Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 461 - Katakot-takot na Tauhan

Chapter 461 - Katakot-takot na Tauhan

Sa bundok, matapos ang pag-uusap, agad na nakapag desisyon ang upper echelons ng Broken Moon Clan.

"Zhao Feng, dahil mayroon kang lakas na loob at tapang na aminin ang iyong pagkakamali, ang iyong parusa ay mababawasan. Dalhin siya sa Central Hall."

Tumawa nang matagal si Clan Master Haiyun ay kinaway ang kanyang kamay habang ang kanyang mata ay malamig na nakatingin.

Sa sandaling matapos ang kanyang sasabihin.

Sou Sou Sou!

Ilang mga eksperto sa Clan, na nasa 6th hanggang 7th Sky ng Ascended Realm sa half-step True Spirit Realm ay lumipad patungo kay Zhao Feng.

Ngumiti si Zhao Feng pero hindi siya nagsalita, tumingin lamang siya sa himpapawid.

Plop Plop Plop!

Ang mga mata ng disipulong sinubukang hulihin si Zhao Feng ay nawalan ng kinang noong nahulog sila sa himpapawid.

Isang malamig at evil mental energy aura ang bumalot sa hangin.

"Sino 'yan?"

Ang upper echelons ng Broken Moon Clan ay gulat na tumingin sa himpapawid.

Sa mga ulap, isang kabataan na naka itim na damit ang nakatayo sa ibabaw ng flying beast.

"Ito ang resulta para sa mga taong hindi nirerespeto ang aking Master."

Ang malamig na mata ng kabataan ay misteryoso, tila lumitaw sa mata nito ang scarlet at kadiliman.

"Katakot-takot na eye bloodline."

Ang mga Elders ng Broken Moon Clan ay sininok sa lamig.

Hindi lamang ang eye bloodline ng kabataan ng makapangyarihan, ang kanyang aura ay umabot din sa True Mystic Rank.

Maliban sa dalawang tutulong na ipinakiusap ng Broken Moon Clan, ang mga natirang Elders ay nasa True Mystic Rank.

"Ang flying beast ba na yan ang sumusuri sa atin?"

Naguluhan ang grupo ni Yang Gan. Noon, ang eksaktong flying beast na iyon ang nagdala sa mga eksperto sa Broken Moon Clan.

Sa isang kisap-mata, ang flying beast na iyon ay kontrolado na ng kabataang iyon.

"Hmm? Hindi ba't pamilyar ang kabataang iyon?"

Ilang mga henyo ang tumingin sa kabataan.

"Siya iyon…."

Tumalon ang puso ni Bei Moi.

"Lin Tong!"

Huminga nang malamig si Yang Gan. Sa Thirteen Clans Alliance Banquet noon, ang pangalang "Lin Ting" ay isang bangungot.

Maliban kay Zhao Feng, Cang Yuyue at ibang mga henyo, wala nang ibang may kayang tumingin sa kanya.

Noon, natalo sina Yan Gan at Bei Moi sa isang atake lamang.

Maging ilang taon matapos iyon, nag-iwan pa rin ng takot si Lin Tong sa kanila.

Ngayon ay higit na nalamangan ni Lin Tong sina Yang Gan at Bei Moi.

Ngayon, si Lin Tong ay lubhang mahusay at mayroong makapangyarihang eye bloodline. Masasabing isa siya sa mga pinaka mahusay na henyo sa Thirteen Clans.

Sa sandaling ito, nag-usap-usap ang lahat dahil sa pagpapakita ni Lin Tong.

"Si Lin Yong ay mhla sa Iron Dragon Alliance. Siya rin ay core member ng Scarlet Moon Demonic Religion, bakit siya…?

Hindi maintindihan ni Bei Moi. Siya at si Lin Tong ay mula sa Iron Dragon Alliance, ngunit mas mataas ang posisyon sa kanya ni Lin Yong. Natanggap siya sa Scarlet Moon Demonic Religion. Pumasok din siya sa Scarlet Moon Inheritance.

Ang ikinagulat ng lahat ay ang taong kasing lakas ni Lin Tong ay tinawag na Master si Zhao Feng.

"Lin Tong, huwag kang bastos. Pumunta ako dito upang humingi ng tawad kay Clan Master Haiyun."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng habang dahan-dahan siyang naglakad sa Central Hall.

Sa kanyang paglalakad, walang naglakas-loob na atakihin siya.

Kumislap ang mata ni Clan Master Haiyun habang pinamumunuan niya ang upper echelons ng Broken Moon Clan sa Central Hall.

Naglakad si Zhao Feng nang dahan-dahan at nakakita siya ng mga pamilyar na mukha sa daan.

Sa kalagitnaan ng bundok.

"Zhao Feng, ikaw bata ka, bakit ka pa bumalik?"

Dalawang elders na may puting balbas ang nakatingin sa kanya nang nalilito at bukas ang mat.

"Old Guan, Olz Zhang."

Mainit na ngumiti si Zhao Feng. Sumirit ang kasiyahan sa kanyang puso habang inaalala niya ang mga araw na nag-aaway ang dalawa kung sino sa kanila ang magiging disipulo siya.

Natutunan ni Zhao Feng ang pundasyon ng pills at array sa dalawang ito, ngunit sa huli, hindi pinili ni Zhao Feng ang Dao of Pills o World of Arrays.

"Zhao Feng bakit ka bumalik?"

Tumingin ang dalawa kay Zhao Feng.

Mayroong mataas na paniniwala ang dalawa kay Zhao Feng, ngunit hindi nila maintindihan ang kasalukuyang mga ginagawa ni Zhao Feng.

Paano sila magiging maligaya na makita na bumabagsak ang isang prodigy na katulad ni Zhao Feng.

"Kumalma kayo. Paano ko kayo bibiguin?"

Ngumiti si Zhao Feng at tumalikod matapos sabihin ito.

Sina Old Zhang at Old Guan ay gulat na nagtinginan.

Hindi mahirap sa kanila na makitang umabot na si Zhao Feng sa True Spirit Realm. Sa malapitan, masasabi nila na walang kapantay ang aura niya, mas malakas sa kahit sinong Elder sa Broken Moon Clan.

Taimtim na pinanood ng dalawa ang paglakad ni Zhao Feng palayo.

Sa harap ng Central Hall, si Clan Master Haiyun, ang Regulations Elder at mga natitirang upper echelons ay naghihintay.

Sa taas ng Central Hall, nagliwanag ang aura ng kidlat sa Floating Crest Palace.

"Floating Crest Palace, matagal din tayong hindi nagkita."

Ngumiti at tumango si Zhao Feng sa isang hindi kapanipaniwalang pangyayari.

Tila kinikilala ng Floating Crest Palace ang bati ni Zhao Feng at nagsimulang tumunog na tila binabati ang isang dating kaibigan.

Ang ekspresyon ng mga upper echelons sa hatao ng Central Hall ay pangit.

Anh Floating Crest Palace ang core inheritance ng Broken Moon Clan. Anong ibig sabihin ng ginawa nito?

"Hahaha… Para pumasok sa lugar na ito… Napaka yabng na bata!"

Isang malakas na tunog nang pagsabog ang nagmula sa kalangitan.

Sou~~~

Isang malaking pigura ang humakbang na naging dahilan upang magyanig ang hangin. Ang aura ng "Scarlet-Purple male" ay makapal na nagbibigay nang katakot-takot na enerhiya na naging dahilan upang maalog ang mga True Spirit Realm Elders.

"True Mystic Rank!"

"Mukhang isang peak True Mystic Rank!"

Huminga nang malalim ang Regulations Elder, Granny Liuyue at iba pang mga Elders.

"Seventh Core Elder!"

Puno nnag saya ang mukha ni Clan Master Haiyun habng binabati niya ang bagong dating.

Ang bagong dating ay isa sa dalawang pampalakas na tinawag ni Clan Master Haiyun.

Isang araw ang nakaraan, narinig ni Clan Master Haiyun ang pagbabalik ni Zhao Feng at siya ay nabalisa. Matapos ang lahat, ang mga milagro ni Zhao Feng ay sikat sa Thirteen Countries. Sinong nakakaalam kung anong landas ang iniwan ni First Elder kay Zhao Feng. Maaring makapag dala siya nang malalakas na tauhan mula sa malalakas na bansa o mahuhusay na mga bansa.

Kung gayon, humingi nang tulong si Clan Master Haiyun sa Iron Dragon Alliance.

Sa sandaling ito, napatay na ni Zhao Feng ang dalawang Core Elders mula sa Iron Dragin Alliance, kaya pinadala nila ang high-ranking Seventh Core Elder.

Kahit sinong Core Elders ay ang mga nilalang na tinitingala ni Clan Master Haiyun.

Isa pa, ang Core Elder na ito ay nasa ikapitong antas. Higit pa roon, umupa si Clan Master Haiyun nang makapangyarihang alyansa.

"Hehehe, Clan Master Haiyun, hindi mo na kailangan pang mag-alala~~~"

Isang tawa ang narinig mula sa malayo.

Ang bagong dating ay isang hindi katandaang lalaki na nakadamit pang iskolar. Mga pilak ang makikita sa kanyang paa at mayroon siyang espada sa likod.

"Siya si Xiang Yunzi?"

"Naupahan din siya ni Clan Master Haiyun? Si Xiang Yunzi ay hindi kabilang sa kahit anong pwersa. Isa siyang cultivators na nag-iikot sa Thirteen Countries."

Maraming mga Elders mula sa Broken Moon Clan ay nakilala ang pagkatao nito.

Sa mundo ng cultivation, karamihan sa mga eksperto ay mula sa Clan o pamilya, ngunit may mga eksepsyon. Ang ibang mga freelancers ay may pagkakataon din na maging top-tier expert, kahit na masyadong mababa ang tsansa.

Kagaya na lamang ng ganoong klaseng tao si "Xiang Yunzi" at mayroon siyang magandang koneksyon sa Thirteen Countries.

Sa ilalim ng mga normal na pangyayari, payapa at hindi sumasali si Xiang Yunzi sa mga salpukan ng Clans.

Gayunpaman, nagawa siyang upahan ni Clan Master Haiyun, ibig-sabihin ay malaki ang binayad sa kanya.

Sa harap ng Central Hall, ang pagpapakita ng Seventh Core Elder ay naging dahilan upang maging tensyonado ang atmospera.

Gayunpaman, kumpara sa Seventh Core Elder na puno ng poot, mas payapa ang itsura ni Xiang Yunzi.

Mayroong ngiti sa labi si Xiang Yunzi noong nagsalita, "Pamangking Zhao Feng, kilala ako ng Master mong si Si Tumo. Dahil tapat kang bumalik ka sa Broken Moon Clan, inaasahan ko na maayos natin to nang hindi gumagamit ng rahas."

Dire-diretsong maglakad si Zhao Feng na tila walang narinig.

Mayroon lamang siyang isang target, si Clan Master Haiyun.

"Bata, kahit wala kang plano na tanggapin ito, tatanggapin mo pa rin ito."

Isang scarlet-purple na ilaw ang nagliwanag sa Seventh Core Elder kasabay nang pag-init ng kanyang aura.

Nagulat ang mga upper echelons sa Broken Moon Clan.

Ang tatlumpu't anim na Core Elders sa Iron Dragon Alliance ay nasa True Mystic Rank lahat, at ang nangungunang sampu ay mayroong battle power at mas mababa lamang sa True Lord Rank.

Ang scarlet-purple na lalaki ay nasa ika pitong antas at may kakaibang Body Cultivator na nakaasa sa katawan nito upang matalo ang ibang True Mystic Rank.

Maging ang mga nasa True Lord Rank ay takot na makalaban siya.

Peng!

Inatake ng scarlet-purple na lalaki si Zhao Feng ng mga alon ng apoy.

"Soaring Sky Cloud Slashing Sword!"

Kumislap ang mata ni Xiang Yunzi kasabay nang paglabas ng kanyang espada. Isang makislap na arko ng ilaw ang sumanib sa kidlat, hangin at ulap na tumungo kay Zhao Feng.

Sa puntong ito, ang dalawang True Mystic Rank na eksperto ay kumilos na.

Gayunpaman, naramdaman nila ang pagkabalisa ng kanilang kaluluwa noong kumilos sina Xiang Yunzi at scarlet-purple na lalaki.

Sa himpapawid, sa tuktok ng flying beast.

"Scarlet Demon Moon Eye!"

Ang mata ni Lin Yong ay naging scarlet-black at dalawang buwan ang lumitaw.

Bam Bam!

Dalawang bloody moon, na puno ng kagustuhang pumatay ang tumama kay Xiang Yunzi at scarlet-purple na lalaki.

Wah Wah!

Parehong nagyanig ang Xiang Yunzi at scarlet-purple na lalaki at sumuka ng dugo.

Ang dalawa ay napatingala sa gulat, habang tinitignan ang lalaking naka itim na kanina ay hindi nila pinansin.

Ang isa sa may pinaka katakot-takot na bloodline sa Thirteen Countries ay pinakita ang kanyang kapangyarihan matapos ang dalawang taon.

"Katakot-takot na eye bloodline technique."

"Sa isang sulyap lamang, ang dalawang True Mystic Rank experts ay sugatan. Isang daang beses na mas malakas si Lin Tong kaysa noong una."

Usap-usapan ang nangyari sa lugar, lalo na sa mga taong kabilang sa Thirteen Clans Alliance.

Si Bei Moi na nakatayo sa likod ay hindi maka kalma, "Si Lin Tong ay nakapasok sa Scarlet Moon Inheritance. Maaring siya ay walang kapantay sa True Lord Rank."

Mahirap isipin kung paanong ang ganoong kalakas na henyo ay alipin at tauhan lamang ni Zhao Feng.