Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 477 - Isa Laban sa Tatlo

Chapter 477 - Isa Laban sa Tatlo

Dominating Sky Limitless Slash!

Ang sinag ng palakol ay gumuhit sa tabi ni Zhao Feng.

Shu~~~

Ang lalaking kulay asul ang buhok ay lumitaw sa kabilang panig ng may arko ng kidlat.

"Ang lakas ng Scarlet Moon Sub-Division Leader ay umabot na sa antas ni Ye Yanyu…."

Ang alon ng hangin at kidlat na nakapalibot kay Zhao Feng ay biglang tumamlay ang kulay.

Kahit ang atake ngayon ay hindi direktang tinamaan si Zhao Feng, ang kakarampot lamang nito ay sapat na para patayin ang mga nasa True Mystic Rank.

Ang ibang mga cultivators na nasa Peak True Lord Rank ay hindi handing makipagsagupaan sa mga taong may espesyalisasyon gaya ni Sub-Division Leader Batie.

Syempre, naunawaan na ni Zhao Feng ang Wind Lightning Stone Tablet at ang kanyang opensa ay maganda rin.

Qiu~~

Ang anyo ni Zhao Feng ay biglang naglaho sa malabong liwanag. Halos mapangawa ang mga normal na True Lord Ranks sa bilis na mayroon siya.

Sa sumunod na bigla, ang himig ng hangin at kidlat ay maririnig mula sa likod ng ulo ni Sub-Division Leader Batie.

"Wind Lightning Crackling Strike!"

Pinatawa ng kabataang may kulay asul na buhok ang isang malaking patalim na gawa sa hangin at kidlat, may habang pito hanggang walong yarda, na siyang bumitak nang malakas.

Shua! Shuuuu~~~~

Nang humiwa ang patalim sa ere, sumabog ang kulog at may mga kislap na nagkalat kung saan-saan.

Ang mukha ni Sub-Division Leader Batie ay naging taimtim nang gawin niyang pansamantalang pader ang kanyang malaking palakol para salagin ang atake ni Zhao Feng na siyang nagdulot ng malakas na pagsabog. Ang buong lugar na kinaroroonan ng dalawa ay agad na nabalutan ng alikabok, buhangin at iba pang mga tulad nito.

"Tumakas na kayo…."

Ang mga nalalapit na miyembro ng Demonic Religion ay nagsimula nang tumakbo dahil marami ang namatay sa sagupaan nila.

Pagkatapos bumaba ng lahat ng alikabok.

Qiu~~

Ang arko ng kidlat at hangin ay muling lumipad patungo sa itaas. Isang patalim na naman ang nabuo sa kamay ni Zhao Feng habang may ngiti siya sa kanyang labi.

Sa kabilang banda, napakagulo na ng itsura ni Sub-Division Leader Batie. Kahit na hinsi siya nasaktan, may iilan pa ring marka ng sunog sa kanyang damit.

"Dominating Heaven Ten Destruction Strike!"

Umungol si Sub-Division Leader Batie at nagpadala ng mga sinag ng liwanag. Ang mga sinag na ito ay bumo ng hugis 十, ang katitikan para sa ikasampung bilang.

Wind Lightning Explosion!

Hindi man lang natakot si Zhao Feng kahit kaunti. Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang patalim at saka ito itinapon sa ere na siyang gumawa ng mga alon ng kidlat na winalis ang halos kalahating milya.

Sa loob lamang ng ilang hininga, ang dalawang eksperto ay ilang beses na nagkasagupaan. Parehong ang dalawa ay lumaban nang may opensa at depensa, wala ni isa ang sumusuko.

Hindi mapantayan ang battle power ni Sub-Division Leader Batie at kaya niyang supilin ang lahat gamit lamang ang kanyang lakas, pero nakaasa si Zhao Feng sa kanyang bilis at tila isa itong multo na bigla-biglang napupunta sa langit.

"Hindi ito maganda… Lumago na agad si Zhao Feng sa ganyang antas kung saan napapantayan niya na ang Sub-Division Leader?"

Gulat ang siyang nakapinta sa mga mukha nila Protector Blood Corpse at You Long.

Natatakot at nababahala sila sa eye bloodline ni Zhao Feng at tingin nila ito rin ang kanyang forte. Ang iba pa niyang mga kakayahan ay hindi naman ganoon kalakas siguro.

Subalit, ang eksenang nasa harap nila ngayon ay muling nakapagpanibago ng paningin nila kay Zhao Feng.

Galit na galit ang paghiyaw ni Sub-Division Leader Batie, pero hindi niya kayang makaangat sa sitwasyon.

Ang mga atake ni Zhao Feng ay kasingbilis ng kidlat. Waang kahit sino ang nakakakita sa kanya.

Kahit na hindi mapantayan ang lakas at opensa ni Sub-Division Leader Batie, si Zhao Feng ang siyang kumokontrol sa laban.

Lahat ng mga atake ni Zhao Feng ay nakatuon sa mga maliliit na kahinaan ni Sub-Division Leader Batie.

Kaya niya talagang pansinin kahit ang pinakamaliit na kahinaan na siyang pumupuwersa kay Sub-Division Leader Batie na gumamit pa ng maraming Qi ng kanyang True Spirit.

"T*** i**, ano pang ginagawa niyong dalawa!?"

Pag-atungal ng Sub-Division Leader.

Sa labang ito, nadidismaya na talaga si Sub-Division Leader Batie. Kahit na napakalakas niya, si Zhao Feng pa rin ang siyang namumuno sa laban at pinapasunod lamang siya sa ilong.

"Sige na!"

Hindi na nag-atubili pa sina Protector Blood Corpse at Palace Lord You Long at naging dalawang guhit ng liwanag na siyang sumugod kay Zhao Feng.

"Hehe, ang taong ito ay tatalunin kayong tatlo hanggang sa aminin niyo na ito sa inyong mga puso at katawan."

Ang tawa ng isang kabataan ay maririnig kahit sa pagitan ng kidlat at hangin.

"Arogante!"

"Bata, mamatay ka na!"

Sumali na rin sa laban sina Protector Blood Corpse at Palace Lord You Long.

Qiu~~~

Biglag nagningning ang alon ng hangin at kidlat ni Zhao Feng at naglabas ito ng hindi mabilang na mga singsing ng hangin at kidlat sa lahat ng direksyon.

Nakaramdam ng napakalakas na presyur ang dalawng Protectors at tila ba namamanhid sila sa tuwing napapalapit sila.

"Dominating Heaven Limitless Slash!"

Muling inilabas ni Sub-Division Leader ang kanyang palakol at nakipagkampihan na sa dalawa.

Ngumiti nang bahagya si Zhao Feng at nakipagpalitan na ng mga atake kay nila Protector Blood Corpse at Palace Lord You Long.

Bang!

Sa pagsabog ng kidlat, nasipa ni Zhao Feng si Protector Blood Corpse at ang katawan nito ay nagsimulang mag-usok.

"Ito ang aura ng wind at lightning intent…."

Nakaramdam si Palace Lord You Long ng isang nakasisindak na aura ng hangin at kidlat na siyang bumalok sa kanyang katawan nang tumama ang kanyang palm attack kay Zhao Feng. Naitulak palayo ang kanyang katawan ng ilang dosenang yarda at nagsimulang mamanhid.

Sa loob lamang ng isa o dalawag atake, agad nang nasaktan ni Zhao Feng ang dalawang Protectors.

"Tusong sutil!"

Lumipad ang palakol ni Sub-Division Leader Batie paharap, pero ang kapangyarihan nito ay nakapigil sapagkat baka masaktan niya sina Palace Lord You Long at Protector Blood Corpse.

Tumayo lamang si Zhao Feng roon nang hindi tumatakas habang kumakalma ang kanyang buhok.

Weng~~

Isang suson ng dumadaloy na tubig at kidlat ang sumilay kay Zhao Feng.

"Break!"

Ipinalakpak ni Zhao Feng ang kanyang mga kamay habang pinapadaloy niya ang kanyang eye bloodline power para tawagin ang alon ng tubig na siyang haharapin ang palakol na itinapon sa kanya.

Sa mismong iyon, ang orihinal na kasingkalma ng lawa na kabataan ay naging isang tsunami.

Boom~~~~~

Ang palakol at si Zhao Feng ay nagtama sa ere. Ang dalawang kapangyarihang ito na tila tatapos ng mundo ay nagkasagupaan.

"Ang bloodline power ng sutil na ito ay napakalakas…."

Kahit na 80% lamang ng kanyang kapangyarihan ang ginamit niya, nasalag ito nang direkta ni Zhao Feng, at nararamdam niya ang pagkawasak ng hangin at kidlat na siyang tumutulak sa kanya.

"Ang mga Water Bloodline ay nagmumula sa karagatan. Maaari itong maging malambot o matigas, at kaya nitong lamunin ang kalangitan at kalupaan."

Ang impormasyon mula sa Ice Imperial Spear ay sumilay sa isip ni Zhao Feng. May kinalaman ito sa yelo, pero may kasama rin itong tubig sapagkat parehas lang naman ang pinagmulan ng dalawa.

Ang tubig ay mas makapangyarihan at mahirap maunawaan. Ang yelo ay gawa mula sa tubig, at para maunawaan ito, kailangan munang intindihin ang hiwaga ng tubig.

Kasalukuyang inuunawa ito ni Zhao Feng at gumagamit siya ng kanyang mga Water Bloodline battle-tactics.

Sa ere, parehong nakatuon sila Zhao Feng at Sub-Division Leader Batie sa isa't isa.

Hindi na kaya pang tumulak ng malaking palakol. Ang mga kamay ni Zhao Feng ay tila isang karagatan na kayang higupin ang lahat.

Kahit napakalakas ni Sub-Division Leader Batie, ang kanyang lakas ay unti-unting humihina dahil sa Water Bloodline ni Zhao Feng.

"Kayong dalawa, bilisan niyo at pumunta rito!"

Pinadaloy ni Sub-Division Leader Batie ang kanyang Qi ng True Spirit at saka umungol.

Kumintab ang mga mata ni Protector Blood Corpse at ni Palace Lord You Long.

Sa pagkakataong iyon, sina Zhao Feng at Sub-Division Leader Batie ay pantay na. Isa itong mabuting pagkakataon.

"Mamatay ka na!!"

"Patayin!"

Sina Protector Blood Corpse at Palace Lord You Long ay lumipad patungo sa kaliwa at kanan ni Zhao Feng.

Ang pakikialam ng dalawang True Lord Ranks ay sapat na para baguhin ang direksyon ng alon.

"Hahaha….. Aroganteng sutil, maghanda ka na para mamatay sa aking palakol!"

Tumawa nang mayabang si Sub-Division Leader Batie. Ang kanyang mga nakakatakot na kalamnan ay nagbuga ng nakasisindak na kapangyarihan. Sa harap nito, tila ba napakaliit ni Zhao Feng.

Kung hindi sa kadahilanang naunawaan niya na ang ilang battle skills mula sa kanyang Water Bloodline, hindi niya sana malalabanan ang pwersang ito.

Sa pagkakataong ito, ang dalawang True Lord Ranks ay naabot na si Zhao Feng.

"From Water to Ice!"

Nilipad ng hangin ang asul na buhok ni Zhao Feng habang nakaramdam sila ng pangangatog.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging kakulay ng yelo at ang kanyang bloodline power ay nakakapangatog na ang lamig.

"Ang lamig?"

Nakaramdam si Sub-Division Leader Batie ng kakaibang lamig.

Ang kanyang palakol ay nagsimulang manigas habang may lamig na gumagapang sa kanyang kalooban.

"Ice Sealed Death Zone!"

Bumulalas si Zhao Feng habang nabuo ang isang malaking anyo na may suot na korona at may hawak na itim na ispada't nakaupo sa trono.

Hu~~

Isang nakasisindak na lamig ang umihip at siyang lumamon sa lahat sa loob ng ilang dosenang yarda.

Si Palace Lord You Long, na nasa harap, ay nagsimulang mamanhid at manigas.

Kahit ano pa ang gawin niya, hindi niya malalabanan ang nakasisindak na bloodline power ng Water to Ice.

Habang nasa gitna si Zhao Feng, lahat ng nasa loob ng 50 yarda ay nilamon ng malamig na asul na hangin habang nagkalat ang mga kidlat sa kung saan-saan. Sapat na ito para pigilan ang isang normal na True Lord Rank.

"Hindi ito maganda!"

Parehong nayanig ang mga puso nila Protector Blood Corpse at Palace Lord You Long. Ang kanilang mga katawan ay nanlamig at nagsimulang mamanhid.

Ang cultivation ni Protector Blood Corpse ay mas mababa at hindi niya na kaya pang magtagal ng isang hininga o dalawa at nanigas na siya nang tuluyan.

Isa na talaga siyang bangkay at hindi niya na kayang labanan pa ang panunuot ng lamig.

Dagdag pa rito, kahit pa si Sub-Division Leader Batie na nakapulupot pa kay Zhao Feng ay nanlamig na rin. Ang kanyang mukha ay napintahan ng takot at gulat.

Mabagal ang paglipad ng oras.

Isang hininga…. Dalawang hininga…. Tatlong hininga.

Lahat ng nasa loob ng ilang dosenang yarda mula kay Zhao Feng ay nabalutan ng yelo.

Kasama na rin si Zhao Feng, pero ang malamig na liwanag na bumabalot sa kanya ay nagiging tubig sa pagitan ng oras.

"Ang Ice Sealed Death Zone na ito ay ginawa hindi lamang mula sa impormasyon ng Ice Imperial Spear, kundi parin na rin sa tulong ng sikretong bloodline technique ni Goddess Bing Wei."

Si Zhao Feng ay tila isang magarang estatwa ng yelo habang kinukulong ang tatlong eksperto gamit ang lamig.

Noong sa Sacred True Dragon Gathering, "niyakap" ni Goddess Bing Wei si Zhao Feng gamit ang atakeng ito, at halos magtagumpay na siyang ikulong si Zhao Feng.

Ang eksenang ito ay muling nagpakita, pero nagtagumpay na ito sa ngayong pagkakataon.

Ang pangunahing kalaban ni Zhao Feng ay ang Sub-Division Leader ng Scarlet Moon Demoning Religion.

Hawak-hawak pa nito ang kanyang palakol habang ang napakabilis at makapangyarihang skill ni Zhao Feng ay naging mabisa mula sa isang malapit na distansya.

Sina Sub-Division Leader, Protector Blood Corpse, at Palace Lord You Long ay lahat nahulog sa isang patibong.