Sa oras na makaabot si Zhao Yufei sa True Mystic Rank isang panibagong inheritance shadowing ang lumitaw sa taas ng sinaunang arena.
Napakalaki ng inheritance shadowing, at isang nakakapanginig sa lamig na aura ang bumangga sa mga kalapit na inheritance shadowings.
Lahat ay napatingin at sinuri ito. Nakakita sila ng isang palasyong gawa sa yelo at nyebe.
"Mystic Ice Inheritance!"
Sumigaw ang Mystic Ice Queen nang siya ay napatingin sa inheritance shadowing na nakakagalak at nasusurpresa.
Ang Mystic Ice Palace ay mayroong isa sa mga pasukan ng Mystic Ice Inheritance na at kaya naman marami silang alam tungkol sa inheritance na ito.
Subalit, bilang isa sa mga Four Great Inheritances, hindi ito madaling makokontrol ng isang puwersa lamang.
Ang Mystic Ice Palace ay maaari lamang kumuntrol sa isang parte ng Mystic Ice Inheritance.
Sa Sacred True Dragon Gathering lamang kokonekta ang pangunahing Mystic Ice Inheritances kasama ng sinaunang arena.
"Isa sa mga Four Great Inheritances, ang Mystic Ice Inheritance."
"Ha-ha, suwerte ang mga nagcu-cultivate sa Dao of Ice."
Nagusap-usap ang mga manonood.
Bilang isa sa mga Four Great Inheritances, ang Mystic Ice Inheritance ay bihirang lumilitaw isa sa bawat isang libong taon lamang at kapag ito ay nagpapakita nga, ang mga nakalimutang Ice elemental skills, kayamanan at mga resources ang matatagpuan dito at uusbong ang mga nagcucultivate sa Dao of Ice.
Maaaring masabi na ang isa sa mga Four Great Inheritances ay makakaapekto sa kapalaran ng mga kontinente.
Sa lahat ng ito ang Heavens Legacy ang pinakasinauna at misteryoso. Ang paglitaw nito ay magkakaroon ng matinding epekto sa mundo.
"Ito ang ikalawa sa Four Great Inheritances. Sa kasamaang palad, ang Scarlet Moon Inheritance ay nakuha ng Scarlet Moon Religion Patriarch."
Bumuntong-hininga si Sovereign Yu Tianhao.
"Ang bawat paglitaw ng inheritance ay hindi tungkol sa suwerte. Kailangang makamit ang mga kinakailangan."
Ang tingin ng bronze skinned giant ay napunta sa bula ng ilaw. Sa katiyakan, nakatutok ito kina Zhao Feng at Goddess Bing Wei.
"Malaki ang posibilidad na dahil kay Goddess Bing Wei ito. Ang kaniyang makapangyarihang bloodline at ice elemental techniques ay maaaring ang nakapagpaakit ng Mystic Ice Inheritance. Dagdag pa rito, ang Sacred True Dragon ng henerasyong ito ay napakamakapangyarihan."
"Maaari rin itong maikonekta kay Zhao Feng. Ang kaniyang bloodline power ay galing din sa ice element at ito ay isang napakapurong ancient bloodline"
Tumango sa pagsang-ayon ang ilang mga Sovereigns.
Maganda ang pagpapakita ng Mystic Ice Inheritance, at labis na nagalak ang Sacred Alliance at mas umasa pa sila.
Kung tutuusin, ang Sacred True Dragon Gathering ay hindi pa nakakaabot sa huling mga yugto nito.
Sa lahat ng siyam na Sovereigns, ang elder lamang na nakaputing kapa ang tahimik.
Dali-dali siyang sumulyap patungo sa Mystic Ice Inheritance at sunod ay inilagay lahat ng kaniyang atensyon sa pagbreakthrough ni Zhao Yufei.
"Ang Ten Thousand Ancient Races ay ang may pinakamalakas na bloodlines sa buong daigdig at ang paglitaw ng isa sa kanila ay mayroong malaking importansya kaysa sa Four Great Inheritances."
Hindi gumalaw ang elder na mayroong puting kapa.
Sa kaniyang mga mata, ang pag-abot ni Zhao Yufei sa True Mystic Rank ay mas mahalaga kay sa mga inheritances.
Ang elder na ito na nakaputing kapa ay ang Master ni Zhao Yufei, isa sa mga Grand Elders ng Heavenly Yuan Clan at isang miyembro ng Sacred Alliance.
Hindi siya masiyadong nagsalita sa Sacred True Dragon Gathering na ito dahil mayroon siyang isang lihim. Isang lihim na bukod sa isa pang Grand Elder, wala ng iba pang nakakaalam nito.
At sa pagkakataong ito ang pag-abot ni Zhao Yufei sa True Mystic Rank ay maaaring magdulot ng isang eksena mula sa kaniyang bloodline na mapapansin ng ibang mga Sovereigns.
Sa oras na matuklasan ang lihim, hindi kayang isipin ng elder na nakaputing kapa ang kalalabasan. Kahit paano hindi pa sapat ang Heavenly Yuan Clan.
Kaya naman, ang elder na nakaputing kapa ay medyo balisa subalit suwerte siya dahil ang Mystic Ice Inheritance ang nakakuha sa atensyo ng lahat ng tao.
"Baiyun Dao Sovereign, ang Zhao Yufei na iyon ay ang iyong disciple. Ang kaniyang momentum sa pag-abot ng True Mystic Rank ay hindi maliit."
Matamlay na ngumiti ang Green Moon Sovereign nang mapansin niya ang pagkabalisa ng elder na mayroong puting kapa.
Ang elder na mayroong puting kapa ay si Baiyun Dao Sovereign, isa sa mga siyam na naroroon.
"Hehe, kung ganoon ito ay disciple ni Baiyun Dao Sovereign. Ang bloodline ng disciple mo ay nakapamakapangyarihan. Maaari siyang maging isa na namang napakahusay na prodigy at puwede pa siyang makahabol sa Sword Saint Ye Wuxie."
"Mula sa kung paano siya nakaabot sa True Mystic Rank, ang kaniyang bloodline power ay kakadiskubre pa lamang at malaamng ito ay mayroong battle power na malapit na sa isang napakahusay na prodigy."
Pinuri ito ng mga Sovereigns, at nagkunwaring nag-aalala si Baiyun Dao Sovereign: "Aye, ang disciple ko ay nakatungtong sa True Mystic Rank nang masiyadong mabilis. Magdudulot ito upang maging magulo ang kaniyang pundasyon."
Sa katotohanan, malinaw na alam niya na ang bloodline ni Zhao Yufei ay nababagay sa Heaven Earth Yuan Qi at ang kaniyang pundasyon ay solido.
Sa loob ng bula ng liwanag ang mga ulap na maraming kulay ay nag-usbungan.
Sa kuweba.
Ang balat ni Zhao Yufei ay kasingkinis ng jade at nagpakawala pa ito ng matamlay na liwanag, parang isang bulaklak.
Parang puro at banal ang kaniyang mukha sa ilalim ng liwanag at siya ang sentro ng Heaven Earth Yuan Qi na sumagot sa kaniyang pagtawag.
Pakiramdam niya ang Heaven Earth Yuan Qi ay parang ang kaniyang nanay at ang kaniyang bawat pagkilos at paghinga ay maaaring magpalabas ng Heaven Earth Yuan Qi. Ang compatibility rate ay sampung beses na mas mataas kaysa sa mga normal na True Mystic Rank, katulad ito ng isang True Lord Rank.
Sa loob ng ilang sandali.
Ang kaniyang True Force cultivation ay nakalagpas na sa mga simulang yugto ng True Mystic Rank at papalapit na ito sa ika-unang mga yugto ng True Mystic Rank.
Matapos makatungtong sa barrier ng True Mystic Rank, siya ay nakatapak sa isang panibagong mundo.
Sinuwerte siya, napunta siya sa isang kuweba at walang masiyadong tao ang nakakakita ng kaniyang sitwasyon.
Siyempre, ang mga nasa True Lord Rank at ang mga Sovereigns ay nakikita ito ng kaunti.
"Isa itong unparalleled bloodline. Hangga't ang kaniyang mental energy ay sapat kaya niyang makapagbreakthrough."
Bahagyang naiinggit ang bronze skinned giant Deputy Palace Lord.
Dahil sa bloodline na ito bigla siyang may naalalang isang bagay.
"Maaari bang? Hindi, masiyadong imposible iyon…."
Mabilis na naisantabi ang kaisipang ito.
Ang ulap na maraming kulay at ang mga bulaklak sa paligid ng ilog ay nagsimulang maglaho at napagtanto ni Zhao yufei na kung hindi dahil sapat na ang kaniyang mental energy ay madali lang siyang makakatungtong sa ika-unang yugto ng True Mystic Rank.
Kung mayroong ganitong talento si Zhao Feng maaari siyang sumugod sa unang yugto o kahit sa mga huling yugto ng True Mystic Rank sa isang hingahan lamang.
Subalit, wala naman talagang isang perpektong bloodline.
Ang bloodline ni Zhao Feng ay nakatutok sa mental energy kung saan ang kay Zhao Yufei ay ang kabaligtaran. Siya ay mas nakatuon sa Heaven Earth Yuan Qi at ang mental energy niya ang hindi makahabol.
Malapit sa ilog.
Si Zhao Feng ay yakap-yakap ni Goddess Bing Wei at nanatili siyang nakaselyo sa yelo.
"Bastardo, tingnan natin kung ilang oras kang magtatagal. Ang cultivation at mastery of ice ko ay parehas na lagpas sa iyo…."
Mahigpit na nakayakap si Goddess Bing Wei kay Zhao Feng at ang dalawa ay nanatili sa posisyong ito.
"Ang kapangyarihan ng yelo ni Goddess Bing Wei ay pinapakawalan niya pa rin. Ibig sabihin nito na si Zhao Feng ay hindi pa tuluyang naseselyuhan."
Si Mo Tianyi ay nag-aalala subalit hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.
Pupuntahan ba niya si Zhao Feng upang tulungan siya? Subalit si Sister Yufei ay nasa kritikal na sitwasyon din.
"Senior brother, batay sa kasunduan noon poprotektahan natin si Zhao Feng kapag siya ay nasa isang seklusyon. Ngayon na tapos na ang kasunduan wala ng bisa kung ililigtas pa natin siya o hindi. Atsaka, hindi nga tayo makalapit sa kaniya dahil sa yelo."
Umiling ang lalaking may dilaw na mukha at si Mo Tianyi ay wala ring magawa.
Pinagana ni Goddess Bing Wei ang kaniyang bloodline at ang mga normal na True Mystic Ranks ay maaari ding maselyuhan ng yelo kapag sila ay masiyadong malapit.
Ang gitna ng yelo ay solido na kahit ang mga normal na True Mystic Rank ay hindi rin kaya itong sirain.
Sa ilalim ng sitwasyong ito si Mo Tianyi at ang iba ay nagdesisyon na ilagay sa ligtas na lugar si Sister Yufei bilang numero unong prayoridad.
Sa huli, si Zhao Feng ay isa pa ring taga-labas.
"Gusto mo akong selyuhan ng yelo… huwag mo nang balakin pa!"
Kahit na naninigas si Zhao Feng, hindi pa rin sumusuko ang kaniyang Qi ng True Spirit.
Hangga't naroroon pa ang kaniyang mental energy consciousness makokontrol niya pa rin ang kaniyang bloodline at Qi ng True Spirit.
Isang parte ng yelo ay nahigop ng kaniyang bloodline.
Atsaka.
Si Zhao Feng ay mayroong dalawang Sources of True Spirit sa loob ng kaniyang katawan, ang isa ay pagmamay-ari niya at ang isa ay sa Water Moon Pirate.
Sa ganitong sitwasyon tinitipid ni Zhao Feng ang kaniyang sariling Qi ng True Spirit at sinusunog niya ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit.
Kung lakas ang pag-uusapan ang Qi ng True Spirit ng Water Moon Pirate ay mas malakas kaysa kay Zhao Feng.
Dulot sa pagsusunog ng Qi ng True Spirit, tumaas ang resistensiya ni Zhao Feng.
Siyempre, makakapagsunog lamang siya ng isang maliit na bilang kada oras o kung hindi ay hindi ito makakayanan ng kaniyang katawan at maaari itong sumabog.
"Sinusunog ng batang ito ang kaniyang Qi ng True Spirit. Hmph, maghihintay ako hanggang sa mapinsala niya ang kaniyang pundasyon at mahulog siya pabalik sa True Human Rank."
Malamig na humagikhik si Goddess Bing Wei sa loob-loob habang sa mga kadulu-duluhan ng lugar ng yelo ay naroroon si Shi Chengtian pinagagaling ang kaniyang sarili.
Sa tuktok ng nag-iisang bundok.
Ang matatalim na mga mata ni Taiyun Shuangzi ay patuloy na nagmamanman sa kasalukuyang sitwasyon.
"Zhe zhe…. Maglaban-laban lang kayo at malamang mapipinsala kayong lahat at pagtapos no'n tatapusin natin silang lahat."
Ang nakakababata sa Taiyun Shuangzi ay mayabang na sinabi ito subalit ang oras na itinagal ni Zhao Feng laban kay Goddess Bing Wei sa yelo ay mas matagal pa sa inaakala nila.
Sa isang kurap, isang oras na ang lumipas at sina Zhao Feng at Goddess Bing Wei ay hindi pa rin natatapos sa isa't-isa.
"Tiyak na karapat-dapat siya bilang isang napakahusay na prodigy na dumudurog sa ilang mga henerasyon. Aye, kasalanan ko ang lahat ng ito dahil naloko niya ako kanina."
Hindi naglakas-loob si Zhao Feng na sunugin ang lahat ng kaniyang Qi ng True Spirit dahil ang kaniyang katawan ay naselyuhan ng yelo at ang nagagawa lamang nito ay makisabay kay Goddess Bing Wei.
Nangangahulugan ito na isa itong labanan ng pagtitiis at hindi nag-aalala si Zhao Feng tungkol dito. Gusto naman talaga niyang magsuko ng isang parte ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit, subalit magagawa ba iyon ni Goddess Bing Wei?
"Brother Mo, nakapagbreakthrough na si Sister Yufei. Sasabihan ba natin siya na magpunta upang tumulong?"
Tinanong ng lalaking mayroong dilaw na mukha.
Hindi, kakatungtong pa lamang niya sa True Mystic Rank at hindi siya masiyadong makakatulong.
Umiling si Mo Tianyi.
Kasabay nito.
Sa loob ng isang kalmadong kuweba sa bula ng liwanag.
"Ikaw si Xin Wuheng?"
Tumingin si Yu Tianhao na may itim na buhok ng mayroong mga matang kasinglaki ng daigdig sa karaniwang lalaking nakaupo sa batong katapat niya.
"Bakit mo ako sinusundan? Hindi ako ang katapat mo. Kailangan mong malaman na wala sa Sacred True Dragon Gathering ang katapat mo."
Umiling si Xin Wuheng at bumuntong-hininga.