Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 428 - Ang Ikatlong Pagpaslang

Chapter 428 - Ang Ikatlong Pagpaslang

Sandaling oras lamang ang lumipas ay dalawang True Lord Ranks na agad ang namatay nang dahil sa Poison Corpses.

Ang pitong True Lords at ang mga henyo ng tatlong sects ay napahinto sa mga pangyayari.

Mabilis ang mga kaganapan. Kani-kanina lamang ay kinakaya ni Chi Gui si Zhao Feng sa labanan nila ng eye bloodline at sa pagdating ng dalawa pang True Lord Ranks. Nasa delikadong sitwasyoon noon si Zhao Feng.

Sinong mag-aakala na mababaliktad niya ang mga pangyayari?

Dalawa sa tatlong True Lord Ranks ay napatay na, at ang natira sa kanila, si Chi Gui, ay nasa peligro na.

"Paanong para bang naabot ng dalawang Poison Corpses ang lebel ng True Lord Rank at may ganoong kalakas na lason…. Paano ito nangyari?"

Hindi makapaniwala si Chi Gui.

Gaano ba kahirap na pataasin ang antas ng isang ghost corpse tungo sa lebel ng isang True Lord Rank?

Lubos na alam ni Chi Gui kung gaano ito kahirap. Matagal na panahon at maraming siyang sinakripisyong bagay para lang magkaroon ng dalawang ghost corpses, samantalang ninakaw lamang ni Zhao Feng sa isang Black Cliff Palace disciple ang kanya, wala pa nga sa True Mystic Rank ang dalawang iyon.

"Earth Yin Poison Mushroom. Baka nakuha niya ang Earth Yin Poison Mushroom!"

Naisip bigla ni Chi Gui at naunawaan. Ang Earth Yin Poison Mushroom lamang ang may kakayahan upang mapataas ang lebel ng Ghost Corpse sa True Lord Rank nang ganoon kadali.

Samakatuwid, mayroon ding Sky Marking Stone, Deadly Yin Crystal Bone, at Claws of the Giant Scorpion si Zhao Feng.

Dahil sa sobrang daming gandang kagamitan, ang dalawang Corpses na iyon ay totoo ngang magiging sobrang lakas.

Ngayon na!

Kinontrol ni Zhao Feng ang dalawang Dark Silver Poison Corpses, at pinatungo kay Chi Gui.

"Hindi ito maganda… takbo!"

Muntik nang lumipad ang kaluluwa ni Chi Gui sa takot.

Alam niya kung gaano katakot-takot ang lason ng matandang alakdan na iyon. At sa taas ng lahat ng iyon, hawak rin ni Zhao Feng ang Earth Yin Poison mushroom. Kapag pinagsama-sama ang mga lasong ito ay mamamatay agad ang kung sino mang masugatan.

Basta mahiwa lang siya ng Ghost Corpses ay mawawalan na agad siya ng buhay.

Eye of Ice Soul!

Umilaw muli ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at tumutok kay Chi Gui.

Nag-yelo bigla ang katawan ni Chi gui, at ang kanyang mga iniisip ay bumagal rin. Bumaba rin ng 60-70% ang kanyang bilis.

Sou Sou!

Lumapit ang dalawang pilak na Ghost Corpses.

"Dito na ba ako mamamatay….?"

Para bang nagyelo si Chi Gui, at naramdaman niyang ang aura ng kamatayan ay bumalot sa kanya.

Dahil sa Eye of Ice Soul, hindi niya kakayaning kalabanin ang dalawang halimaw, at siguradong ikamamatay niya kapag siya ay nahiwaan.

Sa oras na iyon, pinagsisihan ni Chi Gui na binigay niya kay Zhao Feng ang Deadly Yin Crystal Bone at Claws of the Giant Scorpion. Ang dalawang gamit na iyon ang nakapagpalakas sa lason at nakapagpatulis ng sipit ng Ghost Corpses.

Kung wala kay Zhao Feng ang mga gamit na iyon, hindi sana magiging kasing lakas ng True Lord Rank ang mga Ghost Corpses, at hindi sila magiging ganitong nakakatakot.

"Kapatid na Chi…."

Ang payat na Mo Yu sa Black Cliff Palace ay sumigaw habang siya ay papunta sa direksyon nito.

Ngayon na!

Pinilit ni Chi Gui ang sarili niya upang tawagin ang natitirang Blood Silver Corpse.

Dalawa na lamang ang True Lord Rank Ghost Corpses niya, ngunit ang isa sa kanila ay nadurog ng Towering Tree Yao.

Ang kakayahan ng Blood Silver Corpse na ito sa digmaan ay maikukumpara sa maagang yugto ng True Lord Rank. Sapat na ito para pang-abala.

Shu Shu Peng Boom!----

Tumalon ang dalawang Dark Silver Poison Corpses upang atakihin ang Blood Silver Corpse. Dito rin sila nagsimulang maglaban-laban.

Sa ilalim ng normal na sitwasyon, kakayanin sanang magtagal ng Silver Blood Ghost Corpse laban sa dalawang halimaw, ngunit dahil napabagal ng Eye of Ice Soul ang kanyang isipan, hindi niya makontrol nang lubos ang Blood Silver Corpse. 60-70% lamang ang kaya nitong magamit.

Sa ilang tama pa lamang, unti-unting natatalo na ng dalawang Dark Silver Poison Corpses ang Blood Silver Corpse.

"Sobra akong lalakas kung makukuha ko ang Blood Silver Corpse na ito."

Biglang may naisip sa Zhao Feng.

Hindi alam ni Chi Gui na maaring makaligtas siyaa nang dahil sa naisip ni Zhao Feng. Kung gusto talaga ni Zhao Feng na patayin si Chi Gui, pwede niyang gamitin ang isa sa mga Dark Silver Poison Corpse para antalain ang Blood Silver Corpse, at maaari niyang gamitin ang isa pang Dark Silver Poison Corpse kasama ang Eye of Ice Soul at Lightning Fire God's Eye upang atakihin si Chi Gui. Kung ganoon, mayroon siyang 70% na tsansang matagumpay na mapatay ang kalaban.

Kaya lamang, gusto ni Zhao Feng ang Blood Silver Ghost Corpse. Ginamit niya ang Eye of Ice Soul para mapanatili si Chi Gui mula sa pagtakas, at sinimulan niyang itulak ang Blood Silver Ghost Corpse sa lupa.

Peng Peng Boom---

Malapit na agad matulak ang Blood Silver Corpse ni Chi Gui sa lupa.

Xiu Xiu Xiu-----

May lumabas na mga ugat ng puno mula sa ilalim ng lupa.

"Iwan mo itong Corpse, mayroon pa akong paggagamitan dito."

Sabi ni Zhao Feng sa Towering Tree Yao.

Dose-dosenang ugat ang agad na lumabas at hinatak ang Blood Silver Corpse pailalim ng kalupaan.

Tapos.

Sobrang natuwa si Zhao Feng sa kaniyang sarili bago niya muling inutusan ang dalawang Poison Corpses na atakihin si Chi Gui.

Sobrang naapektuhan si Chi Gui ng Eye of Ice Soul mula pa lamang sa simula at hindi malayo ang kaniyang natakas.

"Malas…"

Bagamat sumakit ang puso ni Chi Gui sa pagkawala ng kanyang True Lord Rank Corpse, basta't buhay siya.

"Kapatid na Chi… ililigtas kita."

Dumating si Mo Yu at hinarangan ang dalawang Poison Corpses.

Bam Bam!

Kumaway si Mo Yu, at natulak niya ang dalawang Poison Corpses.

"Ang taong ito ay nagsanay ng Corpse Body Strengthening Technique, at may katawan na halos kaparehas ng Ghost Corpses, hindi halos tinatablan ng lason."

Natinag ang puso ni Zhao Feng.

Naunawaan niyang ito lamang sa sampung True Lord Ranks ang hindi tinatablan ng lason sa isang tiyak na antas.

Eye of Ice Soul!

Tumigas ang ekspresyon ni Zhao Feng at biglang tinutok ang God's Spiritual Eye kay Mo Yu.

Sa larangan ng mental energy, mas hindi sapat ang kay Mo Yu, 'di tulad nang kay Chi Gui, at nang tumapat sa kanya ang Eye of Ice Soul, bumagal nang lubos ang kanyang isip at pagtugon.

Sinanay ni Mo Yu ang Corpse Body Technique, at kahit malakas man ang kanyang katawan, sobra nga lang ang kanyang kabagalan.

Ngayong nakatuon na sa kaniya ang Eye of Ice Soul, naging malamya na ang kanyang pag-kilos.

Pa Pa Peng Peng---

Madaliang nagsimula sa pagkalmot at kagat ang dalawang Poison Corpses sa depensa ni Mo Yu. Sobrang lakas ng kaniyang katawan, at sa ilalim ng ibang pagkakataon, kaya niyang paliparin ang isa sa mga Poison Corpse.

Kaya lamang, nang dahil sa epekto ng Eye of Ice Soul, bumagal siya nang sobra at nawala ang kaniyang liksi.

Sa oras na iyon, nasa ilalim siya ng sunod-sunod na atake ng dalawang Dark Silver Poison.

Ang isang normal na eksperto ay mamamatay nang sobrang daming kalmot at sugat mula sa atakeng iyon, ngunit ang katawan ni Mo Yu ay halos kaparehas ng isang Corpse, at halos hindi rin siya tinatablan ng lason.

Sa gayon, hindi pa rin siya tunay na Corpse, at kahit paano ay may epekto pa rin sa kaniya ang kombinasyon ng lason galing sa Giant Scorpion at Earth Yin Poison Mushroom; mas malakas lamang nang ilang beses ang kaniyang depensa kumpara sa ibang True Lord Ranks.

Matapos masugatan si Mo Yu nang ilang beses, unti-unting bumagal nang bumagal ang kaniyang katawan, at ang mukha niya ay nagsimulang magkaroon ng magkahalong kulay ng itim at lila.

"Kapatid na Mo Yu!"

Nagmura muli si Chi Gui nang makita niya si Mo Yu na maging desperado. Kung siya iyon at hindi si Mo Yu, ilang beses na siyang namatay. Sa mga True Lords, si Mo Yu lamang ang may kayang hangganan ang lason.

Lightning Fire God's Eye!

Kuminang ng asul na apoy ang kaliwang mata ni Zhao Feng.

Whoosh!

Isang malinaw na nagliliyab na kidlat ang tumama kay Mo Yu.

"Arghhhh!"Umungol nang malakas si Mo Yu. Ang elementong kidlat at apoy ay ang katunggali ng Dao of Ghost Corpses.

Hindi siya katulad ni Chi Gui na dalubhasa sa paggamit ng eye bloodlines na kayang tablahan ang mga atake ni Zhao Feng.

Ang mapanirang Lightning Fire God's Eye ay sinundan ng Eye of Ice Soul, at tuluyang sinira ang utak ni Mo Yu.

Bam Bam!

Sumigaw muli si Mo Yu at inilatag ang kanyang mga braso para maitulak ang dalawang Dark Silver Poison Corpses.

Sa kritikal na pagkakataong iyon, sinunog niya rin ang Qi of True Spirit niya upang tumaas ang kaniyang kapangyarihan sa pakikipaglaban at makatakas.

Natamaan ang dalawang Dark Silver Poison Corpses ng atake ni Mo Yu, at ang mga kamay ng isa sa mga Corpses ay nasira.

"Mamatay na kayo!"

Dumilim ang mukha ni Zhao Feng nang itinaas niya ang kapangyarihan ng God's Spiritual Eye nang todo.

Eye of Illusion!

Ice Soul Shooting Line!

Lightning Fire God's Eye!

Whoosh! Qiu--- Huang!

Ang tatlong pangunahing eye skills ay tumama kay Mo Yu.

Ang una ay ang Eye of Illusion na humatak sa kamalayan ni Mo Yu, at nagtigil sa kaniya mula sa pagsunog ng Qi of True Spirit.

Binaba nito ang kaniyang depensa.

Qiu---

Matapos nito ay sinundan ito ng sinag ng ilaw na bumaril sa katawan ni Mo Yu at pininsala ang kaniyang isipan.

Huang!

Ang huli ay ang lightning Fire God's Eye. Ito ang tumuloy kay Mo Yu na dalhin siya sa lugar na hinding-hindi niya na mababalikan pa.

"Senior Brother Mo Yu…!!!!"

Umungol sa galit si Chi Gui, at nabahala ang ibang henyo ng Black Cliff Palace.

Ininsinera ng Lightning Fire God's Eye ang kaluluwa ni Mo Yu, na siyang nalaglag mula sa himpapawid at nagsilbi na ring pataba ng Towering Tree Yao.

Sa totoo lamang, bago pa bumagsak si Mo Yu ay wasak na ang kanyang utak.

Huminga muli nang malalim ang anim na True Lord Ranks.

Kapag dumagsa na ang tatlong major eye bloodline, siguradong mamamatay na ang pinatamaan nito.

Ito ang unang beses na nagpakita si Zhao Feng ng kalupitan.

"Pangatlo."

Malamig ang ekspresyon ni Zhao Feng, at may pagkarumal-dumal din.

Matapos gumamit ng ganoong karaming eye bloodline nang sunod-sunod, naubos niya ang kaniyang enerhiya kahit pa may tulong ito ng God's Spiritual Eye. Kung ibang henyo ng eye bloodline ang gumamit nito, hinding-hindi siya magtatagal.

"Hindi ko inasahan ito, bata. Kinaya mong tapusin ang tatlo sa Ten True Lord Ranks nang ganoon kadali. Miski ang Wood Spirit Essence Soul ko ay nanlamig nang ginamit mo ang eye bloodline mo."

Natutuwang sabi ng Towering Tree Yao.

Natalo agad ni Zhao Feng ang tatlong True Lord Ranks.

Hindi naniwala ang Towering Tree Yao na kakayanin ito ni Zhao Feng bago ang lahat ng nangyari.

Shua!

Bumalik si Zhao Feng sa lugar kung saan marami ang mga tangkay at saka umupo.

"Puno, maaari mo na bang ibigay sakin ang Wood Spirit Essence Soul ngayon? Matutulungan ako nitong makabawi at bibigyan ako ng tsansang paalisin ang mga kalaban," tanong ni Zhao Feng.

"Hindi mo pa nagagawa ang pangako mo. Alam ko kung gaano kamapangloko ang mga tao."

Halata nga namang hindi bobo ang Towering Tree Yao, kung hindi, hindi rin siya magiging Yao.

"Alam mo namang napagod ako sa pakikipaglaban sa tatlong True Lord Ranks. Hindi ko maloloko ang pito pang True Lord Ranks."

Tuloy ni Zhao Feng.

"Ito…"

Nag-aalangan ang Towering Tree Yao dahil natatakot itong kalkulahin ni Zhao Feng.

"Isa pa. Kapag binigay mo sa akin ang Wood Spirit Essence Soul, kakayanin kong gumamit ng mga mas malalakas pang eye bloodline technique. Importante ito para mapalayo ang mga True Lord Ranks."