Sa isang disyerto, isang madilim na kastilyo na napalilibutan ng puting buto na naging dilaw na buhangin.
Sa harap ng kastilyo, ang Blood Corpse Palace Lord ay nakipagkita sa dalawang tao na bumaba mula sa bloody blue bird.
Ang mukha ni True Lord Tiexiao ay puno nang pagkagukat habang tinitignan niya ang Blood Corpse Palace Lord. Hindi lamang malubha ang kanyang kalagayan, wala n rin ang isa niyang braso.
Sa kabilang sulok, ang ang walang emosyon na kabataang may suot na itim na roba ay hindi ring mapigilan na magulat, "Ang Blood Corpse Palace Lord ay kilala sa pagiging brutal at tuso sa Scatlet Moon Demonic Religion. Maging sa apat na Place Lord, mataas ang kanyang estado at kalakasan, paano siya nauwi sa ganitong estado?"
"Blood Corpse Palace Lord, sino ang may gwa sa iyo nito?"
Sa pagtatanong ng True Lord Tiexiao, sinalaysay ng Blood Corpse Palace Lord ang nangyari.
Siyempre, hindi niya sinaad ang mga detalye sa kanyang pagkatalo, dahil masyado siyang mapapahiya kung sasabihin niya pa ang nga detalyeng ito sa Palace Lord.
Kahit na nagbigay lamang ng buod ang Blood Corpse Palace Lord sa pangyayari, nahulaan pa rin ni True Lord Tiexiao kung gaano kagulo ang labanan.
"Ang dalawang elitista mula sa Palasyo ay pinatay?"
"Maging ang Blood Corpse Palace Lord ay malubhang sugatan at nahirapang tumakas, at lahat ng ito ay gawa ng bata?"
Nagulat ang True Lord Tiexiao at kabataang naka itim na roba. Kung elder ito, matatanggap nila iyon, ngunit gawa lamang ito ng kabataan.
Kailan pa nagkaroon ng halimaw na henyo ang Cloud area?
"Sino ang kabataang iyon?"
Mukhang naniniwala na ang True Lord Tiexiao kay Blood Corpse Palace Lord. Kararating lamang nuya mula sa Sacred True Dragon Gathering, anong klaseng henyo ang nakita niya noon?
"Ang hindi sikat na batang may pangalan na Zhao Feng."
Galit na saad ng Blood Corpse Palace Lord habang umiiling na tila ayaw niya nang banggitin ang pangalan nito.
"Zhao Feng!?"
"Ano…? Siya!?"
Ng ekspresyon ng True Lord Tiexiao at kabataang nakaitim na roba ay biglang nagbago.
Natigilan sila sa pangalan na "Zhao Feng."
Natigilan ang paglalakad ng Blood Corpse Palace Lord at sumulyap sa kanila na mayroong kakaibang ekspresyon, "Kilala niyo iyon?"
"Mukhang hindi alam ng Blood Corpse Palace Lord ang nangyari. Hindi siya hindi sikat na bata, siya ay isang prodigy na gumulat sa kontinente."
Taimtim na saad ni True Lord Tiexiao bago huminga nang malalim.
Matapos bumalik sa Sacred True Dragon Gathering, hindi lamang nila kilala si Zhao Feng, kilalang-kilala.
Anong nangyayari?
Nahihilo ang Blood Corpse Palace Lord at nagdilim ang kanyang ekspresyon.
Nagsimulang magkwento si Lord Tiexiao tungkol kay Zhao Feng at sa resulta ng Sacred True Dragon Gathering.
Sa proseso, ang mukha ng Blood Corpse Palace Lord ay makulay at puno ng gulat.
Siii!
Ang Blood Corpse Palace Lord ay himinga nang malamig.
Hindi niya naisip na ang kanyang nakalaban ay isang napakahusay na prodigy sa henerasyong ito.
Ang Sacred True Dragon Gathering ay ang rurok ng libo-libong henerasyon.
Sina Zhao Feng at Yu Tianhao ang kinoronarah na "Dalawang Pinaka Mahusay na Prodigy Kings" na tumalo sa libo-libong mga henyo mula sa iba't-ibang henerasyon at nagbago sa kasaysayan.
Marahil tanging ang Scarlet Moon Patriarch at Sword Saint Ye Wuxie ang tanging maikukumpara sa dalawang "Pinaka Mahusay na Prodigy Kings."
"Hindi ko naisip na tataas nang sobra ang kalakasan ng batang iyon matapos bumalik sa labas ng inheritance."
Napabuntong-hininga si Lord Tiexiao.
Gayunpaman, habang iniisip ang isa pang Pinaka Mahusay na Prodigy King na si Yu Tianhao, na umabot sa unang yugto ng True Lord Rank matapos bumalik sa kontinente, ay naging dahilan upang manginig ang mga normal na True Lord Rank.
Sa pagharao sa katakot-takot na pinaka mahusay na prodigy king, parehong nakaramdam nang takot sina True Lord Tiexiao at Blood Corpse Palace Lord.
"Mahirao patayin ang batang ito gamit lamang ang isa o dalawang True Lord Rank. Kailangan natin ng ilan pang True Lord Ranks at magandang plano upang magkaroon tayo ng tsansa."
Ang mukha ni Blood Corpse Palace Lord na puno ng galit ay napalitan nang pagka taimtim.
Nang malaman ang ipinakita ni Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering, gumaan ang pakiramdam ni Blood Corpse Palace Lord.
"Hanggang hindi natin napapatay ang henyo na may ganitong lebel, ang takot na dala nila sa hinaharap ay hindi masukat. Kailangan nating magplano maigi, at kung gusto natin ng 100% na tsansa, humingi ka ng tulong sa Division Level."
Mungkahi ng True Lord Tiexiao.
Division Leader?
Napuno nang respeto ang mukha ng Blood Corpse Palace Lord.
Siya ay Protector lamang ng Sub-Division ng Scarlet Moon Demonic Religion.
Ang Twelve Divisions ay kayang harapin ang Ten Great Clan bg kontinente kapag sila ay nasa peak.
Hindi nagduda sina True Lord Tiexiao at Blood Corpse Palace Lord sa bagay na iyon, kung hihingi sila nang tulong sa Division Leader, madali nilang mapapatay si Zhao Feng.
Gayunpaman, ang paghingi ng tulong sa Division Leader para patayin ang isang bata ay tila sobra naman at maaring magdulot nang hindi kasiyahan sa Division Leader.
"Ang Division Leader ay nagpapahinga at binabalik ang kanyang kalakasan sa loob nang dalawang taon at hindi kikilos hanggang kailangan talaga. Isa pa, may apat na Palace Lords ang Iron Dragon Alliance at ilang tinatagong pwersa ang Scarlet Moon Demonic Religion. Hanggang hindi tayo nakahaharap sa isang pwersa na maikukumpara sa Ten Great Clans, hindi natin kailangan na matakot."
Umiling ang Blood Corpse Palace Lord.
Kahit na malakas si Zhao Feng, ang takot na binibigay niya ay para lamang sa True Lord Rank.
"Totoo, ngunit kailangan natin na kumonekta agad kay Long at Bi Ji, ang dalawa pang Palace Lords."
Tumango si True Lord Tiexiao.
Sou Sou Sou!
Tatltong pigura ang agad na lumipad mula sa kastilyo.
Sa himpapawid, tumugil bigla si True Lord Tiexiao.
"Bei Moi, sa aking pagkakatanda, si Zhao Feng ay nagmula sa kapareha smong clan."
Walang emosyon ang True Lord Tiexiao.
Nang marinig ito, isang malamig na liwanag ng lumitaw sa mata ng Blood Corpse Palace Lord habang nakatingin ito sa kabataan.
Ang kabataan na mayroong itim na roba ay si Bei Moi ng Broken Moon Clan, na kararating lamang mula sa Sacred True Dragon Gathering.
Nang marinig ito, hindi mapigilan ni Bei Moi na mapait na ngumiti at tumango.
Ilang araw ang nakalipas, sa isang lugar sa tabi ng maliit na talampas sa pagitan ng dalawang malalakas na bansa.
"Gaano katagal akong natulog?"
Isang tamad na boses ang narinig.
Kasabay ng isang "whoosh," isang lalaking may asul na buhok ang gumapang mula sa buhangin at pinunasan ang ilang alikabok.
"Dalawampu't limang araw."
Saad ni Lin Tong matapos ang sandaling pag-iisip.
Simula noong mahuli siya ng munting magnanakaw na kuting, naging bilanggo na si Lin Tong.
Matapos makipaghiwalay kay Old Su, tumungo si Zhao Feng sa Thirteen Ocuntries, ngunit nakatulig matapos ang kalahating araw.
Sa sandaling ito, nag-antay si Lin Tong at hindi ng balak na gumawa ng kahit ano. Naranasan niya na ang kakayahan ng munting magnanakaw na kuting, na maaring tumapos sa kanya.
Ang takot ni Lon Tong sa munting magnanakaw na kuting ay natlo pa ang takot niya sa amo nito.
"Hindi na tayo maaring manatili pa rito."
Humikab si Zhao Feng kasabay nv paglabas ng kanyang Azure Swallow mula sa ancient metal ring.
Matpos gumising, naramdaman niya na nabawasan ang sakit. Hindi niya na halos maramdaman ito.
Tiyak n matatag na ang sitwasyon ng kanyang mata ngayon.
Gayunpaman, ang lawa sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata ay hindi pa rin umaabot sa sampung yarda alam ni Zhao Feng na nasa kalahating hakbang na ang kanyang God's Spiritual Eye sa panibagong pagbabago.
Ang pagpapalit-palit mula sa yelo at tubig ay maliit paggbabago lamang at hindi masyadong naapektuhan ang pundasyon.
Maliban pa dito, nakita ni Zhao Feng na mayroong mga senyales na aabot na siya sa True Lord Rank kahit na hindi siya pumasok sa isang seklusyon.
"Tataas ang aking kalakasan kung aabot ako sa True Lord Rank, ngunit kailangan kong bumalik agad sa Broken Moon Clan kung sakaling may masamang mangyari."
Tumungo si Zhao Feng sa kalangitan gamit ang swallow.
Sa Azure Swallow ay nandoon din si Lin Tong.
"Lin Tong!"
Isang alon ang naramdaman ni Zhao Feng sa kanyang kaliwang mata na naging dahilan upang subukin si Lin Tong. Naramdaman niya ang makapangyarihn na mental energy na pumasok sa kanyang kaluluwa.
"Hindi… huwag…"
Nahirapan sa takot si Lin Tong. Alam niya ang halaga ng kaluluwa dahil inaral niya rin ang mental energy.
Ang kaluluwa ang pundasyon ng tao, at sa sandaling naagnas ang kaluluwa dahil sa panlabas na pwersa, hindi maiisip kung gaano kalala ang resulta.
Gayunpaman, ang kapangyarihan ni Zhao Feng ay masyadong malakas, na pumigil kay Lin Tong upang maglaban.
"Dark Heart Seed!"
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naglabas ng patak ng tubig na kasing laki ng buto.
Qiu~~~
Ang misteryosong dark-blue na patak ng tubig ay pumasok sa kaluliwa ni Lin Tong.
"Ang Dark Heart Seed na ito ay kokontrol sa bawat galaw mo maging sa iisipin mo. Hindi ka makakatakas sa aking mental energy senses sa sampung libing milyang radius.
Bagmhagyang ngumiti si Zhao Feng.
Ang Drak Heart Seed ay mula sa Ball of Ice Soul at Drk Eye Incomplete Page.
Ang Ball of Ice Soul ay naglalaman nang kaalaman na nagbibigay kay Zhao Feng ng kakayahan upang maintindihan ang kaluluwa at esensya ng Dao of Ice Soul.
Kahit na bahagyang kumpleto pa lamang ang Dark Eye Incomplete Page at hindi ma cultivate ni Zhao Feng ang kanyang maalamat na Eye of Death, mayroon pa rin itong maraming makamatay na skills.
"Dark Heart Seed? Anong gusto mong gawin?"
Balisa at takot si Lin Tong, hindi niya na sinubukang lumaban.
Ang Dark Heart Seed ni Zhao Feng ay kaparehas lamang ng Ghost Mark sa kanyang misteryosonh kalansay, ngunit ang Dark Heart Seed mula sa God's Spiritual Eye ay mas makapangyarihan.
Maari ring pasabugin ni Zhao Feng ang Dark Heart Seed sa loob ni Lin Tong kung gusto niya, hanggang malapit ito sa kanya.
"Kailangan ko ng alipin sa pagbabalik ko sa Cloud area at nabbagay ka dahil mayroon kang eye bloodline. Bakit p sa tingin mo ay buhay ka pa?"
Malamig na tumawa si Zhao Feng.
Nanlamig ang puso ni Zhao Feng matapos ito marinig. Kumpara sa kahihiyan, mas marami siyang takot sa kamatayan at kung ano ang dala ng hinaharap.
Ang mga salita ni Zhao Feng ay nangangahulugan na naramdaman niyang maggamit si Lin Tong, kaya pa siya nabubuhay. Kung wala siyang magagawa, marahil ay namatay n rin ai Lin Tong gaya ng mga kasamahan niya sa Iron Dragon Alliance.
Siyempre, pinanatili ni Zhao Feng si Lin Tong hindi lamang dahil sa gusto niya ng alipin, gusto niya rin maintindihan kung paano nito gjnagamit ang kanyang eye bloodline.
Sa kabila ng lahat, hindi pa nakahahanao si Zhao Feng ng eye bloodline inheritnce na akma sa kanya.
Matapos ang ilang araw, ang Azure Swallow ay dinala na si Zhao Feng ay mga kasama nito sa Thirteen Countries.