Sa loob lamang ng ilang hininga, ang Eye of Heaven ay nakapatay na ng dalawang Protectors ng Scarlet Moon Demonic Religion.
Shua!
Ang aura ng Eye of Heaven ay humihina habang naglalaho ito.
Ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay punong-puno ng takot at pangamba.
Ang kamatayan ay maaaring dumating kahit anong oras."Lumabas ka at labanan mo kami kung matapang ka, bata!"
Sumigaw si Sub- Division Leader Batie habang nakaluwa ang kanyang mga mata at ang kanyang aura ng pagiging Peak True Lord Rank ay gumagawa ng mga bagyo sa loob ng sampung milyang paikot.
Ang pagkamatay nila Protector Youmo at Protector Sanling ay katumbas ng pagkawala ng parehong kanan at kaliwang braso ng Sub-Division Leader na si Batie.
Sa loob ng karamihan, dalawang True Lord Ranks, sina Palace Lord You Long at Protector Blood Corpse, ang nakatingin sa isa't isa nang may gulat.
"Ang eye bloodline power ng Zhao Feng na iyon ay mas malakas pa kaysa dati."
"Ganyang klaseng paglago… Naabot niya na kaya ang True Lord Rank?"
Hindi mapigilan ng dalawang Palace Lords na manghula.
Matagal na nilang nakalaban si Zhao Feng at alam nila kung ano ang lakas ng eye bloodline nito.
Syempre, ang pag-abot ni Zhao Feng sa True Lord Rank ay hindi na kagulat-gulat para sa kanila. Subalit, hindi nila inaasahan na tatalo si Zhao Feng sa maagang yugto ng True Lord Rank agad-agad.
Sa isang puno, ilang daang milya ang layo.
"Hmph! Sino ang nakakaalam kung ilan pa sa inyo ang buhay pagdating niyo sa Broken Moon Clan?"
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay bahagyang mahina, pero isang malamig na pagngisi ang siyang lumutang sa kanyang mukha.
Sa loob ng mga nakaraang araw, palagi niyang pinapanumbalik muna ang kanyang enerhiya bago pa ito maubos. Kapag naabot niya na ang pinakamataas niya na estado, aatake siya muli, kung kaya palaging matagumpay ito sapagkat namamahinga muna siya sa pagitan.
Matapos pumataya ng dalawang Protectors ng Scarlet Moon Demonic Religion, ang eye bloodline power ni Zhao Feng ay napakababa na.
Sa sumunod na dalawang araw, nagsimula nang gumaling si Zhao Feng, naghihintay na naman ito para muling makaatake.
Ang mga natitirang dapat atakihin ay mas mahirap nang kalabanin.
Si Sub-Division Leader Batie ay nakaabot na ng Peak True Lord Rank at ang kanyang battle power ay maihahalintulad sa Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.
Parehong sina Palace Lord You Long at Protector Blood Corpse ay may "makapal na balat" at ang kanilang depensa ay metatag. Lalo na para kay Palace Lord You Long. Ang pagpatay sa kanya ang pinakamahirap na gawain.
Sa isang kisapmata, dalawa o tatlong araw na ang lumipas.
Ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay parang mga nawawalang sisiw na tumagos sa Sky Cloud Forest.
Sa mga nakaraang araw, matinding panggigipit ang nararamdaman nila. Wala nakakaaalam sa kanila kung kailan muling lalabas ang Eye of Heaven.
"Habang kinakalkula ang oras, ang eye bloodline power ni Zhao Feng ay muling nanumbalik na ang lakas."
Nagbantay muna si Protector Blood Corpse. Ayon sa sinusundan nito, mukha siya na ang susunod.
Ang lakas ni Sub-Division Leader Batie at Palace Lord You Long ay higit pa na mas malakas; kaya, mas mahirap silang patayin.
"Walang daan para makatakaas. Kahit na gawin na natin ito ngayon, hindi tayo makakatakas pwera na lamang kung payagan niya ito."
Tila nawalan ng pag-asa si Palace Lord You Long.
May tsansa pa naman sana na kalabanin si Zhao Feng bago siya naging True Lord Rank, pero ang lakas ni Zhao Feng ngayon ay napakataas na at may misteryoso pa siyang "Eye of Heaven," tila ba nawalan ng pag-asa si Palace Lord You Long.
Walang kahit sino ang nakakaaalam kung paano tatapatan ang Eye of Heaven, kahit na silang lahat ay mga maaalam na tao.
"Ang Zhao Feng na iyan ay kaya tayong sundan saan man tayo magpunta."
Sinuri ng mga mata ni Sub-Division Leader Batie ang buong grupo at napag-alaman niyang tila may mali.
Naisip niya noong una na may espiya sa grupo, pero ang mga natitirang miyembro ay ang mga tapat niyang tagasunod.
Sa gabi.
Shua!
Isang pamilyat na mental energy pressure ang nagpakita sa kalangitan.
Muli na namang nagpakita ang Eye of Heaven.
Ang puso ng mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion ay bumilis ang tibok kasabay ng paglitaw ng malalamig na pawis sa kanilang mga noo.
Sina Batie, You Long, at Protector Blood Corpse ay kumilos na tila napakamapanganib ng kanilang kalaban.
Sa hindi inaasahan, hindi inatake ng Eye of Heaven ang alin man sa tatlo.
"Mamatay ka na!"
"Bata, lumapit ka at mamatay!"
Halos kalahati ng Scarlet Moon Demonic Religion elites ay napasugod tungo sa iisang tao nang may pulang mga mata.
_Kill~~~~~!_
Ang mga miyembrong ito ay sumugod patungo kay Sub-Division Leader Batie nang walang pakialam.
Ano?
Talagang nagbago ang mukha ni Sub-Division Leader Batie nang makita ito.
Halos lahat ng mga umaatakeng miyembro ay nasa True Mystic Rank.
Eye of the Heart!
Naglabas ang Eye of Heaven ng isang misteryosong mental energy power na siyang nakagawa ng mga ilusyon at panaginip.
Bam~~~~~ Shu! Shu!
Umungol si Sub-Division Leader Batie at ikinumpas ang kanyang malaking palakol na siyang humiwa sa mga nalalapit na elites sa kanya sa kalahati.
Hindi mapigilan ng mga natitirang miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion na manlamig.
Gamit ang pag-ungol at makapangyarihang hiwa ni Sub-Division Leader Batie, ang mga natitirang miyembro ay nakontrol at muling nanumbalik ang kanilang mga pandama na tila ba nagising sila sa isang panaginip.
Nakasisindak.
Hindi mapakali ang natitirang grupo.
Shua!
Ang Eye of Heaven ay muli na namang nawala sa kanilang paningin.
"Sub-Division Leader Batie, kung magpapatuloy ito, ilan pa kaya sa atin ang buhay kapag nakarating tayo ng Broken Moon Clan?"
Isang matandang miyembro ang nagtanong nang mapakla.
Ang tatlong eksperto ay napatahimik.
"Ang maliit na Cloud Area ay mayroong isang nakakahindik na henyo. Minaliit ko nga talaga ang titulo ng isang 'napakahusay na prodigy'."
Nanginig ang mga kamay ni Sub-Division Leader Batie habang pabago-bago ang kanyang ekspresyon.
Hindi na mahalaga kung nagsisisi siya ngayon. Kahit ano pa man ang gawin nila, hindi na nila matatakasan ang Eye of Heaven.
"Kung mayroon talagang espiya sa atin, maghiwa-hiwalay muna tayo."
Mungkahi ni Palace Lord You Long.
"Hindi pwede. Mas madali niya tayong mapapatay sa ganoong paraan, at lahat maliban kay Sub-Division Leader Batie ay mamamatay."
Agarang pagtugon ni Protector Blood Corpse. Ang tsansa para mapatay sila ni Zhao Feng ay napakataas kapag magkakahiwalay sila.
"Hindi tayo pwedeng umatras. Susugod tayo sa Broken Moon Clan!"
Umungol si Sub-Division Leader Batie. Ang kanyang pagkamuhi, galit, at pagnanasang makapatay ay umabot sa pinakasukdulan. Hindi niya alam na ang paghihiwa-hiwalay ay ang pinakamabisang taktika.
Kapag naghihiwa-hiwalay sila, matunton lamang ni Zhao Feng si Palace Lord You Long dahil sa God's Eye Mark.
Ang paghahanap sa isang tao sa napakalaking Sky Cloud Forest ay tila paghahanap ng isang karayom sa isang karagatan.
Sa mga sumunod na araw, ang Eye of Heaven ay hindi nagpakita.
Isang araw… Dalawang araw… Tatlong araw…
Sa isang kisapmata, limang araw na ang nakalipas. Ang limang araw na ito ay tila limang taon para sa mga natitirang miyembro.
"Hindi pa rin ito nagpapakita?"
"Nagiging mabait ba si Zhao Feng? Hindi niya ba tayo aatakihin hangga't pwede pa?"
Nagugulumihanan ang mga miyembro ng Demonic Religion pero hindi sila nangahas na magbaba ng kanilang mga panramdam.
Sa ikaanim na araw, sa itaas ng isang burol malapit sa mga dulo ng kagubatan.
_Hmm?_
Tila may naramdaman si Sub-Division Leader Batie na isang bagay nasa burol.
Sa itaas ng burol, isang kabataang may kulay asul na buhok ang napapaliguan ng sinag ng araw.
"Sino iyan?"
Huminto si Sub-Division Leader Batie. Hindi niya nakilala ang kabataan.
"Zhao… Zhao Feng!!"Parehong sina You Long at Protector Blood Corpse ay napabulalas sa gulat.
Hindi nila alam kung dapat ba silang maging masaya o matakot sa kasalukuyan.
"Zhao Feng? Ikaw si Zhao Feng? Hahaha~~~~~!"
Namilipit ang mukha ni Sub-Division Leader Batie habang ang kanyang galit sa mga nakaraang araw ay lumalabas na.
Sina Protector Blood Corpse at You Long ay parehong nagulantang at hindi nangahas na umatake.
"Ang Zhao Feng na ito ay makikipaglaban sa atin ng direktahan?"
"Nakaaabot na nga talaga siya ng True Lord Rank… Teka, paano ito naging possible…? Maagang yugto ng True Lord Rank?"
Angd dalawa ay nagtinginan lamag nang may gulat at pagkabahala.
"Dominating Heaven Raging Demon Slash!"
Ang malaking katawan ni Sub-Division Leader Batie ay biglang naglaho sa pag-atungal ng hangin.
Kahit isa siyang ekspeto na nakapokus sa lakas, ang kanyang atake ay kasingbilis ng kidlat.
Huang! Boom~~~~
Sinira ng malaking palakol ni Sub-Division Leader Batie ang maliit na burol.
Crack~~~~
Isang malaking kawalan ang masisilayan na siyang umaabot hanggang ilang milya.
Sa pagkakataon iyon, ang alikabok at dumi ay nililipad sa kung saan at lahat ng nasa loob ng ilang milya ay nasasalag.
"Hehe, karapat-dapat ka nga talagang maging Sub-Division Leader Batie ng Scarlet Moon Demonic Religion."
Isang matalim na himig ng kidlat at karipas ng hangin ang maririnig.
Isang alon naman ng hangin at kidlat ang makikita sa ilalim ng kabataang may kulay asul na buhok.
"Anong bilis ito. Dalawang beses pa siyang mas matulin kaysa dati!"
Nalaglag ang puso ni Palace Lord You Long. Kahit na ang atake ni Sub-Division Leader Batie ay napakalakas, hindi naman ito tumama kay Zhao Feng.
Qiu~~~~
Isang arko ng hangin at kidlat ang siyang namimilipit mula sa langit.
"Wind Lightning Tornado!!"
Ang nakakakuhang-atensyon na bola ng hangin at kidlat ay nagsimulang mabuo sa ere at gumawa ng isang bagyo na may nakapipinsalang kidlat at nakasusugat na hangin.
Ang malaking Wind Lightning Tornado ay bumaba sa langit at umabot nang halos kalahating milya ang laki na siyang binalot ang lahat ng nasa Demonic Religion.
"Arghh!"
Ang mga paghiyaw ay patuloy na umalingawngaw.
Sa isang bigla, halos kalahati ng Demonic Religion Cultivators ay napinsalaan.
Sou! Sou!
Napaungol sina Palace Lord You Long at Protector Blood Corpse habang sumusugod sila sa Wind Lightning Tornado, pero ang mahinang Protector Blood Corpse ay namutla at ang kanyang buong katawan ay nasunog.
"Sa loob ng nakaraang kalahating buwan, sinusubukan ko ring unawain ang Wind Lightning Stone Tablet at ang Imperial Ice Spear. Ang Wind Lightning Tornado na ito ay nabuo mula sa malakihang sakop ng atake ng unang nabanggit na aytem."
Ang katawan ni Zhao Feng ay tila lumulutang sa ere.
Ang mga intents ng hangin at kidlat na nakapalibot sa kanya ay mas malalim kaysa sa dati.
Dagdag pa na dahilan kung bakit hindi ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye sa nakalipas na limang araw ay sapagkat naging kakaiba ito.
Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang danaw ay nakaabot na ng sampung yarda.
Subalit, habang ang ibabaw ng danaw ay napakapayapa, isang nakakasirang pwersa naman ang nabubuo sa ilalim nito.
Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay isang yapak na lamang ang layo sa pag-angat ng antas. Ito ang dahilan kung bakit sumuko na siyang patayin ang mga miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion gamit ang kanyang Eye of Heaven at pumunta na siya rito nang personal.
"En, ito na ang oras para subukan ang aking pang-unawa."
Ang hangin at kidlat sa ilalim ng paa ni Zhao Feng ay nayanig habang biglang naglaho ang kanyang anyo.
Dominating Sky Limitless Slash!
Ang malaking guhit ng isang sinag ng palakol ang siyang pumilipit sa ere habang tinatamaan nito ang pwesto ni Zhao Feng. Ang kapangyarihang nilalaman nito ay sapat na para patayin ang maraming True Lord Ranks.