"Kailangan mong malaman na wala sa Sacred True Dragon Gathering ang iyong katapat."
Hindi sumuko si Yu Tianhao dahil sa mga sinabi ni Xin Wuheng sa halip ay nagpakita siya ng isang gulat at taimtim na ekspresyon.
May pakiramdam siya na ang normal na lalaking ito ay kayang makita ang lahat ng tungkol sakaniya at kaya niya nasabi ang mga ito.
"Wala kang landas o daan paatras. Ilalaban mo ang True Dragon Token o isusuko mo."
Ngumiti si Yu Tianhao nang lumapag siya sa isang bato sa tapat ni Xin Wuheng.
Isuko ang True Dragon Token?
Bumuntong-hininga si Xin Wuheng sa loob-loob niya. Hindi niya kayang gawin ito.
Ang dahil kung bakit sumali siya sa Sacred True Dragon Gathering ay hindi dahil sa ranking subalit para sa isang bagay na mas maganda pa kaysa sa mga inheritances.
"Hindi ko maaaring palipasin ang oportunidad na makapasok sa Heavens Legacy Inheritance. Ito ay isang pagkakataon upang makalipad."
Kuminang ang mga mata ni Xin Wuheng.
Ang kaniyang True Dragon Token ay mayroong matamlay na kinang ng ginto at sa kasalukuyan ito ang ikasampung puwesto.
Hindi pa siya natatalo sa kahit anong laban sa Sacred True Dragon Gathering simula sa umpisa hanggang ngayon. Nakatalo pa nga siya ng dalawa o tatlong mga eksperto ng first tier.
"Ang cultivation ng peak True Human Rank ay mayroong napakamakapangyarihang dragon blessing. Ang taong inirekomenda ni Zhao Feng ay tiyak na hindi basta-basta."
Bumaba ang aura ni Yu Tianhao at sa isang sandali ang kaniyang cultivation ay pinigilan hanggang sa peak True Human Rank.
Halatang, ayaw niyang gawing kasangkapan si Xin Wuheng.
"Hindi kita magiging katapat sa ganitong paraan."
Walang ekspresyong sinambit ni Xin Wuheng.
Sa pagkarinig nito tumawa si Yu Tianhao: "Kalokohan!"
Sa entablado sa taas ng sinaunang arena.
Ang mga Sovereigns, lalo na si Yu Xingchen, ay nakatuon ang pansin sa harapan nina Xin Wuheng at Yu Tianhao.
Si Xin Wuheng ay isang itim na kabayo na nasa ilalim lamang ni Zhao Feng at bilang numero unong prodigy, ang bawat aksiyon ni Yu Tianhao ay minamanmanan.
"Ang mental energy level ni Yu Tianhao ay maikukumpara sa True Lord Rank at kahit na mataasan pa niya ang kaniyang cultivation, walang makakatapat sa kaniya."
"Subalit, labis na kakaiba ang Xin Wuheng na ito. Mayroon siyang malawak na kaalaman at tila ba isa siyang 'grandmaster', palaging nananalo kahit na mayroong siyang mas mababang cultivation."
Naging interesado ang mga Sovereigns.
Unparalleled under the Heavens!
Gumalaw si Yu Tianhao at iwinagayway ang kaniyang kamay nagpapadala ng isang matingkad na liwanag na naglalaman ng paniniwala ng nakakalulang lakas ng loob at pangingibabaw.
Kahit na malinaw na siya ay nasa peak True Human Rank ang kapangyarihan nito ay nakaabot na sa isang yugto kung saan isa na itong banta sa mga True Mystic Rank.
Sa paniniwala pa lamang na iyon kaya na niyang sugurin ang isipan ng kaniyang kalaban at sirain ang kanilang mga ninanais.
Limitless palm!
Nakatayo si Xin Wuheng at ang kaniyang isang kamay ay nasa likuran niya habang ang isa naman ay marahang gumagalaw sa ere.
Isang pagbugso-bugsong alon ang nagmula sa palad. Walang halatang elemento rito.
Boom!
Ang mga mapanirang ataek ni Yu Tianhao ay para bang lumubog sa isang putikan sa tapat ni Xin Wuheng at ito ay napabagal at napahina.
Ang unang galaw.
Isang pangkaraniwang pagpapawalang-bisa. Walang malaking sagupaan na inaasahan.
Nakatayo si Xin Wuheng at ang kaniyang isang kamay ay nakalabas at ang isa na ay nasa likuran niya. Ang kaniyang itim na buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin kaya't nagmukha siyang isang martial arts grandmaster.
Hmm!!?
Nasurpresa ang mga Sovereigns.
Kalmado, hindi nagmamadali, payapa.
Nagbigay ng pakiramdam si Xin Wuheng na siya ay parang isang tubig, sanay at matandang grandmaster at hindi isang junior.
Wala siyang talento o kaya'y bloodline subalit nakaabot siya sa isang antas kung saan maaari niyang labanan ang mga halimaw sa henerasyong ito.
"Kawili-wili."
Paglalayong makipaglaban ang nag-aalab sa mga mata ni Yu Tianhao at mas naging malakas ang kaniyang paniniwala. Sa isang sigaw ay sumugod siya sa tapat ni Xin Wuheng.
Malapitang laban.
Walang ekspresyon si Xin Wuheng at ang isang kamay ay naging mabagal, mabilis, mabagal, matigas.
Pah! Peng-- Bam!
Sa isang kurap ng mata sina Xin Wuheng at Yu Tianhao ay nakapagpalitan na ng maraming mga tira.
Sa oras na ito pinakawalan ni Yu Tianhao ang kaniyang paniniwala at ang kaniyang mga atake ay mas lumakas.
Kahit na sila ay nasa parehas na cultivation hindi pa rin ito makayanan ni Xin Wuheng.
Kung tutuusin, ang Unparalleled under the Heavens ni Yu Tianhao ay naniniwala sa pagiging dominante at supremo na dudurog sa lahat ng nasa daanan nito.
"Kasama ang isang makapangyarihang martial intent, ang kaniyang mental energy ay nakalagpas na sa level ng paglalayong pumasok."
Taimtim ang ekspresyon ni Xin Wuheng at naintindihan niya na mas mataas pa ang kaniyang kalaban kaysa sa mga nauna.
Shua!
Nagbago ang kaniyang footwork, at ang estilo ng palad niya ay sumanib sa kaniyang katawan.
Sa puntong ito mukhang matanda si Xin Wuheng. Naging isa siyang umaagos na karagatan na maaring humigop sa lahat ng bagay at sa kahit saan.
Napawalang-bisa ang katakot-takot ng opensa ni Yu Tianhao.
Bam! Peng~ Boom!
Ang malapitang laban ng dalawa ay mas naging matindi. Kung isa itong naglalakad hawak ang isang lubid na gawa sa mga wire at sa baba ay mayroong kuweba.
Maraming mga manonood ang napahinga ng malalim habang sila ay nanonood.
Ang mas nakakatakot na bagay pa ay ang labanan mula sa dalawa ay hindi pa tumitigil sa ilalim nila; ilang marka ng patapak ang naiwan.
Mula rito maaaring makita ng isang tao ang level nila sa pagkontrol.
Switching the Stars!
Mula na namang nagbago ang estilo ni Xin Wuehng at naging isa itong paghahatak na halos nakapagpaiba sa direskyon ng atake ni Yu Tianhao.
"Nakakawili ang galaw na iyon."
Nanginig ang anyo ni Yu Tianhao at halos nahatak na siya palayo ni Xin Wuheng.
Kung isa itong henyo na walang kasingtaas ng kaniyang mental energy, maaari silang mahulog sa sahig upang fiance.
Hindi pinalampas ni Tzuyu ang Xin Wuheng na ito at sunod ay hiniwa niya ang papunta sa tiyan ni Yu Tianhao at siya ay naging iisa sa kaniyang mga kaalaman.
Ang lahat ng kaniyang aksyon ay naglalaman ng enerhiya, pokus at
Kapangyarihan.
Peng!
Sa wakas ay napaatras na si Yu Tianhao at ilamg mga hakbang pa muli sa inner st
"Tama, hindi ito basta-bastaโฆ"
Para bang kumulo ang dugo ni Yu Tianhao at sa pagkakataong ito ang kaniyang paglalayong makipaglaban ay tumaas.
Marahan at maayos ang kaniyang cultivation ay lagpas na sa True Human Rank at ito ay nakaabot na sa True Mystic Rank.
Hindi na ito makakayanan ni Xin Wuheng at siya ay napilitang umatras.
Ang lahat ng bagay ay may hangganan at ang kaalaman ng mga kalaban ay lagpas pa kaysa sa sword intent ay sa mga blade intents.
"Ten Thousand Origins Retract!"
Gumamit si Xin Wuheng ng parehas na kamay at mga alon ang lumabas parehas matigas at malambot.
Sa pagtuon ng pansin dito nakita ng mga tao na ang transparent na anyo na ito ay hugis ng TaiChi.
Alone in the Heavens!
Dinurog ng palad ni Yu Tianhao ang lahat na nasa loob ng isang daang milya gamit ang nakakalulang puwersa.
Subalit.
Tinapik ni Xin Wuheng ang kaniyang mga kamay at ang kapangyarihan ay parang napangunahan, sunod ay nahigop at nasalin ito nang lumapit sa kaniya.
"Sa pagkakaroon ng cultivation ng peak True Human Rank, natunaw ba niya ang atake ko?"
Nagulat si Yu Tianhao.
Siyempre, kaya lamang ni Xin Wuheng ang makapagpatunay ng kaniyang atake dahil ang forte niya ay depensa at hindi niya mapagbantaan si Yu Tianhao na nasa True Mystic Rank.
Subalit, ngayon ay gumamit na si Xin Wuheng ng dalawang kamay.
Noon ang gamit lamang niya isang kamay kahit na mayroong mas mataas na cultivation noon.
Sa entablado sa alapaap.
Pinanood ng mga Sovereigns ang labanan ni Yu Tianhao at Xin Wuheng ng mayroong pagkagulat.
"Maaari mo nang makita ang tagong cultvation ni Xin Wuheng mula sa umpisa ng Sacred True Dragon Gathering hanggang ngayon. Ang kaniyang tunay na cultivation ay nasa True Mysitc Rank at walang kahit anong bloodline o top talent."
Sinabi ito ng bronze skinned giant Deputy Palace Lord.
"Ang Xin Wuheng na ito ay may lihim."
Sumang-ayon si Baiyun Dao Sovereign.
Sa pagkakita na ang atensyon ng lahat ng naroroon ay nakatutok kay Zhao Yufei at Xin Wuheng, humihinga.
"Ang mga pakiramdam na ibinibigay niya sa akin ay para bang siya ay maraming karanasan at may malalim na kaalaman. Kung paano niya ginagamit ang mga skills ay isang bagay na ang mga nasa Origin Core Realm lamang ang nakakagawa."
Kumunot ang mga kilay ni Yu Xingchen nang simula siyang tumitig kay Xin Wuheng.
Hindi mapigilan ni Xin Wuheng si Yu Tianhao adahil sa peak True Human Rank laban sa nabanggit na siyang nasa mga ika-unang yugto ng True Mystic Rank.
"Gumawa tayo ng halimbawa: Kung ang isang Origin Core Realm sovereign ay mayroong karanasan at kaaalaman sa isang landas mula sa Consolidated Realm hanggang sa Origin Core Realm at kailangan niya ng cultivation sa umpisa pa lamang, magiging normal siya kahit na wala siyang talento o bloodline?"
Nagbigay ng halimbawa ang Mystic Sword Sovereign.
"Walang tiyak sa mundong ito. Kahit na maganda ang mga bloodlines, hindi lamang ito ang tanging daan. Ang pangunahing susi ay ang kinabukasan. Noon ang Scarlet Moon Religion Patriarch ay mayroon ding pangkaraniwang talento at walang bloodline power."
Sumang-ayon ang mga Sovereigns.
Hindi naman dahil sa wala ng tulad ni Xin Wuheng noon.
Kasunod ng ilog.
Sa isang lugar na naselyuhan ng yelo.
Mahigpit na magkayakap sina Zhao Feng at Goddess Bing Wei at habang nakahinto ang oras ang huling banggit ay nagulat sa siksik na dense ng Qi ng True Spirit.
Isang buong oras na ang nakalipas, subalit si Zhao Feng ay nagsusunog pa rin ng kaniyang Qi ng True Spirit kahit na maliig na bilang lamang ito.
Ang kapangyarihan ng nagsusunog ng Qi ng True Spirit ay nakakakaba at kaya nating mabilis na tunawin ang yelo.
Dagdag pa rito.
Ang bloodline power ni Zhao Feng ay nagpatuloy sa paghigop ng ice powers at mukhang lumakas ang kaniyang bloodline.
"P*nyeta t*nginang 'to gumamit ng nakakahiyang mga paraan para selyuhan ako."
Kahit na si Zhao Feng ay wala sa bingit ng kamatayan, naririndi pa rin siya.
Matapos mayakap at manigas dahil sa babaeng ito sa loob ng matagal na panahon, nainis siya subalit dahil sa katotohanan na naninigas siya, hindi siya naglakas-loob ng magsunog ng maraming Qi ng True Spirit nang sabay-sabay dahil walang ibang paraan apra pakawalan ito.
Huala!
Isang liwanag na kasing laki ng isang yarda ang kumislap mula sa ilog at isang taong nakasuot na lila na mayroong kulay nyebeng balat ang lumitaw.
"Yufei, bakit ka lumabas agad-agad?"
Natakot si Mo Tianyi.
Kumislap ang mga mata ni Zhao Yufei at bigla siyang may naramdamang isang bagay at lumingon siya sa naninigas na lugar doon.
Sa nagyeyelong parte si Zhao Feng ay mahigpit na yakap-yakap ng isang nagyeyelong kagandahan.
Nagdulot ang eksenang ito upang manlamig ang kaniyang puso.
"Bitawan mo si Brother Zhao Feng!!"
Nang makita niya ang sitwasyon, isang malamig na liwanag ang kumislap sa kaniyang mga mata at siya ay naging isang malabong ilaw na sumunggab patungo sa sentro ng yelo.
Hu~~
Nang lumipad si Zhao Yufei, isang makapangyarihang aura ng True Spirit ang kumulay sa alapaap at bawat henyo na nasa loob ng isang daang milya ay nakaramdam ng paglukso ng kanilang mga puso.
"Napakalakas na aura. Para itong isang True Lord na kayang magpalabas ng Heaven Earth Yuan Qi."
Si Goddess Bing Wei na may yakap-yakap kay Zhao Feng ay itiniim ang kaniyang mga ngipin at muli na naman niyang pinababa ang temperatura.