong ipo-ipo ang makikita sa gitna ng maliit na lawa.
Talagang nagtagumpay na nga ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na tumaas ang lebel.
Ang dimensiyon ng kanyang kaliwang mata ay kumakatawan na sa hugis na "lawa," at ang laki nito ay nasa 14-15 na yarda.
Bukod pa roon, ang mga natitirang pwersa ng Wood Spirit Essence Soul na hinigop ni Zhao Feng mula sa Purple Saint Ruins ay nilamon na nito nang buo, o kung hindi, hindi sana ganito kalaki agad ang lawang ito.
Hindi na sigurado pa si Zhao Feng kung anong lebel na ba ang naabot ng kanyang kaluluwa, pero alam niyang mas malakas siya kay Lu Tianyi, na nasa Half-Step Origin Core Realm.
Weng~
Inilatag ni Zhao Feng ang kanyang mga braso at isang nakakakuha ng atensyon na kalahating transparent na pakpak na gawa sa hangin at kidlat ang siyang sumilay at nabuo sa kanyang likod.