Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 398 - Kanyon

Chapter 398 - Kanyon

Purple Saint Ruins, sa gilid katabi ng bundok.

"Hmm?"

Biglang natigilan si Zhao Feng noong maramdaman niya ang koneksyon sa kabilang gilid ng kanyang blood pact.

Kung ito ay sa panlabas na mundo, ang koneksyon sa kanyang blood pact ay magiging sobrang lakas at kapag mas mataas ang kanyang cultivation mas malakas ang kanilang pandama.

Gayunpaman, sa Purple Saint Ruins ang lahat ng uri ng pandama ay ipinag babawal at hindi ito maiwasan ng God's Spiritual Eye niya. Matapos ang lahat, ang may-ari ng ruins na ito ay umabot na sa Mystic Light Realm noong siya ay nabubuhay at isang yugto na lamang ay aabot na sa Heavenly Divine Realm.

Sa kabilang banda ng kanyang blood pact ay malamang ang munting magnanakaw na kuting.

Matapos makapasok sa Purple Saint Ruins, sila Zhao Feng, Zhao Yufei at munting magnanakaw na kuting ay naghiwa-hiwalay.

Sa puntong ito ang nararamdaman lamang ni Zhao Feng ay malabong direksyon.

"Makikipagkita muna ako sa munting magnanakaw na kuting."

Dahil sa naramdaman ay napag desisyonan ni Zhao Feng na baguhin ang plano.

Ayon sa orihinal na plano nag desisyon siya na pakainin ang ibang ghost products sa black lotus upang mapataas ang lakas ng green bronze ghost corpses.

Kasabay nito, ang kanyang lebel ng mental energy ay umabot sa True Lord Rank at sa tulong ng lightning bone at water heart pulse ang kanyang pundasyon ay naging matatag at bumuti pa sa unang yugto ng True Mystic Rank.

Dahil nga sa umabot na sa True Lord Rnk ang kanyang lebel sa mental energy at maari na siyang magpalabas ng Heaven Earth Yuan Qi ang bilis ng kanyang cultivation ay mas lalong bumilis.

Isa pa, ang Heaven Earth Yuan Qi ay higit na mas masinsin sa Azure Flower Continent at mayroon si Zhao Feng na 50% na tsansang umabot sa unang yugto ng True Mystic Rank sa loob ng lima hanggang anim na araw na seklusyon.

Ngunit nagbago na ngayon ang plano ni Zhao Feng.

Matapos makapasok sa inheritance na ito na nangyayari lamang isang beses sa kada sampung taon, hindi na kaya ni Zhao Feng na magsayang pa ng oras.

Ngayon na naramdaman niya ang munting magnanakaw na kuting alam niya n may tutulong sa kanya.

Matapos ang isang oras.

Pumasok si Zhao Feng sa isang malaki ngunit mapanganib na bundok. Iba't-ibang uri ng ibon at halimaw ang lumilitaw.

Sa puntong ito, ang konesksyon sa munting magnanakaw na kuting ay mas naging malakas.

"Sobrang lapit ko na ngayon."

Lumapit si Zhao Feeng sa canyon isang daan hanggang dalawang daan ang pagitan.

Sa paligid nito ay dose-dosenang mga henyo ang nakapaligid ngunit hindi sila naglakas-loob na pumasok.

Ang misteryosong canyon ay puno ng kakaibang hangin na maaring pumatay sa mga henyo sa True Human Ranks at maging ang mga nasa True Mystic Ranks ay nahihirapan dito.

Boom--- plop!

Ilang mga henyo sa True Mystic Rank ay gumulong sa canyon.

Dalawang henyo na nasa late stage ng True Mystic Rank ay sugatan at lumuwa sila ng dugo.

Sa usapin naman ng lakas kapantay nila ang napakahusay na mga henyo mula sa Sacred True Dragon Gathering.

"Napaka lakas ng wirdong hangin na ito! Kung wala pa ang cultivation mo sa True Lord Rank mahihirapan kang protektahan ang sarili mo. Kahit na makatagpo ang isang True Lord Rank ng pinaka malakas na hangin ay mahihirapan din sila."

Lihim na nagulat si Zhao Feng.

Kung ang misteryosong kanyon na ito ay mapanganib ngunit ang mga henyo na ito ayaw pa ring umalis, ibig sabihin lang ay malaki ang kayamanan sa loob nito.

Sa gitna ng grupo.

Nakita ni Zhao Feng si Chi Gui at mga kasamahan nito sa Black Cliff Palace. Maliban sa kanila ay mayroon pang pwersa na pinangungunahan ng blood robed youth na nasa unang yugto ng True Lord Rank.

Ang blood robed youth ay mayroong blood moon mark sa kanyang noo at nagbibigay ng bloodthirsty aura.

Naalala ni Zhao Feng ang blood corpse protector at ang Scarlet Moon Demonic Religion sa aura na ito.

Kung hindi siya nagkakamali, ang blood robd youth na ito ay mula sa two-star na sekta na 'Moon Demon Palace' at higit sa sampung beses na mas malakas sa Scarlet Moon Demonic Religion.

Noong makarating na si Zhao Feng ang Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay sinubukang pumasok sa misteryosong kanyon ngunit hindi sila nagtagumpay.

Mayroon ding ilang one-star clans sa paligid na sinubukang pumasok ngunit ang bumalik na tila mga bangkay na hindi na katulad ng tao ang itsura.

Siyempre, matapos mangyari ito ang Black Cliff Palace at Moon Semin Palace ay nakita ang ilang pattern.

"Ang wirdong hangin ay nagbabago at mayroong itong tiyak na pattern. Maging ang mga True Human Ranks ay maaring maging ligtas sa mahihinang hangin at maaring pumatay ng True Lord Ranks ang makapangyarihang hangin. Kung bubuo tayo ng grupo, gawin natin ang pinaka magandang ruta upang mabawasan ang bilang nang mamamatay at masusugatan."

"Basta ay maka lagpas tayo sa lugar na ito at makapasok sa kanyon, maraming mga kayamanan doon at sigurado akong walang wirdong hangin doon."

Ang dalawang True Lords ng Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay nagsimulang magsama.

Kailangan na magdala nang maraming tao sa loob upang makuha lahat ng kayamanan.

Habang nag-uusap sina Chi Gui at blood robed youth ay nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang pagbabago sa wirdong hangin.

Noong bumuga ulit ang kakaibang hangin, nagawang kopyahin ni Zhao Feng ang mga lugar kung saan may malakas at mahinang hangin.

Sa mga sumunod na pagkakataon ginamit ito ni Zhao Feng upang mahulaan kung saan banda ang magkakaroon ng malakas na hangin at anong pagbabago nito.

Kapag naintindihan na ang pattern ang panganib sa hangin ay bababa sa 70%.

Sa lahat ng mga henyo na nandoon ay si Zhao Feng lamang ang may kakayahan na makita ang pattern na ito.

Matapos ang lahat, ang radius ng kanyon ay nasa isang daang milya at maikukumpara sa normal sa siyudad. Kung ibang tao ito, aabutin sila ng ilang araw upang hanapin ang lugar at makita ang pattern.

Ang Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay nakita ang pattern dahil lamang sa swerte.

Go!

Sa oras na ito, pinangunahan ni Chi Gui ang grupo ng sampung elitista patungo sa misteryosong kanyon.

Ang Moon Demon Palace naman ay tumungo sa kabilang ruta.

"Ang parehong grupo ay pupunta palapit sa bundok at kahit na ang kabuuang lakas ng hangin ay bumaba, hindi pa rin ito ang pinaka magandang daan."

Pinanood sila ni Zhao Feng at ang kanyang mata ay naglabas ng azure streak lightning n lumapit sa misteryosong kanyon.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi pa nakikita ang munting magnanakaw na kuting kaya nangangahulugan ito na nakapasok ito sa loob ng kanyon.

Xiu!

Ang hangin ay sumabay sa kidlat at si Zhao Feng ay lumagpas sa misteryosong kanyon.

"Hmm? Saan nagmula ang taong iyon? Mukhang isang tao lamang iyon."

"Masyado itong mabilis, halimaw kaya ito?"

Sa pasukan ng canyon myroon p ring mga henyo mula sa 'maliliit na pwersa.'

Kahit sila ay mula sa 'maliliit na pwersa' maikukumpara lamang ito sa two-star na sekta. Sa paligid nila ay mga pwersa na nasa lebel ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Hindi nagmamadali si Zhao Feng sa kanyon.

May mga pagkakataon na mananatili siya sa isang lugar, at minsan naman ay aatras siya.

Ngunit walang duda, hinaharap niya ang pinaka mahinang hangin kapag may pagkakataon at agad itong nahaharang ng Three Flowered Treasured Lotus.

Maging ang depensa ni Shi Chengtian ay masisira nang malalakas na hangin.

Kung gayon, ang bilis ni Zhao Feng ay mas mabagal sa Black Cliff Palace at Moon Demon Palace.

Gayunpaman, sinadya ito ni Zhao Feng.

Ang Black cliff Palace at Moon Demon Palace ay hindi nag-iisa at ang lakas ng dalawang True Lords ay higit sa kanya.

Sa wakas.

Sa dalawang oras na pag-iwas ay nakapasok na si Zhao Feng sa kailaliman ng kanyon sa ng pagdaan sa mga lugar na may mahinang hangin.

Ang kakaiba lamang ay sa sandaling malalagpasan niya ito ay mawawala ang wirdong hangin.

Ang kailaliman ng kanyon ay puno ng Heaven Earth Yuan Qi na sampung beses na mas maganda sa Purple Saint Ruins.

Nakaramdam si Zhao Feng ng antigong aura na tila nakapasok siya sa kabundukan noong unang panahon.

Mayroong mga wirdong bulaklak at kagubatan na paubos na sa panlabas na mundo.

Ang puno ay umabot sa isang daang yarda at ang mga sanga nito ay umabot ng milya na halos kasing lakas ng nayon.

Ang bawat bulaklak at kahoy dito ay may impluwensya ng Heaven Earth Yuan Qi at nalampasan na ang limitasyon ng normal na halaman.

Sa simpleng salita, ang bawat kahoy o dumi ay maaaring ipagbili sa daan o libong primal crystal stones.

Ang lugar na ito ay sobrang lamig.

"Kung dito ako mag cultivate, ang Heaven Earth Yuan Qi ay higit na mas malakas sa Azure Flower Continent. Mahirap isipin kung gaano karami ang mga kayamanan dito."

Nagulat si Zhao Feng.

Sa sandaling ito ang tunog ng labanan at sigawan ng halimaw mula sa kailaliman ng gubat ay rinig.

Halatang ang ibang mga tao sa kanyon ay nakakita ng kayamanan sa misteryosong kanyon.

Mabilis na lumipad si Zhao Feng sa mataas na bato upang suriin ang kapaligiran gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.

Ang kanyang God's Spiritual Eye ay sinuri ang bawat bato, bawat piraso ng kahoy kabilang ang bulaklak sa ilalim.

Sa unang pagsusuri ay natuwa si Zhao Feng.

Ang bilang ng kayamanan dito ay hindi kapani-paniwala.

Sa unang pagtingin pa lamang ay nakita na ni Zhao Feng ang dose-dosenang kayamanan na kayang magpapula sa mata ng True Lord Rank.

Maging ang bato sa tabi niya ay may kayamanan.

Peng!

Winasak ni Zho Feng ang bato at lumitaw ang medyo basang halaman.

Sa halaman ay may ilang itim n bunga na kasing laki ng daliri at ang balat nito ay may kakaibang linya.

Gamit ang kanyang God's Spiritual Eye ay nakita niya ng Heaven Earth Yuan Qi na naglalaman ng mga bungang ito ay katakot-takot ay nalampasan ang lahat nang nakita niya sa Azure Flower Continent.

"Ito ba ang itim na maliit na prutas?"

Nakaramdam si Zhao Feng ng purong Heaven Earth Yuan Qi noong pinulot niya ang bunga. Ang kakaiba lamang ay kahit na matalino siya ay hindi niya alam kung ano ito.

"Ito ang Sky Dark Pearl Fruit King na bahagyang gawa sa ice element na mayroong puro at malaking bilang ng Heaven Earth Yuan Qi. Kaya nitong agad na pagalingin ang True Spirit Realm's Qi of True Spirit at sa mga kritikal na sitwasyon ay pataasin ang battle power pabalik sa rurok nito. Maliban dito ang prutas na ito ay maaring maglinis ng katawan at epektibo para sa mga nasa True Lord Rank. Sa iyong kasalukuyang estado, isang prutas lamang ay makapag bibigay sa iyo ng 50% na tsansang tumaas ang lebel."

Isang kaswal ngunit nakakaakit na boses ng babae ang kanyang narinig mula sa gilid ng bundok.