Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 449 - Pagbabago sa Mata (1)

Chapter 449 - Pagbabago sa Mata (1)

Sa ibabaw ng nayon, ang dark-gray na mga kawad na tila malamig na sapot na bumalot sa isang milyang radius.

Ang lambat na ginawa ng labing-anim na cultivators ay ginawang mga ibon sa hawla ang mga tao, hindi makalipad kahit na may pakpak sila.

Ang mga miyembro ng Dragon King Alliance ay nawalan ng pag-asa.

"Ang Cloud Area ay pinamumunuan ng Iron Dragon Alliance at habang tumatagal ito, mas maliit ang tsansa na makatakas.

Nag-alab gaya ng apoy ang puso ni Princess Jin, ngunut nagpanggap sityang kalmado upang walang mataranta.

Ang Iron Dragon Country Alliance ay mayroong kalamangan at hindi nagmamadali sa pag atake, halatang gusto silang tapusin agad.

Ang Ikalabing-walong Core Elder - matabang kalbo - ay sumulyap. Ang kanyang mata ay paminsan-minsang kumititap nang malamig.

"Ang mga tao sa Dragon Killing Alliance ay kailangan na lumaban upang makatakas, ngunit ako, kailangan ko lamang mag-antay."

Sumandal ang kalbong mataba sa bundok at tusong ngumiti.

Siyempre, hindi niya nakalimutang paganahin ang kanyang Spiritual Sense sa nayon. Ang kanyang target ay ang lalaking may asul na buhok, "Zhao Feng."

Kung hindi lamang dahil nagpadala ng Rank One Killing Order ang upper Palace Lord sa Iron Dragon Alliance, hindi niya magagamit ang buong kalakasan ng Eighteenth Palace.

Sa katotohanan, ayon sa nakaraang karanasan, ang mga mayroong Rank One Killing Order ay ang bagay na hindi kayang asikasuhin lamang ng palasyo.

"Hmm?"

Naramdaman ng matabang kalbo ang nakakulong sa isang silid.

Sa loob ng silid ay ang lalaking may asul na buhok na tahimik na natutulog. Sa kanyang tabi ay ang naghihilik na munting magnanakaw na kuting.

Ang patayan sa labas ay walang epekto sa kanya.

Hindi mapigilan ng matabang kalbo na magpakita ng kakaibang tingin. Ang sobrang batang ito ang target ng Rank One Killing Order?

"Lahat kayo, dumepensa kayong maigi para sa susunod na atake mula sa Dragon Killing Alliance at humanda na ring umatake."

Ang Ikalabing-walong Core Elder ay binawi ang kanyang Spiritual Sense at mas lumaki ang kanyang ngiti, na tila sila na ang nagtagumpay.

Hindi siya gumawa nang padalus-dalos na atake, patuloy lamang na dumedepensa gamit ang Iron Cloud Death Net.

Ito ang pinaka madaling taktika, makuha ang pinaka magandang resulta gamit ang pinakamaliit na bagay.

"Patayin~~~"

Sinimulan ng Dragon Killing Alliance ang kanilang ikalawang atake, na mas mabagsik sa una, ngunit tinamaan sila nang pabalik na atake ng Iron Dragon Alliance at nabawasan ng ilang dosenang tao.

Weng~~

Ang dark-gray na kawad ay agad na bumalik sa dati na tila walang nangyari.

Sa loob ng nayon, ang mga True Human Ranks ay sila Princess Jin, Elder Jiang at ang gray-robed man.

Nangangahulugan na mayroon lamang tatlong panlaban ang Dragon Killing Alliance.

"Princess Jin, kapag hindi pa rin kumilos si Old Su, mamamatay tayo kahit na magmadali pa tayo. Hindi pa nga umaatake ang Ikalabing-walong Core Elder."

Ang True Human Rank gray-robed man ay pinunasan ang dugo sa kanyang labi at mapait na umiling.

Ang battle power ng True Mystic Rank ay sapat na upang baliktarin ang sitwasyon.

"Jin'er, palabasin mo na si Old Su sa seklusyon, kung hindi ay magiging masama ang resulta nito."

Hindi mapigilan ni Elder Jiang na sabihin ito.

Mapait na umiyak si Princess Jin sa kanyang puso. Ang kanyang Master ay nasa kritikal na sitwasyon at nagpapagaling, at kung magmamadali siyang umalis ay maaring magkaroon nang malaking pinsala ito sa kanyang pundasyon.

Habang nahihirapan si Princess Jin, isang ungol ang umalingawngaw sa nayon.

"Jin'er, huwag kang mataranta. Lalabas na ako ngayon!"

Ang boses ay tila nagmula sa kabilang panig ng karagatan.

Wu~

Isang bugso ng hangin ang humangin sa nayon na naging dahilan upang gumalaw ang Heaven Earth Qi.

Ang napakalakas na kapangyarihan ay naging dahilan upang magbago ang ekspresyon ng Ikalabing-walong Core Elder at tumalon ang tibok ng puso ng lahat.

"True Lord Rank!"

"Si Old Su mula sa Dragon Killing Alliance ay talagang nandito?"

Pagkataranta ang nakita sa mga eksperto mula sa True Spirit Realm ng Iron Dragon Alliance, ngunit ito ang takot na wala dapat sila tuwing makakatagpo ng normal na True Lord Rank.

Wuhu~

Isang white-bearded elder na pinalibutan ng pula at berdeng apoy ang lumutang sa kalangitan ng nayon.

Crack!

Inulos ng Elder ang kanyang palad na mayroong nakasisilaw na liwanag, na bumuo ng sampung yardang butas sa dark-gray na kawad.

"Old Su!"

"Nandito na si Old Su!"

Masayang sigawan ang narinig sa nayon.

Ang bagong dating na ito ay ang pinuno sa Dragon Killing Alliance. Siya ang isa sa True Lord Rank sa Coud Area na ang bilang ay mabibilang lamang sa isang kamay.

"Si Su Tianchen ang Grand Elder of Sky Wind Pavilion na bumuo ng panlaban sa Iron Dragon Strong Country sa loob ng ilang taon."

"Kung hindi dahil sa pundasyon niya na nasira at ang kanyang kalakasan ay bumaba sa True Mystic Rank, marahil ay tatakbo na tayo sa takot."

Nakaramdam ng swerte ang mga True Spirit Realm experts mula sa Iron Dragon Alliance.

"Hahaha, Su Tianchen, tignan natin kung gaano pa kalakas ang Elder na ito."

Tumawa ang matabang kalbo kasabay nang paglitaw ng bone sword sa kanyang kamay. Sa isang "weng," ang bone sword ay gumawa ng maitim na apoy na nagpasama at lamig pa lalo sa kanya.

"Wicked Sword Blaze!"

Ang Ikalabing-walong Core Elder ay binaluktot ang kanyang puting bone sword.

Qiu---

Isang bugso ng hangin na amyroing oula at berdeng apoy ang mabilis na tumungo kay "Old Su."

Ang atake ng matabang kalbo ay tuso at hindi lamang nakapokus kay Old Su, sinadyang kumalat sa mga miyembro ng Dragon Killing Alliance.

"Walang-hiyang bata!"

Malalim na umungol si Old Su kasabay nang paglitaw ng berdeng ipo-ipo sa kanyang paligid.

Ang berdeng ipo-ipo na ito ang humigop sa atake ng matabang kalbo at niligtas ang iba mula sa nayon.

Ang battle power ng dalawa ay malapit na sa peak True Mystic rank. Ang labi ng kanilang battle power ay tumatakot sa ibang nasa True Human Rank at isang delubyo lara sa mga nasa True Spirit Realm.

Upang maiwasan ang masamang resulta, kailangan na gumamit ni Old Su nang mas maraming enerhiya at magpadaloy ng Qi of True Spirit.

Boom boom bam---

Nagpalitan ng malalakas na atake ang Old Su at matabang kalbo sa hangin.

Sa sandaling ito, naiwasan ni Old Su ng lahat ng atake mula sa matabang kalbo ngunit kailangan niyang gumamit ng mas maraming enerhiya.

Boom---

Ang mainit na berdeng liwanag ay tumungo sa itaas at pwersahang tumama sa Iron Cloud Death Net.

"Wah!"

Ang Ikalabing-walong Core Elder ay umangal kasabay nang pag-atras niya ng ilang yarda at ang pagsuka niya ng dugo.

"Kahit na nasa True Mystic Rank na lamang siya, mayroon pa rin siyang kasanayan bilang True Lord Rank. Hindi ko siya kayang labanan mag-isa."

Hindi na nagulat ang matabang kalbo.

Noong nakita nilang umatras ang Ikalabing-walong Core Elder, sumigaw sa saya nag mga miyembro ng Ikalabing-walong Core Elder.

"Lahat kayo, tulungan niyo ang sirain ito~~~"

Agd na inayos ni Old Su ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance.

May biglang naalala si Princess Jin at may inutusan na dalhin dito si Zhao Feng.

Nagpatuloy ang labanan, ngunit mahimbing pa rin ang tulog ni Zhao Feng.

Ang munting magnanakaw na kuting lamang ang nagising at sinuri ang mga kaibigan at kalaban.

"Maghanda sa pagsira!"

Prinotektahan ni Princess Jin si Zhao Feng at sinimulan ang panibagong opensa.

Sa tulong ni Old Su, dalawang butas ang nagawa sa Iron Cloud Death Net.

Hindi nataranta ang Ikalabing-walong Core Elder at ngumiti noong nakita ito. Sabi niya, "Kung hindi ka lilitaw ngayon, kailan ka aatake?"

"Hehe, ang labanan na ito ay nakkaabgot. Muntik na makatulog ang Elder."

Isang tawa ng babae ang narinig sa hangin.

Shua!

Sa gabi, isang payat na pigura ang lumitaw sa puno.

Sino iyan!?

Ang mga yabag ng paa ay nagpanigas sa mga nasa Dragon Killing Alliance.

Sa tabi nila, isang misteryosong babae ang lumitaw. Ang kanyang makamundong itsura at itim na damit ay tila sumanib sa gabi.

Walang nakakakilala sa misteryosong babae na ito mula sa nayon. Maging si Old Su, na nagmamadali ay hindi ito napansin.

"Ikaw iyan… ang Ikasampung Core Leader ng Iron Dragon Alliance!"

Malamig ang mga mata ni Old Su noong makilala niya ang pagkatao ng babae. Halatang nagsama na sila noon.

Ikasampung Core Elder!

Nagulat ang mga puso ng dalawang grupo.

Alam ng lahat na ang Iron Dragon Alliance ay may tatlumpu't anim na Core Elders na halos lahat ay nasa True Myatic Rank.

Gayunpaman, sa tatlumpu't anim na Core Elders, ang unang sampu ay may katakot-takot na pamamaraan na hindi kayang sukatin.

Ang Ikasampung Core Elder ay umabot na sa peak True Mystic Rank at kung kabilang siya sa Sacred True Dragon Gathering noon, tanging si Yu Tianho lamang ang kanyang katumbas.

"Hehe, Su Tianchen, mukhang nawala na ang mga sugat mo, ngunit 30% lamang ng iyong battle power ang bumabalik."

Ang payat na babaeng naka itim ay bahagyang tumawa at naglaho sa isang "Shua!"

"Huwag mo nang subukang isipin."

Sumigaw si Old Su kasabay ng pagiging maliwanag na ilaw na lumitaw sa harap ni Princess Jin.

Qiu---

Isang matulis na punyal ang sumaksak kay Princess Jin.

Sa katiyakan, patungo kay Zhao Feng na nasa harap ni Princess Jin.

Ding!

Sa kritikal na sitwasyon, hinarang ni Old Su ang punyal.

Shua!

Ang payat na babae ay muling naglaho. Lumitaw siya sa tabi ni Princess Jin kasabay ng kanyang matulis na punyal na humiwa sa isang arko.

Sa sandaling ito, ang kanyang atake ay bumalot kay Princess Jin, Zhao Feng at Old Su.

"Mayroong gustong pumatay…"

Si Zhao Feng na nanaginip, ay nagawang buksan ang kanyang mata nang kaunti at ang kanyang asul na buhok ay nagsimulang magulo.

Bam!

Muling mabilis na lumapit si Old Su, ang kanyang katawan ay naglabas ng berdeng liwanag kasabay ng pagsalo niya ng atake para kay Princess Jin at Zhao Feng.

"Old Su!"

"Master~~~~!"

Namutla si Princess Jin at ang kanyang mata ay namula.

Ang kanyang dibdib ay may dugo at bahagyang nanginig ang kanyang katawan.

"Su Tianchen, iisa pa rin ang iyong kamalian. Kung hindi mo lamang masyadong taimtim sa iyong emosyon noon, hindi ka mahuhulog sa aming bitag."

Isang mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa mukha ng Ikasampung Core Elder.

Kasabay nito, si Zhao Feng na natutulog kay Princess Jin ay bahagyang namulat ang kanyang mata.

Marahil ay dahil ginising siya mula sa panlabas na pwersa kaya nanginig ang kanyang kaliwang mata. Ang nagyeyelong lawa ay paminsan-minsang nagbabago, mula sa yelo ay tubig at mula sa tubig ay yelo. Ito ay nagiging asul din paminsan-minsan.