Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 425 - Sampung True Lords

Chapter 425 - Sampung True Lords

Si Zhao Feng at ang Towering Tree Yao ay umabot na rin sa isang kasunduan.

Sa kagubatan, sina Ye Yanyu, Li Hong at Mo Yu ng Black Cliff Palace ay sinuri ang Towering Tree Yao.

"Nagtagumpay si Zhao Feng na makipagtulungan sa Towering Tree Yao."

Nagngitngit ang ngipin ni Li Hong. Pagkatapos niyang madaanan ang pinto ng kamatayan, ang kanyang likod ay punong-puno ng malamig na pawis at ang mga henyo ng tatlong sects ay nakahanap ng pagbabago sa sitwasyon.

Sa pagkakataong iyon, tumayo si Zhao Feng sa mga sanga ng Towering Tree Yao pero kalmado ito at hindi siya inaatake.

"Matagal na niya itong pinaplano at kaya nagtatago ang lobong ito sa balat ng isang tupa. Maraming mga disipulo ng sect ang namatay dahil sa kanya, kasama na si Yu Luo na nasa True Lord Rank. Kung hindi dahil sa mabibilis kung kilos, kahit ang ating kapatid na si Li Hong ay maaaring..."

Ang mukha ni Ye Yanyu ay puno ng pagnanasang makapatay at ang kanyang dibdib ay umalsa.

Simula nang pumasok siya Sa Purple Saint Ruins, wala pang nakapagpagalit sa kanya ng ganitong antas na gusto niyang patayin sila mismo.

Mula sa simula, mukhang pinagbabantaan ni Ye Yanyu si Zhao Feng. Pero sa katotohanan, siya ang pinakamalaki nitong 'payong'.

Kung hindi dahil kay Ye Yanyu, si Zhao Feng na isang tagalabas ay hindi makakalakad nang malaya para makakuha ng benepisyo sa tatlong sects.

"Kung hindi dahil sa akin, sina Yu Luo at ang iba pa ay hindi sana mamamatay…."

Naramdaman ni Ye Yanyu na siya ang may sala at ikinahihiya niya ito. Ang kanyang mga makinis na kamay ay nagtama at ang kanyang mga ngipin ay halos mapunit ang kanyang labi.

Subalit, ang kanyang puso ay malakas at kumalma na rin siya.

Alam ni Ye Yanyu na habang kaharap si Zhao Feng na espesyalisasyon ang mental energy, kahit anong kahinaan sa kanyang isip ay magagamit nito.

"Goddess Ye, bago ka pa dumating, ang Wicked Teeth ng tatlo ay halos mamatay sa kamay ng lalaking ito. Nakatakas pa nga siya sa tracking skill ni Chi Gui nang hindi nasasaktan." Taimtim na sabi ni Mo Yu.

Narinig niya si Chi Gui na sinasabi ang bagay na ito tungkol kay Zhao Feng.

"Sister Ye, paano ka nagamit ng sutil na iyon gayong napakatalino mo?"

Si Li Hong ay huminga nang malalim at sinabi ito nang hindi natutuwa. Kung hindi lamang pinoprotektahan nito si Zhao Feng, hindi na ito mabubuhay pa rito.

"Alam kong kasalanan ko ito kung kaya papatayin ko siya nang ako mismo." Malamig na wika ni Ye Yanyu.

Sa parehong pagkakataon, nagsimula na rin niyang isipin kung paano siya nahulog sa plano ni Zhao Feng?

Sa isang kislap, napagtanto niya ang pinakamahalagang punto at ang pinakakritikal na bahagi ng plano o kung hindi, hindi sana magagamit si Ye Yanyu nang ganito.

"Ang munting pusang magnanakaw!"

Nanginig ang anyo ni Ye Yanyu habang binibigkas ang bawat salita.

Ito ang pinakakakaibang bahagi ng plano. Ni hindi nga alam ni Zhao Feng kung sino si Ye Yanyu bago niya ito makilala. Kung hindi naman nila kilala ang isa't isa, bakit naman siya lilinlangin ni Zhao Feng?

Ang tunay na pinakamahalagang punto ay ang munting pusang magnanakaw.

Ang munting pusang magnanakaw talaga ang nakilala ni Ye Yanyu at sinadya nitong ihatid siya sa 'orihinal nitong may-ari' at mukhang pinagbantaan niya pa tuloy ito.

"Munting pusang magnanakaw!"

Malamig na ikinalat ni Ye Yanyu ang kanyang spiritual sense para mapag-alaman ang kinaroroonan ng munting pusang magnanakaw.

Subalit, kahit saan pa man magpunta ang kanyang spiritual sense, kahit sa mga damitan at sa interspatial rings, hindi niya mahanap ang bakas nito.

Miao Miao!

Isang maitim na abong pusa na mas malaki lamang nang kaunti sa palad ni Zhao Feng ang siyang tumayo sa balikat nito.

Ang taong ito at ang pusa ay sinamahan ang isa't isa na tila ba sila ay iisa.

"Munting pusang magnanakaw, ang plano mo ay mapanganib pero maganda naman ang mga pabuya…."

Ngumiti nang bahagya si Zhao Feng at hinaplos ang mga tainga ng munting pusang magnanakaw.

Miao Miao!

Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang kanyang mga pangalmot at gumawa ng maraming galaw, habang ipinapakita ang kapaklaan sa mukha nito. Pagkatapos agad noon, ang munting pusang magnanakaw ay naglabas ng isang bahagi ng Life Returning Grass sa kamay ni Zhao Feng.

"Ang aking Life Returning Grass, munting pusang magnanakaw, paano mo iyan nagawang nakawin…."

Ang mukha ni Ye Yanyu ay naging berde at pula. Ang kanyang mga mata ay sapat na para makapatay ng tao. Gamit ang kanyang tahimik at kalmadong pag-uugali, hindi pa siya naging ganito kagalit.

"Ang munting pusang magnanakaw ay kumukuha lamang mula sa mga lugar na may napakahalagang importansya o nabibigyan ng emosyon pero iisang bahagi lang naman ng Life Returning Grass ang kinuha nito. Para saan pa ang espasyo sa insterspatial ring? En, sinasabi rin nitong huwag kitang patayin."

Umiling si Zhao Feng. Kahit na nilinlang ng munting pusang magnanakaw si Ye Yanyu, ninakaw lamang nito ang isang bahagi ng Life Returning Grass at kinumpleto ang hinihingi ni Zhao Feng.

Pagkatapos ng lahat, si Ye Yanyu ay naging mabait pa rin sa munting pusang magnanakaw.

"Hindi ko kailangan ng awa niyan. Papatayin ko ang sutil na ito. Munting pusang magnanakaw, hindi kita sinisisi dahil may magkakaiba tayong panig."

Naging mainit ang mga mata ni Ye Yanyu nang mapunta ang kanyang tingin sa munting pusang magnanakaw.

Nang magtulungan ang dalawa, ang munting pusang magnanakaw ay binigyan siya ng maraming swerte at maraming masasayang alaala.

Miao Miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay iwinagayway muli ang kanyang pangalmot at mukhang may pinapagawa ito sa kanya.

"Ano…. Gusto mong ako at siya…. Imposible iyan!"

Namula ang mukha ni Ye Yanyu at halos mapadura na siya ng dugo. Kahit walang nakaiintindi, alam pa rin ni Zhao Feng kung ano ang tinutukoy ng munting pusang magnanakaw.

"Pumasok ka na dyan."

Walang emosyon na itinapon ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw sa Spiritual Pet Bag sa pamamagitan ng paghawak sa tainga nito,

Pagkatapos noon, hindi niya na pinansin si Ye Yanyu at ang mga kasama nito at saka nilabas ang Life Returning Grass at ibinigay ito sa Towering Tree Yao.

"Ito ang Life Returning Grass. Naniniwala akong nakumpleto ko na ang kalahati ng aking pangako."

Wika ni Zhao Feng.

"Life Returning Grass."

Nagulat ang Towering Tree Yao at kinuha ito sa pamamagitan ng bayo ng isang berdeng hangin.

Ang katawan nito ay bumukas na tila isang bibig at kinain ang Life Returning Grass. Ang Life Returning Grass ay karapat-dapat lamang talaga na mapabilang sa mga maalamat na kayamanan o legendary treasure. Kahit pa ang pinsalang dulot ng Void God Protection ay nagsimulang gumaling.

"Bata, mukhang minaliit kita. Ang Life Returning Grass ay sapat na para pagalingin ang kalahati ng aking mga pinsala pero ang isa pang kalahati ng kasunduan ay dapat mong paalisin ang mga henyong ito na siyang hindi madali."

Tumawa ang Towering Tree Yao.

Tumayo si Zhao Feng sa mga sanga ng puno habang ang kanyang kulay asul na buhok ay nililipad ng hangin.

Hindi talaga siya gumalaw at tila ba naging parte siya ng Towering Tree Yao.

Dumepensa lamang, huwag umatake. Ito ang plano ni Zhao Feng.

Ang Towering Tree Yao ang pinakamalaking proteksyon na mayroon si Zhao Feng at dahil doon, nakakaangat sila sa lupa.

Ang tatlong sects ay hindi agad na umatake. Dahil siguro ikinagulat pa rin ng lahat ang biglaang pagtataksil ni Zhao Feng.

Ang limang True Lords, sina Ye Yanyu, Zhuang Wan'er, Li Hong, Chi Gui at Mo Yu ay nagsama-sama at nagsimulang mag-usap.

"Mula sa mga True Lords, tanging si Chi Gui lamang ang may espesyalisasyon sa eye skills at umaasa kami na ibibigay mo ang lahat sa nalalapit na laban." Pagmumungkahi ni Ye Yanyu.

Mula sa mga henyo na pumasok sa Ruins, ang eye bloodline ni Chi Gui ang masasabing nabibilang sa pinakamagaling.

Kung babalikan sa kweba, ang kanyang sikretong technique ang siyang nakapinsala kay Ye Yanyu.

"Ang eye bloodline ng sutil na ito ay malakas pero hindi niya pa naman naaabot ang True Lord Rank. Sa huli, kampante ako sa eye bloodline na labanan. Subalit, may pinsala pa ako sa paggamit ng ipinagbabawal na skill noong narakaraan at hindi ko masisiguro ng 100%...."

Napaiyak nang mapakla si Chi Gui sa kanyang puso.Sa katotohanan, humihingi siya sa dalawang sects ng kayamanan.

Sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay nagtinginan muna at saka naglabas ng mga kayamanan sa kanilang interspatial items.

Sapat na ito para pagalingin si Chi Gui.

"Salamat sa lahat ng inyong natulong. Hayaan niyo muna akong magpagaling sandali at magagamit ko na ang Black Wicked Eye para malabanan ang sutil na ito."

Ang boses ni Chi Gui ay gumagaralgal at may mga puting liyab sa kanyang mga mata na tila pumipilipit hanggang sa maging isang tuldok ito sa gitna.

Ang lahat ay umaasa na tuloy sa kanya dahil naranasan na nila ito. Kahit na hindi nito matalo si Zhao Feng, matutulungan pa rin sila nito sa laban.

Nakikinita nila ang isang matinding labanan sa pagitan ng mga 'Eye Bloodlines'.

"Inaabangan ko rin ang bagay na ito."

Nakatayo si Zhao Feng sa may puno at wala ni kahit isa sa kanilang mga galaw ang nakatakas sa kanyang God's Spiritual Eye.

Ang Black Wicked Eye ni Chi Gui ay napakamakapangyarihan at minsan na itong naranasan ni Zhao Feng nang personal nang gamitin ni Chi Gui ang Dark Lantern Ghost Eye na siyang nagtulak kay Zhao Feng sa kawalan ng pag-asa.

Kung hindi dahil sa katotohanang walang pakialam si Zhao Feng sa pabuya at sinira niya ang Dark Lantern Ghost Eye, hindi siguro siya makakatakas.

Kung dati nangyari ito, hindi ganoon kakampante si Zhao Feng para harapin ang eye bloodline ni Chi Gui nang direktahan sapagkat ang lamat sa kanilang cultivation ay napakalaki.

Subalit, mabilis na lumago si Zhao Feng sa ruins at ang kanyang God's Spiritual Eye ay naging mas makapangyarihan.

Sou Sou Sou----

Ang tunog ng paglipad ay muling maririnig at ang ere ay napuno ng kasamaan.

"Maganda ito, ang mga dagdag na pwersa ng Moon Demon Palace ay narito na rin sa wakas."

Ang mga henyo ng Moon Demon Palace ay napabulalas.

Ang pangkat na nagmula sa Moon Demon Palace ay dumating na at ang kanilang pinuno ay isang kalbong lalaki na may itim na baluti at ang cultivation ay nasa True Lord Rank na.

Ngayon, ang bilang ng nasa True Lord Ranks ay umabot na ng anim.

Hindi ito ang katapusan. Isang oras pa ang nakalipas, marami pang pwersa ang dumating. Ang iilan ay galing sa tatlong sects at ang iba naman ay galing sa mga one-star clans.

Habang lumilipas ang oras, parami nang parami ang mga henyong nagsasama-sama sa misteryosong kanyon.

Ito ay dahil sa Void God Protection ni Ye Yanyu na nararamdaman ng lahat mula sa ilang libong milya.

"Mayroon nang…. Halos isang daang henyo rito." Bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili.

Dalawang oras ang makalipas. Ang bilang ng mga True Lord Rank cultivators ay umabot na ng sampu.

Mula sa kanila, dalawa o tatlo ang nakaabot ng True Lord Rank sa loob mismo ng Purple Saint Ruins.

Pagkatapos ng lahat, may malaking bilang ng Peak True Mystic Rank na mga henyo at hindi nakagugulat na ag iba ay makakaabot ng True Lord Rank habang nasa ruins.

"Sampung True Lord Ranks, isang daang heyo, lahat sila ay hindi na hihina pa kumpara sa isang napakahusay na prodigy ng Azure Flower Continent…. Sa kabutihang palad, hindi dumating na si Lu Tianyi. Sinabihan ko ang Purple Saint Partial Spirit na pahirapan muna siya."

Hindi kalmado ang puso ni Zhao Feng. Mahirap isipin kung anong klaseng laban ang magaganap.

Ang kaba at panginginig dahil sa tensyon ng Towering Tree Yao ay hindi makakatakas sa panramdam ni Zhao Feng.

Totoo nga.

Kung walang aksidenteng magaganap o mga milagro, sa kasalukuyang estado ng Towering Tree Yao, maglalaho ito sa loob ng dalawang oras.