Tumungo ang dalawa pang True Lords para tumulong sa labanan ni Zhao Feng at Chi Gui.
Tatlo kabuuan ang kinakaharap na True Lord Ranks ni Zhao Feng.
"Walang True Mystic Rank lang ang pwedeng mamatay nang may pinagsisisihan matapos makipaglaban sa tatlong True Lord Ranks nang sabay-sabay."
Sabi ng isa sa mga babaeng True Lord Rank, ang tono ng boses niya ay para bang nanglalait. Ang kulay ng kanyang balat ay maikukumpara sa nyebe.
Isa siya sa dalawang True Lord Ranks na sumusuporta kay Chi Gui. Nanggaling siya sa Pure Moon Spiritual Sect, at isa sa mga swerteng nakaakyat sa True Lord Rank.
"Kapatid na Gong, huwag mo nang babaan ang pagtingin sa kanya. Ang isang taong kayang kalabanin si Chi Gui at maging mahalaga sa paningin ni Sister Ye ay hindi simple. Isang halimbawa ay si Yu Luo."
Pagbabala ng isang batang nasa maagang yugto ng True Lord Rank na siyang may maitim na mukha.
"Isa sa mga tatlong pinakagwapo si Lu You noon, at matagal ko siyang minahal nang lubos, kaso ay natakot akong sabihin sa kanya. Pero ngayong nakamit ko ang True Lord Rank, nagkaroon ako ng pagkakataong maging kanya… ngunit nawasak ang pangarap kong ito."
Hindi niya maiwasang maluha, pero agad din itong napalitan ng malamig na layuning pumatay.
Hindi niya hahayaang mawala ang pagkakataong patayin si Zhao Feng.
"Hindi ko na kayang patagalin pa."
Sa gilid ng mata ni Zhao Feng, nakita niya ang pagdating ng dalawang True Lord Rank.
Sa oras na iyon, malapit nang masunog ng puting apoy ang katawan ni Zhao Feng.
Kayang sunugin ng apoy na ito ang laman at ang mismong lifeforce niya, kaya rin nitong agnasin ang kaluluwa niya. Totoong kagamba-gambala ang sitwasyon na kinakaharap niya.
Nakatulong lamang ang paggamit ni Chi Gui sa kanyang bloodline upang mapalago ni Zhao Feng ang kanyang eye level.
Sa ilalim ng normal na sitwasyon, lalabanan talaga ni Zhao Feng si Chi Gui dahil marami siyang matutunan rito.
Ngunit, iba ang sitwasyon nila ngayon.
Hindi makakatakas nang buhay ang Towering Tree Yao kung humigit pa sa dalawang oras ang labanan, at kailangan pa ring harapin ni Zhao Feng ang iba pang True Lord Ranks.
Lightning Fire God's Eye!
Kumislap ng kidlat at apoy ang mata ni Zhao Feng.
Whoosh!
Biglaang may tumamang kidlat ng apoy sa ghost bridge, na siya namang umalingawngaw ng tili at hiyaw, habang ang puting liyab naman doon ay namatay.
"Isang atake ng eye skill na may halong elemento ng kidlat at apoy…"
Nangatog ang puso ni Chi Gui nang may mapanirang aura ang tumungo sa kanyang Black Wicked Eye gamit ang ghost bridge.
Weng~~
Nagsimulang yumanig at mawala ang ghost bridge na pinamamahayan ng 'di mabilang na multo.
Malalaking bilang ng multo ang nagsimulang umusok mula sa katakut-takot na kapangyarihan ng kidlat at apoy.
Sa oras na iyon, tila ba natamaan din ng kidlat at apoy ang kaluluwa ni Chi Gui.
Boom!
Matapos noon, ang sunod na atake ng Lighting Fire God's Eye ay para bang mismong nakatutok kay Chi Gui.
Crack!
Agad na nasira ang ghost bridge.
"Ghost God breaking through the Void!"
Umikot ang Black Wicked Eye ni Chi Gui, kung saan may maitim na sinag ang lumabas dito na siyang humarang sa Lightning Fire God's Eye.
Sobrang kakaiba ng mga maitim na sinag na ito, sapagkat kaya nitong hadlangan ang mga pisikal at mental energy attacks.
Boom Boom Boom!!
Nasapol ng mga beams ni Chi Gui ang Lightning Fire God's Eye, at sangkatlo sa mga ito ay kasingbilis ng Lightning Fire God's Eye na tuluyang pinaulanan si Zhao Feng.
"En, ang maitim na sinag na ito... Pinagsama-sama ang lahat ng kapangyarihan sa isang linya para sa pinakadirektang atake."
Nagsimulang makamit ng God's Spiritual Eye ang pinakamataas na kapasidad nito, at kung pag-iisip ang pag-uusapan, ilang beses na mas mabilis pa si Zhao Feng dito kumpara sa maitim na sinag. Ito ang tunay na biyaya sa kanya ng God's Spiritual Eye.
God's Spiritual Eye - Copy!
Lumiwanag lalo ang asul na ilaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng, at mula sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, nagsimulang umalon ang nagyeyelong tubigan.
Qiuu----
Isang malamig na sinag ang lumabas sa kaliwang mata ni Zhao Feng na lumaban sa itim na sinag ni Chi Gui.
Nagyelo muna nang panandalian ang maitim na sinag ni Chi Gui bago ito nabasag.
"Anong nangyayari? Sikretong skill ko rin ang gamit niya, pero ibang elemento…"
Gulat na gulat si Chi Gui.
Pinanood niyang masira ang Ghost God breaking through the Void dahil sa sarili niyang skill.
Qui--
Hindi pa rin namatay ang nagliliyab na kidlat sa katawan ni Chi Gui, at ang malamig na sinag na mayroon pa ring kalahating lakas ang natitira ay tumama sa kanyang katawan.
Isang kakila-kilabot na lamig ang nagpahinto sa kanyang laman at kaluluwa.
Sininok si Chi Gui. Biglaan niya na lamang naintindihan ang ibig sabihin ng kombinasyon ng kidlat at apoy.
"Hehe, ang atakeng ito ay ibang anyo ng Eye of Soul. Tawagin natin itong Ice Soul Shooting Line o Ice Soul Charge."
Bahagyang natawa si Zhao Feng.
Ang Eye of Ice Soul ay nakapokus sa iniisip at pag-iisip ng kalaban, at ito ay isang tuloy-tuloy na atake, samantalang ang Ice Soul Shooting Line naman ay nakapatungkol sa pagsabog na maihahantulad sa Ghost God breaking through the Void ni Chi Gui na kayang maharangan ang atake ng iba.
"Copying technique? Ang eye bloodline mo….."
Tumambok ang mga mata ni Chi Gui at bumuka ang kanyang bunganga.
Siya ay medyo nasaktan na ng Lightning Fire at ng Ice Soul, ngunit walang makakalebel sa gulat na nararamdaman niya sa oras na iyon.
Eye of Illusion!
Ginamit muli ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye.
Sa sunod na nangyari.
Lumitaw si Chi Gui sa isang malamig na dimensyon kung saan siya ay nakatali sa kadenang gawa sa kidlat.
"Hinahadlangan ng ilusyon ang aking isip?"
Nagulat nang bahagya si Chi Gui, ngunit hindi siya nasindak. Malamang ay nakakita na siya ng kaparehang skill dati.
Pa Pa Pa!
Biglang pinalantikan ni Zhao Feng si Chi Gui ng isang matinik na latigong gawa sa bakal na labis na pinahirapan ang kanyang malay.
Maaring mahimatay sa pagod ang isang tao kapag naubos na ang mental energy nito.
Siyempre, alam ni Chi Gui kung ano ang ginagawa ni Zhao Feng.
Ang problema lamang ay nasa gitna siya ng himpapawid, at sakaling malaglag siya, magsisilbing pataba na lamang siya ng Towering Tree Yao.
"Vengeance Ghost Spirit Explosion!"
Nangngalit si Chi Gui nang nanginig ang singsing niya sa ilong nang maglabas ito ng sobrang lakas na bukal ng ghost power.
Sa pisikal na dimensyon, nagsimulang magliyab ang noo ni Chi Gui nang may halong ghost power, na nakabuo ng 'di maipaliwanag na pagyanig ng kaluluwa.
Huang!
Sunod-sunod na alon ng itim na hangin ang pumalo sa loob ng ilusyong dimensyon. Kumulubot ang noo ni Zhao Feng. Biglaang lumaki ang kapangyarihang kinakailangan niya upang mapanatiling buo ang ilusyong dimensyon.
Pinipwersa ni Chi Gui ang daan niya palabas.
Kung normal na isahang labanan ang kasulukuyang nangyayari, papatagalin pa sana ito ni Zhao Feng dahil malakas ang loob niya sa mental energy source ng God's Spiritual Eye.
Ngunit iba ang pagkakataon ngayon.
Maliban kay Chi Gui, may siyam pang True lord Ranks ang naghihintay, at dalawa sa kanila ay kakarating lang.
"Anong nangyayari…. mukhang napahinto niya si Chi Gui?"
Nabahala ang batang maitim ang mukha at ang eleganteng babae.
Hindi lamang ganoon katagal na oras ang lumipas ay nanginginig ang puso ng mga henyo sa pagtuos ng bloodlines ni Chi Gui at Zhao Feng. Ngunit ngayon, nabaliktad ni Zhao Feng ang laban nang ganoon lang kadali.
Nagmarka ang sunog sa katawan ni Chi Gui, at tumulo ang pawis sa noo niya habang sinubukan niyang kumawala.
"Masyadong mababa ang tingin natin sa kanya. Miski si Chi Gui ay hindi siya kinayang pigilan…."
Taimtim na nanonood si Ye Yanyu mula sa malayo. Buti na lamang ay dumating na ang dalawang True Lord Ranks na susuporta.
"Nasa kritikal na punto si Zhao Feng at si Chi Gui. Ito na ang pinakamagandang oras para patayin siya"
May lumabas na layuning pumatay sa mukha ng eleganteng babae.
"Tama. Hindi natin kayang tumulong gamit ang eye bloodlines, pero kung papatayin natin si Zhao Feng, mareresolba na ang lahat."
Tumango ang batang maitim ang mukha.
Ang dalawang ito ay matalino, at agad nilang nakita kung nasaan ang problema.
Sou Sou!
Lumipad palapit kay Zhao Feng ang dalawang True Lord Ranks.
Kahit nasa loob ng kagubatan at teritoryo ng Towering Tree Yao si Zhao Feng, mayroon pa ring pitong True Lord Ranks at sandamakmak na True Spirit Realms na tumutulong. Hangga't hindi masyadong lumalapit ang dalawa, mataas pa rin ang tsansa nilang magtagumpay.
"Masyado ninyo akong kinatatakutan para sa tatlong True Lord Ranks ang magsaling pwersa."
May halong masamang hangarin ang kanyang tawa.
Shua!
Binalik ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at biglaang bumalik rin ang malay ni Chi Gui. Namutla ito at muntik pang malaglag nang nauuna ang ulo.
Sa oras na iyon, nakita ni Chi Gui na sumusugod na ang dalawang True Lord Ranks kay Zhao Feng.
"Sandali!"
Nagmura si Chi Gui. Dahil sa engkwentro nila, noon niya lamang naintindihan kung gaano talaga kalakas si Zhao Feng. Kahit pa True Lord Ranks pa ay mahihirapang kalabanin ang kanyang eye bloodline skills.
Ang tanging kayang gawin niya na lamang ngayon ay gamitin ang Black Wicked Eye na nasa 60% na lamang ng kapangyarihan nito para maantala si Zhao Feng.
Ngunit.
Hindi man lang pinansin ni Zhao Feng ang panggambala niya, na siya namang nagpokus sa dalawang True Lord Ranks na papalapit.
"Mag-paiwan na kayo."
Kumaway bigla si Zhao Feng.
Shua Shua!
Biglang may dalawang anyong kulay pilak ang bumulwak mula sa kalupaan na sumugod sa likod ng batang may maitim na mukha at sa eleganteng babae.
"Ano---- hindi maganda 'yan!!"
Gulat na sigaw ni Chi Gui.
Ang dalawang anyong kulay pilak na iyon ay dalawang Dark Silver Poison Corpses. Ang aura ng dalawang ito ay maiikumpara sa True lord Rank ghost corpses.
Biglang nasipit ang dalawang True Lord Ranks ng dalawang Poison Corpses at ni Zhao Feng.
Naiwan ang eleganteng babae nang kaunti, at dahil doon, ay tinambangan siya ng dalawa Poison Corpses.
"Iligtas mo ako…."
Tawag ng eleganteng babae. Kamakailan lang ay naabot niya ang True Lord Rank, at agad-agad ay nakipagharapan na siya sa dalawang Poison Corpses.
Shu Shu Shu----
Sa ilalim ng utos ni Zhao Feng, kinaway ng dalawang Poison Corpses ang sipit nilang nakalalason at sinibat ang babae.
Natakot nang lubos ang eleganteng babae nang masira ang kanyang Qi of True Spirit Protection dahil sa sipit ng mga halimaw.
Shu-
Duguan ang ang babae matapos siyang masugatan ng sipit ng Spirit Corpses, at sa oras na nalason na siya, tumigil na rin ang pagdaloy ng dugo niya. Kalahati ng paa niya ay nasa pinto na ng kamatayan.
Shu Shu--
Matapos ng pangyayaring ito, biglang sinaksak ng dalawang Spirit Corpses ang katawan ng babae at agad na kinain ito. Kahit gaano pa man siya kaganda, sa bandang huli ay buto niya lang ang matitira sa kanya.
Ang karumal-dumal na pangyayaring iyon ay nagtulak sa pitong True Lord Ranks na huminga nang malalim.
"Kapatid na Gong!"
Napahinto ang batang may maitim na mukha sa kanyang nakita.
Ang una niyang reaksyon ay hindi gumanti, kundi tumakas.
Katakot-takot.
Tagung-tago ang lakas ni Zhao Feng, hanggang sa puntong natago nito ang dalawa Ghost Corpses.
"Eye of Ice Soul!"
Kaya lamang, bago siya makalipad paalis, isang kakaibang lamig ang bumalot sa kanyang katawan.
Sa maagang yugto ng True Lord Rank cultivation, ang pag-isip niya ay mas bumagal pa sa mga nasa True Human Rank.
Shu Shu Shu----
Kinagat at sinipit-sipit ng dalawang Ghost Corpses ang batang may maitim na mukha, hanggang umabot sa puntong pira-piraso na lamang ang natira sa kanya.
"Dalawa na."
Walang hirap na pinatay ni Zhao Feng ang dalawang True Lord Ranks. Matapos ito, diniktahan niyang atakihin ng dalawang Poison Corpses si Chi Gui.