Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 475 - Isang Libong Milyang Pagsubok

Chapter 475 - Isang Libong Milyang Pagsubok

Isang libong milya ang layo, sa tuktok ng isang bundok.

Ang buhok ni Zhao Feng ay nililipad ng hangin. Ang kanyang ekspresyon ay naninigas gaya ng isang bangkay.

Sa kanyang balikat ay may isang pilak na abong pusa na humihikab nang pagkatamad-tamad.

Ang madilim na mata ni Zhao Feng ay biglaang kumislap at ang kanyang panininga ay bumalik na sa kanyang katawan.

"Kahit na ang enerhiyang kailangan para gamitin ang Eye of Heaven ay tumataas habang lumalayo ang distansya, lalo namang lumalakas ang kapangyarihan nito."

Ang mukha ni Zhao Feng ay bahagyang mahina, pero siya ay masaya. Kung ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay alam ang sitwasyon na mayroon si Zhao Feng sa kasalukuyan, magugulantang sila at maaawa sa kanilang mga sarili.

Ang magamit ang Eye of Heaven mula sa isang libong milya… Isa itong bagay na lagpas pa sa kayang isipin ng lahat.

Sa kabilang banda, ang enerhiyang nagagamit niya ay sampung beses pa na mas marami kaysa sa kadalasan.

Sa kabutihang palad, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay higit pa sa isang normal na True Lord Rank pagkatapos niyang higupin ang Wood Spirit Essence Soul, at ang ebolusyon ng God's Spiritual Eye niya para maging mas kontrolado niya ito ay nangangailangan na lamang ng kaunting enerhiya.

Pagkatapos gamitin ang Eye of Heavem, hindi na pinilit ni Zhao Feng na makipaglaro pa sa kanila, kahit na may natitira pa siyang enerhiya.

Umupo na lamang siya at nagsimulang panumbalikin ang kanyang bloodline power.

Habang pinapanumbalik niya ang kanyang bloodline power, naunawaan na rin ni Zhao Feng ang impormasyon sa Ice Imperial Spear at Wind Lightning Stone Tablet.

Isang libong milya ang layo, ang ancient na tempo ay naging bato-bato na lamang.

Hindi mapakali ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion. Kahit na marami silang eksperto na naroon, hindi pa rin nila maramdamang ligtas sila.

"Nag-uulat kay Sub-Division Leader, ang mga top trackers ay ginamit na ang lahat ng kanilang sikretong techniques pero wala pa rin silang nahanap na kakaiba."

Isang itim na anyo ang biglaang napaluhod sa lapag.

Sou! Sou!

Marami pang iba ang nagsibalik na, pero wala silang maiulat na kahit ano.

"T*** i**!"

Umungol si Sub-Division Leader Batie na tila isang halimaw sa gabi.

"Sub-Division Leader Batie, natatakot akong sabihin na ang sikretong technique na ito ni Zhao Feng ay maaaring kontrolin mula sa pinakamalayong distansya."

Wika ni Protector Youmo sa isang napakahinang tono. Nakontrol na siya ng eye technique ni Zhao Feng at nagdulot siya ng matinding kapinsalaan sa Sub-Division. Namatay rin ang kanyang itim na ahas.

Galit siya at ikinamumuhi niya ang may-ari ng matang iyon.

"Maaaring totoo iyan. Marami tayong mga tao rito at ang battle power ni Sub-Division Leader Batie ay hindi mapapantayan. Gaano pa man kalakas ang Zhao Feng na ito, hindi siya mangangahas na pumunta."

Kumislap ang mga mata ni Protector Blood Corpse at itinango na lamang ang kanyang ulo.

Maraming mga eksperto rito ang maalam at pumayag naman sila sa kanyang teorya.

"Totoo… Pagkatapos ng lahat, ang Eye of Heaven ay wala namang pisikal na anyo. Pero may iilang mga problema. Paano nalaman ni Zhao Feng na andito tayo?"

Malamig na sinuri ng mga mata ni Palace Lord You Long ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Ang buhok ng karamihan ay dumiretso habang tinatanggap nila ang titig ni Palace Lord You Long.

"Sinasabi mo bang… May espiya tayo?"

Tinanong ito nang malamig ni Sub-Division Leader Batie habang dinidilaan niya ang kanyang labi sa nakakadiring paraan.

Agad na tinignan ng mga miyembro ang isa't isa nang may pagkabahala.

Ang mga suspetsa ni Palace Lord You Long ang siyang nagpabigat sa ere ng paligid. Maraming mga tao ang kinabahan at hindi mapanatag.

Nagtagal ito sa loob ng kalahating gabi, pero hindi na muling nagpakita ang Eye of Heaven.

Agad na tinanong ni Sub-Division Leader Batie ang bawat miyembro nang magkakahiwalay.

"Argh!"

Isang hiyaw na tila isang liwanag ang nagsimulang masilayan sa kalangitan.

"Ito ang ikatlong 'espiya' na pinatay ng Sub-Division Leader."

Agad na nagtinginan ang mga Protectors sa isa't isa.

"Ang pagsususpetsa ng ganito ay hindi ang pinakamagandang plano."

Umiling si Palace Lord You Long.

Hindi niya alam na siya ang pinagmulan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa God's Eye Mark sa kanya, ang lugar na ito ay hindi sana mahahanap ni Zhao Feng agad-agad.

Sa ikalawang araw, habang palitaw na ang araw.

Ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay pumunta na sa kanilang mga kanya-kanyang daan, lahat sila ay pagod na.

"Ang pinakamagandang depensa ay isang mabuting opensa. Hindi ako makapaniwalang hindi lalabas ang sutil na ito kapag pumunta na tayo sa Broken Moon Clan."

Huminto na si Sub-Division Leader Batie sa pagtatanong at napagdesisyunan na niyang umatake.

Hindi naman nakipag-away ang mga Protectors. Sa ngayon, ang kanilang kalaban ay nasa kadiliman habang nasa liwanag sila. Ito ang pinakamabisang taktika.

Sou Sou Sou!

Naglakbay na ang mga miyembro gamit ang ere at ang mga lumilipad nilang karwahe.

Sa sumunod na kalahating araw, ang Eye of Heaven ay hindi nagpakita.

"Zhe zhe, ang eye bloodline siguro ng sutil na iyon ay may malaking kapalit na halaga at hindi pwedeng gamitin nang tuluyan."

Ilang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ang napangiti.

Ang matinding ere ay nagsimula nang mapanatag.

Sa umaga ng ikalawang araw, ang mga miyembro nito ay nakaramdam ng isang hindi nakikitang mental energy pressure.

Nang tignan ang kalangitan, ang Eye of Heaven ay muling nagpakita at sinuri sila nang malamig.

"Muli itong nagpakita!"

Ang puso ng mga nasa Scarlet Moon Demonic Religion ay nayanig. Karamihan sa kanila ay hindi makahinga.

"Lahat kayo, mag-ingat!"

Ang buong Scarlet Moon Demonic Religion ay umakto na tila may kaharap silang napakalakas na kalaban.

"Bata, kapag hindi ka pumunta rito, papatayin ko ang lahat ng nasa clan mo."

Nagpakita si Sub-Division Leader Batie ng isang malupit na ngiti na tila nagbabanta.

Shua~~~

Iwinagayway niya ang kanyang kinakalawang na palakol sa kamay at saka ito tinapon paitaas.

Kahit ang atake ni Sub-Division Leader Batie ay napakalakas at kayang paslangin ang mga normal na True Lord Ranks, tumagos lamang ito sa Eye of Heaven nang walang ginagawang pinsala.

Sa pagkakataong iyon, ang Eye of Heaven ay nagtagal lamang ng dalawa o tatlong hininga at wala itong ginawang halat sa Scarlet Moon Demonic Religion.

Shua!

Ang Eye of Heaven ay may kakarampot na mapaglarong aura bago ito maglaho.

Nawala?

Ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay nagpakawala ng hininga, pero sa sumunod na bigla, ang kanilang mga lumilipad na karwahe ay nagwala at nagtungo sa lapag na parang mga siraulo.

"Ano ang nangyayi?"

"Lahat kayo, mag-ingat!"

Ang buong Scarlet Moon Demonic Religion ay hindi handa at sila ay nasaktan dahil sa mga lumilipad na karwahe.

Sou Sou Boom Boom~~~

Ang mga makapangyarihang halimaw na ito ay bumaba mula sa langit at sinira ang kanilang mga sarili.

Kahiy pa nga ang Flaming Giant Lion ni Sub-Division Leader Batie ay napasama.

"Ang lion ko!"

Napaluwa ang mata ni Sub-Division Leader Batie at nabaliw siya habang umuungol sa kalangitan. Ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng sampung milyang paikot ay nanginig at isang napakalakas na aura ang siyang nagpayanig rin sa mga True Lord Ranks.

Ang Flaming Giant Lion ay isang napakahalagang halimaw sa kanya na maikukumpara sa isang True Lord Rank. Subalit, itinapon lamang siya nito at agad itong dumiretso sa kalupaan, at naging patong na lamang ng dugo at laman.

Gaano karami ang presyur na nariyan kapag diretsong sumugod ang isang bagay mula sa kalangitan sa napakataas na distansya?

Maliban sa mga nasa True Lord Rank, kahit ang mga nasa Origin Core Realm ay maaaaring magpirapiraso kung wala silang depensa.

Kahit na ang Eye of Heaven ay hindi sinaktan ang kahit sinong miyembro sa ngayon, pinatay naman nito ang karamihan sa kanilang mga lumilipad na kabayo.

Ang True Spirit Realm ay ang yugto ng pagkatuto para lumipad. Ang isang tao ay nangangailangan pa rin ng mga lumilipad na kabayo para makapaglakbay.

Lalo na para sa mga nasa True Human Rank. Pagkatapos ng ilang daang milya, mauubos na agad ang kanilang Qi ng True Spirit.

Tanging ang mga nasa True Lord Rank lamang ang may makapal at solidong Source ng True Spirit para makalipad ng ilang libong milya.

Hindi nagtagal, ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay naging mahinahon na, pero mabigat pa rin ang kanilang mga pakiramdam.

Pagkatapos ng lahat, marami sa kanilang mga lumilipad na kabayo ay kasama na nila sa ilang taon.

"Pag-uulat kay Sub-Division Leader, lahat ng mga lumilipad nating kabayo ay namatay. Kung gusto nating magpalit ng mga karwahe, kailangan pa natin ng kalahating buwan para maabot ang Broken Moon Clan."

Wika ng isang miyembro sa malungkot na ekspresyon.

Ang mga Protectors at iba pang mga eksperto ay may taimtim na mga pag-asa pero talagang nababahala.

Kahit na walang sinaktan si Zhao Feng, pinabagal naman sila nio nang higit pa sa kalahati.

Nangangahulugan ito na kailangan pa nila ng dalawang beses pa na dami ng oras para lamang makarating sa Broken Moon Clan.

"Ang Zhao Feng na ito ay kaya ring magpaamo ng mga halimaw?"

Punong-puno ng gulat ang mga mata ni Protector Youmo.

Kung hindi iyon ang kaso, wala nang makapagpapaliwang pa kung bakit napwersa ni Zhao Feng ang mga lumilipad na kabayo ng Scarlet Moon Demonic Religion na magpakamatay.

Pagkatapos ng ilang oras ng paglalakbay, ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay lumayo muna sa isa't isa habang sinusuri ang kalangitan.

Sa isang kisapmata, dalawang araw na pala ang lumipas.

Sa pagkakataong iyon, ang Eye of Heaven ay nagpakita lamang ng isang beses, pero agad na nawala pagkatapos ng kalahating hininga.

Kahit ganoon, nakapagpanginig pa rin ito ng puso ng lahat ng naroroon.

"Lilipad ako papunta roon at sisirain ko ang Broken Moon Clan at dudurugin si Zhao Feng habang tinatanggalan siya ng balat upang maramdaman niya ang hindi mapantayang sakit…"

Ang mukha ni Sub-Division Leader Batie ay punong-puno ng kalupitan.

Noong gabi ng ikatlong araw.

Shua!

Ang Eye of Heaven ay nagpakita na naman, pero ang aura nito ay nawawala-wala.

"Nagpakita na ito!"

Palaging may mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ang nakaabang.

Shu~~~

Isang nakakarinding hiyaw ang umalingawngaw sa ere. Tila ba may isang ispada na hinahati ang hangin.

"Mag-ingat kayo!"

Biglaang nakaramdam si Palace Lord You Long ng isang pamilyar na pakiramdam at agad niyang binuksan ang Qi ng kanyang True Spirit.

Subalit, nang pumasok na sa kanilang mga mata ang tunog ng hangin, huli na ang lahat.

Whoosh!

Isang malaking kalahating transparent na patalim ng hangin ang humiwa patungo sa kanila.

"Arghhh!"

Ang lalaking nakaputi, si Protector Sanling, ay napahiyaw.

Bago pa man niya nailabas ang kanyang Qi ng True Spirit, ang kanyang katawan ay nahati na sa dalawa.

Sii!

Ang lahat ay napahinga nang malamig.

"Patay na si Protector Sanling…."

Naramdaman ng lahat na lumamig ang kanilang mga buto. Tila ba naglalakad sila sa isang kanyo gamit ang isang lubid na metal at maaari itong mapigtas ano mang oras.

Shua!

Pagkatapos gawin ang una nitong pagpatay, ang Eye of Heaven ay biglang nawala habang nag-iwan ito ng bakas ng pangungutya.

Nagpakawala ng hininga ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion, pero may nangyari agad pagkatapos nito.

Wind Lightning Fire God's Eye!

Ang Eye of Heaven ay muling nagpakita, pero sa ngayon ay kulay asul na ito at iba na rin ang aura.

Phoosh!

Isang kalahating transparent na apoy ang lumapag kay Protector Youmo at sumabog sa isang "bang!"

"Argh~~!"

Ang babae ay napasigaw habang ang kanyang katawan ay nababalutan ng hangin at kidlat. Ang atakeng ito ay tumagos sa kanyang pisikal na anyo patungo sa kanyang kaluluwa.

Nanginig ang anit ng lahat. Nagtagal lamang ng isa o dalawang hininga si Protector Youmo bago ito naging alikabok na lamang.

Wala siyang malakas na bloodline gaya ni Palace Lord You Long para makatakas sa atake, at bukod pa roon, lumakas na rin ang kapangyarihan ng Wind Lightning True Flame pagkatapos makaabot ni Zhao Feng sa True Lord Rank.