Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 448 - Iron Cloud Death Net

Chapter 448 - Iron Cloud Death Net

Sa loob ng gusali.

Natapos na si Princess Jin sa pagbabalik tanaw sa kanyang mga ala-ala at muli nang kumislap ang kanyang mga mata.

Gayunpaman, hinihintay na siya ng mga nagtatakang tingin.

"Ninth sister, paano mo nakilala si Zhao Feng?"

Hindi na napigilan ni Third Highness.

Dalawang taon ang nakalipas, si Zhao Feng ang nangungunang henyo sa Thirteen Countries at ang pinakagustong lalaki.

Hindi dapat magkakilala ang dalawa, ngunit bakit sinabi ni Princess Jin, "Kilala ko siya ngunit hindi ko alam kung kilala niya ako?"

"Ang Zhao Feng na ito ay umabot na sa True Mystic Rank sa murang edad. Sinong makakaisip na ang batang ito ay mula sa Cloud area? Maari siyang makonsiderang henyo maging sa buong kontinente."

Hindi mapigilng saad ni Elder Jiang.

Kumislap ang mata ni Princess Jin, ngunit hindi siya sumagot agad.

Kung malalaman nila na isa si Zhao Feng sa napakahusay na prodigy sa Sacred True Dragon Gathering, gaano na lamang kalala ang magiging gulat nila?

Bawat cultivator alam na ang Cloud area ay isang mahinang bansa.

Sa nakaraan, ang mga kinatawan na kasali sa Sacred True Dragon Gathering ay puno ng kaluwalhatian.

Matapos ang malalim na pag-iisip nagdesisyon na si Princess Jin.

"Nakita ko si Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering. Nangibabaw ang kanyang lakas at isa siya sa mga pinaka malakas sa Sacred True Dragon Gathering."

Malumanay na saad ni Princess Jin at ngumiti.

Itinago niya na kabilang si Zhao Feng sa pinaka mahusay na prodigy, kahit na halatang malakas si Zhao Feng, bata pa rin siya. Kapag nalaman ng Iron Dragon Alliance na ang isang "pinaka mahusay na prodigy" ay kalaban nila, matataranta sila at gagawin ang lahat upang mapatay ito.

Tama ang nasa isip ni Princess Jin, ngunit hindi niya alam kung gaano na kalakas si Zhao Feng matapos pumasok sa inheritance.

Hindi siya sumali sa True Dragon One Hundred Strong, ang dahilan ay kailangan niyang bumalik agad sa Cloud Area.

"Ganoon pala iyon. Ang Zhao Feng na ito ay sumali rin sa Sacred True Dragon Gathering."

Gayunpaman, nagtataka pa rin sila kung bakit sobrang sabik si Princess Jin matapos makita si Zhao Feng.

Sa hula ni Elder Jiang ay nangibabaw nga ang lakas ni Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering. Sa kabila ng lahat ay mataas ang cultivation ni Zhao Feng.

Sigurado siya na may tinatago pa si Princess Jin, ngunit kung ayaw niyang sabihin ay hindi na nito itatanong pa.

Lima o anim na araw ang nakalipas sa isang kisap-mata, at inubos ni Zhao Feng ang karamihan sa kanyang oras sa pagtulog.

Nanatili si Princess Jin sa tabi ni Zhao Feng at paminsan-minsan ay nakikipaglaro sa munting magnanakaw na kuting.

Ilang beses na nagising si Zhao Feng sa oras na ito, at ang kanyang kaliwang mata ay malamig at kalmado.

Kumpara noong nasa Sacred True Dragon Gathering siya at ang kanyang mata ay malamig at nagyeyelo, ngayon ay kasing kalma na ito ng tubig.

Ang ganitong aura ay halos katulad ng pang-unawa sa tubig ni Princess Jin.

Ang kanyang asul na buhok ay kasing lawak ng karagatan, at ang kamalayan ng Princess Jin ay nawawala sa kailaliman nito sa bawat oras na tinitignan niya ito.

Ang maalamat na batang ito at ang kanyang eye bloodline ay bumuo ng mitolohiko na puno ng misteryo.

Gayunpaman ang dahilan kung bakit nalungkot si Princess Jin ay sandali lamang gigising si Zhao Feng bago muling matulog.

Bigo si Princess Jin, ngunit lahat ng ito ay dahil lamang sa kanyang mga inaasahan. Masyado siyang umaasa.

"Zhao Feng, lalabas na sa seklusyon ang aking Master sa ilang araw. Siya ang pinuno ng Dragon Killing Alliance. Inaasahan niya ang pagkikita niyo."

Ngumiti si Princess Jin at agad sinabi kay Zhao Feng ang balitang ito habang may pagkakataon pa siya.

Nang marinig ito, gumalaw ang mata ni Zhao Feng at tumango.

Kahit na madalas sa kanyang oras ay ginamit niya sa pagtulog, alam niya ang dahilan nitong pagbisita niya rito.

Si Old Su mula sa Dragon Killing Alliance ay isa sa mga dahilan kung bakit nanatili si Zhao Feng sa Sky Rich Strong Country.

Tinantya ni Zhao Feng na kailangan lamang niyang matulog ng dalawa o tatlong beses bago niya makita si Old Su.

Hindi nagtagal ay nakatulog na ulit siya.

Bumuntong-hininga si Princess Jin at naglakad paalis, habang sa isang gilid ay nakangiti ang munting magnanakaw na kuting.

Naiintindihan niya ito, sa proteksyon ng munting magnanakaw na kuting, ligtas si Zhao Feng at hindi na kailangan pang mag-alala.

Sa gitna ng gabi.

Ang nayon ay napuno ng kalamigan.

Hu Sou Sou---

Ang matinis na boses ng mga lumilipad ay lumitaw.

Hu~

Isang katakot-takot na aura sa langit at ghostly figure ang lumitaw, na mayroong kakaibang tawa na nagpanginig sa mga nakakita.

"May kalaban!"

Ang bantay sa gabi ay malamig na huminga nang maramdaman niyang nanigas ang kanyang enerhiya, ngunit nagawa niya pa ring sabihin ang dalawang salita na ito.

Ang katahimikan ng nayon ay nabasag nang naglalakasang sigawan.

Tumalon ang puso ni Princess Jin at noong iangat niya ang kanyang ulo, nakita niya na ang kalangitan ay balot ng isang malaking kulay abong lambat.

Ang malaking kulay abong lambat na ito ay kontrol ng tatlumpu't anim na mga kalansay at bumuo ito ng "iron net" sa kalangitan ng nayon.

"Put*, ito ang Iron Cloud Death Net ng Iron Dragon Alliance. Gawa ito ni True Lord Tiexiao at ginagamit ito pampatay ng maraming tao at pigilan ang mga eksperto sa isang ispesipikong lugar."

Namutla ang mukha ni Princess Jin.

Ang Iron Cloud Death Net ay isang kakaibang array na kadalasan ay mabilis at kahit wala itong masyadong gamit sa opensa, ito ay tila metal na kulungan na pumipigil sa mga biktima na makatakas.

Sa puntong ito, ang Iron Cloud Death Net ay nakapwesto na sa ibabaw ng nayon at ang makinang na kulay abong mga kawad ay mas naging malamig.

"Hahaha… Ang Iron Cloud Death Net ay nabuo na. Ang lahat ng nasa loob nito ay tila mga ibon sa hawla. Mga tao sa Sky Rich Seven Clans, lumabas kayo at sumuko na!"

Isang dark-red-robed na matabang kalbo ang sumandal sa bundok na mayroong sabik na ekspresyon.

"Core Elder, hindi ko alam na matatagpuan natin ang core stronghold ng Dragon Killing Alliance sa pagsunod sa lalaking may asul na buhok na iyon. Ito na ang ating tsansa sa Eighteenth Palace ."

"Para sa misyon na ito, halos lahat ng mula sa Eighteenth Palace ay nandito. Gamit ang Iron Cloud Death Net, maging ang halimaw na si Old Su mula sa Dragon Killing Alliance ay hindi makakatakas."

Lumitaw ang mga tao sa kabundukan. Sa kanilang lahat, tatlo o apat ay mula sa True Spirit Realm, at mayroong mahigit isang dosenang half-stek True Spirit Realm. Ang bilang na ito ay hindi pa kasama ang dalawang True Spirit Realms na may kontrol sa Iron Cloud Death Net.

Ang lahat ay tila kontrolado ng dark-red-robed na matabang kalbo.

Hindi nagtagal ay bumuo ang nayon ng pang depensang pormasyon matapos ang kanilang pagtataranta, ngunit karamihan sa kanilang ekspresyon ay puno ng kawalan ng pag-asa.

Ang Iron Dragon Alliance ay ginamit ang buong kalakasan ng Palace upang umatake, at bumuo rin sila ng katakot-takot na Iron Cloud Death Net.

"Sa sandaling mabuo ang Iron Cloud Death Net, ang kahit sinong nasa True Mystic Rank ay hindi makalilipad at sila ay magiging ibon sa hawla."

Sila Elder Jiang, Third Highness at mga kasamahan nito ay bumuo ng defensive array kasama ang ilang miyembro sa Dragon Killing Alliance.

"Huwag kayong mataranta. Kapag nagka-isa tayo ay mayroon pa rin tayong tsansa."

"Malapit ng matapos si Old Su sa kanyang seklusyon at tutulungan tayong makipag-laban."

Ang malumanay na boses ni Princess Jin ay narinig sa buong lugar.

Ang pinaka mahalagang gawin ngayon ay pakalmahin ang lahat. Doon lamang sila magkakaroon ng kalakasan upang lumaban.

Noong marinig nila ang pangalan ni "Old Su," pag-asa at kagustuhang makipaglaban ang lumitaw sa mata ng lahat.

"Ang Eighteenth Palace of Iron Dragon Alliance ay narito at ang ikalabing-walong Core Elder ay nakarating na. Kilala siya sa pagiging tuso at magaling siya sa pagpapatagal ng labanan."

Hindi mapigilan ng Princess Jin na mapuno ng kapaitan habang sinusuri niya ang mga kalaban.

Ang Iron Dragon Alliance ay mayroong tatlumpu't anim na Core Elders, lahat ay may katungkulan sa Palace.

Ang mga Core Elders ang nagpapatatag ng Iron Dragon Alliance. Lahat sila ay namumuno at karamihan sa kanila ay nasa True Mystic Rank. Maging ang ilang True Mystic Rank ay hindi kayang maging Core Elder.

"Mayroong dalawang True Mystic Rank o mas mataas pa sa nayon. Isa si Old Su, na ang lakas ay naging True Mystic Rank matapos masaktan, at ang isa ay natutulog…"

Sinuri ni Princess Jin ang sitwasyon.

Sa usapin ng top-tier powers, mayroong kalamangan ang Iron Dragon Alliance.

Isa pa, ang Iron Dragon Alliance ay mas maraming True Human Rank.

Ang mas nakakatakot ay ang Iron Dragon Alliance ay bumuo ng Iron Cloud Death Net, na maaring magkulong sa nayon. Habang tumatagal, mas maraming mga tauhan ang dumadating.

Ang ikalabing-walong Core Elder ay kailangan lamang pahabain ang labanan.

"Brothers, ikulong niyo ang mga tao sa nayon at huwag niyong hahayaan na may kahit isang makalabas. Kapag naisara natin ang nayon ay maari kang makipaglaro sa 'Prinsesa.'"

Ang mukha ng matabang kalbo ay pawisan at ang mataba ay tumango.

Sinuri niya si Princess Jin na mayroong lib*g sa kanyang mga mata, sa sandaling sinabi niya ito, ang lahat ng miyembro sa Iron Dragon Alliance ay pinagkuskos ang mga kamay at nilawayan ang kanilang mga labi.

Gayunpaman, ang ikalabing-walong Core Leader ay hindi nagmamadali at inayos ang hukbo ng maayos, nakapokus sa paligid ng nayon.

"Habang tumatagal ito, mas malaki ang tsansa ng ating pagkapanalo. Ang mga tao sa loob ay susubukang makawala. Ang kailangan lamang natin ay maghintay."

Ang matabang kalbo ay sumandal sa bundok at kahit mukha siyang malib*g, ang kailaliman ng kanyang mata ay kalmado.

Ang kanyang Spiritual Sense ay sinuri ang nayon. Ang lalaking may asul na buhok na tintawag na "Zhao Feng" ay nasa True Mystic Rank at ang matabang kalbo ay handa na para sa kanya.

"Patayin! Patayin!"

Sa nayon, sila Princess Jin, Elder Jiang at ang ibang True Spirit Realm elites ay gumawa ng malakas na atake na sumusubok na mag wasak sa Iron Cloud Death Net.

Ding Ding Ding----

Ang kulay abong mga kawad sa kalangitan ay kumislap ngunit hindi nasira.

Maging ang mga nasa True Mystic Rank ay kaya lamang gumawa ng maliit na butas, ngunit ang butas ay agad na mawawala dahil sa array.

Plop Plop Plop!

Sa unang mga atake, apat o limang Dragon Killing Alliance ang namatay, habang isang Iron Dragon Alliance lamang ang namatay.

Ang Iron Cloud Death Net ay isang matibay na depensa na nangangailangan ng matinding lakas upang mawasak.

Ang puso nila Princess Jin, Elder Jiang at ibang True Spirit Realm Experts ay bumagsak.

Related Books

Popular novel hashtag