Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 426 - Black Wicked Eye

Chapter 426 - Black Wicked Eye

Misteryosong kanyon, sa looban ng kagubatan.

Ang aura ng sampung True Lord Rank ay kumalat sa kalangitan at umikot ang mga ulap. Ang ere ay napuno ng iba't ibang mga elemento at kulay.

Sa oras na iyon.

Ang pwersa ng tatlong sects ay higit pang lumakas, kung saan inabot na ito ng isang daang katao."Mukhang hindi mo matutupad ang isang parte ng pangako mo, bata. Hindi ko matatakasan ito."

Humuni ang malungkot na boses ng Towering Tree Yao sa tainga ni Zhao Feng.

Sa ilalim ng pangkaraniwang pagkakataon, kahit doble pa ang dami ng True Lord Ranks, hindi pa rin nila kakayanin ang Towering Tree Yao.

Ngunit ang Towering Tree Yao ay napinsala na ng Void God Protection at dahil doon, nagkaroon ito ng isang malaking butas.

Walang proteksyon ang butas at hindi pa ito humihilom.

Nangangahulugan itong malayang atakihin ng mga dalubhasa ng tatlong sects ang Towering Tree Yao, at dahil din sa butas na ito, ang Towering Tree Yao ay walang magagawa sa ilalim ng kanilang atake. Kahit ang isang tunay na eksperto ng Origin Core Realm ay hindi ito kayang tiisin.

Sumampa si Zhao Feng sa mga puno nang hindi nagpapakita ng emosyon: "Mas nakakabagabag nga ito kaysa sa inasahan ko."

Mas kalmado si Zhao Feng kumpara sa Towering Tree Yao.

"May plano ka ba, bata? Anong gusto mong gawin ko?"

Maaring nakakita ng sinag ng pag-asa ang Towering Tree Yao sa pagkamahinahon ni Zhao Feng.

Bagaman malakas ang Towering Tree Yao, ang maaari lamang gawin nito ay manatili sa kinatatayuan nito at tanggapin ang mga atake.

Kaya naman, napunta lahat ang pag-asa nito kay Zhao Feng.

"Hintayin mo silang pumunta rito."

Hindi na tinuloy ni Zhao Feng ang kanyang paliwanag.

Binuksan niya ang God's Spiritual Eye upang suriin ang sampung True Lords.

Gamit ang God's Spiritual Eye, lahat ng sitwasyon, elemento ng skill, kalusugan, atbp. ay lumilitaw sa kanyang harap.

"Tatlo sa sampung True Lords ay nasa huling yugto ng True Lord Rank, apat ay nasa maagang yugto, at tatlo ang nasa simula pa lamang ng True Lord Ranks."

Bumulong si Zhao Feng.

Ang tanging mga tao na kinaiingatan ni Zhao Feng ay sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er.

Walang tiwala si Zhao Feng na kaya niyang tapatan ang kahit isa sa kanila.

At ngayon, wala sa kwestyon ang solong labanan.

Lahat sila ay haharapin ni Zhao Feng.

Nagsisimula na!Sou Sou Sou Sou----

Pinangunahan ng sampung henyo ng True Lord Rank ang daan-daang True Spirit Realms at patungo na sila sa butas ng Towering Tree Yao.

Nasira ng Void God Protection ang proteksyon ng puwang, kung saan ang naiwan na lamang ay ang katawan ng puno na hindi pa gumagaling.

"Sugod!"

Nagpadala ng mahahabang hanay ng atake at ng skills ang sampung True Lord Ranks sa katawan ng Towering Tree Yao.

Kapag naabot na ng isang tao ang True Lord Rank, kakayanin na nilang umatake ng isang bagay mula sa isang daang yarda.

Peng Peng Boom--- ang katawan ng Towering Tree Yao ang siyang tumanggap ng tindi ng mga direktang atake, at ang sangay nito ay yumagyag. Sa likod ng sampung True Lords ay mas marami pang henyo ng True Spirit Realm na may kapangyarihang makasira ng maliit na pwersa nang madalian.

Walang taktika o walang stratehiya ang naganap, ngunit puspusang paramihan lamang ng bilang.

Buti na lamang ay sobrang lakas ng katawan ng Towering Tree Yao, at kinaya nitong tiisin ang pinsala ng sampung True Lord Ranks at daan-daang True Spirit Realms nang deretso sa loob ng isang sandali.

"Dalian mo mag-isip, bata. Dalawang oras ko lamang sila kayang tiisin."

Apurang-apura ang tono ng Towering Tree Yao.

"Hindi ba nila naiisip na nandito ako?"

Umakyat muli si Zhao Feng sa isang sanga at tahimik na pinanood ang sunod-sunod na atake ng tatlong sects.

Pagkaraan ng ilang sandali, naintindihan niya rin ang intensyon ng tatlong sekto. Mawawalan ng proteksyon si Zhao Feng kapag nasira ang Towering Tree Yao. Kapag nangyari ito, hindi ba't magiging madali ang paghuli sa kanya?

Kaya kung walang gagawin si Zhao Feng, wala ring gagawin ang sampung True Lord Ranks.

"Magsimula na tayo."

Bumukas bigla ang Spiritual Eye ni Zhao Feng, at ang kaliwang mata niya ay tila bang nagmamanaag ng yelo.

Shua!

Yumanig ang puso ng ilang eksperto ng True Spirit Realm.

"Patayin siya!"

"Ibigay mo na ang Wood Spirit Essence Soul!"

"Arghhh… Nakatatandang kapatid! Bakit… mo ako inatake!!?"

Biglaang nagkagulo sa grupo. Ilan sa True Spirit Realms ay nawalan bigla ng kontrol sa kanilang mga emosyon at inatake ang mga tauhang malapit sa kanila.

Bam! Bam! Bam!

Nagwisikan ang dugo ng mga disipulo ng tatlong sects matapos silang patayin ng mga nasa kanilang paligid.

Eye of heart!

Nagmasid ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng sa grupo.

Sa ilang sandali lamang, apat hanggang limang tao mula sa tatlong sects ay nakontrol ng Eye of Heart ni Zhao Feng, at inatake nila ang mga tauhan na malapit sa kanila.

"Mag-ingat kayong lahat!"

Ang tatlong sects ay napasindak, at lahat sila ay niligtas lamang ang sarili.

Wala sa ilalim ng True Lord Rank ang may kayang harangan ang Eye of Heart ni Zhao Feng, at sa isang siglap, nakontrol nito ang kanilang mga emosyon.

Kaharap ang posibilidad na 'pag-taksilan' pa sila ng iba, paano magkakaroon ng loob ang mga disipuli na atakihin ang Towering Tree Yao?

"Eye of Illusion!"

Hindi tumigil ang pag-atake ni Zhao Feng, at ang God's Spiritual Eye ay tuluyang nagmasid.

Plop Plop!

Dalawang disipulo sa tatlong sects ay nalaglag mula sa kalangitan at humantong malapit sa lupa.

Shuuuu------

Nagsilbing pataba ang mga henyo nang may mga ugat na naglabasan mula sa kalupaan na humatak sa kanila palubog.

Lalong nagkagulo ang tatlong sects.

"Kung maari, Chi Gui."

Umilaw ang mata ni Ye Yanyu nang siya ay tumingin kay Chi Gui.

Si Chi Gui ay siyang bihasa sa eye bloodline techniques at siyang pinakamagaling sa sampung True Lords.

"Iwan mo siya sa akin!"

Malakas na naglinis ng lalamunan si Chi Gui habang ang singsing niya sa ilog ay humampas sa hangin.

Nanonood si Chi Gui nang ginamit ni Zhao Feng ang kanyang bloodline.

"Ang bloodline ng buwisit na ito ay mas nakabase sa mental energy. Walang lalapit nang walang may soul protective na aytem bago ko siya tapusin. Para naman sa mga may mas mababang cultivation sa Peak ng True Mystic Rank, lumayo kayo."

Inutos ni Chi Gui, at matapos itong sabihin, nagsimula nang mag-organisa ang sampung True Lord Ranks.

Halos dalawa sa tatlong parte ng mga tauhan ay tumakas, at ang cultivation ng mga natirang henyo ay umabot sa Peak ng True Mystic Rank o mayroong silang magandang soul protective items.

"Hmm?"

A-atake na sana si Zhao Feng nang biglang may naramdaman siyang malamig at kasuklam-suklam na pumasok na aura sa kanyang kaluluwa.

Black Wicked Eye!

Sumiklab ang puting apoy sa mga mata ni Chi Gui, at may isang misteryosong itim na tuldok ang lumitaw sa gitna ng kanyang mata.

Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa, habang ang Black Wicked Eye ay humarap sa God's Spiritual Eye.

"Tagalabas…. Tignan natin kung gaano kalakas ang eye bloodline mo!"

Dinilaan ni Chi Gui ang kanyang mga labi habang ang pagnanasa na makipaglaban ay nagdaluyong sa kanyang mga mata.

Sa kanyang isipan, naalala niyang natalo na ang kanyang eye bloodline sa kalabang iyon dati, at napuno ang kanyang puno ng pag-aalinlangan at pagnanais na totoong makipaglaban.

At ngayon, nandito na ang pagkakataong iyon.

Black Wicked Eye vs God's Spiritual Eye!

Ang pagsasagupaan ng eye bloodlines!

Peng!

Ang tuldok sa Black Wicked Eye ni Chi Gui ay biglang nanginig, at sa sunod na pangyayari ay may isang hindi makitang tulay ang lumawit mula sa kanya hanggang kay Zhao Feng.

Hindi naintindihan ng mga disipulo kung ano ang nangyayari.

Dumagsa ang 'ghost bridge' kay Zhao Feng, at naramdaman niyang may isang masamang hangin ang tumulay papunta sa kanya. Nagsimulang lumamig ang kanyang katawan habang ang kapangyarihan ng Black Wicked Eye ay lumagpak sa kanya.

Malamang ay masisira ang kaluluwa ng normal na eksperto nang dahil sa katakut-takot na kasamaan ng hangin na ito, na iniiwan lamang siya na isang punlo na walang pag-iisip.

Shua!

Isang puting ghost claw ang lumabas bigla sa tulay at tumuloy patungo kay Zhao Feng. Ang malaking claw na ito ay sobrang laki na kaya nitong sakupin ang isang kwarto, at ang katawan ni Zhao Feng ay nakakandado sa ghost bridge. Nangangahulugan itong hindi siya makaka-iwas.

"Para maka-abot nang sobrang lalim sa isang bloodline. Karapat-dapat para sa isang two-star sect."

Binuksan muli ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at inimbistigahan ang skill ni Chi Gui.

Mula sa Black Wicked Eye, nakita niyang naabot ni Chi Gui ang limitasyon kung paano gamitin ang hangin ng kasamaan, at ang mga paraan niya ay mahirap labanan.

"Break!"

Inikot ni Zhao Feng ang nagyeyelong tubigan sa kanyang isipan at nilabanan ang kapangyarihan ng ghost bridge.

May kapangyarihang nilalaman ang God's Spiritual Eye na kayang manguryente ng mga multo at mga diyos, at biglang nawala ang lamig sa kanyang buto.

Ang ghost claw ay biglang natulak paalis ng isang simpleng bagay at muntik nang mawala. Nagsimulang umuga at mawalan ng tatag ang ghost bridge.

"Dali!"

Tinapik nang mahinhin ni Chi Gui ang kanyang ghost bag, at dose-dosenang mababangis na multo ang naglabasan. Iba sa kanila ay hugis tao, samantalang ang iba ay hugis ng mga hayop, at ang kanilang mga auras ay kumawala.

Parte ng mga multong ito ay sumapi sa tulay, at ang ghost bridge ay muling naging matatag at naging makatotohanan.

Isa pang porsyento ng mga multong ito ay umungol sa ilalim ng lakas ng ghost bridge at naging isang puting apoy na siya namang lumiyab patungo kay Zhao Feng.

"Gumagamit ng tulong ng iba upang lumakas ang eye bloodline technique."

May bagong natutunan si Zhao Feng ngayon. Upang matalo si Zhao Feng, kinailangang gumawa ng maraming utos si Chi Gui sa ibang sects at ibang disipulo ng Black Cliff Palace upang bigyan siya ng kaniyang kailangan.

Maaaring sabihin na handang-handa siya sa laban nila ni Zhao Feng.

Wu~

Sa pagsapi ng halos daan-daang multo, naging mas lalong karumal-dumal ang mga atake ng Black Wicked Eye ni Chi Gui.

"Zhe zhe zhe, hindi mabilang ang mga paraan ng paggamit ng ating Kapatid na Chi Gui sa Black Wicked Eye."

"Miski si Ye Yanyu, ang g***** iyon ay nasaktan ng Black Wicked Eye."

Hambog ang pagtawa ng mga henyo ng Black Cliff Palace.

Natuwa rin ang natirang siyam na True Lord Ranks sa pangyayari.

"Mukhang kahit hindi manalo si Chi Gui ay mapipigilan pa rin ang batang iyon. Ibig sabihin ay madali tayong makakaatake."

Tumango ang mga True Lords.

Umilaw ang mga mata ni Ye Yanyu: "Hindi tayo dinismaya ni Chi Gui. Pero para mas ligtas, magpadala pa tayo ng dalawang True Lord Ranks para suportahan si Chi Gui, at kung tama ang pagkakagawa, baka mapatay rin natin siya."

Lingid sa kanyang kaalaman, siya mismo ay nababalisa sa laban ni Chi Gui at Zhao Feng.

Siguro tama ang pagkalkula ni Zhao Feng sa kanya, at nag-iwan pa ito ng impresyon sa kanya.

Sou! Sou!

Dalawa pang True Lords sa natirang True Lord Ranks ang pumunta upang suportahan si Chi Gui.