Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 480 - Skeleton Division Leader

Chapter 480 - Skeleton Division Leader

Hu~~

Isang pares ng pakpak na gawa sa hangin at kidlat ang sumilay sa likod ni Zhao Feng. Pumapagaspas ito nang bahagy na siyang tumawag ng mga umaatungal na hangin.

Ang kapiranggot na aura ay tumagos sa silid at agad na ginulo and Wind and Lightning Yuan Qi sa labas.

Sa pagkakataong iyon, ang mga pakpak ay mas buo kaysa dati.

"Ang Wings of Wind and Lightning ko ay nasa maagang yugto pa lamang at maaaring ko lang gamitin para makalipad. Ang totoong bersyon nito ay may maalamat na skills, gaya ng paglipad sa loob ng 10,000 milya sa isang saglit, paglipad sa panlabas na mundo, at ang makatagos sa kalawakan…"

May pag-asang nabubuo sa mukha ni Zhao Feng. Ang Wind Lightning Stone Tablet sa kanyang isip ay bumuo ng isang mental energy world na naglalaman ng maraming impormasyon.

Subalit, naunawaan lamang ni Zhao Feng ang 1% ng buong Wind Lightning Stone Tablet.

Sa loob ng kanyang Source ng True Spirit, mayroong okasyonal na pagkisalp ng isang mahinang lilang ilaw na siyang naglalalamn ng True Spirit Flame of Wind and Lightning.

Transparent, asul, lila, iskarlet, ginto… ito ang mga antas sa Wind Lightning Stone Tablet.

Dahil sa Wind Lightning Palm, Lightning Inheritance at iba pa, nacultivate na ni Zhao Feng ang kulay asul sa pinakamataas na antas.

Sa parehong pagkakataon, isang boses mula sa labas, "Chapter Leader Zhao, sa wakas tapos ka na rin. Kailan ka babalik ng Canopy Great Country?"

Ang aura ng Wings of Wind and Lightning ni Zhao Feng ay siyang pinanginig ang lahat ng nasa labas.

Shua!

Hindi pa rin nagbago ang mukha ni Zhao Feng habang naglalaho ang Wings of Wind and Lightning.

Sa isang "qiu", nawala siya at lumabas na bigla.

Sa labas ng silid, isang lalaki at babae ang nakatayo sa kaliwa at kanan ni Zhao Feng na tila ba umaasa sila.

"Jiang Sanfeng, Die Ye, sinabihan ko kayo na babalik ako sa Canopy Great Country kapag tapos na ako sa ginagawa ko rito."

Mahinang sabi ni Zhao Feng, hindi siya interesado kung bakit naririto ang dalawa.

Habang natutulog si Zhao Feng, ang dalawang henyong ito na kalahok ng Sacred True Dragon Gathering ay nagpunta sa Thirteen Countries at hinanap ang Broken Moon Clan.

Ang kanilang mga resulta sa Sacred True Dragon Gathering ay napakabuti kahit hindi nila ito inaasahan, dahil sa katotohanang pinrotektahan sila ni Zhao Feng at isinalba ang kanilang mga Sacred True Dragon Tokens, kung kaya nagtagal sila hanggang sa huling isang daan.

Sila Jiang Sanfeng at Die Ye ay kalalabas lamang sa kanilang mga inheritances ilang buwan ang nakalilipas.

Syempre, ang mga pinuntahan nila ay mga normal at maliliit na inheritances at mas ligtas. Subalit, kahit na, ang kanilang mga cultivation at lakas ay tumaas nang ilang beses. Sapat na ito para maabot nila ang pagiging top-tier geniuses sa kontinente.

"Chapter Leader Zhao, matapos ang Sacred True Dragon Gathering, hindi pa rin sumuko ang Deputy Patriarch, kung kaya nagpadala siya ng mga tao para magmanman. Mas marami pa palang mga pwersa ang nais malaman ang kinalalagyan mo."

Ngumiti si Jiang Sanfeng pagkasabi nito.

"Tama iyan, pumunta kami sa Cloud Area para makita kung susuwertehin ba kami na matapos naming ang aming gawain, pero hindi naming akalain na andito ka nga talaga. Pero, Chapter Leader, palagi kang tulog o nasa seklusyon at hindi mo kami kinakausap."

Sumimangot si Die Ye.

"Tapusin ang iyong gawain? Gaano naman kasigurado si Deputy Patriarch na hindi ako namatay sa loob ng inheritance?"

Nagtanong si Zhao Feng nang may kakaibang mukha.

"Hindi ako sigurado, pero nagpunta ang Deputy Patriarch kay Six Warlock Divine Sage at maaaring nakatanggap siya ng iilang impormasyon."

Iniiling ng dalawa ang kanilang mga ulo sa hindi kasiguraduhan.

Six Warlock Divine Sage?

Kumislot ang mga mata ni Zhao Feng at may naramdamang kakaiba ang God's Spiritual Eye niya.

Hindi ito ang unang beses na narinig niya ang tungkol sa Six Warlock Divine Sage.

Ganoon rin, si Empress Qin ay minsang naging disipulo ng Six Warlock Divine Sage.

"Kalma, kahit hindi niyo ako madaliin, babalik talaga ako sa Canopy Great Country, pero hindi muna hanggat sa hindi ko pa naaayos ang mga banta sa Cloud Area."

Pinigilan ni Zhao Feng ang dalawa.

Ang Cloud Area ay isang mapanglaw at tigang na lugar para sa dalawang ito na nagmula sa Canopy Great Country. Wala masyado itong resources at Heaven Earth Yuan Qi, kung kaya babagal ang bilis ng kanilang cultivation.

Ayaw na rin namang magtagal nila Jiang Sanfeng at Die Ye ditto nang higit pa sa kanilang kinakailangan.

Dalawang araw ang makalipas, sa isang mapanglaw na disyerto ng Iron Dragon Country.

Ang suso ng itim na usok na siyang bumabalot sa kastilyo ay hindi man lang humina. Sa kabaliktaran, naging mas masama pa nga ito at kahindik-hindik.

Maraming mga buto ang nagpapatong sa palibot ng kastilyo.

Ilang libong elites ng Dragon Killing Alliance ang pumalibot rito, pero ganoon pa man, ramdam nila na hindi sila ligtas.

Jiang! Shu Shu~~~

Maraming mga sinag ng sword light ang siyang humiwa sa itim na usok na nakapaligid sa kastilyo, at maraming mga bitak ang agad na sumilay sa lugar.

Sa kalangitan, sina Cang Yuyue at Elder Bai ay umatake at pinanginig nito nang bahagya ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array.

Ang mga atake ni Elder Bai ay kasing ganda ng bahaghari at makikita sa loob ng sampung milyang paikot.

"Karapat-dapat nga naman talaga na magmula si Elder Bai sa isang numero unong sword clan ng Northern Continent. Kahit anong kaswal na atake sa kanya ay naglalaman ng hindi mapantayang kapangyarihan na nilalagpasan ang kahit sino sa Cloud Area. Walang kahit sinong matandang True Lord Rank ang kasinggaling niya."

Ang mga nakatataas ng Dragon Killing Alliance, kasama na sina Tandang Su, ay may mataas na pagtingin kay Elder Bai.

Wala na isa sa kanila ang kampante na kaya nilang salagin ang isa sa kanyang mga atake.

"Ang Cang Yuyue na ito ay nakasisindak rin. Pagkatapos pumasok ng Seven Sword Inheritance, ang kanyang sword intent ay kayang pumatay ng mga True Lord Ranks na nasa maagang yugto."

"Ang kanyang kinabukasan ay hindi masukat. Siguro maaabot niya ang lebel ni Sword Saint Ye Wuxie nang agaran."

Ang ipinakitang kapangyarihan ni Elder Bai at Cang Yuyue ay isang bagay na kahit ang Dragon Killing Alliance ay tinitignan ito nang mataas.

Subalit, ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array ay mas mahirap pa palang kalabanin kaysa sa inaasahan.

Kahit ang kanilang mga atake ay kayang sirain agad ang itim na usok, ang mga bitak na ito ay agad namang naghihilom pagkatapos ng ilang hininga.

"Hanggat may sapat na Primal Crystal Stones at sapat na ere ng kamatayan, patuloy na gagaling ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array."

Tumingin si Lin Tong nang may lamig sa kanyang mga mata mula sa malayo.

Ang kuta na ito ay halata namang napupuno ng ere ng kamatayan. Kita naman agad kung gaano karaming buto mayroon rito.

Ten Thousand Swords Piercing through the Heart!

Iwinagayway ni Elder Bai ang kanyang manggas at may mga nabuong sinag ng liwanag na napakagara.

Ang kapangyarihan ng ispadang ito ay sapat na para mawalan ng kulay ang araw at buwan, ang mga eksperto rin ay nakaramdam na tila ba tinutusok ang kanilang mga puso.

"Ang kapangyarihan ng ispadang ito ay halos lagpasan pa ang True Lord Rank."

Nanginig ang puso ni Tandang Su. Hindi pa siya nakakita ng ganitong klase ng battle power – kahit na kay Zhao Feng.

Nakita ng lahat ang isang matingkad na sinag ng sword light na humiwa sa kastilyo. Isang malaking bahagi ng itim na usok ang naglaho at siyang naglabas ng ilang senaryo.

"Ten Thousand Sword Technique? Pagkatapos ng ilang daang taonm nakita ko itong muli…. Ito ba ay tadhana?"

Isang misteryosong boses ang umalingawngaw sa kastilyo. Ang boses na ito ay napakahina at may kasamang lamig.

Nanginig ang puso ng ilang libong eksperto sa harap ng kastilyo.

Ang mga nasa True Spirit Realm ay mas sensitibo kung kaya nanginig agad sila sa pangamba.

Isang garalgal na boses na naglalaman ng nakasisindak na kapangyarihan ang tumagos sa kanilang kaluluwa.

"Sino ka!?"

Nagbago ang buong mukha ni Elder Bai. Nakaramdam siya ng isang aura na siyang nagdulot sa kanya, na nasa Peak True Lord Rank, upang hindi mapakali.

Wu~~

Isang hugis taong "kalansay" ang biglang nagpakita sa itaas ng kastilyo. Ang katawan nito ay isang timpla sa pagitan ng pilak at ginto, at ang dalawang maitim na pulang apoy sa mga mata nito ay tila tumatalon.

Ang misteryosong kalansay ay nakipagpalitan ng tingin kay Elder Bai at umakto ito na tila ba nagulat siya.

"Ang mental energy aura na ito, isang Sovereign sa Origin Core Realm? Hindi, baka nasa Half-Step Origin Core Realm lang, dahil kung hindi, bakit pa ito magtatago sa likod ng isang array."

Kumislap ang mga mata ni Elder Bai dahil sa hindi kasiguraduhan, pero nagpakawala pa rin siya ng hininga sa dulo.

Hanggat wala sa Origin Core Realm ang kalaban, hindi siya natatakot na hamunin ang kahit sino dahil nasa Peak True Lord Rank ang kanyang cultivation.

Shua!

Isang itim na watawat ang lumitaw sa harap ng kalansay at pumagaspas nang mahina, sinimulan na nitong ayusin ang lamat sa array.

"Huwag na huwag mong gagawin iyan."

Suminghal lamang si Elder Bai nang malamig at saka nakipagtulungan kay Cang Yuyue para atakihin ang lamat.

"Pigilan sila."

Isang garalgal na boses mula sa isang misteryosong kalansay ang maririnig.

"Opo, Division Leader."

Maraming mga dosena ng anyo ang nagpakita malapit sa kastilyo. Ang pinakamahina sa mga aura na ito ay ang Peak True Human Rank.

Ang tatlong pinakamalalakas na auras ay ang True Lord Rank at nakatayo sila sa isang hanay sa kalangitan.

Ang isa sa kanila ay may matabang anyo na may hawak na malaking palakol. Mayroon siyang nakatulala mukha at mabaho ang amoy.

"Sub-Division Leader Batie! Hindi siya namatay!"

Nagulat sina Tandang Su at ang mga kasama nito. Si Sub-Division Leader Batie ay lubhang napinsalaan ni Zhao Feng at ang tsansa nito para mabuhay ay napababa na lamang.

"Hindi, isa na siyang 'buhay na patay' sa ngayon. Naging isa na siyang ghost corpse na may sikretong technique para mapanatili ang kanyang battle power, pero pwede lamang siyang 'mabuhay' sa loob ng isa o dalawang buwan."

Malamig ang tingin ni Lin Tong sa tatlong True Lord Rank auras.

"Isang Sub-Division Leader ng Scarlet Moon Demonic Religion."

Naging taimtim ang mukha ni Elder Bai.

Si Sub-Division Leader Batie ay may cultivation na umabot na sa Peak True Lord Rank na kaparehas ng kay Elder Bai.

"Ang gawin ang Isang Peak True Lord Rank na isang ghost corpse…. Mukhang kalansay na ito ay nasa lebel nga talaga ng isang Division Leader."

Nanginig nang bahagya ang boses ni Lin Tong, pero walang nakakaalam kung dahil ba ito sa takot o pagkatuwa.

Scarlet Moon Division Leader.

Ang puso ng mga Dragon Killing Alliance ay nanginig sa takot.

Ang mga Division Leaders ay ang mga nakatataas ng Scarlet Moon Demonic Religion kahit dati pa.

Ilang daang taon ang makalipas, ang miyembro na ito ng nakatataas ay muling nagpakita. Gaano kaya kagulat ang munting Cloud Area?

Hu~~

Muling nagpakita ang itim na usok at ang kalahati ng kalansay na katawan ng Division Leader ay naroroon.

"Patayin sila!!"

Iwinagayway ng Sub-Division Leader ang kanyang palakol at sumugod patungo kay nila Elder Bai at Cang Yuyue.

Sa kaliwa at kanan ni Batie ay sina Palace Lord You Long at isang elder nan aka-abong roba. Parehong nasa huling yugto na ito ng True Lord Rank.

Isang True Lord Rank, dalawang nasa huling yugto nito. Karumal-dumal nga naman ang kombinasyong ito?

Sou! Sou! Sou!

Sa likod ng tatlong True Lord Ranks ay mga mas malalakas pa na aura ng True Spirit Realm na siyang itinatago ang kanilang mga sarili sa usok at dinedepensahan ang kastilyo.

Ang laban ay nagsimula na.