Sa tabi ng puno.
Naguguluhan ang babae. Sa sandaling iyon, naramdaman niyang nawala ang kaluluwa ni Zhao Feng at nang agad itong sinundan, namutla ang kanyang mukha.
Ito ay tila pinaakyat niya ang kanyang tingin, ang paggamit ng enerhiya ay hindi ganoon katakot-takot, ngunit si Zhao Feng ay gumamit rin ng mental energy.
Shua!
Hinawakan niyang muli ang itim na lotus at inalis ang dalawang green bronze ghost corpses.
Gamit ang atakeng iyon ay nawala ang kanyang kamalayan sa kanyang katawan at walang pakiramdam ang kanyang katawan. Maganda sana kung may nagbabantay sa kanya.
Tinuon ni Zhao Feng ang kanyang mata sa babae.
Sumigaw ang babae, at namutla ang kanyang mukha. Ito na marahil ang huling sandali niya. Kasabay nito, umiyak siya sa kanyang puso. Kung hindi dahil sa pagpapalakas ng Black Cliff Palace na nagtulak kay Zhao Feng sa sitwasyong ito, mamamatay ba siya?
Syempre, hindi niya alam na ang mga kasamahan niya sa Black Cliff Palace ay gulat.
"Sabihin mo sa mga kasamahan mo sa sekta na kapag patuloy nila akong sinundan, papatayin ko kayong lahat sa kahit anong paraan na maari."
Isang malamig na boses na puno ng kagustuhang pumatay ang narinig ng babae sa kanyang isipan.
Bago pa siya makasagot, isang afterimage ang naiwan.
Shua!
Lumipad si Zhao Feng tungo sa komplikadong gubat at binalot ang kanyang aura ng sikretong teknik mula sa Mystic Treasured Bible.
Hanggat ang Dark Light Ghost Eye o katulad na skill nito ay hindi lumilitaw, hindi agad mahahanap si Zhao Feng.
Isa pa, gagawa siya ng isang Yin Shadow Doppleganger at paglalakbayin niya ito sa ibang direksyon na mayroong aura niya.
"Mayroong saklaw ang ghost lantern na iyon. Kung malayo na ako sa kanila, halimbawa ay limang daan o isang libong milya, mararamdaman pa rin kaya ako nito?"
Mas bumilis oa si Zhao Feng.
Ilang sandali pa at dumating na ang Black Cliff Palace sa puno kung saan nagtago si Zhao Feng. Ang babae ay nakaupo sa sahig at binabalik ang lakas. Noong nakita niya sila Chu Gui at mga kasamahan nito, nakita ang kanyang kasayahan.
"Senior brother Chi Gui, nahuli o napatay niyo na b ang lalaking iyon?"
Agad niyang pinagsisihan ang kanyang sinabi.
Taimtim ang ekspresyon ni Chi Gui at matapos marinig ito ay naging pangit ang kanilang ekspresyon.
Matapos iyon.
Sinabi ng babae ang proseso ng pagkatalo Wicked Teeth Group at kung paano ninakaw ni Zhao Feng ang itim na lotus at ghost corposes maging ang pagbabanta nito.
Noong marinig ito ng mga tao mula sa Black Cliff Palace, mas nagdilim ngunit nag ingat ang kanilang paningin sa pinakitang abilidad ni Zhao Fneg.
"Anong klaseng eye bloodline ito? Ang dalawang tingin ay nakapatay ng dalawang junior brothers. At ang huling mata ay dumako sa isa hanggang dalawang daang milya at sinira ang Dark Light Ghost Eye
Mas maraming nalalaman si Chi Guu, mas lalo siyang nagugulat.
Ang target ay isa lamang na outer genius na nasa unang yugto ng True Mystic Realm na walang halos alam.
Simula noong pagkasira ng Desolate Continent, bawat alikabok ay naging lugar sa karagatan gaya ng isla, na tinawag na 'island areas'.
Ang bawat 'island area' ay lugar kung saan ang mga katutubo roon ay katulad ng palaka sa ibabaw ng balon, iniisip na sila ay nakatira sa malawak na kontinente.
Sinong nakakaalam kung saang isla galing ang batang iyan?
Matapos ang lahat, malaki ang buong mundo. Tila matapos ang pagkawasak ng Desolate Continent, patuloy pa rin itong lumalawak.
"Senior brother Chu Gui, maniniwala ba tayo sa banta ng batang 'yan?"
Saad ng payat na kabataan.
Kahit na medyo nahuhuli ang Black Cliff Palace sa ranggo ng tatlong sekta, ito ay two stars pa rin at ang masamang pangalan nito ay kilala ng karamihan. Kailan pa umabot na ang isang hindi kilalang kabataan ay babantaan ito?
Biglang nanahimik si Chi Gui at patuloy na nagbabago ang kanyang ekspresyon.
"Kung ito ay harapan na labanan, hindi ako kaya ng batang iyan ngunit ang eye bloodline niya ay masyadong misteryoso at makapangyarihan. Maliban sa akin, karamihan sa mga tao rito ay hindi kayang iwasan ang atake sa mata niya.".
Naglalaban ang itsura ni Chi Gui. Matapos matalo sa labanan ng bloodlines sa kabataang iyon na ang cultivation ay higit na mas mababa sa kanya, nag-alab ang kanyang kagustuhang lumaban.
Gayunpaman, iniisip niya rin ang sitwasyon.
Mag-isa lamang si Zhao Feng at walang iniisip at may iba't-ibang paraan, siya naman ay maraming kasamahan sa kaparehong sekta rito.
Ang plano ay subukan na ipatawag si Senior Brother Mo Yu at ang ating tsansa na mahuli ang batang ito ay mas malaki. Isa pa, kailangan pa nating hanapin ang Ruins Treasured Palace sa Purple Saint Palace na walang ispesipikong lokasyon."
Nakapag desisyon na si Chu Gui.
Nandito sila para sa gantimpala, may mga bagay sa panlabas na mundo na malapit nang maubos.
Maliban pa rito, ang ibang tao ay nakatagpo ng swerte dito.
Ang pinaka sikat ay ang Ruins Treasured Palace na kalagitnaan sa Purple Saint Ruins. Ang Purple Night Sacred Lord ay nanirahan doon hanggang siya ay mamatay at nag-iwan ng inheritance roon.
Gayunpaman, ang paglitaw ng Ruins Treasured Palace ay mayroon lamang isang porsyentong tsansa.
Xiu-----
Isang dark bone arrow ang lumipad bigla sa hangin at nagtungo kay Chu Guu at sa mga kasamahan nito.
"Ghost arrow message!"
Nasalo ni Chi Guu ang dark ghost bone arrow gamit ang isang kamay.
Ang ganitong uri ng komunikasyon ay magagamit lamang ng Black Cliff Palace. Sa panlabas na mundo, maaari silang maglakbay ng sampung libong milya at dodoble ang distansyang ito sa gabi.
Isang kakaibang liham ang nakalagay sa ghost bone arrow.
"Ye Yanyu ng Pure Moon Spiritual Sect ay nasa kabundukan ng North-East at nakatagpo ng ilang mga kayamanan doon sa misteryosong kanyon. Maraming antigong kayamanan doon…"
Angliwanag ang mata ni Chi Gui matapos itong basahin.
"Ye Yanyu!"
"Si Ye Yanyu ay isa sa Sampung True Lords at ang kanyang lakas ay nasa unang tatlo at pangalawa sa Pure Moon Spiritual Sect."
Ang mga tao sa Black Cliff Palace ay binanggit ang pangalan na ito ng may pag-iingat at takot.
Ang Purple Saint Ruins ay hawak ng tatlong two-star sect at isa sa mga ito ang Pure Moon Spiritual Sect na mayroong two and half stars at mas malakas sa Black Cliff Palace.
Sa kabuuan ay limang True Lord Ranks ang pumasok sa Pure Moon Spiritual Sect.
Ang Moon Demon Palace ay mayroong tatlong True Lord Ranks na pumasok. Sa kabila ng lahat sila ay mayroon ding dalawa't kalahating bituin.
Ang Sampung True Lords ay hinati sa tatlong sekta at ang sampung one-star elite clans ay walang True Lord Ranks. Sa pinakamataas, sila ay nasa quasi True Lord Rank na lebel.
Mula dito ay makikita na ang one star ay malaki ang kaibahan. Maari itong makita sa lakas ng buong pwersa at sa mga disipulo.
"Ang Ye Yanyu na ito ay gustong mag trabaho mag-isa. Kung magsasama-sama ang lahat sa Black Cliff Palace, maari natin siyang mapatay at kung hindi tayo magtatagumpay ay maari pa tayong makipag tulungan sa Moon Demon Palace."
Humagikgik si Chi Gui.
Sa usapan naman ng one on one combat, hindi niya katapat Ye Yanyu sapagkat umabot na ito sa huling yugto ng True Lord Rank at mula sa two and half stars na sekta. Ang kanyang talento at bloodline ay top tier sa tatlong sekta.
Gayunpaman, sa Purple Saint Ruins, hindi ang kalakasan ng isang tao ang mag dedesisyon para sa lahat. Kailangan na makipag tulungan sa iba at magkaroon ng plano.
Sou Sou Sou---
Pinangunahan ni Chi Guu ang mga tao mula sa Black Cliff Palace patungo sa 'Three Ridge Mountains.'
Matapos ang isang oras.
Noong makarating si Chi Gui at ang mga kasama nito, may mga tao na sa Black Cliff Palace na nag-iintay.
"Senior brother Chi Guu, ang misteryosong kanyon ay naroon ngunit masyado itong tuso at bumubuga ng wirdong hangin buong araw. Kapag tinamaan ka nito, maging ang True Mystic Rank ay mawawalan ng balat kung hindi man sila mamatay…."
Saad ng isang disipulo mula sa Black Cliff Palace.
Totoo nga.
Noong mapalaput sila sa misteryosong kanyon, naramdaman nila ang patuloy nitong pagbuga ng hangin.
Makikita nila na ang bugso ng hangin ay nagmula sa kanyon nang tuloy-tuloy.
Nang matapos ito, naramdaman ng lahat nang Heaven Earth Yuan Qi maging ang aura ng antigong kagamitan.
"Mayroon talagang kakaibang kagamitan sa loob ng kanyon."
Nanood ang Black Cliff Palace at ang mga kalapit na henyo mula sa ibang pwersa.
Nang matapos ang pag bugso ng hangin, nakita ng lahat ang Goddess in green sa kailaliman ng kanyon.
Ang diyosa ay nakasuot ng berde at elegante at kasing gaan ng dahon.
"Ye Yanyu!"
Nagbago ang ekspresyon nila Chi Gui at mga kasaman niti noong makita nila ang pinili ng Heaven.
Mayroong dosenang mga henyo ngunit si Ye Yanyu ang nakapasok sa kailaliman ng kanyon at mula sa kanyang ngiti, masasabing nakakuha siya ng ilang magandang kagamitan.
Minulat ni Chi Gui ang kanyang Balck Wicked Eye at sinuri si Ye Yanyu noong matapos ang bugso ng hangin."
Katulad ng inaasahan, mayroong ilang antigong bagay na hawak ang babae. Ang lahat ng ito ay katumbas ng siyudad kapag ipinag bili sa panlabas na mundo.
Miao miao!
Isang munting na kuting na kasing laki lamang ng palad ang lumitaw sa mukha ni Yu Yanyu.
Napansin ni Chi Gui na mayroong kakaiba.
Hindi niya pa ito nakikita na kasama ni Ye Yanyu noon.
Ang lakas at itsura ni Ye Yanyu ay sumikat sa Tianlu islands, at maraming mga henyo ang inisip siya bilang diyosa sa kanilang pangarap.
At ngayon ang isang munting na kuting ang mahal ni Ye Yanyu. Ang ganoong klaseng kalapit sa kanya ay sapat na upang mag selos at mainggit ang ibang mga henyo.
Ang kakaiba lamang kay Chi Gui ay ang wirdong munting na kuting ay tumingin sa kanya at may mapaglarong tingin sa mga nito.
Miao miao!
Ang wirdong munting na kuting ay naghagis ng ilang lumang barya sa hangin na tila isang diyos.
"Munting na kuting, ano pa ng nahanap mo?"
Nagpakita si Ye Yanyu nang masayang ngiti kasabay nang banayad na paghaplos sa ulo ng munting magnanakaw na kuting.
Simula noong makita niya ang munting kuting na ito, lagi siyang nakatatagpo ng swerte saan man siya mapadpad at ang kanyang landas ay banayad at nakita niya pa ang misteryosong kanyon na ito.
Ang pinaka mahalaga sa lahat ay matalino ang munting kuting at gusto niya ito.
Miao miao!
Ang munting magnanakaw na kuting ay nagpakita ng magandang ekspresyon at itinuro ang isang diresksyon na may pa 'Hmph.'
Sa ilang sandali ang direksyon na itinuro nito, ang Haven Eart Yuan Qi ay nagsimulang gumalaw at binati ang bagong henyo sa True Lord Rank.