Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 462 - Pain (1)

Chapter 462 - Pain (1)

Ang Broken Moon Clan sa tapat ng Central Hall Division.

Ang mga disipulo sa sa burol ay hindi nakahinga sa gulat.

Sa sandaling ito, si Lin Tong, na nasa kalangitan ang pinaka pokus.

Sila Clan Master Haiyun, Regulations Elder atvibang mga upper echelons, maging ang dalawang True Mystic Rank na dagdag kawal ay puno ng takot.

Ang dalawang True Mystic Rank cultivators na ito ay sugatan sa isang sulyap lamang. Walang maka iisip kung gaano katakot-takot ang henyong ito.

Si Xiang Yunzi ay ang pakalat-kalat na cultivator na naglakbay sa Thirteen Countries, ang at mga taong katulad niya ay mabibilang lamang sa daliri ng isang kamay.

Ang Seventh Core Elder ay lubha ring malakas at kayang talunin ang ibang True Mystic Ranks gamit lamang ang kanyang katawan. Karumihan sa True Lord Rank ay hindi niya rin kapantay.

Ang dalawang ito ay hindi man lamang maharang ang isang sulyap mula kay Lin Tong.

"Lin Tong! Ang lakas ng loob mo na magtaksil sa Iron Dragon Alliance at sumama sa batang iyan!"

Sumigaw sa galut ang Seventh Core Elder habang pinupunasan ang dugo sa kanyang bibig.

Sila Lin Tong, Bei Moi at Seventh Core Elder ay kabilang sa Iron Dragon Alliance.

Siyempre, ang estado ni Lin Tong at Seventh Core Elder ay higit na mas mataas.

Sa pagharap sa mga katanungan ng Seventh Core Elder, nanahimik lamang si Lin Tong. Gayunpaman, noong lumingon siya sa lalaking may asul na buhok, kawalan ng pag-asa ang nakita sa kanyang mata.

Ang detalyeng ito ay hindi nakalagpas sa mga eksperto.

"Maging ang taong kasing katakot-takot ni Lin Ting ay handang maging tauhan ni Zhao Feng?"

Noon sa Thirteen Clans Alliance Banquet, sina Zhao Feng at Lin Tong ay parehong hangganan dahil pareho silang may eye bloodline.

Ang Ancient Shrine na kinabibilangan ni Lin Tong at maliit na parte ng Scarlet Moon Demonic Religion na napag-iwanan ng Thirteen Countries. Kaya ang Ancient Shrine ay nagtaksil sa Thirteen Clans noong naglabanan sa Dragon Concealing Lake.

Si Lin Tong ang core member ng Iron Dragon Alliance at naging kasapi rin ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Hindi mahirap isipin na si Lin Tong ang pinaka kinatatakutan na tao sa ngayon.

Isa pa, hindi nagpaliwanag si Lin Tong sa Seventh Core Elder.

"Hehe, gusto lamang niya na humingi ng tawad sa Clan Master Haiyun. Mas mabuting walang taga-labas na mangialam.

Bahagyang tumawa ang lalaking may asul na buhok. Nagulat ang puso ng Clan Master Haiyun.

Mahirap isipin kung gaano kalakas si Zhao Feng upang matakot ang isang taong kasing lakas ni Lin Tong.

Hindi nila namalayan na ginalang nila bigla ang kabataan sa harap.

Walang naglakas loob na mag padalos-dalos na umatake.

Ang Seventh Core Elder at si Xiang Yunzi ay parehong nag-iingat. Hindi nila mabasa ang bata.

Kung ang isang alipin lamang ni Zhao Feng ay kaya na silang talunin agad, hindi nila maisip kung gaano kalakas si Zhao Feng.

Ta! Ta!

Ang kapaligiran ay tahimik maliban sa kaswal na yabag ng lalaking may asul na buhok.

Sa wakas, sa isang sandali.

"Malapit na siya… ang batang iyan ay halos makapasok na sa array."

"Clan Master Haiyun! Ang Eight Dragon Slaughterer Demon Array ay handa na."

Bumilis ang tibok ng puso ng mca upper echelons sa Broken Moon Clan.

"Ang Eight Dragon Slaughterer Demon Array ay isang ancient array na nagkakahalaga nang malaking bilang ng pera at materyales upang mabuo. Isa pa, walong True Spirit Realms at animnapu't apat na elitista ng Sixth at Seventh Sky ang kailangan upang masimulan ang array na ito…"

Walong eksperto mula sa True Spirit Realm ang handa na sa harap ng Central Hall.

Isa si Bei Moi sa walong True Spirit Realms na ito.

"Kumpleto na ang array!"

"Haha, ang batang iyan ay pumasok sa loob ng array!"

"Kung lalapit pa siya sa sentrong array, hindi siya makalalabas ng walang galos kahit na siya ay isang True Lord Rank."

Natuwa ang mga dagdag na kawal at mga elitista sa Broken Moon Clan.

May kumpyansa sila sa nabuo nilang Eight Dragon Slaughterer Demon Array!

"Zhao Feng, huwag!"

Sa ilalim ng burol, sumigaw si Old Guan at Old Zhang. Sumali si Old Zhang sa pagbuo ng Eight Dragon Slaughterer Demon Array kaya alam niya ang lakas ng array na ito.

Sa kasamaang-palad, huli na ang kanilang banta.

Nakapasok na si Zhao Feng sa sentro ng Eight Dragon Slaughterer Demon Array.

Ito ang perpektong oras upang simulan ang array, at sabik ang lahat sa Broken Moon Clan.

"Hehe, Eight Dragon Slaughterer Demon Array? Naalala kong binanggit ito ni Old Zhang noong nag-aaral ako sa Clan Mission Division."

Bahagyang tumawa ang lalaking may asul na buhok habang nakatayo sa sentro ng array.

Ano!?

Tumalon ang puso ng lahat habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Zhao Feng.

Biglang nakaramdam ng pagkabalisa si Clan Master Haiyun.

Ang kabataan sa kanyang harapan ay halatang may kaalaman sa array. Hindi niya lamang alam ang tungkol sa Eight Dragon Slaughterer Demon Array, pumasok siya rito nang nakangiti.

Sa sandaling ito, nakaramdam ng lamig na dumaloy sa kanilang katawan ang mga eksperto at dagdag na kawal.

Halos gumuho sila dahil sa kabataang ito.

Puno ng pagsisisi si Xiang Yunzi.

Noong inimbitahan siya ni Clan Master Haiyun, alam niya ang plano na kakalabanin si Zhao Feng at alam niya kung gaano kalakas ng array na ito.

Gayunpaman, lumagpas sa reyalidad ang kanyang mga inaasahan.

Ang lahat ng ito ay dahil sa walang kapantay na lalaking may asul na buhok.

Noon, nagawang makatakas ni Zhao Feng sa lugar na ito at may titulong "nangungunang henyo sa Thirteen Countries."

Ngayon na nakabalik na siya, walang nakakaalam ng kanyang tunay na lakas.

"Huwag kayong magpapaloko sa batang ito, kaya natin siyang talunin kung magkakaisa tayo!"

Sumigaw ang Regulations Elder.

"Eight Dragon Slaughterer Demon Array, bukas!"

Walong eksperto mula sa True Spirit Realm ay nagpadaloy ng kanilang Qi of True Spirit habang ang animnapu't apat na elitista ng Ascended Realm ay nilagay din dito ang kanilang enerhiya.

Sa isang iglap.

Weng~

Walong liwanag, bawat isa ay kasing haba ng isang dosenang yarda, ang bumalot sa lugar kung nasaan si Zhao Feng na tila walong kadena.

"Eight Dragon Slaughterer Demon Array! Napaka lakas!"

"Bawat isa sa hugis dragon na kadena ay kasing lakas ng peak True Mystic Rank…"

Ang middle at upper echelons ng Broken Moon Clan ay nanginginig sa kasabikan.

Marami sa kanila ang hindi makakakita ng ganitong klaseng lakas ng array sa kanilang buong buhay.

Qiu! Qiu! Qiu!

Nanatili lamang si Zhao Feng na hindi gumagalaw habang binabalot siya ng walong hugis dragon na kadena.

Bam!

Dalawa sa mga kadena ay pumulupot pa sa binti ni Zhao Feng.

"Sa kasamaang-palad, matatakot lamang ako kung walong True Mystic Rank ang magkakaisa."

Bumuntong-hininga si Zhao Feng.

Ang kanyang katawan ay naglabas ng transparent barrier o kidlat at hangin na nag-alis sa dalawang hugis dragon na kadena.

Ding Ding Ding~~~

Kislap ang kumalat habang ang walong hugis dragon na kadena ay nilipad sa hangin.

"Ang Eight Dragon Slaughterer Demon Array ay kailangan ng 'Walong Dragon upang maging Isa,' ngunit hindi kayo nagkaka-isa at hindi nagsanay nang mabuti, kaya nagamit niyo lamang ang animnapu hanggang pitumpung porsyento sa kalakasan nito…"

Umiling si Zhao Feng.

Dahan-dahan siyang lumapit kay Clan Master Haiyun, na nasa sentro ng array.

"Bata, huwag ka masyadong mayabang~~~!"

Nagsimula nang manginig ang boses ni Clan Master Haiyun.

Walang nakaisip na magiging sobrang lakas ni Zhao Feng upang daanan lamang ang Eight Dragon Slaughterer Demon Array.

"Clan Master Haiyun, gusto ko lamang humingi ng tawad. Bakit ka ninenerbyos?"

Ngumiti si Zhao Fwng habang ang kanyang kamay ay nasa likod niya. Tila hindi niya talaga gusto kuhanin ang buhay ni Clan Mster Haiyun.

"Mukhang katakot-takot talaga ang bagong henerasyon…"

Isang antigong boses ang narinig mula sa sulok ng Central Hall Division.

May kakaibang mahika ang boses upang marinig ito ng lahat kahit na mahina at malalim ang tono nito.

"Ang boses na ito…"

Malaki ang pinagbago sa ekspresyon nina Lin Tong at Bei Moi, habang nagulat naman sina Clan Master Haiyun at Seventh Core Elder.

Sa sandaling ito ang hangin ay tila nagyelo maliban sa antigong boses.

Shua! Shua! Shua!

Tatlong black-hooded na tao sa gilid ng Central Hall Division ang naghagis ng kanilang roba at nagpakita ng kanilang orihinal na itsura.

Tatlong katakot-takot na aura ang tila kumalat sa Central Hall Division.

Dalawang lalaki at isang babae ay tila mga Kings of Hells ang nakatayo sa harap ng Central Hall.

Shua!

Isa sa kanila ay lalaki na nakasuot ng mystic robe na may hawak na metal fan. Ang kanyang balat at damit ay tila metal at naglalabas ito ng malamig na aura.

Sheww!

Isang guhit ng pilak at ginto ang lumitaw sa hangin!

Napatigil sa paglalakad si Zhao Feng.

Sa tabi nito, ang metal fan ng mystic-robed na lalaki ay isang talampakan na lamang ang layo kay Zhao Feng.

Ang tulis ng metal fan ay tila kayang hatiin si Zhao Feng sa isang atake.

"True Lord Tiexiao!"

Hindi mapigilang mapasigaw ng mga Elders ng Broken Moon Clans at ni Clan Master Hiyun noong makita nila ang lalaking ito.

True Lord Tiexiao!

Ang pangalan na ito ay tila bangungot sa Thirteen Clans.

"Pagbati sa tatlong Palace Lords!"

Ang Seventh Core Elder ay lubhang masaya.

"You Long, Tiexiao, Bi Ji. Tatlong Palace Lotds… paano… paano ito nangyari!!?"

Gulat ang pumuno sa mukha ni Bei Moi.

Bago siya umalis, ang upper echelons ng alyansa ay nagsabi sa kanya na tatlong eksperto ang susuporta sa Broken Moon Clan laban kay Zhao Feng.

Gayunpaman, ang tatlong ekspertong ito ay ang tatlong Palace Lord ng Iron Dragon Alliance?

"Pagbati, Palace Lord You Long, Tiexiao at Bi Ji."

Nagsimulang malamig na pagpawisan ang noo ni Lin Tong at naging balisa siya.

Shua! Shua!

Kasama si True Lord Tiexiai, ang ilang lalaki at babae ay bumuo ng tatsulok n nakapalibot kay Zhao Feng.

Ang taong may pinaka malakas na aura ay si Palace Lord You Long. Mayroon siyang itim na mahabang buhok at itim na sungay. Binabalot siya ng itim na armor na naglalabas ng luma at misteryosong aura.

Ang kanyang pagpapakita ay tila bangungot mula sa impyerno.

Sa kaliwa ay ang Palace Lord Bi Ji. May suot siyang eleganteng damit at mukha ng anghel ngunit katawan ng demonyo. Ang kanyang aura ay kaakit-akit at ng kanyang ngiti ay kayang kumuha ng kaluluwa.

"Bei Moi, magaling! Bumalik nga si Zhao Feng sa Broken Moon Clan. Clan Master Haiyun, kung hindi dahil sa inyong tulong, hindi kami madadaliang patayin ang batang ito."

Hinangin ang buhok ni Lord You Long habang nagsasalita.

Tila huminto ang oras at lugar, at wala sa Broken Moon Clan ang naglakas-loob na huminga.

Tatlo sa apat na pinakamahalagang tao sa Iron Dragon Alliance ay lumitaw sa maliit na Broken Moon Clan.

"Tatlong Palace Lords… mukhang pain lamang ako."

Bumuntong-hininga si Clan Master Haiyun kasabay ang mapait na pag ngiti.