Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 459 - Pagbabalik (1)

Chapter 459 - Pagbabalik (1)

Kinaumagahan sa Broken Moon Clan.

Ang ambon na bumalot sa Sky Moon Mountain ay nagbigay nang nakahihilong liwanag na nakita sa sinag ng araw.

Ang bundok ay puno ng berde at eleganteng mga gusali.

Ang mga gusali sa Sky Moon Mountain ay higit na mas malaki sa gusali nito dalawang taon na ang nakalilipas, at ang mga pigura ng mga disipulo ay nagmamadali sa paligid.

Hindi mahirap makita na matapos maging bagong Clan Mater ni Master Haiyun, ay tumataas ang kalakasan ng Broken Moon Clan araw-araw at higit na nagbago sa estado nito dalawang taon na ang nakalilipas.

Sa gitna ng hangin, ang azure Floating Crest Palace ay nangibabaw sa kalangitan habang ang kidlat nito ay tila isang uri ng alamat.

Sa buong Broken Moon Clan, tanging aura lamang ng Floating Crest Palace ang malabo , na tila kinalimutan na ito.

Sa harap ng bundok.

"Sino ang naglakas-loob na pumunta dito?"

Malamig na tumingin ang dalawang disipulo na nagbabantay sa burol sa batang palapit sa kanila.

Ang batang lalaking ito ay dalawampung taong gulang at bahagyang gwapo, ngunit siya ay madumi at mukhang pagod na at puno ng kalungkutan.

"Hmph! Hindi mo man lamang ako makilala?"

Nagreklamo ang bata at naglabas nang makapangyarihang aura na naging dahilan upang umihip ang hangin.

Sumigaw ang dalawang disipulo dahil sa aura na iyon.

Ang lalaki sa kanilang harap ay nasa half-step True Spirit Realm at malapit nasa True Spirit Realm.

"Brother… Brother Yang Gan!"

Ang ekspresyon ng disipulo mula sa Third Sky ay nagbago.

Brother Yang Gan!?

Tumalon sa takot ang mga disipulo.

"Sa ilalim ng pamumuno ni Clan Master Haiyun, ay mabilis na lumawak ang Broken Moon Clan. Isang taon pa lamang simula noong umalis ako ngunit marami na akong nakikitang bagong mukha.

Nang-asar si Yang Gan bago pumasok sa loob.

Ang dalawang disipulo na nagbabantay sa bundok ay nagtinginan sa isa't-isa na mayroong gulat sa kanilang mukha.

"Bumalik na si Brother Yang Gan?"

"Kalahating buwan ang nakalilipas, kinulong si first Elder nila Clan Master Haiyun at Regulations Elder."

"Shh… hindi ito ang bagay na maaring pag-usapan ng mga disipulong kagaya natin."

Nanood ang dalawang disipulo habang pumapasok sa loob si Yanng Gan.

Sa kanyang daan, binati ni Yang Gan ang ilang mga pamilyar na disipulo at elders, ngunit naramdaman niya na may mali at tila tinitignan siya ng lahat.

Kalahating oras ang nakalilipas, sa loob ng lumang gusali.

"Ano!?? Isang taon pa lamang akong nawawala at naparusahan na si master sa kanyang kasalanan sa loob ng dalawang taon? Sino ang may kakayahan na parusahan si first Elder ng Broken Moon Clan?"

Sumigaw sa galit si Yang Gan.

Sa pagharap sa kanya, ang matandang may silver na buhok na si Granny Liuyue ay mapait na ngumiti, "Sa kasalukuyang Broken Moon Clan, si Clan Master Haiyun ang pinakamalakas. Siya ay lubhang malakas at mayroong tiwala mula sa Iron Dragon Alliance. Noon, ang Clan Master Haiyun ay nakipagkasundo sa Regulations Elder at dalawang ibang Elders na ikulong ang First Elder.

Katawa-tawa!!

Maging si Yang gan na palaging kalmado ay hindi mapigilang mapatalon sa galit, "Bakit~~~~!"

"Dalawang taon ang nakalilipas, tumungo si Zhao Feng sa Thirteen countries, ngunit sa kabutihang-palad ay handa si First Elder. Nilipat niya ang mga magulang si Zhao Feng, maging ang mga kamag-anak ng dating Clan Master sa ligtas na lugar. Palaging isinasapuso ito ni Clan Master Haiyun at mayroon ding tsismis na babalik si Zhao Feng sa Cloud area."

Bumuntong-hininga si Granny Liu.

"Si Brother Zhao Feng? Sinasabi mo ba na babalik na siya sa Cloud area?"

Sumigaw sa kasabikan si Yang gan.

Matapos ang Sacred True Dragon Gathering, amg kasabikan ni Yang Gan ay nauwi sa kalungkutan at pagkabigo.

Ito ay dahil matapos ang Sacred True Dragon Gathering. Hindi niya nakita si Zhao Feng na bumalik sa labas na inheritance. Ngunit ngayon ay mayroon ng balita na babalik si Zha feng sa Cloud area?

"Ito ang pinakabagong balita, na naging dahilan upang magalit si Clan Master Haiyun. Nagbigay muli siya ng utos na patayin si Zha Feng sa Thirteen Countries.

Ang boses ni Granny Liuyue ay puno nang pag-aalala.

"Mabuti naman… Sana ay makabalik nang ligtas si Brother Zhao Feeng."

Puno ng kasabikan at pagkagulat ang mukha ni Yang Gan, na nagpagulo kay Granny Liuyue.

Bigla niyang napagtanto ang dahilan kung bakit pumunta si Yang Gan sa Sacred True Dragon Gathering,

"Nakita mo ba si Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering?"

Mukhang naintindihan na ni Garanny Liuyue at nagtanong.

Sasagot na sana si Yang Gan, ngunit ilang hindi kanais-nais na tunog mula sa labas ang kanilang narinig.

"Yang Gan, lumabas ka siyan at maghanda ka na sa parusa ng Clan!"

Isang malamig at nag-uutos na boses ang narinig niya mula sa labas.

Sa labas ng gusali ng Elder, ilang mga pamilyar na core disciples ang tumayo sa pasukan ng gusali.

"Yuan Zhi? Quan Chen? Anong ginagawa mo?"

Naglakad si Yang gan at sinuri ang mga disipulo.

May ilang mga pamilyar na mukha, kabilang si Yuan Zhi, Quan Chen, at Lu Hu na disipulo ng oposisyon.

"Yang Gan, hindi mo sinunod ang batas sa Clan, umalis ka sa Clan sa sarili mong kagustuhan sa isang taon. Dahil ako ang Head Disciple, mayroon akong karapatan na parusahan ka."

Malamig na tumayo si Yuan Zhi habang ang kamay niya ay nasa kanyang likod.

"Umalis sa sarili kong kagustuhan? Sinunod ko ang utos ng First Elder at umalis sa isang taon. Anong kapangyarihan mayroon ka para parusahan ako?"

Sumigaw si Yang Gan mula sa harap ng pintuan.

Sa usapin ng cultivation at lakas, talo ni Yang Gan ang mga taong ito. Ang kanilang progreso ay hindi na masama, ngunit ang Head Disciple Yuan Zhi ay nasa Seveth Sky habang si Quan Chen ay nasa Sixty Sky. Mayroon pa ring pagitan sa kanila ni Yang Gan.

Sa kabila ng lahat si Yang Gan ay kararating lamang mula sa Sacred True Dragon Country at tumaas ang kanyang kalakasan.

"Martial Nephew Young, maging ang iyong master ay nakulong na sa Regulation Division. Bata ka lamang."

Ang matandang boses ay narinig mula sa malayo.

Sou!

Ang elder na may dalang mga tauhan ang bumaba mula sa himpapawid.

"Regulations Elder!" Ang mga disipulo ay humiyaw kasabay ng kanilang pagyuko.

Ang bagong dating ay ang Regulations Elder na sinubukang parusahan si Zhao Feng matapos ang Floating Crest Trials simula noong pinaalis niya si Lu Hu.

Sa sandaling ito, si Lu Hu at ibang mga core disciples ay malamig na tumingin kay Yang Gan.

"Regulations Elder…"

Nakaramdam nang malakas na aura si Yang Gan. Ang Regulation elder na ito ay umabot na sa late-stage True Human Rank. Hindi siya isang half-step True Spirit Realm kagaya ni Yang Gan na maaring maikumpara sa kanya.

"Regulation Elder, ang pag-alis ni Yang Gan sa Clan ay hindi niya kasalanan dahil ito ay utos ng First Elder. Sana ay huwag mo siyang masyadong pahirapan."

Mapait na ngumiti si Granny Liuyue at mapait na ngumiti;

Ang Regulation Elder ay dumating para patayin ang isang dispulo na umalis lamang sa Clan.

"Dahil ito ang iyong unang pagkakamali at hindi mo ito ginawa dahil sa iyong sariling kagustuhan, hindi na kita pahihirapan. Simula sa araw na ito., pamumunuan mo ang isang grupo sa mayroong apatnapu't siyam na misyon at wala kang makukuhang gantimpla."

Mayroong kalmadong ekspresyon ang Regulations Elder.

Gustong sumabog ni Yang Gan, ngunit pinigilan siya ni Granny Liuyue, "Kumalma ka. Wala kang pagkakamali, kaya hindi ka maaaring pahirapan ng Regulations Elder, Ngunit kung papatulan mo siya ay maaring mawalan ka ng balat."

"Yang gan, tinatanggap mo ba ang parusang ito?"

Ang malamig at makapangyarihang boses ay kanilang narinig.

"Pumapayag ang disipulong ito?"

Pnigil ni Yang agn ang kanyang galitat kagustuhang pumatay at tinanggap ang apatnapu't siyam na misyon.

Makalipas ang tatlong araw, namuno si yang agn sa isang grupo at naglakad palabas sa Central Division.

"Sister Ran, Brother Lin, Brother Yang… pasensya na at nadamay kayong lahat dito."

Lumingon si Yang Gan at mapait na ngumiti sa mga pamilyar na mukha,

Ang mga disipulo na gumagawa ng misyon ay may magandang relasyon kay Zhao Feng, kagaya ni Ran Xiaoyuan, Lin fan at Yang Qingshan.

Sa kanilang lahat, si Ran Xiaoyuan ang personal na disipulo ng dating Clan Master, kung hindi lamang dahil sa dahilan na nawalan ng proteksyon ang First Elder, hindi nila ipapadala ang grupo.

"Brother Yang, nag-aalala ako na hindi ka hahayaan basta-basta ni Clan Master Haiyun. Kailangan mong tumakas sa misyon."

Mungkahi ni Lin Fan.

Noon, si Lin Fan ay naging inner disciple kasabay ni Zhao Fng at prehas silang sumali sa Floating Crest Trials.

Ang kanyang cultivation ay umabot na ngayon sa Fourth o Fifth Sky sa Ascended Realm, na mayroong maraming tulong mula kay Zhao Feng.

"Hindi ako maaaring umalis, wala rin akong tsansa."

Tinaas ni Yang Gan ang kanyang ulo.

Sa himpapawid, mayroong maliit na itim na tuldok.

"Ang grupong kagaya nito ay karapat-dapat para sa half-step True Spirit Realms at ilang mga Seventh Sky Ascended Realm experts na nanonood sa atin?"

Pinangunahan na ni Yang Gan ang grupo at umalis.

Sa sandaling ito, ang tunog ng mga lumilipad ay lumitaw.

"True Spirit Realm experts, at marami sila…"

Ang mga miyembro ng Regulations Division ay nagulat. Sa kanilang mata, tanging ang mga True Spirit Realm lamang ang may kakayahan na makalipad nang malaya, at ilang mga True Spirit Realms ay sabay-sabay na lumipad sa isang bihirang sitwasyon.

"Hmm?"

Isa sa mga True Spirit Realms, na nakasuot ng itim na roba ay biglang huminto.

Sou!

Ang kabataang nakaitim na roba ay bumaba na mayroong makapangyarihang True Spirit Realm aura.

Napakabatang True Spirit Realm!

Ang mga kalapit na disipulo ng Broken Moon Clan ay pinigilan ang kanilang paghinga.

"Ikaw...ikaw 'yon!"

Sumigaw si Yang Gan at mga kasama nito.

Ang bagong dating ay walang emosyon na kabataan na sumuri sa grupo. Ang kanyang tingin ay dumako kay Yang Qingshan ng ilang sandali.

Noon, sila Bei Moi, Yang Qingshan at Zhao Feng ay nasa ilalim ni Lord Guanjun. Sa sandaling ito si Bei Moi ay umabot na sa True Spirit Realm at ang kanyang aura ay hindi masuadong iba sa Regulations Elder.

"Anong nangyayari?"

Ang isang wirdong liwanag ang lumitaw sa mata ni Bei Moi kasabay sa pagtingin niya sa mga tao sa kanyang harapan. Karamihan sa kanila ay nasa panig ng First Elder o mga disipulo na nagkaroon ng magandang koneksyon kay Zhao Feng.

Malamig na umangal si Yang Gan halatang wala siyang respeto kay Bei Moi.

Tanging si Ran Xiaoyuan lamang ang nagbuod ng pangyayari sa mababang boses.

"Oh."

Nanatiling hindi gumagalaw si Bei Moi habang tinitignan niya ang ilang mga pigura na pumasok sa Broken Moon Clan.

Sky Moon Mountain, sa isang napakalaking gusali ang nangibabaw sa lahat.

"Hehe, Bei Moi, hindi mo ako binigo. Bumalik ka sa Sacred True Dragon Gathering at nakuha mo ang tiwala ng Palacekrs at Dragon Alliance."

Ang gwapong mukha ni Clan Master Haiyun ay nagkaroon nang magandang ngiti kasabay ng pagtapik sa balikat ni Bei Moi.

"Master, narinig mo na ba ang pagbabalik ni Zhao Feng? Ayon sa Iron Dragon Alliance, nakapasok na si Zhao Feng sa Thirteen Countries at patungo na sa Broken Moon Clan na mayroong tapang. Hindi ito maganda para kay Master."

Walang emosyong saad ni Bei Moi.