Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 444 - Demonic Religion Member

Chapter 444 - Demonic Religion Member

Nang marinig niya ang titulong "Blood Sickle Slaughterer," ay nagkulay abo ang mga tao sa Sky Rich Imperial.

Ang payat na lalaki sa harap ng blood-winged bird ay may hawak na kulay dugong karit na sumisimbolo sa God of Death.

Ang malakas na daloy ng bloody aura ay napunta sa mga ulap na nagpatalon sa puso ng lahat.

"Gusto ba akong patayin ng Kalangitan…? Para makita ko ang tagapatay na ito?"

Nanginig sa takot ang katawan ng Third Highness.

Sa ilalim ng kontrol at madugong paraan ng Iron Dragon Alliance, ang mga bansa ay galit ngunit walang magawa.

Sa kanilang lahat, ang Blood Sickle Slaughterer ay sikat na tagapatay ng Iron Dragon Alliance at sikat lamang sa pagpatay. Ang kaunting pagtanggi ay magreresulta sa kamatayan ng siyudad, pamilya o kahit Clan.

Si Zhao Feng lamang ang hindi nagbago ng ekspresyon habang tamad nitong kinukusot nito ng kaliwang mata niya.

"Ang 33 ay kailangan na magbago sa sandaling bumalik ako rito…"

Ang sakit sa mata ni Zhao Feng ay lumalala habang tumatagal.

Kahit hindi niya gamitin ang 33 bahagya pa rin itong sumasakit.

Para naman sa "Blood Sickle Slaughterer, " hindi man lamang siya tinignan ni Zhao Feng.

Ang kaswal na kilos ni Zhao Feng ay napansin ni Elder Jiang nagulat siya.

Ang palitan ng atake kanina ay nagbigay ng ideya kay Elder Jiang na nasa True Mystic Rank na si Zhao Feng.

Gayunpaman, hula pa rin ito.

Pero kung tama siya ay maaari silang protektahan ni Zhao Feng kung gusto nito.

"Kahit na malakas ang Blood Sickle Slaughterer at mayroong karanasan sa paglaban s aisang True Mystic Rank, hindi pa rin siya umaabot sa True Mystic Rank."

Natuwa si Elder Jiang at umasa.

Ang tanging iniisip niya lamang ay hindi sila tutulungan ni Zhao Feng sapagkat ang Cloud area ay nasa ilalim na ng kontrol ng Iron Dragon Alliance.

Kahit na malakas ang True Mystic Rank, hindi pa rin ito sapat para kalabanin ang Iron Dragon Alliance.

"Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para sumuko o papatayin ko kayong lahat."

Bumaba ang Blood Sickle Slaughterer mula sa blood-winged bird.

Sou Sou Sou----

Ang lagpas sa isang dosenang tao ay nagmukhang mga diyos na pinadala ng kalangitan at pinalibutan nila ang grupo.

Balisa si Elder Jiang habang ang Third Highness at mga kasamahan nito ay nanginig sa takot.

Narinig na nila ang pangalan na Blood Sickle Slaughterer at ang sampung segundo ay kanyang pag-uugali talaga.

Sumuko o mamatay.

Dinilaan ng Blood Sickle Slaughterer ang kanyang labi. Nagugustuhan niyang panoorin na mahirapan at matakot ang kanyang mga kalaban.

Ang kanyang malaglarong mata ay sinuri ang grupo at bahagyang napatango.

Hmm?

Ang tingin ng Blood Sickle Slaughterer ay biglang nahinto sa isang pigura.

Sa grupong iyon, ang lalaking may asul na buhok ay mukhang pagod at nangibabaw.

Walang takot sa mata ng kabataang iyon at mukha nalimutan niya na ang sitwasyon.

Kung ito ay normal na tao, wala siyang pakialam. Subalit, ang aura mula sa taong ito ay tila kailaliman na puno ng kalamigan.

"True…. True Mystic Rank?"

Ang puso ng Blood Sickle Slaughterer ay tumalon at ang kanyang mapaglarong ngiti ay napalitan ng pagka taimtim.

Noong sinabi ng Blood Sickle Slaughterer ang tatlong salitang "True Mystic Rank," napa buntong-hininga si Elder Jiang.

Sa kabila ng lahat, ang Blood Sickle Slaughterer ay umabot na sa peak True Human Rank at mas malakas siya sa First Elder ng Broken Moon Clan.

Ang lakas ng Blood Sickle Slaughterer ay talagang top-tier sa lahat ng True Human Rank at may karanasan na siya na kalabanin ang mga nasa True Mystic Rank. Hindi magkakamali ang kanyang pakiramdam.

Hu~

Bahagyang humangin at ang atmospera ay tahimik.

"Mali ang impormasyon… Mayroong True Mystic Rank sa mga Sky Rich Imperials."

Ang mukha ng Blood Sickle Slaughterer ay napuno nang pagkataimtim at ang malamig na pawis ay namuo sa kanyang noo.

Ang pigura ng mga tauhan mula sa Iron Dragon Alliance ay nanigas.

Sa Cloud area, ang True Lord Ranks ay mga hari na kayang magdesisyon para sa buhay ng lahat.

Sa Iron Dragon Alliance, ang bilang ng True Lord Rank ay mabibilang lamang sa daliri.

Maging ang Canopy Great Country ay mayroon lamang ilang True Lord Ranks, at ang bawat True Lord Rank ay makakaapekto sa pagbabalanse ng Great Country.

Sa Cloud area, mas kaunti ang True Lord Ranks na sa sobrang kaunti ay wala na halos makita.

Kung gayon, ang True Mystic Ranks ang naging pinaka malakas at kayang magpasunod ng marami.

Mahirap isipin na ang kabataang ito ay nakaabot na sa peak Cloud area.

"Maari ko bang itanong ang pangalan mo at kung bakit mo tinutulungan ang Sky Rich Imperials?"

Ang Blood Sickle Slaughterer ay nakaranas ng malupit na nga alon na 'di kalaunan ay kumalma rin.

Kumislap ang mga mata niya habang tinitignan ang lalaking may asul na buhok.

Tinantya niya na kakaabot lang sa True Mystic Rank ng kabataang ito, na nangangahulugan na maaari niya itong pigilan.

Siyempre, kailangan niya munang suriin si Zhao Feng bago iyon.

Tamad na inangat ni Zhao Feng ang kanyang ulo, at walang emosyong sinabing, "Bibigyan ko kayo ng sampung segundo upang sumuko o papatayin ko kayong lahat."

Inulit niya ang sinabi ng Blood Sickle Slaughterer.

"Ikaw… gusto mo bang makalaban ang Iron Dragon Alliance?"

Pangit ang ekspresyon ng Blood Sickle Slaughterer.

Kung hindi lamang dahil sa cultivation ng kanyang kalaban ay nasa True Mystic Rank, sa ugali ng Blood Sickle Slaughterer, pahihirapan niya na ito.

Gayunpaman, wala siyang lakas ng loob na matalo ang isang True Mystic Rank lalo na at nasa tabi nito si Elder Jiang.

"Sampo… siyam…"

Ang boses ni Zhao Feng ay naging dahilan upang kumirot ang puso ng Blood Sickle Slaughterer.

Natuwa si Elder Jiang at ang Third Highness at mga kasamahan nito.

Sinong makaiisip na mababaligtad ang sitwasyon?

Kanina lamang, namimili sila kung susuko o mapapatay sila. Sa sumunod na sandali, kaswal itong binaligtad ni Zhao Feng.

Isa pa, ang nakatagong aura ni Zhao Feng ay lubhang malakas.

Ang Blood Sickle Slaughterer ay hindi dapat magulat sa isang kabataan na bagong abot lamang sa True Mystic Rank dahil may karanasan naman siya dito, ngunit ang kaluluwa ng Blood Sickle Slaughterer ay naging balisa.

Maging ang mga kakilala niyang True Mystic Rank ay hindi niya nararanasan ang ganoong klaseng presyur.

Ang lakas ng loob dahil sa kanyang lebel ng mental energy ay naging dahilan upang tingalain siya ng iba.

Kahalintulad nito ang Noble. Hindi man sila malakas, ngunit ang bawat galaw nila ay naglalaman ng kapangyarihan.

Nagbibigay si Zhao Geng ng ganitong klaseng pakiramdam. Noon sa Purple Saint Ruins, ang True Mystic Rank na namatay dahil sa kanya at ang iba pa ay nasa peak True Mystic Rank na.

Maging ang ilan sa mahihinang True Lord Ranks ay hindi niya katapat.

"Walo… Pito…. Anim…"

Sa mata ni Zhao Feng, ang Blood Sickle Slaughterer ay isa lamang langgam at iponakita pa nito ang kanuang ugali.

"Su-Suko!!" Ang Blood Sickle Slaughterer ay biglang nag desisyon.

Una, ang kalaban ay may dalawang True Spirit Realm cultivators at isa pa dito ay nasa True Mystic Rank. Ang makipaglaban ng harapan ay magbibigay lamang sa kanya ng 30% na tsansa na tagumpay.

Ikalawa, ang lalaking may asul na buhok ay nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam, at bilang Blood Sickle Slaughterer, ang pakiramdam niya sa kamatayan ay hindi maikukumpara sa mga normal na tao.

Atras!

Sa utos ng Blood Sickle Slaughterer, ang mga miyembro ng True Mystic Rank ay agad na sumagot.

"Edi mamatay ka."

Kalamign ang lumitaw sa mukh ni Zhao Feng.

Ring of Lightning.

Tinaas niya ang kanyang kamay at bahagyang tinapik ang hangin.

Mga arko ng kidlat ang lumitaw sa radius na isang dosenang yarda.

Qiu----

Ang arko ng nga kidlat ay tila mga buhay na ahas na umiwas sa Third Highness at mga kasamahan nito bago tirahin ang mga miyembro ng True Mystic Rank.

"Arghhhh!"

Sunod-sunod ang iyakan.

Plop plop!

Ang kalapit na higit isang dosenang miyembro mula sa True Mystic Rank ay nahinga mga sunog na katawan.

Sa isang segundo lamang, namatay ang lahat maliban sa Blood Sickle Slaughterer.

"Isang atake…"

Ang puso ng Blood Sickle Slaughterer ay lumaktaw ang tibok at malaki ang pinagbago ng kanyang ekspresyon.

Sila Elder Jiang, Third Highness at mga kasamahan nito ay nanigas at hindi nagtangka na gumalaw sa harap ng katakot-takot na aura ng kidlat.

Ang una nilang naisip ay madadamay sila sa atake ni Zhao Feng, ngunit ang atake ni Zhao Feng ay pumatay lamang sa mga kalaban.

Ang ganoong klase ng kontrol ay hinahangaan ni Elder Jiang.

Naisip ni Blood Sickle Slaughterer na si Zhai Feng ay hindi normal na True Mystic Rank.

"Takbo!"

Ito lamang ang naisip ng Blood Sickle Slaughterer.

Ang lakas ni Zhao Feng ay sobrang layo sa kanyang inaasahan, at ang tsansa na manalo siya ay nasa 30% lamang pababa. Naroon pa si Elder Jiang.

Qiu---

Ang Blood Sickle Slaughterer ay sinunog ang kanyang Qi of True Spirit at naging isang blood-colored flame na mabilis na tumakbo.

Walang nakakaalam kung anong klaseng teknik ang ginamit ni Blood Sickle Slaughterer upang mapabilis ang sarili palayo sa True Mystic Rank.

"Ang skill ng Blood Sickle Slaughterer ay hawig sa Moon Demon Palace."

Nagulat si Zhao Feng habang pinapanood ang blood-colored flame.

Hindi niya mapigilang sulyapin ang Blood Sickle Slaughterer na lumayo.

Bahagyang nataranta si Elder Jiang. Tila sobrang ingat ng Blood Sickle Slaughterer kay Zhao Feng, at kung susundan ay kaya niyang mapatay ang Blood Sickle Slaughterer.

Kapag nakatakas ang Blood Sickle Slaughterer, mas magiging mapanganib ito.

"Elder Jiang, saang clan nagmula ang Blood Sickle Slaughterer?"

Hindi nagmamadali si Zhao Feng.

"Maraming miyembro ng Cloud area ang mula sa Iron Dragon Alliance, kagaya ng ng Dalawang Strong Countries o Thirteen Countries. Gayunpaman, nasa likod ng Iron Dragon Alliance ang Scarlet Moon Demonic Religion at maraming miyembro ay mula sa Demonic Religion. Ang Blood Sickle Slaughterer ay hindi mula sa Cloud area kaya marahil ay kasapi siya ng Scarlet Moon Demonic Religion."

Malalim na saad ni Elder Jiang.

"Scarlet Moon Demonic Religion…. Moon Demon Palace…"

Naisip ni Zhao Feng sa kanyang puso. Upang makumpirma ang kanyang hinala, minulat niya ang kanyang 33 at sinubukang alamin kung paano ginamit ng Blood Sickle Slaughterer ang kanyang skills, ngunit sa sandaling ginawa niya ito ay sumabog ang sakit sa kanyang 33.