Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 443 - Iron Dragon Alliance

Chapter 443 - Iron Dragon Alliance

Stone Dragon Fort Domain!

Ang brown-robed Elder Jiang ay ginamit ang kanyang kagustuhang pumatay at ang Faint Roar of Dragon ay umalingawngaw sa lugar. Ang kulay dilaw na kinang ay agad na nagliwanag sa dose-dosenang yarda.

Stone dragons, sunod-sunod ang pag salpok kay Zhao Feng at bumuo ito nang mapinsalang atake.

Ang mapinsalang kapangyarihan ay naging dahilang upang manginig sa takot ang "Third Highness" at mga kasamahan nito.

Ang True Spirit Realms ay karapat-dapat na tinagalain. Ang kanilang nga pamamaraan ay naging dahilan upang masindak ang mga nanonood.

Sa sandaling ito, ang brown-robed Elder Jiang ay nasunog na ang kanyang Qi of True Spirit at malakas na ang loob dahil napigilan niya ang normal na True Mystic Rank uoang makatakas ang Third Highness.

Ang totoong lakas ni Elder Jiang ay umabot na sa ganitong antas? Kaya ba talaga ng lalaking may asul na buhok na iyan na pigilan ang mga atake ni Elder Jiang?"

Hindi mapigilan ni Third Highness na lumingon habang tumatakbo.

Hindi niya gustong sawayin ang utos ni Elder Jiang, ngunit ang edad ng lalaking kulay asul ang buhok ay mas mababa pa sa kanya. Anong paraan ang mayroon siya upang manginig sa takot si Elder Jiang at ilagay sa panganib ang sariling buhay makatakas lang ang Third Highness?

Hindi ito nagustuhan ni Third Highness at marami siyang gustong itanong.

Boom Boom Boom!!

Ang mga dragon ay sumalpok sa lalaking may asul na buhokbat gumawa ng malakas na pagsabog.

Ang Third Highness at mga kasamahan nito ay nakakatakbo pa lamang ng ilang daang yarda.

"Patay na ba siya?"

Bumagal ang pito at lumingon pabalik sa lugar na puno ng alikabok.

Lahat sila ay puno ng kagalakan.

Marahil ng lalaking may asul na buhok ay hindi ganoon kalakas ay napatay ni Elder Jiang sa isang atake.

"Walang kahit anong paglaban… totoo ba ito?"

Bumilis ang pulso ni Elder Jiang at siya ay namutla.

Ang lalaking may kulay asul na buhok ay namatay sa isang atake lamang.

Ang biglang "tagumpay" ni Elder Jiang ay nakaramdam ng pagkabalisa.

Noong bumagsak ang alikabok, ang lalaking may asul na buhok ay naglaho at walang bakas ng kanyang aura.

"Hahaha, ang Chapter Leader na iyon ay basta-basta lang pala."

"Naririnig lamang namin ang Stone Dragon Fort Domain ni Elder Jiang at totoo nga na nabubuhay ito kagaya ng kanyang pangalan."

Ang pag-aalala ng Third Highness at mga kasamahan nito ay napalitan ng saya kasabay ng pagtigil ng kanilang hakbang.

Isang kidlat ang lumitaw sa hangin.

"Hindi ito maganda, takbo~~~!"

May naramdaman si Elder Jiang at napasigaw siya.

Nagulat ang Third Highness at ang mga kasamahan nito.

"Huli na."

Bago pa man sila makapag salita, isang malamig at walang emosyon na boses ang narinig nila.

Qiu-----

Isang kislap ng kidlat ang natunaw sa taas ng hangin.

Ano!?

Tumingala sa gulat ang Third Highness at mga kasamahan nito.

Isang lalaking may asul n buhok ang pinalilibutan ng kidlat ang lumitaw sa taas.

"Third Highness, takbo! - Scarlet Moon Bitch, halika at labanan mo ako!"

Sumigaw ng may galit at pagsisisi si Elder Jiang.

Hindi siya pinansin ni Zhao Feng at bumuo ng kidlat na bumalot sa anim o pitong tao sa kanyang baba.

Ang asul na kidlat ay agad ba gumulong ng dalawampu hanggang tatlumpung yardang radius na bumalot sa grupo.

"Arghhhh!"

Ang anim o pitong tao ay nagsimulang manginig sa takot.

Ilang sandali lamang.

Plop Plop Plop!

Ang Third Highness at mga kasamahan nito ay bumagsak sa lupa sa takot.

Ang maka manhid na sensasyon ay naging dahilan upang hindi nila magalaw kahit ang kanilang daliri. Pinanood lamang nila ang lalaking may asul na buhok.

"Ikaw ang Third Highness?"

Ang lalaking may asul na buhok ay lumapit sa wealthy-robed na lalaki at kaswal itong tinanong.

Sa buong grupo, ang wealthy-robed na lalaking ito ang may pinaka malakas na cultivation na umabot na sa half-step True Spirit Realm. Ngunit, hindi siya tumagal kahit saglit.

"Maaari mo akong pahirapan, patayin, o kahit ano pa ang iyong gusto."

Sinubukang kumalma ng Third Highness sa harap ng kanyang kamatayan.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang mapa ngiti. Hindi niya plano na tanungin pa sila sapagkat masasayang lamang ang oras.

Ang kanyang mata ay nagtungo sa brown-robed Elder Jiang na palapit sa kanya.

"Magtatanong ako, sasagutin mo. Kapag nagsinungaling ka kahit kaunti, ang Chapter Leader na ito ay puputulan ng hita ang Third Highness."

Ang kagustuhang pumatay ay lumitaw sa mukha ni Zhao Feng. Nanigas ang yapak ni Elder Jing. Ang kagustuhang pumatay ni Zhao Feng na kanyang nakita ay nagpaginaw sa kanya.

Higit sa lahat, ang Third Highness ay hostage.

Ayon sa kanyang pagsusuri, ang kalaban niya ay umabot na sa True Mystic Rank. Wala na siyang tsansa dito.

"Magtanong ka."

Huminga nang malalim si Elder Jiang na may kasamang pait habang tumango naman sa kasiyahan si Zhao Feng.

Natahimik ang buong grupo, inaantay ang pagtatanong ni Zhao Feng.

Unang tanong.

"Saan ito?"

Ang lalaking may asul na buhok ay kaswal na nagtanong.

Ano!?

Naramdaman ng Third Highness at mga kasamahan nito na tila nabilaukan sila, ngunit hindi na nagtangka si Elder Jing na sumagot nang mabagal, "Ito ang dulo ng Former Sky Rich Strong Country. Ilang libong milya na lamang ay malapit na sa Sky Rich Strong Country."

Kumislap ang mata ji Zhao Feng. Hindi ito malayo sa kanyang hula.

Ang lugar na ito ay maaaring malapit lamang sa Two Strong Countries dahil walang nakakakilala kay Zhao Feng sa Thirteen Countries.

"Bakit ito tinawag na Former Sky Rich Strong Country? Anong klaseng nilalang ang Iron Dragon Alliance?"

Patuloy na nagtanong si Zhao Feng.

"Hindi ka ba mula sa Cloud area?"

Naguluhan si Elder Jiang.

Hindi ba alam ng batang ito ang Sky Rich Strong Country ay nasira at ang Former Sky Rich Strong Country ay teritoryo na ngayon ng Iron Dragon Alliance?

Matapos ang pagtatanong, alam niya na ang kasalukuyang sitwasyon ng Cloud area.

Bago pa man umalis si Zhao Feng, ang balanse sa pagitan ng Iron Dragon Strong Country at Sky Rich Strong Country ay nasira na.

Ang alam ng karamihan, ito ay dahil sa nagkaroon ng bagong True Lord Rank ang Iron Dragon Strong Country, ngunit ang totoo ay lahat ng ito ay dahil sa Scarlet Moon Demonic Religion.

Dalawang taon na ang nakalilipas, noong ganapin ang Thirteen Clan Alliance Banquet, ang Sky Rich Strong Country ay natalo ng Iron Dragon Strong Country.

Upang mapigilan ang Thirteen Clans na tulungan ang Sky Rich Strong Country, nagpadala ang Iron Dragon Strong Country ng mga eksperto na aatake sa mga henyo sa Alliance Banquet.

Naaalala pa ni Zhao Feng kung paano hinabol ang Broken Moon Clan.

Sa araw na iyon, nagtaksil si Master Haiyun at inatake ang orihinal na Broken Moon Clan Master, na naging dahilan upang mamatay ito.

Sa araw na iyo rin, ang First Elder ay sinunog ang kanyang Qi of True Spirit at nawala ang kanyang isang braso.

Sa araw na iyon, pinangunahan ni Zhao Feng ang mga nakaligtas at tumakas sa pagtutugis ng mga eksperto na True Spirit Realm.

Sa wakas, nakuha ni Zhao Feng ng sulat ni First Elder na nagsasabing hanapin niya ang babaeng nag ngangalang Liu Qinxin sa Canopy Great Country.

Bago siya umalis, pinatugis ni Haiyun Master si Zhao Feng sa Thirteen Countries.

Habang inaalala ang mga pangyayaring ito, naghalo-halo ang nararamdaman ni Zhao Feng.

Kung hindi nangyari iyon, wala ang kasalukuyang siya.

Ito rin ang dahilan kung bakit sumuko si Zhao Feng na manatili sa Purple Saint Ruins at piniling bumalik dito.

"Ang Iron Drahon Alliance ay may kontrol sa Iron Dragon Strong Country, habang ang Sky Rich Strong Country at Thirteen Countries ay sakop na ngayon. Maaaring sabihin na ang buong Cloud area ay hawak na ng Iron Dragon Strong Country at pinapalawak pa nila ang kanilang pwersa sa mga kalapit na malalakas na bansa…"

Taimtim ang boses ni Elder Jiang noong banggitin niya ang lakas ng Iron Dragon Alliance at tinitignan niya ang ekspresyon ni Zhao Feng habang siya ay nagsasalita.

Ang lalaking may asul na buhok ay may pa-andap na kagustuhang pumatay at bumuntong-hininga.

Ang hila ni Elder Jiang ay umalis ang lalaking may asul na buhok na ito sa Cloud area bago pa mabuo ang Iron Dragon Alliance. May kakaibang pakiramdam ang kabataang ito sa Cloud area, ngunit hindi niya alam ang sitwasyon sa lugar na ito.

Ibig sabihin nito ay maaaring hindi kalaban ang batang ito.

Huminga nang malalim si Elder Jiang ay sinuri si Zhao Feng ngunit hindi niya ito maalala.

Ang Third Highness ang tumitig ng malapit kay Zhao Feng at sumigaw, "Ikaw ba ang taong pinahahanap dalawang taon na ang nakalilipas? Ang nangungunang henyo sa Thirteen Countries?"

Sinubukang alalahanin ni Third Highness ang kabataan. Ang pinahahanap na tao ay may asul at isang mata, habang ang kabataan sa kanyang harap ay asul ang buhok ay madilim ng isang mata.

"Hindi ko naisip na mayroon pang tao sa Sky Rich Strong Country na maaalala ako."

Bulong ni Zhao Feng.

"Ibig sabihin ay hindi tayo magkalaban sa halip magkaibigan…"

Natuwa ang Third Highness.

"Tama iyon, lahat tayo ay mula sa Sky Rich Strong Country at kalaban ang Iron Dragon Alliance."

"Ako at ang Third Highness ay personal n disipulo ng Sky Wind Pavilion, ang pinuno ng Sky Rich Seven Clans."

Ang lima o anim na tao ay sinambit ito ng mayroong respeto.

Naalala ni Zhao Feng na ang Sky Wind Pavilion ay ang pinaka malakas na clan sa Sky Rich Strong Country na maikukumpara sa isa sa apat na mahinang pamilya sa Canopy Great Country.

Noon ay pumunta siya sa Thirteen Clan Alliance Banquet at ang Sky Wind Pavilion ay nasira.

"Ang matandang ito ay ang Elder sa Sky Wind Pavilion at mula sa Imperial family. Sinusubukan naming bumangon ngunit patuloy pa rin kaming hinahabol ng Iron Dragon Alliance."

Ang brown-robed Elder Jiang ay punong pait ang mukha.

Mas naintindihan na ni Zhao Feng ang sitwasyon sa Cloud area.

Ang Cloud area ngayon ay pinamumunuan ng Iron Dragon Alliance at maliit na bilang lamang ng tao ang nag-aaklas.

Ang sitwasyon na ito ay mas malala pa sa inaasahan ni Zhao Feng.

Naisip niya nga n humalik sa Canopy Great Country at humingi ng tulong.

Gayunpaman, mabilis niyang inalis ang ideyang ito.

Kahit na masama ang sitwasyon ng Cloud area, hindi na katulad ng dati si Zhao Feng.

Sa sandaling ito.

Sou Sou Sou----

Isang tunog ng lumilipad ang lumitaw sa himpapawid.

Hmm?

Tumingin si Zhao Feng sa taas at nakita ang isang malaking blood-winged bird sa ulap. Mayroon na itong sakay na isang dosenang tao at ang pinaka mahinang aura ay nasa ikaanim o 7th Sky ng Ascended Realm.

"Hahaha… mga tauhan ng Sky Wind Pavilion, hindi na kayo makakatakas ngayon."

Bumaba ang mga tao mula sa blood-winged bird.

Ang pinuno ay payat at may hawak na kulay dugong karit. Ang taong ito ay dinilaan ang sariling labi at naglabas ng aura na nagpapula sa kalangitan.

"Hindi ito maganda, ang taong iyan ay ang 'Blood Sickle Slaughter' na minsang winasak ang siyudad na mayroong sampung libong tao at sinira ang maliit na Clan na mayroong grupo ng mga elitista."

Ang mukha ng brown-robed Elder Jiang ay namutla.