Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 423 - Ang Misyon ni Zhao Feng

Chapter 423 - Ang Misyon ni Zhao Feng

"…Kapag napatay na nila ang Towering Tree Yao, ang mahinang punto na ito ay magiging lalong halata at magiging kahinaan na talaga. Kung lalaki pa ito lalo, ang mga eksperto sa panlabas na mundo ay makakapasok sa ruins at maiistorbo nila ang aking inheritance."

Nang marinig ito, ang mukha ni Zhao Feng ay naging taimtim.

"Gusto mong… Pigilan ko ang pag-atake ng tatlong sects sa Towering Tree Yao?"

Hindi niya mapigilang huminga nang mababaw.

Pagkatapos mapinsalaan ang Towering Tree Yao ng Void God Protection, nag-iwan ito ng halatang kahinaan at ang mga disipulo ng tatlong sects ay gagawin ang lahat masira lang ito.

Kung gusto niyang pigilan ang mga ito, kailangan niya silang kalabanin.

"Kung hindi ito posible kapag mag-isip ang Kapatid na Zhao Feng, susubukan ni Sister Purple Night ang kanyang makakaya para bumaba ang Ruins Treasured palace. Mapoprotektahan nito ang Towering Tree Yao at bibigyan nito ng tsansa na makatanggap ng inheritance si Zhao Feng."

Pagpapaliwanag ni Zhao Yufei at hindi mapigilang magpakawal ng maliit na hininga ni Zhao Feng.

Hindi niya naisip na ang misteryosong kanyon na ito ay isa sa mga pinagmumulan ng kapangyarihan ng ruins at ganoon pala ito kaimportante.

Kapag napatay na ang Towering Tree, ang nawalang kapangyarihan ay lalong tataas at isang pangunahing kahinaan ang magpapakita.

"Kailangan lamang ng Kapatid na Zhao Feng na antalain ang tatlong setcs hanggang sa makababa ang Ruins Treasured Palace."

Dagdag ni Zhao Yufei.

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Ang trabaho niya lamang ay sumuporta. Kung magagawa niya ito ay walang problema, pero kapag hindi, wala na siyang magagawa pa.

Ang pinakapangunahing pwersa ay ang Ruins Treasured Palace.

Kapag nakababa na ang Ruisn Treasured Palace, mahahawakan na ni Zhao Feng ang core ng Purple Saint Ruins at maaari pa siyang makakuha ng kanyang inheritance. SA tulong ni Zhao Yufei, ang tsansa ni Zhao Feng ay mas mataas kaysa sa iba.

"Kailan bababa ang Ruins Treasured Palace?"

Pagtatanong ni Zhao Feng.

"Mga ilang oras hanggang sa isa at kalahating araw."

Tugon ni Zhao Yufei.

Sa kanyang isip, pagkatapos makipag-usap kay Zhao Yufei, naunawaan na ni Zhao Feng ang sitwasyon ng Purple Saint Ruins nang mas mabuti,

Ang Purple Saint Partial Spirit na siyang kumokontrol sa Purple Saint Ruins ay malapit nang mamatay at ang layunin ng pag-iral nito ay makahanap ng tagapagmana.

Subalit, hindi ito nakahanap ng tagapagmana mula sa simula ng pag-iral nito at dahil patapos na ang kanyang buhay, nakaramdam ito ng isang kandidata.

Kung kaya, ginamit ng Purple Saint Spiritual Spirit ang natitira nitong lakas para maglabas ng anino ng inheritance sa Azure Flower Area at dahil ang ranking nito ay hindi ganoon kataas at hindi gaya ng Heavens Legacy Inheritance na nagbaba lamang ng parte ng inheritance nito, humarap ito ng malaking pwersa.

Sa kabuting palad, ang kapangyarihan ng Purple Saint Ruins ay katulad nang kay Zhao Yufei at nakababa ito.

"Kapatid na Zhao Feng, pwede mong hingiin ang kahit anong gusto mo at gagawin ni Sister Purple Night ang kanyang makakaya para maibiga ito sa'yo." Biglaang sabi ni Zhao Yufei.

Natahimik si Zhao Feng. Ang Purple Saint Partial Spirit ay halos mawalan na ng buong kontrol sa ruins o kung meron man, matagal niya nang napaalis ang mga disipulo ng tatlong sects sa isang kumpas lamang. Subalit, halata namang namamatay na ito at nawalan na rin ito ng mga orihinal niyang kakayahan.

"Pwede ba nitong tanggalin ang mga restriksyon sa pandama ko?" Humingi ng pabor si Zhao Feng na makatotohanan.

"Kaya nito."

Tumugon si Zhao Yufei pagkatapos ng isang saglit.

Shua!

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang mental energy ay gumaan at ang restriksyon ng ruins ay naglaho.

Hindi niya mapigilang mapuno ng tuwa. Kapag wala ang restriksyon ng ruins sa kanyang mental energy, magagamit niya ang buong kapangyarihan ng God's Spiritual Eye.

Nangangahulugan ito na ang mga pandama ni Zhao Feng ay napakalakas at mas malakas pa nga kaysa sa mga nasa Origin Core Realm na nasa loob ng ruins.

Sa parehong oras, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakahuli ng isang kapiranggot ng hindi nakikitang kapangyarihan na pumapasok sa dimensyon ng kanyang mental energy.

Pagsusuri.

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at itinuon ang atensyon sa kapangyarihang ito,

Shua!

Sa sumunod na pagkakataon, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tila nakakalusot at nakakatagos sa kahit ano.

Mayroong isang babaeng nakaupo na nakasuot ng lilang damit sa loob ng isang gusali na sinusubukang ayusin ang susing kristal sa kanyang harap.

Sa kanyang tabi ay isang mapusyaw na babae na may tingin na kayang sumira ng mga bansa. Kahit ang kanyang katawan ay walang pisikal na angkla at binubuo lamang ng lilang liwanag, bawat galaw at pagngiti niya ay naglalaman ng sukdulang kadakilaan.

"Hehe, iba talaga ang pakiramdam kapag walang restriksyon ng ruins."

Bahagyang tumawa si Zhao Feng.

Gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, sinundan niya ang bakas ng hind nakikitang kapangyarihan na ito hanggang sa maabutan niya ang eksenang iyon sa Ruins Treasured Palace.

Napagtanto niya na dahil sa itinaas ng kanyang mental energy, mas lalo niyang nagagamit ang kanyang God's Spiritual Eye.

Ang babaeng nakalilang damit ay halata namang si Zhao Yufei at ang mapusyaw na anyo sa tabi niya ay walang duda na ang Purple Saint Partial Spirit.

"Paano… Ito naging posible!?"

Tinignan ng Purple Saint Partial Spirit si Zhao Feng nang hindi makapaniwala.

Kung mas lalong itatama, sa 'Eye of Heaven' na nasa kanyang itaas pero biglang naglaho ito sa tunog na 'shua' na tila ba wala ito rito.

Ang misteryosong kanyon.

Nanumbalik na ang isip ni Zhao Feng sa kanyang katawan. Nasundan niya na ang enerhiyang pinanggagalingan sa kabilang panig at ginawa niya lamang ito para malaman ang kalagayan ni Zhao Yufei.

Nakasiguro naman siyang hindi pinagbabantaan si Zhao Yufei, sa halip, tinatanggap niya pa nga ang kanyang inheritance.s

Napakamaingat ni Zhao Feng kung kaya ginamit niya ito. Hindi niya agad napagtanto na gulat na gulat ang Purple Saint Partial Spirit nang makita ito.

Shua!

Sa kanyang isip, ang anyo ng Purple Saint Partial Spirit ay biglang nagpakita sa tabi ni Zhao Yufei.

"Ano pa ang meron dyan?"

Naging panatag si Zhao Feng matapos malaman na ligtas si Zhao Yufei.

"Ang mata mo….." Wika ng Purple Saint Partial Spirit.

Ano?

Bahagyang napakislot ang puso ni Zhao Feng. Ang orihinal na may-ari ng ruins ay isang master ng Mystic Light Realm at ang kanyang dunong ay hindi lamang simple.

Baka alam niya ang pinaggalingan ng Purple Saint Partial Spirit.

Nang maisip ito, inaasahan na ni Zhao Feng kung ano ang maaaring sabihin ng Purple Saint Partial Spirit sa susunod.

"Kakaunting bahagi lamang ng aking alaala ang mayroon ako noong buhay pa ako. Kung buhay pa ako ngayon, malalaman ko sana kung saan nanggaling ang iyong mata."

Subalit, napakulubot na lamang ang mga kilay ng Purple Saint Partial Spirit at nagsabi ng bagay na hindi ganoon kahalaga kung kaya hindi rin makapagsalita si Zhao Feng.

"Kahit na ang iyong bloodline ay hindi sa Ten Thousand Ancient Races, ang iyong mata ay paniguradong may koneksyon sa Ten Thousand Ancient Races."

Wika ng Purple Saint Partial Spirit nang may saya.

Wala masyadong naramdaman si Zhao Feng nang marining ito. Ni hindi niya nga alam kung ano ang Ten Thousand Ancient Races.

Ang gusto lang naman malaman ni Zhao Feng ay kung mayroong inheritance na nababagay sa kanya sa Ruins Treasured Palace.

"Sa kasamaang palad, walang kahit anong inheritance ang nababagay sa iyong eye bloodline. Mas bagay ito sa Ancient Dao of Soul o kaya sa inheritances ng Eight Great God Eyes. Syempre, mayroon pa rin namang mga lightning-based skills o inheritances na pwede sa iyong ice bloodline sa Ruins Treasured Palace."

"Ayos na rin basta mayroon."

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng.

Wala talaga siyang nahanap na nababagay na inheritance sa kanya sa Sacred True Dragon Gathering. Pero sa kabuting palad, mayroong mga lightning inheritances at iba pang elemental inheritances sa Purple Saint Ruins na nababagay sa kanyang bloodline.

Masaya na si Zhao Feng na malaman ito. Kung matutulungan niya si Zhao Yufei na maging tagapagmana ng ruins, ang makukuhang benepisyo ni Zhao Feng ay higit pa sa aakalain.

Mamaya-maya, naunawaan na ni Zhao Feng ang dapat niyang gawin at pinutol na niya ang koneksyon niya kay Zhao Yufei at sa Purple Saint Partial Spirit.

"Sa ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay hintayin ang Ruins Treasured Palace at antalain ang oras para hindi nila mapatay ang Toweing Tree Yao."

Wika ni Zhao Feng sa kanyang isip.

Kasalukuyan, si Li Hong ang disipulo ng tatlong sects na aatakihin muna ang Towering Tree Yao at susubukin ito.

Parehong ginagamit pa nila Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ang oras na ito para magpagaling at ang True Lords na umaatake ay sina Li Hong at Mo Yu lamang ng Black Cliff Palace.

Pinangunahan ng dalawang True Lord Ranks ang 20-30 na disipulo at umatake sa lamat ng Towering Tree Yao oras-oras.

"Hahaha…. Ang Towering Tree Yao na ito ay hindi naman ganoon kalakas gaya ng aking iniisip."

Nagpadala ng napakaraming atake si LI Hong at sa harap niya ay nabuo ang mga alulon ng kidlat at tubig na siyang sumabog sa mga sanga ng Towering Tree Yao.

Ang mga disipulo sa likod ay ipinakita rin ang kanilang mga skills.

"Ang Void God Protection ang siyang gumawa ng lamat para sa mga disipulo at sa lugar na ito, wala ng mga sanga halos. Ang Towering Tree Yao ay tatayo na lamang diyan at matatamaan na lang."

Napakunot ang mga kilay ni Zhao Feng habang nagiging taimtim ang kanyang mukha.

Hindi naman dahil sa malakas is Li Hong at may maganda siyang liderato. Pero dahil sa mahina na talaga ang kanyang kalaban.

Ang Void God Protection na atake ay napakalakas at nalinis nito ang daan para sa tatlong sects.

Kung titignan nang mabuti, nakita ni Zhao Feng na ang pinakakatawan ng Towering Tree Yao ay nagpakita na at marami itong galos.

Peng Peng Boom----

Ang sunod-sunod na atake mula sa tatlong sects ay lumapag na sa pinakakatawan ng Towering Tree Yao.

Sa kabuting palad, ang depensa ng Towering Tree Yao ay napakalakas at ang lugar na ito ay ang bahagi kung saan pinamalakas ang depensa ng ruins.

Kahit si LI Hong ay nasa huling yugto na ng True Lord Rank at ang kanyang opensa ay mukhang napakalakas, ang kanyang mga atake ng tubig at kidlat ay natatapatan pa rin ng kapangyarihan ng kahoy at mga damo.

Subalit, kapag ang isang lugar ay patuloy na inatake, kahit ang mga langgam ay mapapatay ang isang atake. Ganoon rin at baka tuluyan na nilang mapatay ang Towering Tree Yao.

"Hindi pwedeng maupo lamang ako."

Nang maisip ito, nagsimula nang kumilos si Zhao Feng.

"Anong ginagawa mo?"

Biglang binuksan ni Ye Yanyu ang kanyang mga mata at tumitig nang malamig sa kanya.

"Pasensya na sa pagkamatay ni Yu Luo. Gusto ko sanang tumulong sa mga kapwa Daoists ng Pure Moon Spiritual Sect na patayin ang Towering Tree Yao, kahit hindi ako ganoon kalakas."

Pagsusumamo ni Zhao Feng.

Nang marinig ito, napuno ng suspetsa ang mukha ni Ye Yanyu. Hindi siya makapaniwalang may mabuting puso si Zhao Feng.

Ang lalaking ito ay nakaligtas sa pagitan ng mga bitak ng tatlong sects at hindi nawalan ng kahit ano.

Tutulungan niya ba talaga ang Pure Moon Spiritual Sect nang libre?

"Sige, pumunta ka na pero huwag mong kalimutan na nasa ka lamang dapat ng tatlong milya mula sa akin." Pagpayag ni Ye Yanyu.

Pagkatapos ng lahat, ang mungkahi ni Zhao Feng ay makatarungan naman at gusto niya ring subukan ang Towering Tree Yao. Hindi niya talaga ito matatanggihan.

Pero palihim pa ring sinabihan ni Ye Yanyu ang mga tao na sabihan si Li Hong na bantayan si Zhao Feng.

"Bantayan niyo rin siya…."

Inutusan pa ni Ye Yanyu ang isa pa o dalawa pang tao

Habang nakikihalubilo siya rito, napag-alaman ni Ye Yanyu na napakahirap kontrolin ni Zhao Feng at hindi niya makita ang mga motibo nito.