Sa segundong gumalaw si Zhao Feng, agad siyang napansin ng maraming mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect.
Sou Sou!
Ang dalawang lalaking disipulo na may alitan kay Zhao Feng ay gumalaw at nagtungo sa kanyang kaliwa at kanan para 'protektahan' kuno si Zhao Feng.
"Salamat."
Nagbigay si Zhao Feng ng tingin na tila natuwa siya pero kumintab ang mga mata ni Ye Yanyu habang pinapanood ang anyo ni Zhao Feng na unti-unting lumalayo.
Hindi siya mapakali at lalo pa itong tumataas habang lumalayo si Zhao Feng.
Simula noong mamatay si Yu Luo, naging mabahala na talaga at maingat si Ye Yanyu kay Zhao Feng.
Sa pagkakataong iyon, ang lahat ng kanyang atensyon ay napunta kay Zhao Feng at ang anyong may asul na buhok ay lalo pang naging misteryoso.
Tila ba may naramdaman, ang kabataang may asul na buhok ay lumingon at ngumiti sa kanyang habang nakatingin sa mga mata nito.
Ang misteryosong kaliwang mata na ito ay puno ng walang hanggang yelo at kaya nitong makita ang kanyang mga lihim.
Sa mismong iyon, nanginig ang puso ni Ye Yanyu at may lamig na bumalot sa kanyang katawan at tila ba nakita siya nitong nakahubad.
Nakatingin muna nang malalim si Zhao Feng kay Ye Yanyu bago ito lumapit sa iba pang mga tao na inaatake ang Towering Tree Yao.
"Kapatid na Li Hong, patayin niyo agad si Zhao Feng!"
Tumalon ang puso ni Ye Yanyu at ang kanyang mga mata ay naguhitan ng lamig at nagmamadali ang kanyang boses.
Ano? Patayin si Zhao Feng?
Halos lahat ng mga disipulo sa Pure Moon Spiritual Sect ay napatingin kay Ye Yanyu nang may pagtataka. Hindi ba nagtutulungan sila?
Noong una, pinoprotektahan ni Ye Yanyu si Zhao Feng pero ngayon gusto niya na itong patayin?
Ang biglaang pagbabago ang siyang nakapagpagulat sa lahat.
Subalit, ang Pure Moon Spiritual Sect ay pinangungunahan ni Ye Yanyu at silang lahat ay nakinig rito.
"Sige na!"
Ang dalawang lalaki sa tabi ni Zhao Feng ay umungol sa tuwa habang umaatake.
"Hahaha Sister Ye, napag-isipin mo na rin sa wakas. Ang sutil na ito ay hindi karapat-dapat para sa aking mata."
Tumawa si Li Hong sabay talikod at saka sumugod patungo kay Zhao Feng.
Kahit hindi niya nauunawaan kung bakit ito ginagaw ni Ye Yanyu, gusto niya namang gawin ito.
Sa totoo lang, binigay lamang ni Ye Yanyu ang utos na ito dahil sa 'pakiramdam' niya.
Kun iisipin kung paano pinagbantaan si Zhao Feng at paano nito ginamit siya bilang tagapagtanggol at makaligtas sa tatlong sects, nakikita na niya nang malinaw ang sitwasyon kahit na hindi niya talaga ito nauunawaan.
Una sa lahat, hindi makita ni Ye Yanyu ang tunay na lakas ni Zhao Feng at ang kanyang talino ay nakapagparamdam na hindi niya ito makokontrol.
Mayroon pang isang pangunahing punto. Kahit sino ang mga kalaban ni Zhao Feng, lahat sila ay hindi maganda ang kinapatutunguhan, kahit pa mas mataas ang cultivation nito.
Namatay si Yu Luo nang maging kalaban siya ni Zhao Feng. Ang dalawang lalaking disipulo ay ginawang tanga ni Zhao Feng. Gustong patayin ni Li Hong si Zhao Feng pero nalinlang siya nito at nawalan pa siya ng mukhang ihaharap.
Sa pagkakataong iyon, nabahala na talaga si Ye Yanyu kay Zhao Feng at pinakiusapan na si Li Hong at ang mga kasama nito dahil sa huling tingin na ipinukol ni Zhao Feng.
Desidido na talaga siya. Sa pagkakataong naramdaman niyang may mali, agad niyang ipinag-utos na patayin si Zhao Feng.
"Ang pakiramdam ng babaeng ito ay napakatalas. Pagkatapos mamatay ni Yu Luo, nagsuspetsa na agad siya."
Hindi naisip ni Zhao Feng na ganito kabilis kikilos si Ye Yanyu. Napakatapang niya talaga.
"Sutil, sumuko ka na agad!"
Ang dalawang lalaking disipulo ay tumalon patungo kay Zhao Feng mula sa kanyang kaliwa at kanan.
Nang tumingin sa baba, nakita na ni Zhao Feng na nasa sakop na siya ng mga ugat.
"Pigilan siya!"
Pag-uutos ni Ye Yanyu habang lumilipad rin siya papunta roon.
Alam niyang napakabilis ni Zhao Feng at mas malakas rin siya sa dalawang lalaking disipulo. Ang tanging bagay lamang na pwede nilang gawin ay pigilan si Zhao Feng at manalo ng ilang oras na hininga para kay Ye Yanyu at Li Hong.
Ang mga mukha ng dalawang lalaking disipulo ay naging taimtim habang nakikinig sa utos ni Ye Yanyu at sinusubukang pigilan si Zhao Feng.
Napuno ng pagkutya ang bibig ni Zhao Feng at ng lamig habang tinitignan niya ang dalawa na tila langgam lang ang mga ito.
Plop Plop!
Ang dalawang lalaking disipulo ay nahulog sa kalangitan. Bago pa man mahawakan ng lupa ang kanilang mga katawan, mayroong mga ugat na bumalot sa kanilang dalawa.
"Argghhh!"
Dalawang hiyaw ang maririnig habang may mga bagong pataba na nilalamaon ang Towering Tree Yao.Ang mga henyong naroroon ay lumaki ang mga mata.
Ano ba ang nangyari?
Paanong ang dalawng Peak True Mystic Rank na cultivators ay nalaglag na lamang ng ganoon?
Wala namang ginawang kahit ano si Zhao Feng, ang tanging ginawa niya lang ay 'tignan' sila.
"Mental energy eye technique. Sa pamamagitan lamang ng isang tingin, pinalaglag niya sila."
Si Chi Gui, na namamahinga, ay isinawalat ang katotohanang nakita niya.
Sii!
Ang mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect na hinahabol si Zhao Feng ay napahinga nang malalim.
"Zhao Feng, pinatay mo ang dalawa sa disipulo ng Pure Moon Spiritual Sect at kahit si Yu Luo ay pinatay mo… Ang dami mo pala talagang tinatago."
Ang mukha ni Ye Yanyu ay malamig at ang pagnanasang makapatay ay tila namumuo na.
Kahit ang isang normal na True Lord Rank ay hindi kayang patayin ang dalawang Peak True Mystic Ranks sa iisang tingin lamang.
Malalim ang pinagtaguan ni Zhao Feng at isa pala talaga siyang lobong nagbabalatkayo na tupa.
"Sutil, mukhang ikaw talaga ang tunay na may sala sa kamatayan ni Yu Luo. Huwag mong isipin na tumakbo. Ibigay mo ang iyong buhay----"
Ang mga mata ni Li Hong ay pulang-pulang at napuno ang kanyang mukha ng pagnanasang makapatay habang nakaluwa ang mga ito.
Qiu!
Ang katawan ni Zhao Feng ay naguhitan ng kidlat at tila naging isa siyang God of Lightning habang ang pumapagaspas ang kanyang Yin Shadow Cloak at tumutulin ang kanyang bilis.
Kung bilis lang naman ang pag-uusapan, kayang-kayang pantayan ni Zhao Feng si Li Hong na nasa huling yugto ng True Lord Rank.
Shua Shua!
Sa isang kisapmata, si Zhao Feng ay naging ilang dosenang anyo. Ang ilan sa kanila ay mga ilusyon at ang iba naman ay Yin Shadow Doppelgangers.
Nang makarating si Li Hong, ang mga anyo ay pumunta na sa iba-ibang direksyon at ang totoong katawan ni Zhao Feng ay nakatago sa may kagubatan.
"Tumakas pala talaga siya…."
Hindi maiguhit ang mukha ni Li Hong sa ilalim ng kanyang pagnanasang makapatay.
Shua!
Isang mapusyaw na anyo ni Zhao Feng ang biglaang nagpakita sa lapag at saka tumakbo.
"Tarantado, mamatay----"
Inilabas ni Li Hong ang kanyang galit at tumalon patungo kay Zhao Feng.
Sa pagkakataong iyon, lahat ng kanyang emosyon ay nakalabas at nakalimutan niya ang panganib sa lapag.
Habang papalapit nang papalapit si Li Hong sa kalupaan, ang mga ugat ay nagsimula nang maghanda.
"Ano ang nangyayari? Bakit ginagawa ni Li Hong ang ginawa ni Yu Luo at sumusugod siya pababa?"
"Si Yu Luo ay puno ng sakim at si Li Hong ay nawala sa kanyang katinuan dahil sa galit."
Naramdaman ng mga nanonood na disipulo ng tatlong sects na parang may mali.
"Li Hong, mag-ingat ka!"
Ang ekspresyon ni Ye Yanyu ay talagang nagbago habang sumisigaw siya.
Ang kanyang boses ay tila naging kulog na siyang umalingawngaw sa isip ni Li Hong.
Break!
Ikinumpas ni Ye Yanyu ang kanyang kamay at isang sinag ng moonlight ang humiwa sa ere at sinira ang anyo ni Zhao Feng.
Isang Yin Shadow Doppelganger lang ito.
Nagising si Li Hong mula sa kanyang panaginip at napagtanto niyang napakalapit niya na sa kalupaan at halos maabot na siya ng mga ugat.
Qiu Qiu Qiu!
Ang mga ugat ay gumawa ng bitak sa lupa at dumirekta kay Li Hong.
Umatungal si Li Hong at nagpadala ng mga sinag ng tubig at kidlat habang ang kanyang anyo ay naging isang arko ng kidlat rin na siyang tumulak sa mga ugat palayo bago siya lumipad sa kalangitan.
Sa huling pagkakataon, gumamit si Li Hong ng isang sikretong technique para makatakas.
"Napakalapit na noon!"
Nababalutan ng malamig na pawis si Li Hong na kakatakas lamang sa kamatayan.
"Minalas…. Sayang ang oportunidad."
Nagsisis ng bahagya si Zhao Feng habang nakatayo siya sa kalupaan.
Ang kanyang Eye of Heart ay handa nang linlangin si Li Hong pero agad siyang naunahan ni Ye Yanyu.
Sa pagkakataong galit si Li Hong, isang kahinaan ang lumabas sa kanyang puso at pinagsamantalahan ito ng Eye of Heart ni Zhao Feng. Kung hindi nakaabot si Ye Yanyu sa oras, mawawalan ang Pure Moon Spiritual Sect ng isang henyong nasa huling yugto na ng True Lord Rank.
Ang kakaibang bagay ay nakatayo si Zhao Feng sa lupa pero wala siyang natanggap na mga atake mula sa Towering Tree Yao.
Nakatingin si Ye Yanyu nang malamig kung saan nakatayo si Zhao Feng. Ang estado ng puso ni Ye yanyu ganoon rin ang kanyang mga kakayahan ay higit na mas malakas kaysa kay Li Hong.
Naunawaan ni Zhao Feng kung gaano ka nakakatakot si Ye Yanyu kung kaya patuloy siyang naglakbay patungo sa Towering Tree Yao.
"Bakit hindi siya inaatake ng Towering Tree Yao?"
Kumunot ang mga kilay ni Ye Yanyu pero hindi niya nilapitan o hinabol man lang si Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay nasa loob ng attack range ng Towering Tree Yao pero hindi siya inaatake nito. Walang kahit sino ang may espesyal na 'karapatan' gaya nito.
Ceng Ceng Sou!
Patuloy na tumalon si Zhao Feng at lumapag na siya sa mga sanga ng Towering Tree Yao.
"T*** i**…. Bakit hindi siya inaatake ng Towering Tree Yao?"
"Hindi lang pala wirdo ang lalaking ito."
Ang mga henyo ng tatlong sects at napatingin na lamang kay Zhao Feng habang nakaluwa ang mga mata dahil lumalakad lamang ito sa mga sanga ng Towering Tree Yao nang walang antala.
Tila ba walang pakialam ang Towering Tree Yao sa kanya.
Teng!
Si Zhao Feng ay lumapag sa panloob na bahagi ng Towering Tree Yao at itinango ang kanyang ulo nang bahagya: "Towering Tree Yao, magtulungan tayo."
Hu~
Ang mga sanga ng Towering Tree Yao ay gumaralgal habang kinakausap siya nito gamit ang mental energy.
"Nang sabihin ni Lord Purple Saint na magkakaroon ng mga dagdag na kawal, akala ko isa itong True Lord Rank. Aye, pero mukhang ikaw lang pala iyon."
Tila ba ang Towering Tree Yao ay nadismaya.
"Hehe, Towering Tree Yao, kung matutulungan kitang talunin ang mga taong ito at pagalingin ka ng kalahati, paano mo ko babayaran?"
Ngumiti si Zhao Feng.
Mukhang minamaliit talaga ng Towering Tree Yao ang kanyang dagdag na kawal. Subalit, normal lamang ito dahil ang cultivation ni Zhao Feng ay hindi ganoon kataas. Tanging ang mga nasa True Lord Rank o mas mataas pa ang makakapasok sa mga mata ng Towering Tree Yao.
"Mayroong limang True Lord Ranks at ilang dosena ng True Mystic Ranks. Tingin mo ba kaya mo silang talunin nang mag-isa at tulungan akong gumaling nang kalahati? Juniot, mukhang ang taas ng pagtingin mo sa iyong sarili at minamaliit mo yata ang Void God Protectio."
Bigkas ng Towering Tree Yao.
"Tama na."
Pinutol agad ni Zhao Feng ang Towering Tree Yao: "Kung magagaw ko talaga ito, hahayaan mo ba akong magcultivate ng kahit kaunting Wood Spirit Essence Soul mo?"
"Hmph, kung talagang magagawa mo ito, ano namang mali para hayaan kitang magcultivate gamit ang Wood Spirit Essence Soul ko?" Agad na pagpayag ng Towering Tree Yao.